All Chapters of Nabuntis Ako ng Bilyonaryo : Chapter 51 - Chapter 60
82 Chapters
Kabanata 50: pagsuyo
NAPABUNTONGHININGA si Tallulah nang hindi pa rin bumukas ang condo unit ni Kendric kahit nakailang doorbell na siya roon. Nalaman niya mula kay Brielle na nandoon ang binata kaya agad niya itong pinuntahan. Hindi pwedeng hindi niya ito makausap, kailangan nilang ayusin ang gusot sa pagitan nila. Ayaw niyang masaktan si Kendric.Muli niyang pinindot ang doorbell at nang akmang uulitin niya iyon nang bigla iyong bumukas at niluwa si Kendric na gulo-gulo ang buhok at halatang kagigising lang."Kendric," aniya at ngumiti. Sinuri niya ang nobyo mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo. "A-ano'ng nangyari sa iyo, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Walang emosyong bumakas sa gwapo nitong mukha kahit hindi maayos ang hitsura nito. Umiwas ito sa kaniya ng tingin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig nitong tanong bago tumalikod at pumasok sa loob ng silid. Sumunod siya rito.Napangiwi siya nang maamoy ang amoy ng alak at makita ang nagkalat na bote at pulutan sa sala ng condo. "Nag-inom ka ba? Ke
Read more
Kabanata 51: Kindness
SERYOSO LANG si Tallulah habang naglilinis siya ng silid ni Gael. Kanina pa siyang tahimik at nagtataka rin siya dahil hindi siya sinalubong ng masungit na Gael nang makabalik siya sa mansyon. Kaswal lang itong nag-uutos sa kaniya at hindi siya sanay na hindi ito nagagalit sa kaniya.Naalala na naman niya ang sinabi ni Callum tungkol sa lalaking yumakap dito. Alam na ni Gael ang tungkol sa anak nila pero bakit wala itong sinasabi? Matagal na ba nitong alam ang tungkol doon? Paano? Umiling siya. Hindi na siya dapat magtaka pa dahil alam naman niya ang kakayanan ni Gael na alamin iyon dahil sa yaman nito at sa koneksyon na mayroon ang pamilya nito."Hindi ka pa ba tapos, diyan?"Napahinto siya sa paglilinis at nakita niyang nasa likod na niya si Gael. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya ngunit hindi niya makita ang matalim nitong tingin."May kailangan po ba kayo, Sir?" Umiwas din agad siya ng tingin."I want you to eat with me, Tallulah. Bilisan mo na riyan at dalhin mo ako sa dini
Read more
Kabanata 52: Pagbawi
"HOW WAS the investigation, Hiro?" tanong ni Gael sa lalaki habang nasa study room siya ng silid niya."We expect the result by tomorrow, Sir Gael," sagot ni Hiro."Good! We need to prepare for the board meeting next week para tayo ang panigan nila. I'm ready to get what supposed to be mine at ibabalik ko si Serum sa kung saan lang siya dapat," puno ng determinasyong aniya. Ngumisi pa siya dahil wala nang kawala ang lalaking iyon sa lahat ng katiwalian nito sa kompanya.Kapagkuwa'y nabahala ang mukha ni Hiro. "Pero, sir mayroon pa tayong problema dahil nang i-track ng investigator ang lahat ng transaction ng kompanya, totoong napunta lahat ng perang lumabas sa lahat ng proyektong nagawa ni Serum. Ang kailangan nating makompirma ay ang malaking halagang pumasok sa account niya," pag-amin ni Hiro.Natigilan siya at napakunot ang noo. "Ano'ng ibig mong sabihin? Lahat ng overpriced project ni Serum at lahat ng transaction ay accurate at walang anomalya?" pagkompirma niya. Tumango si Hiro.
