All Chapters of Rain on Your Parade : Chapter 21 - Chapter 30
75 Chapters
Chapter 21: Efforts
“Kuya Nelson, ano po ba talagang nangyari kay Amos?”Tinanong agad ni Zein si Kuya Nelson pagkasakay pa lang niya sa driver’s seat ng sasakyan. Kasalukuyan siyang nakaupong mag-isa sa back seat. Tatlong araw na siyang sundo’t hatid ng driver ni Amos mula sa trabaho dahil may sakit ang kaniyang nobyo. Kung tutuusin, kaya niya naman ang kaniyang sarili dahil may sasakyan siya pero ayaw pumayag ng binatang hindi siya ihatid at sunduin ni Kuya Nelson habang may sakit ito.Tuwing tinatawagan ni Zein si Amos ay tinatanong naman niya ang binata kung ano ba talagang sakit nito subalit ang lagi lamang nitong sinabi sa kaniya ay huwag na siyang mag-alala. Gusto niya itong puntahan sa bahay nito sa Gamski street ngunit lagi na lang itong may dahilan kaya lumakas ang hinala niya. May tinatago ang binata sa kaniya. Ayaw niya sa nararamdaman niya. Masyado na siyang nag-aalala. Kinamot ni Kuya Nelson ang ulo at bahagyang lumingon sa kaniya. “Hindi ko po puwedeng sabihin sa inyo. Kabilin-bilinan ni
Read more
Chapter 22: Be My Wife
Nagpunas muna ng kamay si Amos bago lumabas ng kitchen. Nadaanan niya ang secretary niya at binalita nitong dumating na ang package na hinintay niyang ipinadala ng mismong jewelry shop kung saan suki ang kaniyang mommy. Pumunta siya sa kaniyang opisina ng may ngiti sa mga labi. Ibinato niya sa couch ang basahang hawak. Hindi siya nag-abalang magpalit muna ng damit at tinungo agad ang desk niya kung saan nakapatong ang maliit na kahon. Binuksan niya agad iyon at mas lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ang mas maliit na pulang kahon.“I can’t wait to see you wearing this,” usal ni Amos sa kaniyang sarili. Binuksan ni Amos iyon at kinuha ang singsing mula roon. Isa iyong diamond ring. Wala siyang alam sa mga alahas kaya isinama niya ang mommy niya sa pamimili ng nababagay na singsing para sa nobya. Gaya ng inasahan ni Amos, tuwang-tuwa ito. Inistorbo pa nito ang kaniyang amang busy sa trabaho at hindi pumayag na hindi sila samahan sa jewelry shop. Animo’y ikakasal na siya sa araw na
Read more
Chapter 23: Better to Escape
Inilabas ni Zein ang kaniyang kamay mula sa bukas na bintana ng sasakyan ni Amos. Nabawasan ang bigat na naramdaman niya nang tumama sa kaniyang mukha at kamay ang hangin. Napangiti siya at napapikit.Papunta sila sa bahay-bakasyunan na pag-aari ng binata sa Mabini, Batangas. Wala silang dalang mga damit. Tanging pagkain lang na niluto niya ang dala nila. Akala niya ay sa bahay na lang sila mananatili o kaya ay dadalhin lang siya ng nobyo sa isang park.“Your beauty is incomparable, Zein.” Lumingon si Zein kay Amos at parang tinunaw ang puso niya nang makita ang ngiti nito. Naka-shades ito pero alam niyang puno ng emosyon ang mga mata nito.“Kanina mo pa ’yang sinasabi.” Ipinasok niyang muli ang kamay at sumandal.“I’m just stating the fact. My girlfriend is beyond gorgeous.” Inabot nito ang kamay niya at marahang hinaplos ang mga daliri habang diretso ang tingin sa daan. Hindi niya maalis ang tingin sa binata lalo nang dalhin nito sa mga labi ang kaniyang kamay at ginawaran iyon ng
Read more
Chapter 24: She’s Back
