All Chapters of KUNG AKO AY IIBIGIN MO: Chapter 21 - Chapter 30
66 Chapters
CHAPTER TWENTY
KINABUKASAN, sa unang araw matapos ang kanilang kasal, napuno uli ng mga pagkukunwari ang pagitan nina Markus at Helena bilang ganap na ngang mag-asawa. Mga pagkukunwaring kailangan nilang patuloy na pangatawanan dahil kay Doña Amanda na heto, sa mga sandaling ito’y nagpahanda ng masaganang almusal sa hardin para sa kanila.At tila nag-i-enjoy naman sa pagsisilbi sa isa’t-isa ang mag-asawa. Ipinagtimpla pa ni Helena ng kape si Markus at dinulutan ito sa plato ng mainit na fried rice. “Ano ang gusto mong ulam, Mac?” tanong pa ni Helena dito. May lambing.Napangiti si Markus, hindi dahil sa dami ng nakahaing masasarap na ulam sa harapan niya kun’di sa paraan ng pagtawag sa kan’ya ni Helena.‘Mac…’ Iyon ba ang name of endearment sa kan’ya ng asawa?Mac…’ Ang sarap sa tenga. Ang sarap pakinggan.First time na may tumawag sa kan’ya ng ganoon. At hindi niya yata mapapayagan ang iba na tawagin din siya ng ganoon. Kay Helena niya lang ibibigay ang karapatan na tawagin siya sa ganoong pangalan
Read more
CHAPTER TWENTY ONE
MATABANG ang pakikiharap ni Lester kay Markus nang lapitan niya ito matapos siyang lumabas ng pribadong opisina ng asawa.Si Lester ay ang kaibigan ni Markus sa kompanyang iyon. Sanggang dikit sila nito kumbaga. Sabay silang nag-apply dito at halos sabay ding natanggap. Nasa accounting department siya samantalang nasa marketing department naman ito.“K-kumusta?” ani Markus na tinapik pa ang balikat ng kaibigan habang busy ito sa harap ng computer.Umiwas si Lester. Tumayo ito at kunwa’y inabala ang sarili sa ibang bagay.Alam ni Markus, masama ang loob sa kan’ya ng kaibigan. Halos lahat ng bagay kasi na may kinalaman sa kanilang mga buhay, mapa-personal man iyon o hindi ay napag-uusapan nila, pero hindi nga ang tungkol kay Helena. At isa pa, hindi niya na rin ito naabisuhan sa pagkamatay ng kan’yang ama dahil sa maraming kaguluhan ng isip na na-engkuwentro niya nang nagdaang mga araw.“Tara sa canteen, pare. Magkape tayo.” anyaya dito ni Markus. “Maghuntahan tayo saglit.”“Hindi pa or
Read more
CHAPTER TWENTY TWO
PANGITI-NGITI lang si Doña Amanda habang inililibot ang mga mata sa kabuoan ng bahay na uupahan ng kan’yang apo at ni Markus.“Hmmnn, lola? P’wede ko bang malaman kung ano ang iniisip mo sa titirhan namin ng asawa ko? What do you think?” untag ni Helena sa abuela.Tumango-tango ang matanda. “Kaya mo bang maging masaya at makuntento sa ganito kasimple lang na bahay, apo?” sagot ng matanda. Bumaling ito kay Markus. “Don’t get me wrong, hijo. Please understand what I’m trying to say. It’s just that, nasanay lang ang aking apo sa marangyang pamumuhay at kapaligiran. But, I’m not againts to this kind of sorroundings. At tanggap ko na, na kung ano lang ang kaya mong ibigay kay Helena, dapat din iyong tanggapin ng aking apo. Kasi ikaw ang pinili niyang makasama sa buhay. Ikaw na isang simple lang na lalaki. Ang gusto ko lang tiyakin dito sa aking apo, tatagal ba siya sa ganito lang kasimpleng buhay?”“Of course, lola!” maagap na sagot ni Helena. “You know me, right? Kahit mula nang magkaisi
Read more
CHAPTER TWENTY THREE
