All Chapters of My Paper Wife: Chapter 11 - Chapter 20
68 Chapters
Chapter 11
Lisa POV Nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Ano ba kasi pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon? Masama na naman tuloy mga titig niya sa akin. Namayani ang katahimikan sa buong biyahe namin, nagpatugtog siya ng music mula sa speaker ng kanyang mamahaling kotse. Awit ito ng isang banda sa ibang bansa. Ito pala mga gusto niyang mga uri ng musika. Ibang-iba sa lagi kong naririnig na pinapatugtog nila sa probinsya na mga ma-iingay at masasakit sa tengang tugtog. Ni wala nga ako maintindihan sa mga sinasabi sa mga kinakanta doon. Bukod sa ma-ingay, puro pa-sigaw. Rock music yata ang tawag nila doon. “Every pure intention ends when the good times start, Fallin ‘over everything to reach the first time’s spark,” Alam ko ang kantang ito, kanta ito ni Ed Sheeran! Kung ‘di ako nagkakamali . . . Bad Habits ang title nito. Pero ‘di gaya sa original version, ito ay acoustic. Ang sarap pakinggan, damang-dama ang bawat salitang sinasabi. So slow and relaxing kasabay ang pagtugtog ng gitara. Narinig
Read more
Chapter 12
Lisa POV Mabigat ang katawan kong bumangon nang umaga iyon. Ang huling tingin ko sa orasan kagabi ay pasado alas tres na ng madaling araw nang antukin ako. Pabaling-baling lang ako sa higaan ko kagabi, hindi malaman kung anong posisyon ang aking gagawin. Tumagilid, tumihaya at ang paborito kong posisyon na nakadapa, na walang silbi kagabi dahil hindi ko rin nakuha ang antok ko. Tumayo na ako at nag-hilamos, hindi na ako nag-abala pang magpalit pa ng damit. Naisipan kong magluto ng almusal naming dalawa ngayon. Maaga pa naman, madilim pa nga ang labas nang sumilip ako sa bintana mula sa kwarto ko. Mag-aala sais pa lang ng umaga, sigurado ako na mamaya pa magigising ang lalaking iyon. Kung kagabi mangha ako sa sala niya at sa kwarto ko na puno ng mga bagay na pinapangarap ng ibang babae, dito naman sa kusina niya . . . puno ng mga mamahaling appliances. Tinignan ko ang mga ito. Ang ibang gamit dito ay ‘di ko alam gamitin at kung para saan nga ba ginagamit iyon. Mangha ko silang hinaw
Read more
Chapter 13
Lisa POV “Wife?” ulit niya sa itinawag ni Fier sa akin. “Babe, si Mommy nga pala.” Pagpapakilala niya sa Mommy niya. Lumunok ako, parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Tumaas ang kilay niya sa akin, hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan tanging kilay lang niya ang umaagat. Inalog ako ni Fier, tinignan ko siya. Nagpapatulong. Ngunit tinawanan niya lang ako at niyakap. Nanlalamig din ang hubad niyang katawan na dumikit sa aking katawan. “Mommy naman! Tinatakot mo ang asawa ko!” Naramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa tenga ko. May ibinulong siya na hindi ko naintindihan sa sobrang kabang nararamdaman ko. Itinaas niya ang isang kamay niya. A-akala ko makakatikim ako ng sampal gaya sa mga pocketbook na nababasa ko. Tinitigan ko ang kanang kamay niyang baliktad na nakalahad sa akin. May isang singsing siyang suot na kumikinang ito. Napakaputi ng kanyang kamay. Malambot pa. Nakakahiyang hawakan. At ang ganda ng nailpolish niya, ah! kulay red . .