Patuloy lang sa pag-inom ng red wine si Amos habang pumapalakpak ang mga bisita bilang pagbati sa bagong kasal. Nasa reception siya ng pinsan niyang si Alliah na kinasal kay Justin. Katulad noon, mapait pa rin siyang napangiti subalit hindi dahil bitter na naman siya sa bride at groom kundi dahil sa puso niyang winasak ni Zein halos apat na taon na ang nakararaan. Gusto lang naman ni Amos bumuo ng isang masayang pamilya katulad ng ibang tao pero dalawang beses na iyong pinagkait sa kaniya. Kung kailan sigurado na siya kay Zein, saka naman ito umalis. Pagkatapos ng proposal niyang hindi tinanggap ng dalaga, hindi muna siya umuwi ng Maynila. Nanatili siya sa kaniyang rest house sa Batangas para indahin ang lahat ng sakit. Gusto niya munang mapag-isa noong mga panahong iyon dahil hindi niya alam kung paanong aayusin ang puso niyang dinurog ng dalaga. Gusto niyang habulin ito ngunit masyado siyang nasaktan at baka kung ano pang magawa niya. Baka hindi niya mapigilang magmakaawa muli r
Read more
Chapter 25: Bumalik Ka Na
Nagising ang diwa ni Zein sa ringtone ng kaniyang cellphone. Nakapikit ang mga matang kinapa niya iyon sa side table. Napapalatak na lang siya nang makitang alas dos pa lang ng umaga at ang pangalan ni Lester ang nasa screen. “Ano bang sasabihin ng lalaking ito?” bulong niya sa sarili. “Mommy?” Lumingon si Zein sa tatlong taong gulang niyang anak na si Pita. Kinusot nito ang mga mata at bumangon para yumakap sa baywang niya. Hinaplos niya naman ang buhok nito. “Sleep ka ulit, Pita. Maaga pa.” Sinagot niya ang tawag at tinapat sa tainga niya. “Zein!” Nailayo niya sa tainga niya ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng kaibigan. “Sira ang ulo mo! Hindi mo ako kailangang sigawan, Lester.” pasigaw niyang reklamo. “Pardon me but you should know this, Zein.” Ginulo ni Zein ang buhok niya at dumapa. “I’m worn out. Hindi ba puwedeng bukas na lang?” “Hindi puwede. Nakasalalay ang love life ko kay doktora kapag hindi ka pumunta rito. Your man is here. Ayaw niyang magpaasikaso sa akin
Read more
Chapter 26: Alaala Lang ’Yan
Kanina pang naiirita si Amos sa mga kaibigan niyang nasa sala ng bahay niya. Akala niya ay bumisita ang mga ito dahil nag-alala ang mga ito sa kaniya pero pumunta lang pala ang mga ito para kumpirmahing naaksidente talaga siya. Natanggal na ang cast sa braso niya noong isang linggo kaya ang nasa binti naman ang tatanggalin mamaya. “Zein is my only baby. Zein is my peace of mind—” Hindi na natuloy ni Huge ang pagbabasa sa mga nakasulat sa cast ng binti niya nang binato niya rito ang unan sa likod niya. “Leave my house!” Tumawa lang ang mga kaibigan ni Amos sa pagsigaw niya. Umupo sa tabi niya si Corn at tinapik ang balikat niya. “Halatang hindi ka patay na patay sa ex mo.” Napasandal si Amos at kinamot ang isang kilay. Hindi siya makapasok sa bakeshop dahil sa kondisyon niya. Wala siyang magawa kaya ang binti niya ang pinagdiskitahan niya. Si Zein ang nakasulat doon dahil ang dalaga naman ang laman ng kaniyang isip simula nang makita niya ito sa reception ng kasal ng kaniyang pins
Read more
Chapter 27: Ate Zelda
Nakahinga nang maluwag si Zein nang makaalis si Amos pero parang may sumugat pa rin sa puso niya sa naging reaksiyon nito sa mga sinabi niya. Aware naman siyang nakalagpas sa linya ang mga sinabi niya rito. Basta na lang umalis si Amos sa apartment na puno ng hinanakit ang mga mata. Gusto niya itong sundan para magpaliwanag subalit bakit pa? Tama lang naman siya. Alaala na lang ang album na nakita nitong dapat regalo niya sa binata noon kung hindi lang sinabi ni Zelda na gusto nitong bumalik ang lalaki. Ang mga alaala, maaaring balikan pero hindi na puwedeng baguhin. Kaya kung sakit o saya man ang dulot ng bawat alaala, hindi na iyon mababago. Hindi niya alam kung anong palusot ang gagawin kaya nasabi niya iyon. Paano pa kaya kapag nakita nito ang kuwarto niyang puno ng masasayang alaala nila? Paano pa kaya kung nakita ng binata ang anak nila? Mahal niya ito ngunit hindi na nito kailangang malaman dahil masaya na ito pero masaya nga ba talaga? Taliwas ang mga pinakita ng lalaki sa k
