All Chapters of After The Break-Up: Chapter 21 - Chapter 30
86 Chapters
Chapter 21
"Wake up, Wife." Inaantok man ay napapaos na sinabi ni Waylen tsaka niyugyog ang balikat ko. Naalimpungatan ako ng dahil doon at iminulat ang isang mata upang tignan siya. His eyes were completely close and the back of his head was comfortably resting on the headboard, upper body was leaning against it while his legs were still stuck on the bed. Malalim siyang humikab habang inaantok na niyugyog ang balikat ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa endearment na binigay niya sa akin. Pagkatapos kasi noong halikan naming noong nakaraang dalawang araw ay napapansin kong tinatawag na niya ako ng ganoon at hindi na pangalan ko. Minsan ko siyang tinanong kung bakit at ang sagot niya lang ay gusto niya raw ipakita sa akin kung gaano siya kaswerte na naging asawa niya ako. Umungot ako bilang tugon at hinawakan ang comforter na nakapatong sa katawan tsaka akmang tatalikod na sana ng paghiga sa kanya para ipagpatuloy ang pagtulog nang b
Read more
Chapter 22
Kanina pa kami nasa loob ng kotse at tahimik na tahimik ang paligid dahil sa walang nagtangkang magsalita sa amin. Simula nang mangyari kanina ay bigla nalang nagbago ang timpla ni Waylen. I glanced at him when I felt him move. I saw how he massage the bridge of his nose while the other hand was gripping tightly at the steering wheel, flexing his veins. His jaw were clenching while gritting his teeth. The redness of his face along with his sharp glare show how upset he is. "Waylen?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Kinutkot ko ang aking mga palad nang maramdaman kong natigilan siya at napalunok. Ilang sandali pa ay nilingon niya ako kasabay ng pagkunot ng noo. Dahan-dahan niyang binaba ang kamay na minamasahe ang ilong papunta sa sentido tsaka iyon pinatong sa manobela nang hindi tinatanggal ang mga mata sa akin. Matagal kaming nagkatitigan animo'y tinatantya ang isa't-isa. "Are you okay-" I was cut off when suddenly, he hugged me from
Read more
Chapter 23
Author's Pov:Tirik na tirik ang araw pero buhay na buhay ang diwa ng bawat estudyante. Ang kaninang tahimik na cafeteria ay parang biglang dinagsa ng libu-libong tao nang matapos ang morning classes nila. Bulungan, tawanan at sigawan na nanggagaling sa iba't-ibang boses ng estudyante. "Delicious, isn't it?" Nakangiting tanong ng high school na bata na si Waylen sa kaharap na si Sheena, isa sa mga kaibigan niya. Ngiting tumango-tango naman si Sheena sa sinabi nito matapos matikman ang inalok na turon sa kanya ng kaibigan. Ngayon palang niya natitikman ang ganoong klaseng pagkain dahil ngayon niya palang rin nalaman na may ganoon palang pagkain. Lumaki kasi ito sa ibang bansa at isang taon lang ang nakakalipas simula no'ng lumipat siya sa eskwelahang ito. Noong una ay natatakot talaga si Sheena na pumasok na mag-isa at walang kakilala dahil baka kagaya noong nasa ibang bansa pa siya ay baka kutyain at awayin siya ng mga ito pero kagula
Read more
Chapter 24
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos niyang ikwento ang nangyari sa pagitan nila ni Blaze. Pakiramdam ko ako iyong binubogbog at pinagsusuntok ng ganoon dahil sa ramdam kong sakit at lungkot sa kanyang boses. I blinked my eyes continuously and glanced at him who's now quiet. Nakasandal pa rin ang katawan niya sa headboard habang ang dalawang siko ay nakapatong sa magkabilang tuhod na nakataas. Nakaladlad ang kanyang mga braso habang hinahayaang paglaruan ng kamay ang bawat dulo ng punda ng unan. Rinig ko ang mabigat niyang paghinga at ang pagkatulala niya sa kawalan. Nakaawang ang mga labi niya at hindi malaman kung saan ibabaling ang paningin. "What happened after that?" I curiously asked and then looked at him with nothing but concern in the eyes. Parang biglang nawala ang galit ko sa kanya kanina. Kung bakit niya iyon nasabi at kung bakit ganoon nalang ang takot niya. Maski ako rin naman kapag nakita ko ang mga taong nagbigay sakit
Read more
Chapter 25
Tinikman ko ang sabaw ng niluluto kong sinigang na baboy pagkatapos kong patayin ang stove. Agad akong napapikit sa masarap na lasa nito kasabay ng pagsilay ng malapad na ngiti. Kani-kanina lang ay ginising ako ni Waylen para magpaalam na aalis na raw siya papuntang trabaho. Minsanan pa nga akong nagulat dahil iyon ang unang pagkakataon na ipapaalam niya sa akin kung saan siya pupunta at lalong-lalo na gigisingin ako para lang halikan ako sa noo. Nagulantang ako sa ginawa niya kaya hindi na ulit ako nakatulog no'n kahit mag-aala-sais palang ng umaga. Buong umaga ay iyon lang ang tumatakbo sa isipan ko na tipong kahit ngayon na ipinagluluto ko siya ng makakain niya para mamayang tanghali ay iyon pa rin ang laman ng utak ko. Sobrang saya ko na ata ng dahil doon kaya pati aso niya na nasa likod ng bahay ay nagawa ko na ring bisitahin at pakainin. Sa totoo lang ay natutuwa ako sa alaga niya dahil ang inaasahan ko ay kakagatin ako nito pero nagulat
