All Chapters of Beautiful Bastard: Chapter 41 - Chapter 50
119 Chapters
Chapter 41
Kaye POV Nang makarating ako sa lugar na pupuntahan ko ay mabilis akong nagbayad sa taxi at saka bumaba. Naglakad ako papunta sa boutique kung nasaan ang taong sadya ko. At pagpasok ko ay tinanong ko ang isang babae kung nasaan ang boss niya at iginaya niya naman ako papunta sa opisina nito. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo habang may pinipirmahan na mga dokumento. Napatingin naman ito sa akin ng tumikhim ako. "Hi ate." bati niya. "Hello, busy ka ba?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman, chinecheck ko lang itong mga new designs. Bakit ka nga pala napadalaw?" inilapag niya ang hawak niyang folder at saka tumingin sa akin. Bumuntong hininga naman ako. "Kailangan kitang makausap tungkol sa kapatid mo Kiara." seryosong anas ko. "What about him? May problema ba?" "Tulungan mo akong paghiwalayin sila ni Bea." diretsong saad ko. Kumunot naman ang kanyang noo. "W-what? Akala ko ba ay nakapag usap na kayo ng kapatid ko ate. Buong akala ko ay naka move on ka na." "Okay na kami ni S
Read more
Chapter 42
Kiara POVIt's been a week simula ng kausapin ako ni Ate Kaye, halos hindi ako makatulog ng maayos sa kaiisip dahil sa mga sinabi niya sa akin, dapat nga ay wala akong ikabahala dahil wala naman kami ni Nigel ng mga panahon na 'yon and it was a mistake dahil lasing ako pero alam kung magagalit pa rin siya sa akin.Alam kung napapansin na din ni Nigel ang pagkabalisa ko pero kapag nagtatanong naman siya ay madalas kung sinasabi na pagod lang ako sa work at mukhang naniniwala naman siya. Ilang beses na din akong tinawagan ni ate Kaye para tanungin kung ano ang desisyon ko.I don't want to hurt my brother and I don't want to hurt Nigel also, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kahit pagbaliktarin ko man ang mundo ay alam kung may masasaktan ako sa magiging desisyon ko. Kasalukuyan akong nasa isang park kasama si Bea, wala na akong ibang maisip na paraan kung hindi ito lang. Mukhang wala na sa tamang pag iisip ang ex ni kuya at hindi ko alam kung ano pa ang pwede niyang gawin."Bakit g
Read more
Chapter 43
Beatrice POVLutang pa rin ang isip ko hanggang sa makaalis si Kiara, hindi ko alam kung bakit gano'n ang mga sinabi sa akin ni Kiara pero napagtanto ko na may punto siya. Alam kung pinoprotektahan niya lang ang kapatid niya. Hindi ko naisip ang bagay na 'yon na pwedeng makasama ako sa reputasyon ni Storm, siguro sobrang na focus ako sa relasyon naming dalawa at sa pagmamahal ko sa kanya.Hindi naman sinabi ni Kiara na ayaw niya sa akin para sa kapatid niya, ang sinabi niya lang naman ay baka hindi pa ito ang tamang oras para sa relasyon namin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na nahihirapan din siya sabihin ang bagay na 'yon sa akin.Marahil ay tama siya, kailangan ko muna na lumayo kay Storm para sa kapakanan nito. Masyadong mataas ang pamilya nila para sa isang katulad ko. Siguro kung kami talaga ang para sa isa't isa ay tadhana na ang gagawa ng bagay na 'yon. Oo nga at nangako ako kay Storm na hindi ko siya iiwan pero hindi naman ako papayag na masira ang reputasyon ng pamilya n
Read more
Chapter 44
