All Chapters of My Bodyguard Is Now A Billionaire (Tagalog) : Chapter 11 - Chapter 20
106 Chapters
Chapter 10
Kylie SATURDAY KINABUKASAN maaga ulit akong gumising para makapag-asikaso. Nasasanay na ako na ganitong oras nagigising. Ayaw ko naman na mainis sa akin si Jace, At saka ayaw ko talagang nahuhuli sa klase. Katulad kahapon sabay sabay kaming kumain ng almusal nila mommy at daddy. Kasabay na rin namin kumain si Kuya na halatang antok na antok pa. Mukhang napipilitan lang gumising dahil kinausap siya ni mommy kagabi. Naunang umalis si Kuya kesa sa amin ni Jace doon daw siya matutulog sa tambayan nila. Napailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang kanyang kotse. Kahit kailan talaga, gagawa at gagawa siya ng paraan, Hindi talaga maganda ang nakapalibot sa kanyang kaibigan. Mga bad influence `e. Pasalamat na lang talaga na matalino siya kaya kahit bulakbol nasa top pa rin. Nabalik lang ako sa ulirat ng pag-buksan ako ng pinto ni Jace. Ngumiti naman ako sa kanya bago pumasok sa loob. Buti pa itong lalaking `to, hindi nademonyo ng kapatid ko. Seryoso siya sa pag-aaral a
Read more
Chapter 11
Sa itsura kase ni Jackie mukhang walang balak umalis at magpatalo. Gusto niya talagang umattend kami. Syempre buong university ang ininvite niya. Nag-papakitang gilas at syempre bida-bida. Pag-bigyan na birthday naman. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa narinig. “Yes! Thank you. Masaya ako at pumayag na rin kayo. So, see you there! Aasahan ko kayo doon ah. Bye! Let's go, girls! Pupunta pa tayong mall.” Maarteng sabi niya at tinalikuran na kami. Nang mawala sila sa paningin namin ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. “That b*tch! Halatang pinaplastic lang naman tayo.” Gigil na anas ni Chantal. ”Kung hindi din tayo pumayag paniguradong hindi tayo, pakakawalan ’e. Tsk, Ayoko talaga umattend sa birthday ng bruhang ’yon, kaso ayoko naman kayo pabayaan kaya sasama na rin ako. Basta sandali lang tayo. Mag-paalam na rin tayo sa parents natin, para aware silang sa bar tayo pupunta.” Sabay kaming tumango ni Trishana bilang pag-sang-ayon. ”Wala rin namang tayong ch
Read more
Chapter 12
“Don't worry mom, even if we're at the bar later, we'll make sure we have fun. Thank you mommy, I love you.” “I love you too, honey. Sige na, mag-prepare kana. Don't drink to much, ha? Iyong tama lang. Ok?” “Yes, mommy. Thank you po.” “Alright, ibababa kona ang tawag, may meeting pa kami ulit ng Daddy mo. bye honey.” “Bye po!” Pagkatapos kong makausap si mommy ay tumayo na ako, pinasadahan ko ng tingin ang sarili hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Ang idlip ko lang sana ay naging isang oras na rin pala. Kung hindi tumawag si mommy, baka hanggang ngayon tulog pa ako. Dumeretso ako sa walk in closet ko at naghanap ng pwedeng suotin, Pinili ko ang isang long sleeved waist slimming mini dress with square collar, Hindi ko naman kailangan bonggahan saka wala namang sinabing dress code si Jackie so, okay na ’to. Matapos makapili ng dress dumeretso ako sa mga heels, Isang black 3inches heels ang napili ko tapos sa bag naman isang small sling or shoulder handbag. N
Read more
Chapter 13
