Semua Bab The Confidence Trick: Bab 11 - Bab 20
28 Bab
Chapter Ten
 The Problem Child Pumwesto si Christelle sa isang café na nasa harap ng Senwell Hotel and Casino. Naupo siya sa isang mesa na pang-isang tao lang at lumayo sa mga customers na nasa loob noong hapon na iyon. Umorder siya ng pagkain at inumin bago niya binuksan ang laptop at nagsimulang gawin ang trabaho niya para sa araw na iyon.Una niyang hinack ang wifi ng Senwell Hotel and Casino at doon ikinonekta ang laptop na ginagamit niya. Ididispose niya rin kasi ang laptop na iyon pagkatapos, at kung ititrace man ang I.P. address na pinanggalingan ng hacker ay paniguradong babalik sa mismong hotel ang paghahanap kung sakali.Pagkatapos noon ay binuksan niya ang website ng Senwell, at tiningnan ang FAQ section ng site na matatagpuan sa ibabang bahagi ng webpage na iyon. Habang binubuksan niya iyon, pumasok ang isang pamilya sa loob ng café para kumain. May dalawang bata na mukhang nasa junior high pa lamang at kasama nito ang mga magulang nila. Naupo ang pamilya sa isang mes
Baca selengkapnya
Chapter Eleven
 A Beautiful Curse Hawak ni Alessa ang isang tasa ng mainit na kape habang nanonood siya ng pang-umagang balita sa 75-inch MicroLED television na nakapwesto sa sala. Kasama niya si Christelle na nakasuot pa ng pajamas nito at may hawak na isang malaking bowl na puno ng cereal.Maya-maya ay lumabas si Baron mula sa kwarto nito na bagong-ligo at nakabihis. May sukbit itong backpack sa likod niya."Saan ka pupunta?" tanong dito ni Alessa."Pupunta kami ngayon nung ibang kasama sa private security team sa Senwell para i-check 'yung lugar. Tapos magka-conduct na rin daw ng maikling briefing para sa darating na dinner auction," tugon ni Baron na inaayos ang buhok sa harap ng salamin.Tumango-tango si Alessa, bago sinamahan si Baron palabas ng safe house. Habang paalis si Baron, dumating naman ang isang limousine kung saan lumabas si Victoria. Magtatanong sana si Alessa kung saan ang lakad nito, pero nang makita niya si Jackson na palabas na ng bahay ay napagtanto niyang m
Baca selengkapnya
Chapter Twelve
 Madness and Mettle Nang marating ni Lucas ang rooftop ng building kung saan siya pinapunta ng nagpadala ng mensahe ay isang ngisi ang gumuhit sa mukha niya.Bahagyang tumatawa pa ang lalaki habang nilalapitan ang kausap na kanina pa siya hinihintay doon."Chief Inspector Oscar Ramirez..." ani Lucas bago inakbayan ang lalaki, "Namiss mo siguro ako, 'no?"Agad na inalis ng pulis ang kamay niya. "Tigilan mo nga ako, Lucas."He chuckled at the policeman and shook his head. "Masama bang iparamdam ko sa'yo na namiss kita?"Pinaningkitan lamang siya ng chief inspector. "Alam kong may pinaplano ka, Lucas."Lucas immediately feigned innocence, and then tried to suppress his laughter. "Plano? Ano bang pinagsasasabi mo?""Hindi ko alam kung ano ang balak mo at dahilan para gawin 'to, pero alam kong may pinaplano ka," tugon sa kanya ni Oscar na bakas sa mukha ang pagiging sigurado sa sariling hinala."Ikaw ha..." pinaningkitan ni Lucas ang lalaking kaharap, "Creepy ka. Sin
