Home / All / Unwed Mother / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Unwed Mother: Chapter 11 - Chapter 20

50 Chapters

Chapter 11

"You're what, Inari?!"Parang dumagundong sa tenga ko ang malakas na tanong na iyon ni Daddy. Kinain ako ng kaba dahil doon at namamawis ang mga kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Napalingon ako kay Karen ng hawakan niya ang kamay ko. Nakangiti siyang tumango."What are you talking about, Inari Blaire?"Napalingon ako kay Mommy na seryosong seryoso ang mukha at nakakunot-noo. Nakagat ko ang ibabang labi sa sobrang kaba. "I'm p-pregnant po."Napatalon ako sa pagkakaupo dahil sa gulat ng malakas na hinampas ni Daddy ang lamesa. Nagkalansingan ang mga plato at kutsara dahil sa lakas niyon. Maging si Mommy ay napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat. Tumayo si Daddy na nakapamewang ang isang kamay at napahilamos sa mukha. Bakas ang galit sa kanyang mukha na lalo kong ikinakaba. Nag unahan agad sa pagpatak ang mga luha ko wala pa man siyang ginagawa.Madalang magalit si Daddy. Masyadong mahaba ang pasensya niya sa lahat ng bagay at masyadong
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 12

"What? May anak sa iba?"Napatango ako kay Mommy na nakanganga at gulat na gulat sa nalaman. Kaharap ko na silang dalawa ngayon ni Daddy habang nakaupo kami rito sa sofa na nasa office ni Daddy. I-kinwento ko sa kanila ang nangyari sa Manila simula noong malaman ko ang tungkol kay Lexi at Kevin hanggang sa makipaghiwalay ito sa akin."Kaya hindi ka niya pinanagutan ay dahil may anak na siya sa iba?!" galit na tanong ni Daddy. Napabuntong hininga si Mommy. "Kung totoo man na may postpartum depression iyong babae at ganoon ang ginagawa ay mahirap nga iyon. Ang ganoon ay hindi dapat binabalewala at kailangang ipatingin sa specialista," ani Mommy. "Pero maraming paraan kung gusto niya talagang panagutan ang anak ko!" galit na ani Daddy. Napatitig ako sa kanya dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. "Hindi mo kailangan ng taong duwag, Inari! Kayang kaya nating buhayin ang apo ko!" galit pa ring aniya. "My goodness! Kaya iba talaga an
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 13

"It’s a boy!"   Napahagulgol ako nang makita ang malusog na sanggol na kalong ng Doctor na nagpaanak sa akin. Parang nawala ang lahat ng pagod at hirap na dinanas ko sa sampung oras na pag le-labor at sa mahirap na panganganak nang makita ko siya. Ang anak ko.   Inihiga ng Doctor sa bisig ko ang anak ko pagkatapos itong linisan at bihisan. Malakas itong umiiyak kanina pero noong mahawakan ko ay biglang tumahan at natulog na parang walang nangyari. Lalo naman akong napahagulgol nang mahawakan at mayakap ko siya sa unang pagkakataon.    "Isaiah Bennett," nakangiting sambit ko habang nakatitig sa anak ko at lumuluha.   Sa totoo lang ay wala akong
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 14

"SO, you have a plans to have your own restaurant?" tanong ni Ryker habang nakatukod ang dalawang siko sa lamesa at nakapatong ang baba sa magkasalikop niyang mga kamay.    Katatapos lang naming kumain ngayon. Lunch break ko kasi at doon lang sana ako sa office ko kakain kanina pero niyaya niya akong mag lunch kasama siya. Pumayag ako pero pinilit ko siyang dito lang kami sa restaurant niya kumain at pumayag naman siya roon. Dito kami nakaupo sa dulo at medyo malayo sa mga customers.   Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang mga nanunuksong tingin ng mga waiters na dumadaan sa tapat ng table namin at ng mga nasa counter.    "Yeah. That’s my plan since college," sagot ko bago uminom ng tubig.  
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 15

"COME IN! Come in!"   Nakangiti si Tita Ryza— ang mommy ni Ryker, habang inaanyayahan kami nitong pumasok sa kanilang bahay. Nasa kanang gilid ko si Bennett habang hawak ang kamay niya at nasa kaliwa ko naman si Ryker, nakakawit sa bewang ko ang isa niyang braso habang naglalakad kami papasok ng bahay.   "Maiwan ko na muna kayo. Titingnan ko lang kung handa na ba ang lahat ng pagkain," nakangiting ani Tita Ryza bago nagtungo sa dining table kung nasaan ang mga katulong. Kita ko ang iba pang katulong na abala sa paghahatid ng mga pagkain sa table.    Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at kahit saan dumapo ang paningin ko ay hindi nawawalan ng halaman at paintings. Iyon daw kasi ang hilig ng mommy ni Ryker ayon sa kanya. 
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 16