“No worries, alam ko naman na hindi kayo nainom ng hard drinks. Saka hindi ko din hahayaan na inumin niyo ’yon.” Bumaling naman siya sa akin. “Ikaw? ok kalang?” Tumango naman ako. “Good, sige na ipag-patuloy niyo na kung anong ginagawa niyo, Hindi niyo kailangan ubusin ’yang alak. Babalik na ako sa table namin.” Sabay sabay kaming tumango. “Thanks kuya.” Pahabol ko bago siya tumalikod at bumalik sa table nila. Napabuntong hininga naman ako. “Kainis talaga ’yun si Jackie, Masyadong bad influence ’e. Gimikera kaya sanay na sanay na sa alak.” Naiinis na sabi Chantal, halatang kanina pa pinipigilan ang inis. “Good thing kuya Kylde is here. Nakakapanibago dahil ang seryoso niya kanina. Iba talaga ang nagagawa kapag seryosong usapan na. Kahit maloko at laging nang-iinis kapag kailangan ni Kylie ng tulong, Mabilis siyang dumadating.” Mahabang turan naman ni Trishana. Yeah, agree ako sa sinabi niya. Kanina ibang iba si kuya, Makikitang concern talaga siya sa akin/amin. “True
Read more
Chapter 14
Agad akong tumayo kahit nang-hihina para lapitan at awatin si Jace. He was shivering with anger and still couldn't stop punching the man whose face was covered in blood. He punched again the man as if there was no tomorrow, He could no longer think clearly his thoughts are crowded with anger. “P-please, Jace stop! Please!” Sigaw ko, pero parang wala siyang narinig. Mas lumapit ako sa kanya. “Tama na, Jace!” Hindi ko siya inaaawat dahil naaawa na ako sa lalaking nambastos sa akin. He deserved it! Muntikan na niya sirain ang buhay ko. Tama lang sa kanya ang masaktan. Inaawat ko si Jace dahil ayokong makapatay siya dahil sa akin, ayokong dungisan ang pangalan niya. Tama na ang ginawa niyang pag-liligtas sa akin. Lumapit pa ako at hinawakan siya sa kanyang balikat. “Please, tama na..” Pakiusap ko habang lumuluha. “T*ngina, lumayo ka, Kylie!” Malakas na sigaw niya sa akin. Napa-atras naman ako dahil sa takot. Ibang-iba siya ngayon. Gosh, paano ko siya aawatin? Baka mapatay
Read more
Chapter 15
KINAGABIHAN ay napag-desisyunan kong sumabay kumain sa kanila. Kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko. Nagulat silang lahat ng makita ako. Kahit si Jace ay ganoon din. Hindi pa pala ako nakakapag pasalamat sa kanya. “Darling, ok ka na ba? Gusto mo ba dalhan kana lang namin ng pagkain sa kwarto mo?” Umiling ako kay mommy. “It's ok mom, ok na po ako. Nakapag-pahinga naman na po ako.” “Are you sure, sweetie?” Tanong naman ni Daddy, ngayon ko lang siya narinig mag-salita simula kaninang umaga. “Yes, Dad.” Tumango naman sila at hinayaan na ako. Akma akong kukuha ng pagkain ng si Jace na ang gumawa non. Tahimik lang siya at walang kibo. Nag-pasalamat naman ako bago nag-simula kumain. Kanina habang nag-mumukmok ako sa kwarto napaisip ako na hindi ko dapat ikulong 'yung sarili ko sa nangyari dahil paniguradong mas lalala lang ang mang-yayari sa akin. Hanggang kaya ko labanan ang pag-pabalik-balik ng eksena sa akin isip. Lalabanan ko. Traumatic talaga pero kasalanan ko rin n
Read more
Chapter 16
KINABUKASAN (University) Nagtuturo ang aming prof pero imbes na makinig ako ay nakatulala lang ako sa labas ng bintana. Gusto ko mang makinig pero hindi ako makapag focus, Sa iba dinadala ang aking isipan. Gustuhin ko mang hindi maalala ang nang-yari sa akin sa bar wala akong magawa bigla-bigla nalang itong sumusulpot sa aking isip. Kanina ay sabay kaming pumasok ni Jace, Hindi man siya masyadong nag-sasalita pero ramdam ko naman ang kanyang mga ginagawa. Mas naging gentleman siya at hinatid niya ako hanggang dito sa room. Dahil bodyguard ko nga siya iyon ang kanyang trabaho. Ang weird nga, kase soon to be brother ko siya tapos ngayon ay bodyguard na. Sabagay hindi pa naman siya totally Montemayor, magiging palang. At walang kaso sa kanya iyon. Nakakabilib din siya ‘e. “Ms. Montemayor, are you with us?” “Ms. Montemayor?” Napakurap-kurap ako ng marinig ang tawag sa akin ng prof. Nataranta naman akong umayos ng upo at tumingin sa harap kung nasaan ang Prof namin na ngayon a