Storm POVHalos dalawang linggo na ang lumipas at hindi pa din pumapasok si Beatrice, pilit ko siyang tinatawagan pero mukhang nakapatay ang kanyang phone. Ilang beses na din akong pumunta sa bahay nila pero wala siya do'n. Imposibleng aalis siya ng hindi nagsasabi sa akin dahil okay naman kaming dalawa at wala akong natatandaan na pinag awayan namin.Sa loob ng dalawang linggo na hindi ko siya nakikita ay hindi ako malapapgconcentrate sa trabaho, madalas akong nagpupunta sa bar at umiinom dahil sa frustration. Nangako siyang hindi niya ako iiwan at hindi niya gagawin ang bagay na napagdaanan ko noon sa past ko pero bakit ngayon pakiramdam ko ay nangyayari na?Hindi ko alam na pareho lang din pala siya sa mga babaeng nakilala ko, walang pinagkaiba!"Storm enough! Umuwi ka na lang kung mag iinom ka lang din dito sa opisina." saad ni Kaye, sa loob ng dalawang linggo ay palagi siyang nandito, kahit ilang beses ko siyang pinagtabuyan ay hindi pa din siya natitinag."Pwede ba Kaye hayaan m
Read more
Chapter 45
Kaye POVMag iisang buwan na simula na mawala sa landas ko si Bea pero hindi ko pa din magawang mabawi si Storm kaya naiinis na ako. Hinahanap niya pa din ito hanggang ngayon at kitang kita ko sa kanya na sobrang mahal niya ito. Halos napapabayaan niya na ang sarili niya at pati ang trabaho niya. Ano ba kasi ang meron sa babaeng 'yon na hindi niya magawang kalimutan.Ilang beses ko na sinabing kalimutan niya na ang babaeng 'yon dahil iniwan naman na siya pero mas nagagalit lang siya sa akin, aminado naman ako na iniwan ko din siya noon pero nandito naman na ako ngayon pero bakit hindi niya 'yon nakikita?Sisiguraduhin ko na hindi niya makikita si Bea kahit anong gawin niya."Oh anong nangyari sayo bakit nakabusangot 'yang mukha mo?" tanong sa akin ni Lovely."Wala! Nakakainis kasi si Storm isang buwan na ang lumipas pero hinahanap niya pa din si Bea." sagot ko naman sa kanya.Tinaasan niya naman ako ng kilay. "What do you expect? Na hahayaan niya na lang ang girlfriend niyang biglang
Read more
Chapter 46
Kiara POV Mabilis akong napababa ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Kuya, ang aga naman niya yatang umuwi ngayon o baka tinatamad na naman siyang manatili sa opisina. "Kuya bakit?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako pero bagkusa na sagutin niya ako ay isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapahawak sa pisngi ko. "K-kuya, a-anong problema?" halos hindi mapaniwalang turan ko. "Anong problema Kiara? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginawa mo kay Bea?" sigaw niya sa akin. "A-anong ibig mong sabihin kuya, hind ko maintindihan." tanong ko sa kanya. "Tigilan mo na ang pagapanggap na wala kang alam! Alam kung ikaw ang huli niyang nakausap bago siya mawala! Ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis!" galit na galit na saad niya. "K-kuya, let me explain." anas ko. "Explain what? Marami kang oras para sabihin sa akin pero hindi mo ginawa! Of all the people Kiara, bakit ikaw pa? Ikaw pa ang gagago sa akin!" Nags
Read more
Chapter 47
Kiara POV Isang araw na ang lumipas ng pinaalis ako ni Kuya, binnaned niya ako ng tuluyan sa bahay kaya kahit gusto man nila Nay Ana na papasukin ako ay alam kung hindi nila magawa, ayaw ko din naman magpumilit dahil baka tanggalan sila ng trabaho ng kapatid ko. At ngayon ay nandto lang ako sa puntod ng mga magulang ko, nagpasya akong bisitahin sila para kausapin. Pakiramdam ko kasi sila lang ang kailangan ko ngayon. Kahit na wala sila sa tabi ko alam kung naririnig nila ako. Wala si Nigel ngayon dahil nasa ibang bansa at sa susunod na araw pa siya uuwi. "Mommy, Daddy pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw ulit ha? Marami kasi akong ginagawa sa trabaho eh." "Pinaalis ako ni Kuya, p-pero huwag kayong magagalit sa kanya kasi alam kung nadala lang siya ng galit niya dahil sa ginawa ko. Alam ko naman na nakuha niya ang ugali mo Dad." hindi ko maiwasan matawa habang sinasabi 'yon kahit na umiiyak ako. "Alam kung sobrang mali ang nagawa ko kasi pinakialamanan ko ang relasyon ni Kuya