Read more
Kabanata 53: Heartbeat
PABAGSAK na humiga sa kama si Tallulah matapos niyang pumasok sa silid niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang tiisin ang lahat dahil utay-utay na niyang nararamdaman ang pagod at sakit na para sa kaniya'y hindi na niya deserve.Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame. "Hanggang ngayon, nagpapaka-martyr ka pa rin sa lalaking walang ibang ginawa kung 'di saktan ka. Hanggang kailan ka magtitiis, Tali?" aniya sa sarili. Naramdaman na lang niya ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Naalala niya lahat ng ginawa niya noon para lang mahalin ni Gael. Nagpakatanga siya, nagpaka-martyr at tiniis lahat ng sakit na pinaramdam sa kaniya ng binata. Ibinaba niya ang sarili niya para lang mahalin nito at akala niya'y matatapos iyon nang mawala ito pero kailangan pala ulit niyang gawin iyon para sa sarili niya, para alisin ang guilt sa puso niya dahil iniisip niyang kasalanan niya ang lahat.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone na nasa tabi niya a
Read more
Kabanata 54: Ex
"ANO bang nasa isip mo, Tali? Bakit hinayaan mong mangyari iyon?" sermon ni Tallulah sa sarili, saka nagpagulong-gulong sa kama niya. Hindi maipinta ang mukha niya sa labis na inis dahil naging marupok siya sa mga tingin ni Gael sa kaniya.Kapagkuwa'y napatitig siya sa kisame. Hindi niya namalayang dahan-dahan niyang sinapo ang mga labi niya kasunod nang pagbalik sa isip niya kung paano siya tiningnan ni Gael, kung paano lumapat ang mga labi nito sa kaniya at kung paano ito nagbago sa harap niya na noon ay hinahanap niya sa binata."Tali, nang sinabi kong gusto kong subukang magpatawad, I really meant it. Gusto kong subukan."Nang muli siyang natauhan, mabilis siyang umiling at pumikit ng mariin. Dumapa siya at sinubsob sa unan nag mukha at paimpit na tumili. Mababaliw na ata siya. Hindi siya sanay na ganoon siya ituring ni Gael at hindi niya alam kung bakit napapabilis na naman nito ang tibok ng puso niya sa pamamagitan ng mga tingin nito.Hindi niya namalayang sumikat na ang araw na
Read more
Kabanata 55: Stay
NAKAYUKO lang si Tallulah habang nakatayo sa gilid ng sofa. Kasalukuyan nandoon si Gael, si Carmella, si Serum at si Donna. Kanina pang tahimik lang si Gael at para bang wala itong pakialam kung nandoon man si Carmella. Hindi niya rin alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa babae o baka dahil hindi lang niya gusto ang ugali nito."So, how are you, Gael? Hindi mo ba ako na-miss? It's been two years since we last met," sabi ni Carmella at mas tumabi pa kay Gael. Siniksik pa nito ang braso sa braso nito habang nakangiti."Why are you here?" malamig na tanong ng binata na hindi nilingon si Carmella.Natahimik ito at bumaling kay Donna at agad ding bumalik ang tingin kay Gael. Pilit pa rin itong ngumiti kahit dismayado sa tanong ng binata."Ano ka ba naman, Gael? Iyan lang ba ang sasabihin mo after two years that we've never seen each other? Of course, I'm here because of you. I wanna take care of you. Gusto kong alagaan ka habang hindi ka pa nakakakita," sabi nito na halata roon ang pa
Read more
Kabanata 56: Confusion
HINDI pa rin mawala sa isip ni Tallulah ang mga sinabi ni Gael sa kaniya at kung paano nito siya tingnan. Bakit sobrang apektado siya sa pagiging mabait nito sa kaniya? Ano ba talagang nasa isip ni Gael? Kasama pa ba ito sa plano niya o totoong nagbago na ang ihip ng utak nito?Nasapo niya ang kaniyang noo at napapikit nang mariin nang makalabas siya sa silid ni Gael. Mababaliw na ata siya sa pinakikita nito sa kaniya pero hindi niya maiwasang hindi kabahan sa pwedeng gawin sa kaniya ni Carmella gayong mas pinanigan siya ng binata kaysa rito."Hey! It's you again with the same reaction, are you ok?"Napaangat siya ng tingin at tumambad sa kaniya si Hiro na nangingiti dahil muli na naman siya nitong nakita sa ganoong sitwasyon."H-huh? A-ako? Ok lang ako," aniya at alangang ngumiti. Umiwas siya ng tingin dito."But you look not ok? You look tense," giit nito.Tumawa siya kahit peke iyon. "Huh? H-hindi, I'm fine. S-sige, may gagawin pa ako." Hindi na niya hinintay na magsalita si Hiro.
