Semua Bab The Billionaire Revenge (Hidden Desire Series #13): Bab 21 - Bab 30
71 Bab
Chapter 20
"SAKAY!" sigaw sa akin ng isang lalaki na nasa loob ng van.Nagulat ako at may takot na naramdaman. Tatakbo na sana ako ng mahagip nito ang aking braso, at sapilitang isinakay sa van."Bitawan nyo ako, please," pagmamakaawa ko sa kanila."Ano ka sinuswerte."Nanatiling tamihik ako sa isang tabi. Hindi ko alam kong saan nila ako dadalhin. Hindi ko sila kilala. Bawat nadadaanan namin ay hindi ako pamilyar.Hindi ko alam kong saang lugar ito. Niyakap ko ang aking sarili. Dahil baka kung ano ang gawin nila sa akin. Lalo pa't buntis ako. Hindi ko mapigilan ang umiyak.Tumingin ako sa labas ng bintana ng van na kasalukuyang sinasakyan namin ngayon. Pero wala akong makita ni kahit ano. Kahit bahay ay wala.Natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin. Lalo na't wala akong kalaban-laban ng mga taong ito.Natatakot din ako sa maaaring mangyari sa anak ko."Sino ba kayo?!" tanong at sigaw mo sa kanila."Tumahimik ka!" sigaw pabalik sa akin ng nasa unahan.Nanatili akong tahimik. Hanggang sa nakar
Baca selengkapnya
Chapter 21
3rd POVNagluluksa ngayon ang buong angkan ng Samonte. Dahil sa pagkawala ng isa sa kanilang pamilya. Hindi makausap ng magkapatid na Ange at Angel ang kanilang ina. Hindi matanggap ng kanilang ina na wala na ang isa niyang anak.Lumabas si Angel, dahil hindi niya kayang tignan ang kalagayan ng kanyang ina. Masakit din sa kanya na nawala ang kanyang kapatid. Hindi niya intensyon na patayin ang kapatid. Ayaw ni Angel nalaman ng kanyang pamilya na siya ang dahilan kung bakit nandoon si Aingelle. Kung bakit namatay ito.Samantala, hindi alam ng Pamilya Samonte na mayroong dalawang taong gustong kumausap sa kanila. Pero naghahanap lang ang dalawang tao na iyon ng pagkakataon. Umalis din ang dalawa tao na iyon. Dahil nakilala ng dalawa ang taong maysala."Saan tayo pupunta?" tanong ng lalaki sa kasama niya."Hindi ligtas ang babaeng nakita natin," ani ng babae sa lalaking kasama."Paano mo naman nasabi iyon.""Nakita ko ang taong may kakagagawan noon sa kanya. Nandoon sa loob. Pati iyong t
Baca selengkapnya
Chapter 22
Azrael POVNasa opisina ako ngayon. Hinihintay ko ang Private Investagator na kakausapin ko, para makatulong sa paghahanap ng hustisya kay Aingelle. Isang linggo na mula ng mawala si Aingelle. Hindi ko matanggap na ganun ganun na lang mawawala ang babaeng mahal ko and my unborn child.Nalaman ko din na buntis si Aingelle. Kaya gagawin ko ang lahat, upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ni Aingelle. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng swivel chair ko. Dahil masakit pa ang ulo ko.Nagising ako kanina na masakit ang ulo ko. Dahil sa ininum ko kagabi. Nagpakalasing ako, dahil hindi ako makatulog. Nasa condo ako namin ni Aingelle. Ayaw ko pa sanang umalis kanina. Kung hindi lang dahil din sa kakausapin ko ngayon.Rinig kung bumukas ang pinto ng opisina ko. Napahilot na lang ako sa bridge ng ilong ko."Good morning, ser," bati nito sa akin."Good morning, have a seat."Umupo ito sa visitor chair. Binuksan ko ang isang drawer ko at ibinigay iyon sa kanya. Sumandal ulit ako at pinagtagp
Baca selengkapnya
Chapter 23
