All Chapters of Unveiling Mr. CEO's Daughter : Chapter 41 - Chapter 50
134 Chapters
Kabanata 39: Girlfriend
WALANG imik na lumabas ng bahay ni Monica si Zymon matapos sabihin ng dalaga na umalis na muna silang dalawa ni Jericho. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya dahil inaako ni Jericho ang anak niya kay Monica. Paanong magiging tatay ni Princess ang lalaking iyon, gayong iniwan nito si Monica sa araw ng kasal nila? Sigurado si Zymon na anak niya ang bata at hindi siya papayag na hindi makasama si Princess."Zymon."Huminto siya nang akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang marinig ang boses ni Jericho. Hinarap niya ito habang kunot ang noo. Napakiling pa siya saglit."Bakit? Ano'ng kailangan mo?" kaswal na tanong niya. Kilala na niya ito noon pa dahil nakatrabaho na niya ito sa ilang proyekto ng kompanya at nalaman niyang ito ang ex boyfriend ni Monica nang pumunta siyang Davao kasama ito."Mag-usap nga tayo." May pagka-angas sa boses nito na para bang niyayabangan siya. "Ano, nililigawan mo ba si Monica? Bakit parang pumapel ka ata sa kaniya at sa anak niya?" kompronta nito.Napang
Read more
Kabanata 40: Truth
MABABALIW na ata si Monica sa kakaisip sa dapat niyang gawin kay Zymon at Jericho. Mas naging magulo at komplikado na ang lahat dahil dalawa na silang umaako na ama ng anak niya, habang hindi niya alam kung sino ang totoong ama sa kanilang dalawa. Paano niya iyon sasabihin sa kanila? Hahayaan na lang ba niya ang dalawang iyon na maghati sa oras ng kaniyang anak? Hindi lang siya ang maguguluhan at magtataka, maging si Princess."OMG! What? A-ano'ng nangyari, bakit...bakit nalaman ni Zymon?" gulat na bulalas ni Crystal sa kaniya nang ikwento niya rito ang nangyari nang nagdaang araw at ang schedule na hinihingi ng dalawang iyon.Nagusot ang mukha niya at yumuko. Kasalukuyan silang nasa opisina nito. Mas maaga siyang nagising kaya nagpasiya siyang tumungo roon dahil hindi nga siya nakatulog nang nagdaang gabi."H-hindi ko alam, Crystal pero...nang malasing ako, may nasabi ata ako kay Zymon," alangan niyang sabi. Napangiwi pa siya.Natampal ng kaibigan ang noo. "Tago ka nang tago ng katot
Read more
Kabanata 41: First Day
NAPABUNTONG-HININGA si Monica habang matamang pinagmamasdan si Zymon at Jericho na nakaupo sa sofa sa sala ng bahay nila. Sinabihan naman niya ang kaniyang mga magulang na dalhin muna si Princess sa malapit na parke para libangin ito. Hindi pa kasi siya handang sabihin dito ang totoo dahil masyado pa itong bata at hindi pa nito maiintindihan ang lahat. Ni hindi pa siya ihandang isiwalat ang katotohanan kay Princess.Umupo siya sa katapat na upuan ng dalawang lalaki. Bahagya siyang kumiling habang tila kanina pang hindi makahinga ang dalawang ito sa harap niya sa kahihintay sa sasabihin niyang schedule ng mga ito para makasama ang kaniyang anak.Seryosong nakatingin lang ang dalawa sa kaniya pero nakay Zymon ang buong atensyon niya dahil sa sinabi nito nang huli silang magkita. Gusto nitong ipa-DNA si Princess pero tumanggi siya dahil hindi pa siya handa sa katotohanan."Pero teka nga, Monica, bakit ba kailangan ko makihati kay Zymon sa oras ni Princess? He's just an outsider, trying t
Read more
Kabanata 42: Elevator