Read more
Kabanata 57: Fear
"HEY! YOU ok, Tali?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Serum. Kanina pa siyang nasa terrace at nakatulala dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Gael. Ginugulo niyon ang utak niya at hindi niya alam kung paano iiwasan ang kakaibang nararamdaman niya. Natatakot siya na baka mahal na ulit niya ito. Paano si Kendric?Umiwas din agad siya ng tingin sa binata. "O-ok lang ako, Serum," pakli niya.Lumapit ito at pumwesto sa tabi niya. "Dahil ba kay Gael o dahil kay Carmella?" Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya. "Well, I just wanna say sorry dahil sinungitan ka ni Carmella at gusto ka niyang paalisin sa mansyon. She's just being protective kahit alam niyang wala siyang mapapala sa ginagawa niya para kay Gael." Pumamulsa ito at bakas ang inis sa mukha na lumingon sa labas."Wala na iyon sa akin, Serum." Suminghap siya. "Kung tutuusin, tama naman siya, eh, ano pa nga bang ginagawa ko rito kung nandito na siya para alagaan si Sir Gael?" malungkot niyang aniya. "Obvious
Read more
Kabanata 58: She's Gone
"WHERE'S is she, Hiro?" nababahalang tanong ni Gael sa binata dahil simula nang magising siya, hindi pa niya nakikita ang dalaga. Kanina pa niyang gustong lumabas at hanapin ito pero alam niyang hindi pwede dahil malalaman nilang nakakakita na siya.Kumunot ang noo ni Hiro dahil sa pagtataka nito sa kinikilos niya. "B-bakit parang nag-aalala ka ng sobra sa kaniya, Sir Gael? Lately, napapansin ko na hindi ka na palaging galit sa kaniya and you always choose her over Carmella. Is it real or it's still a part of your plan?" usisa nito.Natigilan siya at umiwas ng tingin sa kaharap. "J-just answer my question, Hiro nasaan si Tali? Did she left? Umalis na ba siya sa mansyon?" aniya para hindi sagutin ang tanong nito.Natawa si Hiro at napakamot sa noo. "You don't need to answer my question, sir because obviously you're really into her," tila masayang komento nito. Sumeryoso rin naman ito. "Well, simula nang pumasok ako sa mansyon, hindi ko pa nakikita si Tali. Akala ko nga nandito siya, eh
Read more
Kabanata 59: Forgiveness?
HINDI alam ni Tallulah kung nakailang bangon na siya at kung nakailang pagulong-gulong na siya sa kama dahil hindi siya makatulog sa kakaisip sa kakaibang pinakikita at pinararamdam sa kaniya ni Gael. Hindi na niya alam kung alin ba ang totoo at hindi sa mga iyon pero kahit ano'ng isipin niya, alam niya sa kaniyang sarili na gusto niya ang lahat ng iyon at iyon ang matagal na niyang gustong maramdaman mula sa binata. Ngunit sa kabila niyon, tama bang maramdaman niya iyon gayong ikakasal na siya kay Kendric?"Haist!" Hindi na maipinta ang mukha niya sa pagkagusumot dahil sa magulo niyang utak.Padabog siyang tumayo ng kama at at lumabas ng silid niya. Baka kailangan lang niya ng maraming tubig para makalma. Huminto siya nang tumapat siya sa silid ni Gael."I'm sure, tulog na iyon," mahinang bulong niya. Hindi niya alam pero gusto niyang makita ang binata pero pinigilan niya ang sarili. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad hanggang makarating siya sa kusina. Nang makapasok siya roon, nap
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status