Read more
Chapter 26
Author's Pov:Alas dyis palang ng umaga ay inimporma na ni Waylen si Abegail na hindi siya mag-aabala ng oras sa mga bisita lalong-lalo na kapag wala naman itong importanteng sasabihin. Nagpahatid na rin siya kaagad kay Abegail ng tanghalian para hindi na siya nito kakatukin mamaya para ipaalam na kakain na. Ayaw na ayaw niya kasing nadidisturbo siya lalong-lalo na kapag nasa gitna siya ng trabaho dahil nawawala kaagad ang pokus niya. Puno ng mga hindi mabilang na papel at folders ang desk niya na may dalawang box pang natitira sa baba nito na babasahin at pipirmahan niya ngayon dahil sa business trip nila at agreements na mukha wala namang nangyari kundi ang magbakasyon silang dalawa ni Scarlett. Nang maalala angbasawa ay parang biglang bumalik sa alaala niya ang unang halik nilang dalawa ni Scarlett. Bigla na lamang pumula ang magkabila niyang pisnge kasabay ng pagsilay ng malapad na ngiti sa mga labi dulot ng matinding kiliti sa buong katawan. Para si
Read more
Chapter 27
"Wala ka na bang naiwan na gamit?" Tanong ni Waylen bago ko pa man tuluyang isirado ang pintuan ng kotse. Bahagya akong natigilan roon tsaka agarang chineck ang mga gamit na nasa passenger's seat. Nang makitang naroroon na ang lahat ay nakangiti ko siyang hinarap kasabay ng pagthumbs-up. I thought I'm now ready to leave but stopped when he talks. "Oh, I think you forgot something." aniya at pinakunot ang noo dahilan para mangunot rin ang noo ko. "The kiss," nagulat nalang ako nang bigla niyang idungaw ang sarili sa akin tsaka nilagay ang palad sa aking batok bago iyon marahang tinulak palapit sa kanya upang dampian ng mabilis na halik ang aking noo.I was caught off guard and didn't know what to react. Bigla nalang nagwala ang mga paru-parong alaga ko sa tiyan ko kasabay ng pamumula ng pisnge hanggang sa tainga. Tumalon ang puso ko sa hindi maipaliwanag na saya habang hindi mabilang ang paglunok na tinitignan ang nakangiti niyang mga
Read more
Chapter 28
Simula pa lang nang makita ko si Blaze hanggang sa matapos ang meeting ay biglang nawala ako sa mood ko. Kung hindi lang makakapagbigay ng masamang reputasyon sa kompanya ang gagawin kong pagsagot-sagot sa tuwing nagsasalita siya ay baka matagal ko ng ginawa. Tsaka isa pa, naririto rin ang mga magulang ng ikakasal kaya dagdag na rin iyon sa pagpipigil ko sa sarili na h'wag magbigay ng masamang imahe sa kanila. Nagpaalam na sa akin ang mga magulang ng bride na mauuna na raw sila dahil may gagawin pa dahilan para pagsalamatan ko sila. "Are you okay, Ma'am?" Janina worriedly asked after bidding my good bye to the couple. Lima lang kami ang naririto sa conference room. Ako, si Janina, ang mag-asawa at si Blaze. Mabilis na nanliksik ang mga mata ko lalo na nang makitang hindi pa rin siya umaalis sa opisina, halatang walang balak na iwan kami rito. "What the hell are you doing here?" I groused and fearlessly faced him. Kita ko sa
Read more
Chapter 29
I slapped my face using my both palms after running my fingers through my hair out of frustration. Nilubog ko ang sariling mukha sa butas ng manobela tsaka yumuko sa mga paa habang pilit na pinapakalma ang sarili. Palagay ko'y isang oras na ako rito sa loob ng aking sasakyan at hindi malaman kung ano ba dapat ang gagawin. Malapit ng mag-alas otso pero mukhang wala pa rin akong balak na bumaba para pumasok sa bahay. What Blaze said earlier keeps creeping my mind. It gives me chill everytime I remember his words. He was so serious and obviously not trying to play with me after uttering those words like he was just thanking someone. Inangat ko ang mga mata ko upang tignan ang nakasiradong main door ng bahay. Kung anu-anong mga senaryo ang pumapasok sa isipan ko na sa tingin ko na dapat ko ng tigilan. Paano kung pagtapak pa lang ng mga paa ko sa sementong iyan ay magugulat nalang ako sa kutsilyong sasalubong sa mukha ko. Paano kung sa tu
Read more
Chapter 30
"I'm hungry," mahinang bulong ko habang nakahiga sa dibdib niya. Pinapanood ko kung paano bumaba-taas ang adams apple niya at paminsan-minsan ay bahagyang sinusundot-sundot ito. "Hungry?" He glanced at me and stops brushing my hair. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa adams apple niya pero iwinawaklis ko iyon dahilan para hayaan na lamang niya ako. Tinanguan ko siya ng hindi tintignan at nakatuon ang buong atensyon sa kanyang leeg. "Hmm," I moaned and raised my eyes to him when I felt him stiffened after I come even closer to his neck to sniff his perfume. "Did you have your dinner?" Ramdam ko ang malalim na paglunok niya at ang higpit ng pagkakayakap sa akin dahilan para iangat ko ang aking paningin sa kanya. Iniwas niya ang kanyang paningin nang aksidenteng nagtagpo ang aming mga mata tsaka iyon nilipad sa wall clock. "It's one in the morning," he informed.Tinignan ko iyong
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status