Read more
Chapter 14
Lisa POV Hindi umalis ang mommy niya hanggang sa pumasok na si Fier papuntang office. Dahil sa ‘di inaasahan na pagpunta niya dito– na bago lahat ng plano namin. Nai-ilang ako ngayong nandito siya sa bahay, nakaupo, pinagmamasdan bawat galaw ko. Sa totoo lang, wala naman ako gagawin, nagbu-busy-busy-han lang! Malinis na ang buong bahay. Wala din labahin. Kaya ito ako, mainit ang pakiramdam ko sa likod ko dahil nga nandito siya at nasa akin ang mga mata. Pang ilang punas ko na ba ito sa lamesa at counter? Tsk! Mababakbak na ang kulay nito kakapunas ko. “Hija,” tawag niya sa akin mula sa sala. Nakasindi ang TV doon habang umiinom siya ng kape. “B-bakit po?” Ipinunas ko ang kamay ko sa suot kong leggings bago lumapit sa kanya. Tahimik lang siyang nakatingin sa TV. Tinapik niya ang katabing upuan. Mas lalo akong kinabahan nang patayin niya ang TV. Itinuon niya ang buong atensyon sa akin. Napalunok ako. Ito na siguro ang konprontasyon na mangyayari sa aming dalawa. “Mukha ba akong nak
Read more
Chapter 15
Lisa POV Para kaming sinabuyan ng malamig na tubig nang pumasok ang isang nurse. Tumikhim siya at nagdiretso sa higaan ni nanay na tulog pa rin hanggang ngayon. Sumandal ako sa sofa. Lumingon sa kabilang side ko, natatarantang naghanap nang pwedeng magawa. Lumunok ako pero lunok lang sana ang gagawin ko nang napa-ubo-ubo naman ako nang sunod-sunod. Umiinit ang mukha ko para itong sinilaban na parang gustong sumabog sa– hiya at sa . . . kaalamang nakatitig siya sa akin ngayon. Oh, Em . . . we kissed! Sa gilid ng mata ko, nakatingin siya sa akin bago binalik sa pagtitipa sa kanyang laptop na parang walang nangyari. Itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa paghawak sa unan na nasa tabi ko. Maya-maya tumikhim ang nurse, tinawag ako. Sinabi niya sa akin ang mga dapat gawin sa susunod na mga oras. Inayos na rin nito ang dextrose ni nanay at sinabing mamaya na lalabas ang resulta ng test na ginawa nila kahapon. Tumango lang ako sa kanya, nang maiwan muli kami, katahimikan ang namayani
Read more
Chapter 16
Lisa POV Dahil nasa hospital ako, mahirap matulog kahit na nand’yan si Ate Lynda para tulungan ako sa mga gawain dito sa hospital, gaya nang pagsama kay nanay sa banyo at sa iba pa niyang mga ka-kailanganin. Maya’t mayang may pumapasok na nurse para pa-inumin si nanay ng gamot niya, at i-test ang temperature niya. Alas singko ang huling pasok ng nurse dito at hindi na ako naka-tulog pang muli. Nagpainit na ako ng tubig at nagluto ng simpleng almusal dito sa maliit naming kusina sa loob ng hospital. Fried egg at hotdog lang naman kaya madali lang, nagsaing na rin ako ng kanin kasama na hanggang sa tanghalian sa maliit na rice cooker dito. Kumain ako nang tahimik habang iniisip kung anong oras ako susunduin ni Fier ngayon. Wala na siyang sinabi kagabi matapos ko siyang i-text para pasalamatan sa pinadala niya. Medyo na lungkot ako doon, matapos kasi ng halik na iyon parang umiiwas siya sa akin. Wala siyang sagot sa akin kagabi kung hindi, ‘okay,’ simple at wala nang iba pa. Winaksi k
Read more
Chapter 17
Lisa POV Kunot noong binalingan ako ni doktora habang in-adjust niya ang suot na surgical gloves. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, hinawakan ko ang tali ng roba ko na parang dito ako kumakapit, naghahanap nang lakas. Napalunok akong muli ng humarap na siya sa akin. “Mrs. Madrigal, kailangan na po na ‘tin simulan ang treatment niyo, may oras po tayong hinahabol. So, please lay down and also tied up your hair into a bun. Then, wear this disposable hair cap,” Inabot niya sa akin ang isang transparent plastic na hairnet kung tawagin sa amin. May inayos siyang isang maliit na machine. Pinakiramdaman ito sa palad niya nang makuntento, ibinaba niya ito sa kama. Hindi pa rin ako gumalaw. Kinakabahan ako eh, tapos si– bakla, tini-test niya ang isang syringe kung maayos itong gumagana. Hanggang sa may pumusit na nga sa dulo nitong isang walang kulay na likido. Oh, Em G! “Mahiga na po kayo, Mrs. Male-late po kayo, baka pagalitan kami ng asawa niyo,” masungit na saad niya nang hindi ako