“SALAMAT, Mac…” masayang sabi ni Helena habang nag-aalmusal sila, nang marinig kinabukasan kay Markus na pumapayag na itong mamili sila ng lahat ng kailangan niya para maging komportable siya sa tinitirhan nila. “Malaking bagay sa akin ang pagpayag mong ito. Hindi ako magiging guilty na natapakan ko ang ego mo.”“Ang totoo, naawa ako sa ‘yo kagabi,” nahihiyang tugon ni Markus. “Hindi ka agad nakatulog kahit may katapat kang electric fan.”“Paano mo nalaman?” nanlaki ang mga matang tanong ni Helena. “Hmmnn, sinisilip mo ako kagabi sa kuwarto?”Tumawa si Markus. “Walang malisya ‘yon, maniwala ka. Naramdaman ko lang kasi na malikot ka. Hindi mapakali. Palibhasa papag lang ang hinihigaan mo. Lumalangitngit sa bawat paggalaw mo.”“Alam ko naman ‘yon. Binibiro lang kita. Pasens’ya ka na, ha? Aaminin kong hindi talaga ako makatulog kagabi. Sobrang init ng pakiramdam ko. Siguro gano’n talaga. Maiinitin siguro talaga ang mga buntis.”“Hindi ka sanay na walang aircon, Helena. Iyon ‘yon.” tuma
Read more
CHAPTER TWENTY FOUR
CAMARINES NORTE, BICOL…Tumuloy muna sa rest house nila sa bayan ng Daet sina Markus at Helena matapos silang umibis sa private chopper ng mga Montenegro sa airport ng Bagasbas. Masaya silang sinalubong ng mag-asawang katiwala ng pamilya sa bahay na iyon. Sina Tyong Lino at Tyang Marta.“Helena…! Aysus, kagara-ganda pa man din giraray! Dae nagbag-o ang aking ini maski may agom na at bados!” Natutuwang salubong ni Tyang Marta.“Mabag-o man baga ‘yan? Sapul pagkaaki magayon na!” dugtong naman ni Tyong Lino.Nangingiti lang si Markus kahit hindi naiintindihan ang sinasabi ng mga sumalubong sa kanila. Siniko ito ng asawa.“Naintindihan mo?” tanong dito ni Helena.Umiling si Markus.“Maganda pa rin daw ako! At hindi nagbago ang kagandahan ko kahit nag-asawa na ako at buntis na.” tumawa pa si Helena.“Ah, totoo naman! Naniniwala ako diyan!” sabi naman ni Markus.Tumawa rin ang mag-asawang katiwala. “Naku, hindi nga pala maiintindihan ng asawa mo ang salita namin dito.” anang lalaking katiw
Read more
CHAPTER TWENTY FIVE
“MAC? Mac!”Nagising si Markus sa sunod-sunod na pagyugyog sa kan’ya ni Helena. Nakaluhod ito sa sahig at nakadukwang sa mukha niya.Bigla siyang napabangon sa pagkakahiga sa carpeted floor sa loob ng silid na iyon. Muntik pa niyang madunggol ang labi nito at mahalikan ng hindi sinasadya.‘Sayang!’ aniya sa isip.“H-ha? Bakit?” pupungas-pungas pa si Markus. “Anong nangyari?”“Nananaginip ka na naman!” Nakakunot ang noong sagot ni Helena. “Gan’yan ka ba talaga? Laging nananaginip? Ano ba kasi ang mga iniisip mo bago ka matulog?”‘Ikaw!” gustong isagot ni Markus. Nagpigil lang siya.“What did you dream about this time, huh?” usisa uli ni Helena.“Ano ba ang naging reaksyon ko?” May kuryosidad namang balik tanong ni Markus.“Galit na galit ka. Parang gusto mong manakit. And who do you want to hurt in your dream?”Umiling si Markus. “Hindi ko na matandaan.” Pagkakaila na lang niya.Ang totoo, malinaw pa sa isip niya ang naging panaginip. Na masaya noong una pero nauwi sa kalungkutan at iy
Read more
CHAPTER TWENTY SIX
SA PAGLIKWAD ng mga araw, nagpatuloy ang kunwaring buhay mag-asawa nina Markus at Helena. Bagama’t hindi nga sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon, nauwi naman sa pagiging magkaibigan ang naumpisahan nilang samahan.Tumitindi man sa paglipas ng mga araw ang damdaming nadarama si Markus para sa babaeng pinakasalan, hindi iyon naging dahilan upang samantalahin niya ang patuloy na magandang pakikitungo ni Helena sa kan’ya at sa pamilya niya.Nag-aaral na lahat ang kan’yang mga kapatid. Si Aling Lora naman ay unti-unti na ring bumabalik ang dating sigla na bahagyang naapektuhan ng pagkawala ni Mang Berting. Nawiwili ito sa pag-aasikaso ng kan’yang sari-sari store. Nagtutulungan ang nanay niya at mga kapatid sa pagpapalago ng munting kabuhayan ng mga ito lalo at nauuso ang online selling. Kapag walang pasok ang magkakapatid, kung ano-anong produkto rin ang ibinibenta ng mga ito gamit ang internet. Isang bagay na hinangaan ni Helena sa pamilya ni Markus. Mas lalo nitong napatunayan na
