All Chapters of One Night Of Seduction by: R. T. Aguillon : Chapter 21 - Chapter 30
48 Chapters
CHAPTER 21
"Good morning babe! Breakfast in bed!" ani Luke habang bitbit ang tray ng pagkain at inilapag ito sa kama.Tuwang-tuwa naman si Trisha na kagigising pa lamang at nakahiga pa sa kama."Thank you! Pero sandali ha mag toothbrush muna ako ng mabilis ha!" saad naman ni Trisha at mabilis na bumaba sa kama at pumasok sa banyo para mag sipilyo.Mabilis na nag toothbrush si Trisha at pagkatapos ay bumalik na ito sa kama. Inabutan niya naman si Luke na inaayos ang kanilang kakainin."Dito talaga tayo kakain sa kama?" nakangiting tanong ni Trisha."Yes, babe. Kaya nga tinawag na breakfast in bed eh!" nakatawa namang saad ni Luke."Ok. Let's eat!" ani Trisha na natawa rin dahil sa sinabi ni Luke.Masiglang kumain ang dalawa at paminsan-minsan ay nag susubuan pa."So, mag susurf tayo ngayon?" tanong ni Luke pagkatapos kumain."Sige! Excited na nga ako eh!" masayang sagot naman ni Trisha."Ok! Ihanda natin ang mga gamit na pang surf, tara?Matapos ihanda lahat nang gagamitin pumunta na sa dagat sin
Read more
CHAPTER 22
"Let's go back muna sa bahay Trisha. Maaga pa naman, baka hindi pa naman tayo abutin ng gabi sa byahe," ani Luke."Bakit bigla kang nag aya pauwi? Akala ko ba may pupuntahan pa tayo?" nag tataka namang tanong ni Trisha na abala sa kinakain na alimasag. Kumakain kasi sila ng tanghalian at nag padeliver sila ng sea foods sa kanilang kuwarto at sarap na sarap si Trisha sa pag kain ng matabang alimango at malalaking hipon."Tumawag kasi si Manang Delia, iyong care taker natin sa bahay na may emergency daw kaya kailangan nandoon tayo para malaman natin kung ano ba talaga ang problema," paliwanag naman ni Luke."Ok! Walang problema sa akin. Naging masaya naman tayo dito eh!" ani Patricia habang ngumunguya.Lihim naman natuwa si Luke sa sagot ni Trisha.Nang makatapos kumain ay nag ayos na sila ng kanilang mga gamit."Saan tayo sasakay Luke?" tanong ni Trisha habang tinutupi ang kaniyang mga damit."Nagpasundo ako kay Mang Caloy. Maya-maya lang ay nandito na iyon kaya bilisan mo na diyan,"
Read more
CHAPTER 23
Maya-maya ay biglang may tugtog na narinig si Trisha. Love song na paborito niya. Luma man pero ang ganda ng mensahe nito, ang "Born for You". Takang-taka naman si Trisha dahil bakit mag papatugtog pa ang kidnapper na iyan? Addict yata ang kumidnap sa kaniya talagang mag papatugtog pa ng love song at iyong paborito niya pa talaga ha? Gusto niyang matawa dahil sa trip ng kidnapper at nakalimutan niya ng kaunti ang takot.Maya-maya ay may narinig siyang lumalakad palapit sa kaniya kaya muli siyang kinabahan."Sino ka? Kung may binabalak ka mang masama please huwag mo nang ituloy maawa ka sa akin please! Bata pa ako para mamatay saka ang ganda ko ano para mamatay ng maaga!" pakiusap niya at sinubukan niya pang biruin ang kung sino man na palapit sa kaniya dahil baka sakaling mag bago ang isip nito at hindi na lang siya patayin.Ngunit nagkamali siya dahil patuloy itong lumalakad palapit sa kaniya at hinawakan siya sa kamay."Do you want to be my kidnap victim all your life? Dahil sayan
Read more
CHAPTER 24
