All Chapters of My Little Trophy : Chapter 21 - Chapter 30
97 Chapters
Chapter 12.2
Sinipat ni Indigo ang orasang pambisig na kanyang suot. Pasado alas-singko na rin ng hapon. Ilang sandali lang matapos ang isang oras na paghihintay ay lumabas mula sa kulay berdeng gate ng pampublikong paaralan ang taong kanina pa niya hinihintay.  Nakasuot ito ng puting blouse at checkered na paldang hanggang tuhod ang haba. Tinernuhan niya iyon ng black shoes na walang takong. Ang buhok nito ay basta lang niyang itinali. Sa likod nito ay nakasukbit ang itim at maliit na back pack. "What did you found out?" Tanong ni Indigo sa private investigator na nasa passenger's seat.  "Nandito ang personal information tungkol sa kanya, sir." Tinanggap naman  ng iyon ni Indigo at pinasadahan ng tingin. "She's Amber Velez and..." Muli niyang iginala ang tingin sa ibang impormasyon. " She's just fourteen?" Hindi siya makapaniwala na nagawa silang iligtas ng isang katorse anyos na bata. "Yes, sir. Nag-iisang anak ng mag-asawa
Read more
Chapter 13.1
Matapos maikwento ni Indigo ang nangyari noon ay tila nagbalik sa alaala ni Amber ang nangyari noong labin-apat na taong gulang siya.  "Hindi ibig sabihin na porket niligtas kita noon ay destined na tayo." Walang kaemo-emosyong turan nito kay Ashton Blumentrint. "Ikaw lang ang nagpipilit na pwede tayo." Tila naman sinaksak ang puso ni Ashton sa narinig. "How can you say that? May anak tayo, Amber." Napakuyom ng kamao si Amber. Halos maluha-luha siya dahil sa galit.  "Pati ang pagkakaroon natin ng anak ipinilit mo lang din, Mister Villacorda."  Nagtangis ang bagang ni Ashton sa narinig. Aniya  kailan ba siya mapapatawad ng babae?  "At saka isa pa, 'di mo pa sigurado kung anak mo nga talaga si Hyde."  "Anak ko siya, Amber." Mariing giit niya. "Merong DNA result na hawak si Indigo, at positive ang result no'n." "I am hundred percent sure that it's fake!" Giit niya.
Read more
Chapter 13.2
 Wala nang nagawa si Amber nang pumasok sa loob si Ashton Blumentrint.Walang kahirap-hirap nitong kinarga ang batang natutulog. Kitang-kita niya tuloy kung paano nag-flex ang muscles nito sa braso."Let's go home." Malamig na turan nito bago humakbang palabas ng silid. Napabuntong-hininga na lamang si Amber bago sumunod sa lalaki.Nang matapat sila sa kwartong inuukopa niya ay noon niya napansin ang code na itinipa ng lalaki. Ten, twenty-nine, eighteen.Napakurap siya. Gano'n din ang password ng cellphone niya noon. Ten, twenty-nine, eighteen o October, 29, 2018. Ang birthday ni Hyde.Napaawang ang bibig niya nang matanto ang kahulugan ng code. "What's wrong?" Nang mapatingin siya sa lalaki ay noon niya nakitang nakatitig ito sa kanya. Nakaguhit ang gitla sa noo nito. Marahil ay napansin nito ang kanyang reaksiyon. "Iyong code." Kandautal niyang saad."It's my son's birthday." Malamig na s
Read more
Chapter 14.1