Read more
Chapter 28: Kalimutan
Binigyan ng suntok ni Amos si Lester nang lumabas ito mula sa apartment nito. Hindi nakailag ang binata dahil hindi naman nito alam na ang sasalubong dito ay ang kaniyang galit. Umayos ng tayo ang binata nang makabawi at hinawakan siya sa kuwelyo ng kaniyang damit. “What’s your problem?!” galit na galit na tanong ni Lester sa kaniya at sinuntok din siya sa kaniyang pisngi. Sinapo ni Amos ang kaniyang pisngi at masamang tumingin sa lalaki. “You’re the problem here! Ginawa mo talaga ang lahat para maging sa’yo si Zein. Are you happy? Talagang pinatira mo pa sa apartment mo. Masaya ka na bang nakuha mo na siya nang buo?!” Nakatanggap na naman si Amos ng isang malakas na suntok mula sa binata. Parang umikot ang paligid niya dahil sa sobrang kalasingan. Gusto man niyang saktan nang labis si Lester, hindi niya magawa dahil wala sa kondisyon ang katawan niya. Hindi na alam ni Amos kung ilang tadyak at suntok ang natanggap niya kay Lester. May dugo na siyang nalasahan sa bibig niya. Gusto
Read more
Chapter 29: Close to the Truth
“Ayusin mo ang sarili mo. Susunduin mo pa si Pita.” Inabutan ni Lester ng panyo si Zein. Hindi matigil sa pag-iyak si Zein habang nasa sala ng apartment nila. Paulit-ulit sa pandinig niya ang mga sinabi ni Amos kanina. Alam niyang nasaktan niya nang sobra ang binata pero hindi niya inasahang tuluyang susuko na ito sa kaniya. Sabagay, sino ba namang magtatagal sa tulad niya? Palagi siyang tumatakas kapag may problema. Hindi niya kayang magtiwala. Higit sa lahat, makasarili siya dahil damdamin lang niya ang iniisip niya. “He doesn’t want to talk to me anymore, Lester. What should I do now? Paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol kay Pita? Umaasa 'yong anak kong makilala siya.” Umupo sa tabi niya si Lester at niyakap siya. Umiyak na lang siya ulit sa dibdib nito. Katulad lang ng dati, ito lagi ang tagapakinig niya kapag masama ang loob niya sa lahat ng hindi magagandang nangyayari sa buhay niya. “Pakalmahin mo muna ang sarili mo. Pita can wait. Ikaw muna, ha? Kahit hindi mo sabihin,
Read more
Chapter 30: Baka
“Let’s all welcome, the successor of Reolonda Group of Companies, a successful entrepreneur and a pastry chef, Mr. Amostacio Reolonda,” anunsiyo ng main host na si Thea. Huminga nang malalim si Amos bago umakyat sa stage. Nagpalakpakan ang audience sa studio habang tinatahak niya ang daan papunta sa mini kitchen na sinet ng staff ng show. Ngumiti siya sa harap ng camera katulad ng sinabi sa kaniya kanina. “Good day, I am Chef Amos. Makakasama ninyo ako tuwing umaga. Dito, I'll teach you anything about baking. Halina at samahan ninyo ako.” Mas lalo niya pang nilawakan ang ngiti at pinaglaruan ang rolling pin. “For today, tuturuan ko kayo kung paano mag-bake ng simple muffin.” Nagsimula na si Amos mag-bake. Hindi siya celebrity pero ang dami palaging pumupunta sa show kung saan siya kabilang. Palaging sinisigaw ang pangalan niya kaya nalaman niyang siya ang sinusuportahan ng mga ito. Ayaw ni Amos sa atensiyon ng mga tao. Matagal na may nag-offer sa kaniya na maging celebrity chef pe
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status