Nanginginig sa galit si Patricia sa kaniyang nasaksihan. Hindi siya makapaniwala na ganoon kabilis siyang matatalo ni Trisha.Nag wawala si Patricia dahil sa sobrang galit."Hindi! Hindi ako makakapayag na ikasal ang Trisha na iyon kay Luke! Hindi ako papayag!" pasigaw na anito."Ngunit Patricia, wala ka nang magagawa! Nag propose na si Luke!" wika naman ni Vicky. "Hindi! Gagawa ako ng paraan! May panahon pa! Gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal nila! Gagawa ako ng paraan!" umiiyak na saad ni Patricia. Desidido s'ya na pag hiwalayin sina Luke at Trisha."Pero Patricia wala nang paraan! Ito na siguro ang tamang panahon para isuko mo na si Luke!mag move on ka na Patricia!" wika naman ni Vicky."Hindi ako susuko Vicky! Ito na ang panahon para ipakita sa kanila kung sino ang tunay na ako!" pag babanta ni Patricia.Naiiling na lamang si Vicky dahil alam niya na wala na siyang magagawa pa dahil buo na ang desisyon nito. Kinuha ni Patricia ang telepono at nag dial."Hello! Simu
Read more
CHAPTER 25
"Hi! Luke! Nice to see you again!" malanding saad ni Patricia nang mabungaran niya si Luke sa table nito na super busy sa pag rereview ng isang tambak na mga papeles na dapat pirmahan.Hindi man lamang ito tinapunan ng tingin ni Luke at diretso lamang ito sa ginagawa."Come on Luke! I will help you with your work naman eh! Just say hi to me!" pag lalambing pa nito."Shit! Patricia! Don't you see that I have so many papers to review! So please don't disturb me! you can help if you want to help but don't bother me, will you!" inis na saad ni Luke. "Bakit ka ba ganiyan Luke? Ikaw na nga itong tutulungan ikaw pa ang galit? How dare you? Kung hindi ka umabsent ng napakatagal para lang makipag lambutsingan sa babaeng bayaran na iyon hindi ka matatambakan ng trabaho!" inis ding sagot ni Patricia.Dahil sa narining ay biglang kumulo ang dugo ni Luke sa galit at mabilis nitong nalapitan si Patricia at hinawakan sa dalawang balikat na sobrang higpit."Don't you dare to call Trisha bayaran! Dah
Read more
CHAPTER 26
Nag mumuni-muni si Trisha sa buhanginan, tamang nag aagaw kasi ang dilim at liwanag. Na mimiss niya na si Luke. Pero wala siyang magagawa kasi marami daw kailangang gawin sa opisina lalo na at matagal din siyang hindi pumasok at nauunawaan niya naman ito. Pero may ganda ding naidulot ang pag kakalayo nila dahil lalo niyang naramdaman na mahal na mahal niya na si Luke. Muli niyang binalikan ang mga unang araw nang pag kikita nila. Napaka cold nito at tila ba galit sa mundo at hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay mamahalin siya nito. Talagang mahiwaga ang pag-ibig dahil hindi mo alam na sa hindi inaasahang tao ka pala matututong mag mahal. Katulad nila ni Luke. Nag kakilala sa maling pag kakataon pero kahit ganoon ay nagkaroon pa rin ng puwang ang pag ibig sa kanilang mga puso para sa isa't isa."Hey! Mukhang malalim ang iniisip natin diyan ha!" panggugulat ni Tristan na bigla na lamang sumulpot sa tabi ni Trisha."Ano ka ba Tristan? Para kang kabute na bigla na lamang sumusulpot
Read more
CHAPTER 27
Matapos lumangoy ni Trisha ay bumalik na siya sa bahay. Pinakiramdaman niya ang mga tao sa bahay kung mayroong makakahalata na kauuwi niya pa lamang mula kagabi. Ngunit sa kabutihang palad ay parang wala naman nakapansin sa kaniya na wala siya sa buong mag damag. Kaya tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto upang mag banlaw. Pipihitin na sana ni Trisha ang doorknob ng may mag salita sa kaniyang likuran."Ma'am! Nag swimming ho pala kayo! Ang aga n'yo naman pong bumangon?" tanong ng katiwala nila na nasa likuran niya na pala.Nakadama ng kaunting kaba si Trisha sa mga tanong nito ngunit kinalma niya ang kaniyang sarili dahil mahirap na baka mahalata pa siya na may itinatago siya."Ah! O-oo, oo tama! Medyo hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi eh! Kaya iba ang pakiramdam ko sa katawan kaya bumangon ako ng maaga. Medyo madilim pa nga ng lumabas ako kasi hindi na ako makatulog kaya naisipan ko na lang na lumangoy para medyo bumuti ang pakiramdam ko!" palusot naman ni Trisha na dinadasal