 "Hindi gano'n kadali ang magpatawad, Mister Villacorda."Ginagap nito ang kanyang kamay. Nagtangka siyang bawiin iyon ngunit hinigpitan ni Ashton ang pagkakahawak sa kanya."Ashton. Call me on my name. And regarding that matter, that's why I'm asking a chance. Hayaan mo akong patunayan ang sarili ko. Baka sakaling unti-unti mo rin akong mapatawad." Mahinahon at puno ng sinseridad ang tinig nito. Akmang bubuka na sana ang bibig ng dalaga ngunit natigil siya nang tumalon-talon sa kama si Hyde. Parehong napunta ang tingin nila sa bata."Mama, papa. Tara na po, swimming na tayo." Pangungulit niya.Buntong-hininga na lamang na bumaling si Amber kay Ashton."Mamaya na tayo mag-usap. Asikasuhin ko muna ang anak ko." Mabilis nitong binawi ang kanyang kamay na hawak nito. Pagkatapos ay walang pasabi itong tumayo sa pagkakaupo."Anak natin, Amber." Pahabol ni Ashton sa kanya.Sandali lang niyang nilingon ang lalaki ng
Read more
Chapter 14.2
It was a very tiring yet fulfilling day. Magtapos silang magsawang lumangoy ay nagpakabusog naman sila ng tanghalian sa floating restaurant ng resort. Matapos ang tanghalian ay sumakay sila ng bangka hanggang mapagod at magsawa sila. Mabuti na lamang at hindi masyadong tirik ang araw. Tila pinagbigyan sila ng langit dahil hindi maaraw ngunit maalinsangan pa rin ang panahon.  Hindi nawala ang ningning sa mga mata ng kanyang anak kaya naman wala ring pagsidhan ang kanyang tuwa. Aniya sa isip, parang ngayon lamang niya nakitang gano'n kasaya si Hyde. Natanto niyang maliban sa materyal na gamit ay isang bagay ang kukumpleto sa kanyang anak, iyon ay ang pamilyang may ama at ina.  Pagsapit ng gabi ay sa restaurant ng resort na sila kumain  ng hapunan. Matapos iyon ay nagyaya nang umuwi ang bata. Wala pang tatlumpong minuto matapos itong maligo at makapagpalit ng pantulog  ay bagsak na ito dahil sa labis na pagod. Tumabi na rin sa kanya s
Read more
Chapter 15.1 (r-18)
 Tila binuhusan ng malamig na tubig si Amber Velez nang matanto niyang tumugon siya sa halik. Kaagad niyang itinulak si Ashton Blumentrint. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi nila ay mabilis at taranta siyang lumapit sa kama. Walang lingon-lingon siyang nagtalukbong ng kumot. "Nakakahiya." Usal niya sa isip. Gusto niyang tuktukan ang sarili dahil tumugon siya sa halik nito. "Hey, Amber." Narinig pa niya ang pagtawag sa pangalan nito ngunit nanatili siya sa kanyang ayos.Aniya sa isip, kung pwede lang siyang lumubog sa kahihiyan ay kanina pa sana niya ginawa.Hindi niya mawari kung gaano niya katagal inisip ang kahihiyan niyang nagawa. Hanggang sa kusa yatang napagod ang isip niya, unti-unti siyang nakaramdam ng antok.Nagising lamang ang inaantok niyang diwa nang maramdaman niya ang paglundo ng kama sa tabi niya indikasyon na mayroon umupo sa kanyang tabi.Napatihaya siya ng higa. Maya-maya lang ay bumaba ang kumo
Read more
Chapter 15.2
Bago pa makaimik si Amber sa tinuran ni Ashton Blumentrint ay natigil siya dahil sa pagtawag ng malilit na tinig."Mama! Papa!" Sabay silang napalingon sa pinagmulan ng pagtawag. Kaagad naman nilang nakita si Hyde sa tapat ng pinto ng cottage. Magulo ang buhok nito at mukhang bagong gising lang. Patakbong lumapit sa kanila ang bata. Dumeretso itong nagpakandong kay Ashton Blumentrint. Kitang-kita ni Amber nang halikan ni Ashton ang gilid ng noo ng bata. "Iniwan niyo po ako." Nakangusong turan nito. Humilig din ang bata sa dibdib ng lalaki. "Nandito lang naman kami sa malapit. Nag-date lang kami ng mama mo."Napataas na lamang ang kilay ni Amber dahil sa tinuran ni Ashton. Bago pa siya maka-alma ay bumaling sa kanya si Hyde. Mayroon itong pilyong ngiti sa labi.Lihim naman siyang nanggigil kay Ashton dahil kung anu-anong ideya ang pinapasok nito sa utak ng kanyang anak."Babawi ako sa'yo, son. Name what you want