Azrael POVDumalaw muli ako sa puntod ni Aingelle. Halos dito na ako tumira sa sementeryo. Araw-araw akong dumadalaw sa puntod ni Aingelle. Dahil ngayon ang alis ko papuntang Isla."Aalis muna ako, love. Pangako, pagbalik ko. Bibigyan kita ng hustisya. Magpapahinga muna ako sandali."Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon."Anong balita?" tanong ko sa kanya."Nakuha ko na ang mga dapat mong malaman, boss.""Sige, magkita tayo," saad ko dito.Sinabi ko dito kung saan kami nagkikita. Kaya pumunta na ako sa restaurant.Pagkarating ko sa restaurant ay nandoon na ang P.I na inupahan ko. Umupo ako sa table na nakalaan sa aming dalawa. Nasa tagong lugar iyon, upang di kami mahalata."Ito na, Sir."Ibinigay nito sa akin ang isang brown envelop. Alam ko kung ano ang laman noon. Kaya binuksan ko iyon sa harapan nito.Nakita ko ang laman. Dalawang lalaki ang lumapit kay Aingelle noong araw na kinidnap ito. Isang itim na van, kung saan isinakay ang fiancee ko."Ito lang?" tanong ko
Baca selengkapnya
Chapter 24
Azrael POV"Sino ang gusto mong ipahanap?" tanong ni Cade sa akin."Kung sino ang pumatay sa nobya ko."Biglang sumeryoso ang mukha ni Cade."Name?""Aingelle Samonte.""Okay, last seen.""Sa isang abandonadong gusali. Sunog ang katawan.""Kung sunog ang katawan. Paano n'yo nalaman na siya iyon.""Dahil sa kwintas, na ibinigay ko sa kanya.""Sure ba kayo na siya talaga iyon?" may pagdududang tanong ni Cade."Oo, sure na sure.""Okay.""Bigyan mo ako ng isang linggo. I'll make sure na mahahanap ko ang mga salarin."May ibinigay ako na isang envelop sa kanya. "Kuha iyan ng P.I ko. Baka makatulong. Gusto ko ding malaman, kung bakit nand'yan ang kakambal ng pinsan ko.""Okay. Isasama ko iyan."Kinuha nito ang envelop. Binuksan at inilabas ang mga laman noon. Tumango-tango ito. Tsaka ibinalik sa loob ng envelop. Tumayo na ito."Aalis na ako. May flight kasi ako ngayon." Tinignan nito ang relo nito. "Next week. Malalaman mo na ang lahat.""Salamat, Cade. I-tra-transfer ko na lang ang bayad
Baca selengkapnya
Chapter 25
Nagtagal pa ako sa Isla. Dahil hinintay ko ang resulta ng imbestigasyon ni Cade na ngayon daw nito ibibigay. Halos mag dalawang linggo na ako dito."Az, sorry late ako." Hinging paumahin nito."Its okay, Faith. Magkasunod lang tayo.""Hindi ko alam sa Rozen na iyon, sobrang dami niyang ipinagagawa sa akin. Ngayon ko lang nga natapos eh."Ngumisi ako. Dahil alam ko na nagtagumpay ako sa plano ko. Sigruo, bago ko lisanin ang Isla ay magiging masaya na ang kaibigan ko na iyon."Ano ba ang pinagagawa niya sa iyo?""Lagi niya akong pinapatawag. Pinakukuha ng kung ano-ano. Hayaan mo na iyon. Sira kasi ang ulo no'n."Umiling na lang ako. I know that moves. Dumaan din ako sa ganyan.Hinawakan ko ang kamay nito. "Sumama ka sa akin, i-aalis kita sa Isla na ito," saad ko dito."Azrael, napag-usapan na natin ito. Masaya ako dito. Hindi ko kailangang umalis.""Analia," isang malamig na tinig ang napalingon sa dalaga.Sobrang dilim ng mukha ni Rozen na tila ba anumang oras ay bubulagta ako dito."H
Baca selengkapnya
Chapter 26
Azrael POV"Saan tayo, pupunta, Azrael?" tanong nito sa akin."Sa lugar na hindi ka makakatakas."Dadalhin ko sa Isla na iyon si Angel. Doon ay papahirapan ko ito ng husto. Ipapadama ko sa kanya ang hirap na dinanas ko sa pagkawala ni Aingelle.Tumahimik ito. Alam nito ang kasalanan na nagawa nito sa akin."Bakit ako lang ang pinahihirapan mo, kasama ko si James, I confess to you.""Alam ko, pero sa ngayon. Ikaw na muna."Dahil mahirap kalaban si James, kailangan na pagplanuhang mabuti ang pagdakip ko sa kanya."Azrael, I am sorry. Hindi ko talaga gusto na mamatay si Ain.""Shut up, Angel. The damage that you cause is done. Kaya huli na ang pagsisisi mo."Natahimik ito. Ayaw ko ng ingay, dahil naririndi ako sa boses nito. Nakaplano na ang lahat ng pag stay ko sa Isla na iyon. May sarili na akong bahay doon.Magtatayo na din ako ng business sa Isla at nagplanuhan ko na din na sumali sa grupo ni Rozen. Noon pa man ay hinihikayat na niya ako na sumali sa Casa El Mafia ako lang ang hindi.