TAHIMIK NA bumaba ng sasakyan si Monica nang marating niya ang George Company. Naiwan sa bahay ang kaniyang anak kasama si Jericho para sa schedule na itinalaga niya para rito. Hindi niya maiwasang hindi malungkot habang nakikita niya kung gaano na ka-close ang dalawa at kung gaano kasaya si Princess kapag kasama ang binata. Natatakot siyang baka sa huli'y malungkot si Princess kung sakaling si Zymon ang ama nito kahit sabihing close din ang mga ito. Mas malimit kasi si Jericho na nandoon para makasama si Princess at kita niya kung gaano nito kagustong makuha ang loob ng kaniyang anak at mapasaya ito.Inayos muna niya ang hibla ng buhok na humarang sa kaniyang mga mukha. Pumihit siya at naglakad papasok ng gusali. Pinagtitinginan siya ng ilang mga naroon na hindi na bago sa kaniya.Huminto siya sa tapat ng elevator at nakitang maraming tao roon. Huminto siya sa pinakahuli ng mga naroon habang naghihintay na bumukas iyon."Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang makihati ng oras k
Read more
Kabanata 43: With Jericho
IBINABA ni Monica ang cellphone na hawak nang patayin ang tawag mula kay Ria. Lumungkot ang mukha niya ng malamang hindi sila mabibigyan ng bulalak ng supplier nila dahil sa kakulangan ng supply dahil nasira 'di umano ang mga bulaklak dahil sa mga insekto.Bumuntong-hininga siya. Saan siya hahanap ng supplier para sa mga bulaklak na napili nila para sa event? Wala na siyang ibang alam na supplier ng mga bulaklak kagaya ng Aster, Alstroemerias at Dahlias na ilan sa mga napili nilang bulaklak sa event. Iyon kasi ang napag-meeting-an nila at kailangan nilang makahanap ng ganoong bulaklak para sa mga disenyong nakalaan at para makapagpa-reserve."Mommy, aalis na po tayo."Lumingon siya kay Princess na kakaakyat lang sa taas. Nakapaskil ang ngiti sa mga labi nito at bakas ang excitement doon. Gusto kasi nito na isama siya sa labas kasama si Jericho. Sinubukan niyang tumanggi pero pinilit siya ng anak at wala na siyang nagawa kung 'di ang pumayag.Ngumiti siya. "Sige na, 'nak, susunod na si
Read more
Kabanata 44: Two Dad
"IS he the father of your child, Monica?"HINDI agad siya nakasagot at natigilan sa narinig mula kay Shy na ang tinutukoy ay si Jericho. Matapos kasi nilang makasalubong si Zymon at ang nobya nito, inaya sila ni Shy na sabay-sabay kumain sa malapit na restaurant. Hindi na siya nakatanggi dahil pumayag din si Princess na sumama sila sa dalawa.Alangan siyang tumingin sa anak na sarap na sarap sa kinakain nito. Nakatingin din sa kaniya si Zymon na tila naghihintay sa isasagot niya, maging si Jericho.Ngumiti siya. "No, he's not," maikling sagot niya, saka bumaling sa pagkain at sumubo niyon."Ow! I thought he is," tila dismayadong ani Shy. "No'ng makita ko kayo kanina, mukhang bagay kayo as a family," ngumiti pa ito. Katabi nito ang nobyo habang katabi naman niya si Jericho at ang kaniyang anak."No, he's not the father of Princess, Babe," singit ni Zymon. "Look, hindi naman siya kamukha ng bata, eh," dagdag pa nito. Bumaling ito sa pagkain."Paano mo nasabi?" nagtatakang ani Shy. Bumal
Read more
Kabanata 45: Zymon's Schedule
KINAUMAGAHAN, hindi inaasahan ni Monica na ganoon kaagang darating si Zymon sa bahay nila, bitbit ang isang human size teddy bear at ilang mga dolls para sa kaniyang anak, maging ang mga magulang niya ay nagulat sa pagdating nito."Ang laki naman niyan, Zymon," ani ng kaniyang ina na bakas ang pagka-amaze sa malaking stuff toy.Ngumiti ang binata. "Para po kay Princess, Tita para kahit wala ako sa tabi niya kapag natutulog siya, she can feel me beside her," paliwanag nito.Tahimik lang siyang nakaupo at nakahalukipkip sa sala. Hindi niya binabalingan ang binata dahil naiinis pa rin siya sa nangyari at sa inasal nito nang nagdaang araw sa mall."Kaya lang tulog pa si Princess, masyado ka kasing maagap," ani naman ng kaniyang ama na nakaupo sa katapat niyang bangko at nakatayo naman si Zymon."I can wait naman po, Tito," magalang na sagot nito."Naku! Masyado ka naman atang nagpapakitang gilas dito sa anak ko, ah. Lahat ng luho ng apo ko binibigay ninyo, baka mahirapan 'tong anak ko sa