Read more
Chapter 17
Ang lalaki lang pala ang makakapag pabalik na makasabay ko sila ulit 'e. “You know what Girl, naisip ko lang, para sa akin lang. maybe he volunteered to be your bodyguard because of what happened to you. He saw everything. Kitang-kita natin ang galit niya sa lalaking nambastos sayo. Maybe he doesn't want that to happen to you again and to make sure of your safety he prefers to be your bodyguard. He wants to protect you.” Seryosong sabi ni Trishana. Napaisip naman ako, Possibleng ganoon nga? Kitang kita ko ang galit niya ng gabing iyon, Kulang na lang patayin niya ang lalaking nambastos sa akin. Tapos nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. “Pwede din, He wants to protect you. Isipin mo wala siyang pakialam kung maging bodyguard mo siya. Basta ang mahalaga sa kanya ang kaligtasan mo.” Segunda naman ni Chantal. “Sa totoo lang mas gusto ko nga na siya na lang talaga ang bodyguard ko para hindi halata at hindi ako maiilang. Sure pa akong safe. Salamat talaga sa kanya dahil na
Read more
Chapter 18
UWIAN “So, paano ba ’yan? sabay sabay na tayong pupunta ng parking lot? Hindi niyo na ako iiwan dahil ok naman na si Jace sa inyo right?” “Yes! Hindi naman pala ganoong kasungit. Mali pala kami. Mukha lang siyang ganon pero hindi naman pala. Saka, baka naiilang at naninibago lang siya that time.” Sagot ni Chantal. “Mas mabuti na nakilala namin ang bawat isa para walang ilangan, lalo na ngayon na bodyguard mo siya. And speaking of him, Kanina pa siya sa labas.” Sambit naman ni Trishana sabay nguso sa pinto. Sabay naman kaming lumingon ni Chantal, Nandoon na nga siya presenteng naka-sandal sa pader, habang naka-nakatingin sa mga studyanteng dumadaan at naka-pamulsa sa kanyang pants. Hobby niya talaga iyon. “Shems! ang hot sis! Kung ako ang may bodyguard na ganyan. Ay, jusko! Minu-minuto kami mag-kasama at—aray naman Trishana! Bakit may pabatok ka?” Himas himas ni Chantal ang kanyang ulo dahil sa ginawa ni Trishana. “Kalandian mo, umiiral na naman. Pati bodyguard ni Kylie
Read more
Chapter 19
Mahihinang tapik ang aking naramdaman kaya napamulat ako at ganon na lang ang gulat ko ng mukha ni Jace ang unang bumungad sa akin sobrang lapit ng mukha niya! Kung bigla akong gumalaw kanina siguradong mahahalikan ko siya! Wala sa sariling tinakpan ko ang bibig ko at pumaling sa kabilang side, Sh*t! Baka naamoy niya ang hininga ko, Nakakahiya! Nakatulog pa naman ako, Wait, Tulog ba o idlip lang? Tsk, alin man don nakakahiya pa rin. Bakit ba kase ang lapit ng kanyang mukha? Saka ngayon ko lang napansin wala na ring music ang suot kong earpods, Lowbat na? o pinatay niya? Nangunot ang noo ko bakit hindi pa siya umaalis sa harapan ko at nakayuko? Pinakiramdaman ko naman siya may kung ano siyang tinatanggal. Hanggang sa ma-realized ko kung ano iyon. Nag-init ang pisnge ko. Tinanggal lang pala niya ang suot kong seatbelt! Kaloka! “Tara na, kanina pa tayo nandito sa Mansion.” Sabi niya bago umayos ng tayo at hinintay akong bumaba. Kinalma ko naman ang sarili saka bumaba ng kotse
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status