Baca selengkapnya
Chapter Thirteen
 A Crack on the Surface Pagbalik ni Lucas sa safe house kinagabihan, nakasabay niya si Baron sa may gate. Agad niya itong binati at inakbayan habang naglalakad sila papasok."Mukhang madami kayong ginagawa ah," ani Lucas sa kasama."Yung bossing kasi eh, mukhang paborito ako. Sinasama ako kung saan-saan. Pero okay na rin kasi nakukuha ko na ang tiwala niya," tugon ni Baron."Very good. Ituloy mo lang 'yan... Importanteng makuha mo ang tiwala niya at mabilib siya sa'yo nang husto. Magiging advantage mo 'yan."Pagpasok nila sa bahay, agad na sinalubong ni Christelle si Lucas. "Meron na akong impormasyon tungkol sa tiara...""Talaga?" tanong ni Lucas habang hinuhubad ang sapatos niya, "What about it?""Narinig kong may kausap si Damien Tresvalles tungkol doon. The tiara is going to arrive in the country earlier than expected. Darating kasabay nun 'yung buong pamilya na nagmamay-ari nun ngayon para mag-participate sa auction as consignors.""Mabuti na lang talaga at
Baca selengkapnya
Chapter Fourteen
 Fortune Favors the Brave Nakatambay si Eros sa isang restaurant at pinagmamasdan ang café na nakapwesto sa tapat habang umiinom ng iced tea mula sa hawak niyang baso. Isang babae na nasa katapat na establisimiyento ang sinusundan niya ng tingin, at nang tuluyan na itong tumayo mula sa kinauupuan sa loob ay tumayo na rin si Eros mula sa pwesto niya.Mabilis siyang lumabas ng restaurant at tumawid ng kalsada para pumasok sa katapat na café. Nang makita niya na ang babaeng target ay nagkunwari siyang nakatingin sa phone habang naglalakad. Diretso lang ang direksyon niya hanggang sa bumangga siya nang tuluyan sa babaeng kanina niya pa pinagmamasdan. Natapon ang dala nitong mainit na kape sa suot niyang puting wifebeater na nakailalim sa isang blue hooded jacket.Nagsisimula na sanang magmura ang babae, pero natigilan ito nang pagtamain ni Eros ang mga titig nila. The woman froze on her position as he gave her a soulful gaze, and he smiled as if he is hiding a secret. Nap
Baca selengkapnya
Chapter Fifteen
 A Foundation Built From Trust Nagising nang maaga si Baron kaya tumambay muna siya sa sala para manood ng telebisyon habang humihigop ng mainit na kape. Mas nagiging abala sila ngayon sa trabaho dahil maliban sa palapit na ang dinner auction ay panay rin ang bitbit sa kanya ng among si Alfred sa kung saan-saan. Siya, kasama si Neo, ang paborito nitong isama sa mga appointments, kaya marami-rami na rin siyang nalalaman sa mga businesses at transactions nito. Medyo may problema lang talaga siya kay Neo dahil may kayabangan ito at masyadong madaldal. Pero tinitiis niya na lang dahil matatapos rin naman ang pagtatrabaho niya sa security agency kapag nakuha na nila ang tiara.Habang abala siya sa panonood ng telebisyon ay biglang lumabas si Jackson mula sa kwarto nito. Bagong-ligo ito at pinapatuyo ang buhok sa harapan ng salamin. Tinapunan ni Baron ng tingin ang lalaki, na para bang pilit niyang inaalam kung ano ang balak nito at kung ano ang tumatakbo sa loob ng isipan nito.