Read more
CHAPTER 28
Minadali ni Luke ang kaniyang trabaho sa opisina dahil masyado na siyang nag aalala kay Trisha.Hindi rin kasi siya makapag focus sa trabaho dahil sa kaiisip sa kaniyang nobya. Kaya napag pasiyahan niyang dalhin na lamang ang ibang papeles sa resort sa Siargao at doon niya na lamang tatapusin ang mga ito."Hey! Luke! Where are you going? Bakit parang paalis ka yata? Kadarating ko lang aalis ka kaagad!" malanding saad ni Patricia na tila ba nakalimutan na kaagad ang nangyari sa pagitan nila ni Luke kahit ilang araw pa lamang ang nakakalipas.Biglang namang tumiim ang bagang ni Luke kay Patricia dahil sa galit. Alam niya kasi na may ginawa si Patricia kaya ganoon si Trisha ng makausap niya. Hinawakan niya ito sa mag kabilang balikat at hinarap sa kaniya."Anong ginawa mo kay Trisha ha?" galit na galit ma saad ni Luke."Hey! Wait! What are you talking about? Wala akong ginagawa kay Trisha? At paano ko magagawa iyon eh nasa Siargao siya at andito ako sa Manila? Come on Luke! You're crazy!"
Read more
CHAPTER 29
Makalipas ang ilang araw ay nag simula nang asikasuhin nina Luke at Trisha ang kanilang kasal. Nag hanap na din sila ng wedding organizer na siyang mag aasikaso ng lahat."Luke, bukas ay naka schedule tayo para sa pag sukat ng ating isusuot sa kasal ayon dito sa plan ng organizer natin," ani Trisha habang binabasa ang plano ng kasal."Ok! Anong oras ba?" sagot naman ni Luke."9 am! Tamang-tama Luke, simba muna tayo saka tayo tumuloy doon sa boutique," ani Trisha."Pwede din. Ok na ba sa'yo ang plano nila? Beach wedding!" tanong ni Luke."Oo naman! Ang ganda nga eh!" masayang sagot ni Trisha."Well, for me approved na sa akin lahat ng plano, we can start the preparation next week," ani Luke."Approve din sa akin. Perfect nga ang plano nila eh. Excited na ako masyado Luke!" nakangiting ani Trisha."Ok! Ako din I'm so excited!" saad naman ni Luke."Ahm... Luke, pwede ko bang papuntahin dito si nanay?" tanong ni Trisha."Why?" tanong naman ni Luke."Na mimiss ko na kasi siya eh! Saka mala
Read more
CHAPTER 30
Maagang gumising sina Luke at Trisha para pumunta sa mag tatahi ng kanilang mga damit pang kasal. Hindi basta-basta ang mag tatahi ng kanilang damit dahil ito ay ang nag tatahi sa mga damit ng mga sikat na artista dito sa Pilipinas. Isa rin ito sa nag tahi sa isa sa mga kandidata na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe."Marami kaming mga bagong designs na sigurado akong babagay sa iyo Miss Trisha! At napaka swerte mo dahil ikaw ang unang makakapag suot ng design na iyon!" excited na saad ng bakla na may ari ng boutique na iyon. Sikat ang boutique na iyon dahil sa mga unique na design ng mga gowns kaya naman dinadayo ito ng mga sikat na artista."Wow! Ang ganda nito Luke!" excited na saad ni Trisha ng makita ang isang wedding gown."Napakaganda nga niyan Trisha! I'm sure na mag mumukha ka diyang diyosa sa ganda!" natutuwa namang ani Luke.Mukha kasing pang fairy ang design ng gownat sigurado si Luke na bagay na bagay nga iyon kay Trisha."Exactly Luke! Mag mumukha siyang isang engk
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status