Read more
CHAPTER TWENTY SEVEN
NAKANGITI si Helena habang pinagmamasdan niya ang himbing na himbing nang si Markus na nakahiga sa mahaba nilang bamboo sofa. Medyo nakanganga pa ito. At naririnig din niya ang mahinang paghilik nito.Napailing siya. Minsa’y pinagtawanan siya nito at sinabing napakaganda niyang babae pero nakanganga raw pala siyang matulog at naghihilik pa. Para bang ang isang katulad niya ay walang karapatang maghilik. Of course nagbibiro lang naman ito noon nang sabihin iyon. Pero nakakatawa nga pala talagang pagmasdan ang nagiging gesture sa pagtulog ng ilang tao. Katulad niya at ni Markus. Heto nga at baka maya-maya’y tumulo pa ang laway nito dahil sa sarap at pagkahimbing ng tulog. Impit siyang napahagikgik sa naisip na iyon. Para siyang bata.Sa isang banda nama’y nakadama siya ng awa sa asawa. Alam niya kasing sobra itong napagod kanina sa trabaho. Nag-request kasi siya rito na sumama sa pag-iikot sa mga malalaking supermarket sa Metro Manila para sa production checking ng kanilang mga produkto
Read more
CHAPTER TWENTY EIGHT
“H-HELENA…?” Nagulat na sabi ni Markus nang bigla itong maalimpungatan at nang idilat ang mga mata, ang nabungaran nito agad ay ang kan’yang asawa na nasa harapan niya at nakatunghay sa kan’ya.Napabangon si Markus. “B-bakit? Anong ginagawa mo rito?” Sinalat niya pa ang noo ni Helena. “Bakit hindi ka pa natutulog? May dinaramdam ka ba? Sumasakit ba ang tiyan mo?” Parang nataranta, sunod-sunod na tanong niya na may pag-aalala pa sa tono ng boses.Napangiti si Helena sabay iling. Parang kinilig siya sa ipinakitang concern ng asawa at higit sa lahat, ‘may idadahilan na siya…! T’yempo!’“H-hindi. Wala akong dinaramdam. Parang, may narinig kasi ako kanina na umuungol ka. I thought, baka nananaginip ka na naman kaya pinuntahan kita.” Gumagaling na talaga siyang magkaila, ani Helena sa sarili. Huwag sanang makahalata ang asawa niya.“G-ganoon ba?” Napakamot sa ulo niya si Markus. “Hindi ko matandaan…”“H-huwag mo nang isipin ‘yon. Matulog ka na uli…” akmang tatayo na rin si Helena nang pig
Read more
CHAPTER TWENTY NINE
MAGKAYAKAP sina Markus at Clarisa ng mga sandaling iyon. Umiiyak si Clarisa habang nakasubsob sa dibdib ni Markus.Ang isang kamay ni Markus ay humahagod naman sa likod ng kan’yang kababata.Damang-dama ni Helena ang mabigat na tensyon ng mga oras na iyon. Para bang hindi siya dapat maging istorbo sa dalawang nilalang na ito na heto, at ika nga ay nasa wagas nilang ‘moment’ na matatawag.Bakit ganoon? Bakit parang bumigat ang pakiramdam niya? Bakit tila, kinurot ang puso niya sa nakitang iyon?Ganoon pa man, napapatda man sa pintuan matapos niyang buksan iyon at ganoon nga ang bumungad sa kan’ya, kagya’t siyang nakabawi agad sa pagkabigla. Isinara niya uli ang pinto ng buong ingat. Nang hindi namamalayan nina Markus at Clarisa. At saka siya lumigid sa may likod bahay. Magkukubli muna siya. Saka na siya papasok. Kapag tapos na ang eksenang iyon ng kan’yang asawa at ng babaeng iyon na pamilyar sa kan’ya ang mukha.Kumalma na si Clarisa sa pag-iyak. Sa paghagulgol na tila ba katapusan na
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status