Read more
Chapter 18
Lisa POV Habang nasa byahe, pinaliwanag sa akin ni Karen kung ano ang mga nangyayari kadalasan sa anniversary ng isang kilalang kumpanya. Nakikinig lang ako, tahimik na tumatango. Nanliliit sa mga naririnig sa kanya. Sinabi niya kung ano ang gagawin ko pagdating doon, gusto niya na ngumiti at bumati ako sa lahat nang kakausap sa akin. “Just be confident, always remember that!” Ilang ulit niyang sinabi sa akin. Confident! Kulang na nga lang sabihin niyang I’ll try to fit in. Try to look rich, and beautiful. Kita ko sa mga mata niya na hindi nga ako bagay sa pupuntahan naming lugar. Paano pa kaya ang mga taong dadatnan ko mamaya doon? Kung siya nga, ganito na ang reaksyon niya sa akin, paano pa kaya sila? Ang iba . . . ang mga kamag-anak niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Isang beses niyuko ang sarili ko. Kinikilala ko ang itsura ko ngayon. ‘Yong Feeling na, ako na parang ‘di ako! Malayong-malayo sa talagang ako. Isang simpleng probinsyana na laging nakas
Read more
Chapter 19
Lisa POV Hinawakan niya ako sa aking siko at inilayo sa lalaking nakahawak pa rin sa aking baywang. Ngumiti siya sa akin nang magkaharap kami. Ang ganda ng mga mata niya, malamlam at may kinang. Naka-formal din siya na suot na hapit sa katawan niya. “Philip? Bakit ka nandito?” Nilingon ko si Fier na humigpit ang pagkakahawak sa siko ko. Magkakilala sila? Lumapad ang ngiti ng lalaking tinawag niyang Philip. Tinignan ang mga paa ko na walang kahit na anong suot. Sa hiya, pinagpatong ko ang mga ito. “Tito said you are here and wanted me to check on you. But this beautiful lady bumped into me and almost kissed the floor.” nakangiti niya akong tinitigan. Walang pakialam sa lalaking katabi ko. Ang ganda ng mga ngiti niya, ramdam kong totoo at walang pang uuyam sa kanyang mga mata kahit na ganito ang itsura ko– nakapaa lang. Tumikhim si Fier sa tabi ko, hinila ako sa kanyang katawan at inakbayan. Tiningala ko siya, na i-inis pa rin ako sa kanya. Kung wala lang ang lalaking kaharap nama
Read more
Chapter 20
Lisa POV Magkahawak kamay kaming pumunta sa party ng anibersaryo nila dito rin sa loob ng hotel na ito. Kagaya sa invitation, gold ang motif nila. Mangha ako sa isang lobong nasipa ko sa sahig, may mga glitters ito sa loob na kumikinang at may nakalagay sa loob na happy fiftieth . . . Pagpasok mo sa loob mas marami nito sa entrance. Magandang inayos pa-arko sa may malaking pintuan na may malaking logo sa magkabilang gilid nito. Ang dami naming nadaraanan na mga bigating tao. May mga artista pa nga! Grabe! Ang ganda nila! Ang gwapo! Syempre ‘di ko pwedeng ipagsigawan iyon dahil . . . ‘di iyon gawain ng isang sosyal. Duh!? Behave ako, mas mahinhin pa sa mas mahinhin. Ngiting pang slow-mo lang at kilos pang slow-mo din dapat. Pero panira ang suot kong sandals. Ang sakit na nang mga paa ko. Wala pa ngang five minutes akong nakatayo at naglakad. . . pakiramdam ko isang buwan ko na itong suot dahil sa sakit at ngalay sa mga binti ko. Putik!!! Ang hirap pala mag-maganda! Ngumingiti
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status