Read more
Kabanata 46: Looking For Zymon
NANATILING nakatulala si Monica nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng George Company. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Zymon kaninang umaga. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at marahang hinaplos ang mga labing pinaglapatan ng malambot na labi ni Zymon na parang naiwan doon.Bakit hinayaan niyang mangyari iyon, gayong alam niyang may girlfriend si Zymon? Bakit din may nararamdaman siyang kiliti sa tuwing naalala iyon. Namalayan na lang niya na kumurba na ang ngiti sa mga labi niya habang sapo niya iyon. Nang mapansin niya ang sarili, mabilis niyang ipinilig ang kaniyang ulo."No, Monica! H-hindi mo dapat isipin ang nangyari," pagkakalma niya sa sarili. Kumurap siya ng ilang beses. "Nadala lang kayo ng nararamdaman ninyo," aniya pa. Nagusot ang mukha niya. "Haist! Ano'ng gagawin ko?" Ginulo pa niya ang kaniyang buhok dahil sa inis sa sarili. Hindi niya na alam ang nararamdaman niya, naguguluhan at nalilito siya.Nag-inhale, exhale muna siya, saka inayos ang sa
Read more
Kabanata 47: Confrontation
"WHERE HAVE you been all day, Zymon?"Napapitlag si Zymon mula sa malalim na pag-iisip. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa babaeng nagsalita at tumambad sa kaniya si Shy na masuri siyang tinitigan, na bakas doon na hindi ito natutuwa.Abala ang isip niya sa pagbabalik tanaw sa nangyari sa kanila ni Monica. Hindi niya maunawaan kung bakit naramdaman niyang gusto niyang halikan ang dalaga, gayong alam niyang hindi iyon pwede. Nilamon siya ng temptation at hindi niya nagawang labanan ang mapusok na pag-iisip. Nagkasala siya pero hindi niya maramdamang nagsisisi siya sa ginawa niya."B-Babe, ikaw pala," gulat niyang sambit at alangan na ngumiti. Kakabalik lang niya sa opisina matapos niyang ihatid si Princess sa bahay nito. Muntik na nga siyang ma-late sa last meeting niya dahil hindi niya namalayan ang oras dahil sa sayang nararamdaman niya habang kasama ang anak ni Monica. Na-enjoy nilang dalawa ang pinuntahan nilang play house kung saan masayang naglaro si Princess doon. Nakita niya
Read more
Kabanata 48: Kulitan
NAGULAT na lang si Monica nang bigla niyang makita si Zymon, kasama si Princess sa sala, sa taas kung saan abala siya sa pagtipa sa kaniyang laptop habang inaanalisa niya ang report ni Ria sa kaniya. Medyo sumasakit na nga ang ulo niya dahil base sa report nito, bumaba ang sales ng flower shop, dahil sa limitadong supply ng mga bulaklak. Marami kasing bulalak ang hindi naging maganda ang harvest at ang ilan ay hindi season.Seryosong nakatingin sa kaniya ang binata at nakangiti naman si Princess, habang hawak ni Zymon ang kamay nito. Parang may gusto itong sabihin pero bakas ang pag-aalinlangan sa mukha.Napakamot sa noo si Zymon at bahagyang yumuko. Hindi niya magawang tumingin sa binata dahil kapag nakikita niya ito, para siyang kinakabahan na nagiging dahilan para mag-iba ang mood ng puso niya, para itong abnormal kung tumibok dahil sa hindi normal na tibok niyon na ang dahilan ay ang binata. Naalala rin niya ang namagitan sa kanila nang nagdaang araw. Pakiramdam nga niya, namumul
Read more
PREV
1
...
34567
...
14
DMCA.com Protection Status