Read more
Chapter 16.1
Pakiramdam ni Amber ay mababaliw siya sa kanyang nalaman. Nilukob siya ng sari-saring isipin.Aniya, kung tauhan ni Ashton si Tado, bakit siya nito tinulungan? Inutusan kaya ito ni Ashton Blumentrint.  Nagsimula na rin siyang pagdudahan ang kabutihan ni Tado.Napapaisip na siya kung ang lahat ba ng ginawa ni Tado ay kusang loob o dahil lamang inutos iyon ni Ashton. Pakiramdam niya ay trinaydor siya nito. Buong akala niya at nadamay lang ito sa mga problema niya sa buhay matapos niya itong hilain sa kanyang pagtakas.  "Hey, Amber! Are you listening?" Untag sa kanya ni Dark Indigo dahilan para bumalik siya sa reyalidad. Nang igala niya ang paningin ay noon lang niya napansing nasa veranda pa rin sila. Nakaupo sila ni Indigo sa bench at sa 'di kalayuan naman ay naglalaro ng de remote control na eroplano si Hyde. "Okay ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap." Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito. Ipinilig ni
Read more
Chapter 16.2
Kanina pa uwing-uwi si Ashton Blumentrint Villacorda. Kung pwede lamang niyang hilain ang oras ay kanina pa sana niya ginawa. Halos wala itong pahinga sa trabaho simula kahapon para lamang makauwi na siya agad. Puno siya ng excitement na umuwi ng kanyang tahanan. Isang araw lamang niyang hindi nakita ang kanyang mag-ina ngunit sobrang miss na miss na niya ang mga ito. Pakiramdam niya ay hindi niya nasilayan ang mga ito ng isang taon.Nang makarating siya ng mansiyon ay kaagad niyang nabungaran ang isa sa mga katulong."Good evening, Master." Yumukod ito bilang tanda ng paggalang."Where is Amber, Aya?""Nasa kwarto po ninyo si Lady Amber, Master."Lihim siyang natuwa sa narinig. Hindi niya inakalang kusa uuwi ang babae sa bahay niya.Aniya sa sarili, mukhang maganda ang pagdala niya sa kanila sa resort dahil naramdaman niyang kahit papaano ay naging kampante sa kanya ang babae. Nang sandaling tumugon ang babae sa ka
Read more
Chapter 17.1
Flashback.... Nakakasilaw na liwanag ang unang bumungad kay Amber sa pagmulat ng kanyang mga mata. Kumurap-kurap siya upang makapag-adjust ang kanyang paningin. "Nasa'n ako?"  Hindi niya naiwasang maitanong sa sarili nang makita niya ang kulay puting kisame. Muli siyang napapikit at inalala ang nangyari. Sumagi sa isip niya ang mga kalalakihang nakasuot ng itim na polo, pantalon at cap na nagkalat sa paligid. Lahat sila ay may hawak na mga baril."Nasundan nila tayo." Tila naririnig pa niya ang tinig ni Tado at tanda pa niya ang seryosong mukha nito.Naalala rin niyang mula sa bintana ay  nakita niya ang pagdating ni Warlo Guzman.Kumabog ng malakas ang puso niya. Aniya sa isip, tuluyan na ba siyang nahuli ni Dark Indigo?Muli siyang pumikit at pilit inalala ang iba pang nangyari.Naramdaman niya ang panlalamig ng buo niyang katawan nang maalala niya ang sumunod na nangyari. &nbs
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status