All Chapters of I'm His Personal Maid : Chapter 21 - Chapter 30
76 Chapters
Kabanata 19
KATULAD ng usapan, lunes ng umaga ay agad akong sinundo pero hindi ko naman inasahang si Kevyn ang susundo sa akin. Nakakapagtaka pero malamang, utos iyon ng Donya.Tahimik akong bumaba sa kotse niya ng marating namin ang mansyon. Nakakarindi na nga ang katahimikan naming dalawa, simula pa ng sunduin niya ako. Ayaw niyang magsalita kaya hindi rin ako nagsalita dahil alam kong hindi naman niya gustong makipag-usap sa akin.Iniwan ko na siya at naglakad na ako papasok ng mansyon. Tutal, magpaparada pa naman siya ng kotse niya, saka hindi naman kami ok para hintayin ko pa siya.Pagbukas ng main door ay tumambad sa akin si Donya Melissa. Ang lawak nang ngiti nito habang nakatingin sa akin."Hello po, Donya Melissa, kumusta po?" agad kong bati at ngumiti."Maigi naman at napaaga ka ata ngayon o baka si Kevyn ang napaaga ata ngayon?" May pagkapilya sa tanong na iyon nang Donya.Alangan na lang akong ngumiti at lumingon sa kinaroroonan ni Kevyn."Hindi ko rin po alam," sabi ko.Tiningnan lan
Read more
Kabanata 20
"WOW!" reaction ko nang tumambad sa akin ang farm na pag-aari ng pamilya ni Kevyn.Katulad nga ng sinabi niya, pumunta kami dito sa farm dahil gusto niya, marahil gusto niyang mamasyal dahil hindi namans siya lumaki rito. Napakaaga nga niyang nagising kanina dahil siguro, excited din siyang makita ang lugar."Ang sarap sa mata ng paligid," manghang sabi ko habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng farm na kinaroroonan namin. Malawak ang lugar at kitang-kita doon ang hile-lilerang puno ng lansones at sa kabila ay puno naman ng mga rambutan. Nakakaaliw pagmasdan ang organisadong pagkakatanim niyon. Hitik na hitik rin sa bunga ang bawat punong nakatanim doon. Nasa ilalim ng mga puno ang maramimg trabahador ng mga Bautista at marahil isa doon ang Papa ko at si Oscar."Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa farm." Lumingon ako kay Kevyn, seryoso lang nitong pinagmamasdan ang malawak na lugar. I was thirteen when the last time na makatapak ako dito at ngayon na lang ulit naulit iyon."
Read more
Kabanata 21
"OH, Sir, nandito pala kayo? Ang aga n'yo atang magising?" bungad ko kay Kevyn nang dumating siya sa kusina na halatang kagigising lang.Seryoso niya lang akong tiningnan at umiwas ng tingin. "Maagang nagmulat ang mata ko, eh, kaya napaaga ako ng gising."Alangan akong ngumiti sa kaniya at umiwas ng tingin. "Sir, s-sorry po wala pang breakfast. Wala pa po kasing stock na pagkain sa ref., eh! Namamalengke pa lang po sila Ate Mil," pagtatapat ko na kinakabahan dahil baka magalit siya."Okay lang 'di naman ako nagugutom." Tatalikod na sana siya para tumungo sa refrigerator pero pumihit ulit siya paharap sa akin. "Hindi ba't sabi ko, 'wag mo na akong i-po!"Napaangat ako ng tingin kay Kevyn ulo. Biglang pumostora ang alangang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang sinabi niya no'ng nasa farm kami."Sorry po—" natutup ko ang bibig ko dahil sa muling pagbigkas ko ng 'po'."Nakakadalawa ka na Mara," sabi niya at pumostorang nag-iisip. "Dahil sinuway mo ako..." mas lalo akong kinabahan sa pwede
Read more
Kabanata 22