Baca selengkapnya
Chapter Sixteen
 Christmas Eve Nagtatalo ang inis at lungkot sa puso ni Christelle habang nasa tapat siya ng bahay nila. Suot ang isang itim na hoodie, jeans at sneakers, nakakubli sa dilim ang dalaga habang pinagmamasdan ang pamilya na nagdidiwang ng bisperas ng Pasko kahit wala siya.Nagkuyom ang mga kamay niya sa galit, habang nakikita ang ngiti sa mukha ng mga magulang at mga kapatid, pati na ng ilan pa nilang mga kamag-anak na naroon. Nang tumakas ang isang butil ng luha mula sa mga mata niya ay agad niya itong pinunasan gamit ang likod ng kaliwang kamay, bago huminga nang malalim at tahimik na pinagmasdan ang pamilya sa loob ng bahay nila."I guess they'll be fine without me..." bulong ni Christelle sa sarili habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata.Noong mga sandaling iyon, tinanggap na nang tuluyan ng dalaga na hindi na talaga siya hahanapin ng sariling pamilya dahil tila hindi naman siya kailangan ng mga ito. In just a few minutes, she came to term
Baca selengkapnya
Chapter Seventeen
 The Black Book Papunta sana sa kusina si Baron para kumuha ng pagkain, nang bigla siyang makarinig ng tinig ng isang lalaking tumatawag sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad, at napatingin sa direksyon ng pavilion kung saan naroon sina Victoria at Lucas na pinagmamasdan siya."Tinatawag niyo ba ako?"Tumango si Victoria. "Ikaw lang naman ang Baron dito sa bahay."Napakamot na lamang si Baron habang naglalakad palapit sa dalawa. "May kailangan ba kayo?"Lucas sat down on a metal stool, his eyes fixed on Baron's face. "Alam mo kung saan nakatira si Alfred, hindi ba?""Oo naman... Tsaka dinala niya na ako dun, pero hindi naman talaga ako nakapasok. Doon lang ako sa labas ng bahay kasi may naiwan siya noon sa kanila," tugon ni Baron, "Bakit mo naitanong?""I want you to secure a copy of his black book..." Ibinigay ni Lucas sa kanya ang isang special glasses na sa tingin niya ay galing na naman kay Christelle. "Once you find it, scan the pages with this special glass
Baca selengkapnya
Chapter Eighteen
 A Job Within the Job Halos hindi malasahan ni Lucas ang kinakain niya dahil hindi niya mapigilang mapaisip. Panay ang sulyap niya kay Jackson na maya't maya ang tingin sa phone nito habang tinatapos ang pagkain sa sariling plato."Mukhang may lakad ka ata, Jackson..." ani Lucas sa kaibigan bago uminom mula sa tasa ng kape na hawak niya."Ah, si Jeina lang 'to. Meron kasing problema sa jewelry shop kaya kailangan kong pumunta doon," tugon sa kanya ni Jackson, "Gusto mo bang sumama sa 'kin? Para naman makita mo 'yung tiara na ginagawa ni Pietro."Tumango si Lucas habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pinagdududahang kaibigan, "Sige. Sasama ako sa'yo mamaya..."Habang nag-uusap ang dalawa, bigla namang lumitaw si Eros na maaliwalas ang mukha at may isang makahulugang ngiti ang nakaguhit sa labi."O, Eros...'' bungad ni Lucas sa bagong-dating na lalaki, "Inumaga ka na naman..."Eros smirked and took a seat right beside Alessa's chair. "Syempre busy ako... Alam mo
Baca selengkapnya
Chapter Nineteen
 An Old Friend "...You are certainly qualified for the job. It's amazing that you applied just in time when we needed a replacement. Nagkasakit kasi iyong isang handler namin para sa darating na auction. It's really an amazing coincidence," ani Damien na panay ang sulyap kay Alessa na nakaupo sa harapan niya noong mga sandaling iyon.Alessa chuckled as a gracious smile appeared on her radiant face, "Thank you for the compliment, but I think you're being exaggerated, Sir.""I'm not being exaggerated, Miss Arguelles. You are overqualified, as a matter of fact. Maganda ang credentials mo, and you –" Natigilan ito nang makita ang isang pangalan sa references na nakalagay sa resume niya, "Wait... So you are –""I'm Victoria's cousin," komportableng tugon ni Alessa sa lalaki, habang isang makahulugang ngiti ang nasa mukha niya."Oh..." Bakas ang pagkamangha sa tinig ni Damien habang pinagmamasdan ang dalaga sa harap niya. Halatang nagdadalawang-isip ito at pilit siyang ki
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123
DMCA.com Protection Status