Read more
Chapter 48
Kiara POV It's been a week already simula ng mag away kami ni Kuya, ilang beses ko na din siya sinubukan na tawagan pero hindi niya ito sinasagot at alam kung galit siya kaya natitiis niya ako ng ganito. Alam kung may kasalanan ako sa kanya kaya hindi ko magawa ang magtampo o magalit kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Isa lang ang nasa isip ko ngayon ay 'yong malaman kung saan dinala ni Kaye si Bea, siguro naman kapag nailigtas ko siya ay mapapatawad na ako ng kapatid ko. kahit gano'n na lang na kabayaran sa nagawa ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay, alam kung wala dito ang kapatid ko at nasa opisina siya kaya nagpunta ako dito dahil may kailangan akong kunin sa kwarto ko. Mayamaya pa ay nakita kung lumabas si Nay Ana. "Iha." saad niya at niyakap ako ng mahigpit. "Kamusta po si Kuya nay?" tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya. "Palaging mainit ulo ng kapatid mo, bumabalik na naman siya sa dati. Bakit kasi hindi ka na lang bumalik? Alam kung mahal
Read more
Chapter 49
Beatrice POVHanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung sino ang kumidnap sa akin, pero madalas kung marinig na may kausap ang mga taong 'yon sa telepono. Wala naman akong natatandaan na may nakaaway ako dahil hindi naman ako gano'n na tao. At isa pa sa inaalala ko ngayon ay si Storm siguradong mag aalala 'yon sa akin pati si Kiara dahil dapat ay magkikita kami.Hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito dahil hindi ko naman alam kung saan na lugar nila ako dinala at isa pa ay nakatali ang mga kamay at paa ko habang may piring naman ang mga mata ko,pero nandito ako sa isang kwarto at tinatanggal naman nila kapag kakain ako. Kailangan ko gumawa ng paraan para makaalis dito.Mayamaya ay bumukas ang pinto ay may narinig akong mga yabag. "Oh the bitch is here." saad ng boses, pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang matandaan."I think you're wondering about me right? Tanggalin niyo na ang piring ng babaeng 'yan at iwan kami." utos niya sa kanyang tauhan.Naramdaman ko ang pagtanggal
Read more
Chapter 50
Kiara POVNakatago lang ako dito sa isang lumang bahay, naisipan ko kasing sundan si Kaye at baka sakaling malaman ko kung saan niya dinala si Bea at hindi nga ako nagkamali. Hanggang ngayon ay kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, paano kung hindi ko maitakas si Bea? Paano kung pareho kaming mapahamak? Sana naman mabasa ni Kuya ang sulat na binigay ko bago mahuli ang lahat.Nakita ko ang paglabas ni Kaye sa isang kwarto at natitiyak akong nando'n si Bea, hindi mo na ako lumabas sa pinagtataguan ko at mahirap na kapag nakita nila ako dahil paniguradong hindi kami makakalabas na dalawa dito. Nang masigurado kung umalis na sila ay dahan dahan akong pumasok sa kwarto at nakita ko nga do'n si Bea na nakatali."K-kiara?" sambit niya sa pangalan ko."What happened Bea? Anong ginawa sayo ng babaeng 'yon?" tanong ko sa kanya."Anong ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka.""Don't worry about me, hindi niya ako sasaktan. Nandito ako para itakas ka." saad ko."P-paano?"Mabilis kung kinalag ang tal
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status