WALANG paalam na lumabas ako ng kotse ni Ryker nang makarating kami sa bahay. Nag doorbell ako at agad kaming pinagbuksan ni Ate Rose na para bang kanina pa itong nakaabang sa pag-uwi namin.   Natigilan ako sa tangkang pagpasok sa gate ng hawakan ni Ryker ang braso ko. Nilingon ko siya at kita ko ang pagkalito sa kanyang.   “Is there a problem?" mababakas ang takot sa kanyang boses.    Hindi ko siya sinagot. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako humarap kay Ate Rose at maingat na iniabot sa kanya si Bennett na mahimbing pa rin na natutulog. Marahil ay ramdam ni Ate Rose na may problema kaya nanatili itong tahimik.   "Ate, pakisamahan po muna si Bennett sa
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 17

KINABUKASAN matapos ang gabing iyon ay nag resign agad ako sa restaurant ni Ryker. Labis ang gulat at pagtataka ng mga empleyado dahil sa biglaan kong pagre-resign. Nagkataon pang naroon si Ryker. "Inari, kausapin mo naman ako."  Hindi ko siya kinikibo kanina noong ibigay ko ang resignation letter. Basta ko lang iyon ipinatong sa ibabaw ng table niya. Paalis na sana ako sa opisina niya pero hindi ako makalabas-labas doon dahil nakaharang siya sa pintuan.  "Inari, parang awa mo na mag-usap naman muna tayo, oh!" Tiningnan ko ang kamay niyang pumigil sa tangka kong pagbubukas ng pinto. Simula sa kamay niya ay iniangat ko ang tingin ko hanggang sa mukha niya. Halata sa mga mata niya na wala pa siyang tulog dahil nangangalumata siya. Napaiwas ako ng tingin nang makaramdamn ng awa. Minsan ay nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong mabilis akong magpatawad. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang magtanim ng galit kahit gaano pang kasaki
last updateLast Updated : 2021-05-06
Read more

Chapter 18

"INARI." Natigilan ako sa pagtitiklop ng mga damit ni Bennett nang marinig ang boses ni daddy. Nakita ko siyang nakatayo sa may hamba ng pinto. Pumasok siya at isinara iyon. Sinundan ko naman siya ng tingin nang dumiretso siya sa bintana at nakapamulsang tumingin doon.  "Tapos na po kayong maglaro?" nakangiti kong tanong habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Hindi umimik si daddy kaya muli ko siyang tiningnan. Ganoon pa rin ang itsura nito. Muli ko na sanang ipagpapatuloy ang pagtitiklop nang marinig itong magsalita. "Kumusta na kayo ni Ryker?" Nawala ang ngiti sa labi ko at napatitig sa sando ni Bennett na nasa kandungan ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa kabang nararamdaman. Nilingon ko si daddy at lihim akong napabungtong-hininga nang makitang nakatingin na siya sa akin. "O-okay naman, Dad," pilit ang ngiting sabi ko. Ilang ulit siyang tumango-tango habang nakatingin sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi at napapakit nang
last updateLast Updated : 2021-05-10
Read more

Chapter 19

"I THOUGHT he's different! He fooled us!"   Napabuntong-hininga ako habang hinahagod ang likod ni mommy. Simula sa sasakyan ay panay ang pag-iyak niya hanggang sa makauwi kami. Mabuti na laman natutulog si Bennett at hindi nakikita na nagkakaganito si mommy ngayon.   "Mom, tama na po. Kanina pa po kayo umiiyak."   "Inari, anak, I'm so sorry. Kung mas kinilatis ko pa sana siya nang maayos, hindi sana nangyari ito." Niyakap ako ni mommy habang panay ang pag-iyak niya.   "Don't blame yourself, Rina. It's not your fault," ani daddy na nakaupo sa harap namin at minamasahe ang kanyang sentido.   Mabilis na kumalas si mommy sa pagkakayakap sa akin at hinarap si da
last updateLast Updated : 2021-05-16
Read more

Chapter 20

NATATARANTANG nagpalakad-lakad si Ryker sa harapan ko habang sapo ang kanyang ulo. Mukhang kahit siya ay hindi niya inaasahan ang nagawa niya. Umiiyak ko siyang pinapanood habang nakahiga sa sofa. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kunot na kunkt ang kanyang nok habang nakatitig sa akin. Pumikit siya at malalim na nagbuga ng hangin.  "I-I'm sorry, Inari." Tinalikuran niya ako, nagtangkang aalis na pero bago pa man siyang makapaglakad ay bumukas na ang pinto ng bahay at nakangiting pumasok sila mommy. Agad na nawala ang ngiti nila nang makita ang kalagayan ko. Galit ang rumehistro sa kanila nang malingunan si Ryker. "What's the meaning of this!" Bakas ang galit sa mukha ni daddy. Mabilis siyang naglakad palapit kay Ryker. Kahit nanlalambot dahil sa pagkabigla kanina ay wala akong nagawa kung 'di ang tumayo para pigilan siya sa balak niya. Sa bilis ng kilos ni daddy ay hindi ko na nagawang pigilan ng malakas niyang sinuntok si Ryker
last updateLast Updated : 2021-05-20
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status