Baca selengkapnya
Chapter 27
Angel POVNagising ako na para bang may kumalabog sa labas ng kwarto ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ba ako or hindi. Pero naisip ko na, wala naman sigurong masamang tao ang papasok sa bahay ni Azrael. Lalo na't pinagkakatiwalaan ni Azrael ang may-ari ng Isla.Lumabas ako, nakita ko si Azrael na nakahandusay sa sahig. Kaya agad ko itong nilapitan."Azrael!" sigaw ko.Napatingin ako sa kalagayan nito. Amoy alak ito."Aingelle. . ." tawag nito sa pangalan ng kakambal ko.Hindi ko napigilan ang umiyak. Dahil nasasaktan ako. Mahal na mahal ko si Azrael, ngunit hindi ako ang mahal nito. Ang kakambal ko ang mahal nito.Inalalayan ko si Azrael na bumangon. Upang makapunta sa kwarto nito. Binuksan ko ang kwarto nito at inihiga ito sa kama. Huminga ako ng malalim. Dahil sobrang bigat ni Azrael."Aingelle. . ." tawag nitong muli sa pangalan ng kakambal ko.Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sobrang linis ng kwarto nito. Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa bedside table nito.
Baca selengkapnya
Chapter 28
Angel POVDahil hindi ako makatulog ay hinintay ko na lang na umuwi si Azrael. For sure lasing na naman ito.Hanggang sa may narinig akong ungol sa sala."Oohh!"Lumabas ako sa kwarto ko at hindi agad ako nakagalaw, dahil sa nakikita ko. Si Azrael may nakakandong dito na babae. Naghahalikan ang dalawa."Your so good, di ka pa rin nagbabago.""Para sa iyo, Aingelle."Kumunot ang noo ko. Agad na nilapitan ko ang babae. Hinawakan ko ito sa braso at pinaalis ito sa kandungan ni Azrael.Tumili ito. "The heck!""Get out bitch!" sigaw ko.Galit itong tumingin sa akin. Tumayo ito at namaywang."Alam mo, si Azrael ang nagyaya sa akin dito. He wants sex. Hindi ko naman alam na may babae pala dito.""Tama na iyan, Angel. Go to your room. We have a business to do," malamig na sambit ni Azrael."Akala ko ba mahal mo ang kakambal ko? Bakit ganito ka!" sigaw ko sa lalaki.Galit niya akong tinignan. "Oh God. Aalis na lang ako, Azrael. Nawalan na ako nang gana."Umalis na ang babae. Hinaklit ni Azrael
Baca selengkapnya
Chapter 29
Azrael POVNitong mga nakaraang araw ay abala ako sa mga kailangan kong gawin. Lalo na sa pagpasok ko sa Casa. Kahit na may mga koneksyon na ako ay mas kailangan ko pa ng maraming koneksyon. Dahil sa isang taong babangga-in ko."Azrael, this you final task. Para tuluyan ka na talagang kaanib ng Casa," ayon kay Kainer.Pinagbihis lang naman nila ako ng isang pantalon ay walang pang itaas. Kailangan ko daw magsayaw sa ibabaw ng entablado. Kahit na nakakahiya ay gagawin ko na lang. Isang taon na din kami dito ni Angel. Halos gabi-gabi ay may nangyayari sa amin. Lalaki lang din ako at may pangangailangan. Sa tuwing nagdadala ako ng babae sa bahay ko ay laging sumusulpot si Angel.Pero kailangan matigil na iyon. Hindi na pwedeng may mangyari ulit sa amin. Kapatid siya ni Aingelle, siya ang pumatay sa babaeng mahal ko. Galit ang nararamdaman ko sa kanya at iyon lang dapat ang maramdaman ko.Gumiling ako sa ibabaw ng entablado ng bar ni Kainer. Kahit na ayaw ko ay wala akong magagawa. Hangga
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status