KEVYN'S POV"BRO, kamusta? Ilang araw ka ring 'di nagpakita ah," bungad ni Jerick— Isa sa mga naging kaibigan ko rito sa Poblacion. Anak siya ni Patty Louis, ang mayor nang lugar na ito. Nagkakilala kami sa isang maliit na bar na nasa bayan ng Poblacion.Umupo ako sa sofa na katapat niya at bahagyang ngumiti. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko."Busy lang nang konti," sabi ko at sumimangot kasabay ng pagkibit-balikat ko."Kamusta na? Darating sila Ynez mamaya," sabi nito.Darating din pala si Ynez at I'm sure kasama na naman niya ang mga kaibigan niya. Masyado silang magaslaw at hindi ko sila gusto.Alam kong pinsan ni Ynez si Mara, ngunit hindi halata dahil napakalaki ng pinagkaiba nilang dalawa. Hindi ko maintindihan si Ynez, napakagaslaw niya habang si Mara, simple at hindi ito magaslaw."I'm doing great," maikling sagot ko at lumingon sa paligid. Malaki ang bahay nila Jerick, halatang lahat ng kagamitan doon ay lubhang mahal at hindi naman na nakakapagtaka iyon."Oh! Ke
Read more
Kabanata 23 (Part 1)
Mara's POV"NANDITO NA pala kayo," bungad ko kay Kevyn nang nakapasok na ito sa mansyon. Simula kaninang umaga pa kasi itong wala at hindi ko naman alam kong saan siya nagpunta.Bahagya lang niya akong tiningnan at naglakad patungo sa salas. Sumunod ako sa kaniya. Hinubad niya ang jacket na suot at inabot niya iyon sa akin habang naglalakad. Kinuha ko iyon at isinampay sa braso ko."May problema ba?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko kasi parang may problema siya dahil ang tahimik niya.Umupo siya sa sofa habang nakatayo lang ako sa tabi niya."Coffee?" alok ko habang sinisipat ang itsura ni Kevyn. Nahihirapan pa rin ako na hindi mag-po at tawagin siyang Sir. Ang hirap. Amo ko kasi siya at nararapat lang na tawagin ko siya ng ganoon pero ayaw naman niya at natatakot akong suwayin siya."No, thanks," malamig nitong sabi habang nakadwi-kwatro. "Mara!" usal nito sa pangalan ko habang nakatingin sa akin "Po?" agad kong pakli at huli na para bawiin ko ang sinabi ko pero
Read more
Kabanata 23 (Part 2)
Party ni Jerick? Seryoso ba siya, isasama niya ako doon? Anak ng Mayor si Jerick at siguradong mayayaman lang ang imbitado at hindi ako bagay sa ganoong mga party."Ahm...a-ano kasi..." Kumamot ako sa batok ko, saka alangang tumingin sa kaniya. "Hindi pa kasi ako nakakapunta sa kahit na anong party, eh. Hindi ako sanay, saka 'di ako bagay sa gano'ng klase nang party," nahihiya kong sabi at binigyan ko siya nang alangang ngiti. "Iba na lang ang isama mo kasi hindi bagay sa isang katulad ko ang pumunta roon bilang kasama mo." Bakas ang lungkot doon."Hay! Ano ka ba Mara, okay lang 'yon. Kasama mo naman ako kaya 'wag kang mag-alala, akong bahala sa 'yo." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.Napasimangot na lang ako at kumamot uli sa batok ko. "K-kasi ano...b-baka mapahiya ka lang do'n Sir, nang dahil sa akin," giit ko habang kunot ang aking noo."Alam kong hindi ako mapapahiya do'n dahil sa 'yo. Alam ko namang disente ka kumilos at hindi ka gagawa nang bagay na ikapapahiya ko." Para
Read more
Kabanata 24
Kevyn's POVILANG MINUTO na akong nag-hihintay dito sa salas sa paglabas ni Mara mula sa kwarto niya. Medyo nakadama ako ng inip dahil kanina pa siyang nandoon. Ayos lang ba siya?Ano kaya ang magiging itsura niya?Iniisip ko pa lang ang magiging ayos niya, natatawa na ako. Sigurado akong maiilang siya dahil sa make-up at sa magiging suot niya. Halata naman kasi sa itsura niya na hindi siya sanay sa ganoong mga transformation. Nailing siya dahil napangiti na pala siya sa kakaisip sa magiging kilos ni Mara.Dahil alam ni Mommy na isasama ko si Mara sa party, siya na ang nag-asikaso ng lahat. Siya na ang kumuha ng mag-me-make-up kay Mara at naghanap ng masusuot niya. Mukha anak nito si Mara kung makapaghanda.Kiniskis ko ang dalawang palad ko tsaka tumingin sa hagdan. Nagbabakasakali na nandoon na si Mara. Hindi ko maiwasang ma-excite sa kung anong itsura niya mamaya. Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.Noong inaya ko siyang sumama sa akin sa party, may kakaiba akong naramdaman. Lalo
Read more
Kabanata 25 (Part 1)
Mara's POVKANINA PANG walang mapagsidlan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat at hindi ko dapat iaakto sa event na iyon, ni hindi pa nga ako nakaka-attend sa ganito kagarang party. 'Tapos parang kinakati pa ako sa suot ko ngayon. Nakakabaliw! Hindi kasi ako sanay na magsuot ng mga ganitong uri ng damit, pang-bahay lang ang bagay sa akin. Idagdag pa ang high heels na suot ko, parang matatapilok ako sa taas nito. Nararamdaman ko na rin ang pananakit ng paa ko kahit saglit ko pa lang naman iyong suot.Pero aminin ko man o hindi, maging ako ay nagulat sa naging hitsura ko nang ayusan ako ni Tita Glue. Hindi ko nga makilala ang sarili ko at napatanong kung ako pa ba iyon? Hindi naman kasi talaga ako gumagamit ng make up, tamang pulbo at konting lipstick lang ay okay na sa akin.Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Kevyn, upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Papasok na kami sa mismong hardin ng mansyon kung saan nandoon ang mismong party na ginaganap
Read more
Kabanata 25 (Part 2)
"Masyado ba akong gwapo ngayon kaya ganiyan na lang ang titig mo sa akin?" Tila nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang lalaking-lalaking boses niya. Nakaguhit sa labi niya ang pilyong ngiti. Agad akong nag-iwas ng tingin at lumingon sa basong nasa harap ko. Ininom ko iyon ng straight dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Baka pag-uminom ako mawala ang init ng pisngi ko ngayon at kumalma ang tila nagwawala kong dibdib."A-anong kasi...kasi parang may nakaputing dumaan do'n." Itinuro ko ang madilim na bahagi ng hardin sa gilid ng posted. Lumingon siya doon at bumalik sa akin na nakangisi. Hindi ata tumalab ang palusot ko. Bakit kasi makakatitig ako sa kaniya wagas? Tsk! Nakasimangot na lang ako ng yumuko."Oh, Pare, salamat naman at nakarating ka."Napaangat ako ulo ng marinig ko ang boses ng isang lalaki at tumambad sa akin si Jerick na nakangiti. Nakahinga ako ng maluwang dahil dumating ito at hindi na ako naalaska ni Kevyn."Birthday
Read more
Kabanata 25: (Part 3)
"Swerte mo naman, Girl. Pinaganda ka pa ni Kevyn at isinama sa bonggang party na 'to, which obviously you're not belong," mataray na segunda naman ni Rachelle at tiningnan ang hitsura ko at bahagyang ngumisi na akala niya ay hindi ko napansin."Alangan namang magsama si Kevyn ng katulong na naka-apron at amoy alikabok at sibuyas? Syempre, kailangan niyang pagandahin ang pinsan ko," wika ni Ynez sa dalawa nitong kaibigan. Hindi ko alam kung pinagtatanggol siya nito o iniinsulto."Tumigil na nga kayong tatlo!" saway ni Jerick.Naramdaman ko na lang ang pagpisil ni Kevyn sa Kamay ko at tiningnan ako na nagsasabing 'kalma lang ako'. Kanina pa akong naiinis at baka hindi ko na makontrol ang sarili ko pero dahil sa presensiya ni Kevyn parang nakakalma ako. Iniinsulto ako ng sarili kong pinsan. Tinatapakan nila ang pagkatao ko dahil hindi nila ako kapantay sa estado ng buhay. Gusto ko nang magsalita at isalpak sa mga isipan nila na mahirap man ako pero marami akong kayang ipagmalaki sa kani
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status