All Chapters of Make the Cold Prince Smile: Chapter 41 - Chapter 50
68 Chapters
Chapter 41
Pinahid ko ang mga luha ko. Agad akong tumayo, napasinghap ako nang biglang bumukas ang pinto sa banyo. Nakabihis na si Ice. Agad kong tinago ang photo album sa likod ko.Napakunot ang noo ni Ice at naningkit ang mga mata niya."You cried?"Napailing ako at mas siniksik pa ang photo album sa likod ko. Nagulat ako nang mapatingin si Ice sa cabinet niyang nakabukas. Nakalimutan kong isara!Dahan dahan siyang napatingin sakin. Bakas ang pagkagulat sa mga mata niya."H-how did you--? Y-you saw it?" tiningnan niya ang likod ko."Anong tinatago mo?" seryosong tanong nito habang nakatingin sa tinatago ko sa likod ko."Wala naman akong tinatago eh. B-baka ikaw meron?" hindi ko inaasahan ang pagkabasag ng boses ko at pagtulo ng mga luha ko. Nagiging iyakin talaga ako pagdating kay Ice. Nagiging mahina ako."S-shenna." akmang lalapit ito sakin pero agad ako
Read more
Chapter 42
“Bakit kaya ayaw kumain ni Prince? May topak na naman yata ang batang yo'n.” napapailing na sabi ni Tita Amy.“Feeling ko nag-away sila ni Shenna, Mommy Amy.” narining kong bulong ni Xyrille kay Tita Amy. Napairap naman ako.“Nag-away ba kayo ni Prince? Shenna.” nag-aalalang tanong ni Tita Amy.“Hindi naman po. Misunderstanding lang po.” sabi ko at pilit na ngumiti.“Okay. Ayusin niyo na ang problema niyo ah. Hindi ako sanay pag hindi kayo nagkukulitan eh.” nakangiting sabi ni Tita Amy.“Ano ba kasing pinag-awayan niyo?” tanong ni Xyrille.Ikaw! Ikaw ang dahilan ng pag-aaway namin. ***Huminga muna ako ng malalim. Kaya mo 'to Shenna. Dadalhan mo lang naman siya ng pagkain eh. Wag mo na lang siyang pansinin. Okeh?! Tumikhim muna ako
Read more
Chapter 43
Napangiwi ako nang ipakita sakin ni Xyrille ang kulay pink na one piece bikini. Hindi siya gano'ng ka-revealing tulad ng kay Xyrille pero nahihiya pa rin ako."Ano ka ba Shenna? Wag kang maniwala dyan kay Ice. KJ talaga yo'n. Tss. Ilalagay ko nga sa bag ko, baka magbago ang isip mo." sabi niya at nilagay sa bag niya ang bikini.Nag-aayos na kami ng mga dadalhin namin. Kagabi ko pa naayos yung akin kasi hindi naman ako maarte sa damit."Ano ba yan?! Ang tagal mo Xyrille. Excited na ko eh!" sabi pa ni Kyla. Katabi namin siya dito kagabi, malaki naman 'tong kama kaya kasya kaming tatlo."Oo na! Eto na kami." natatawang sabi ko at binuhat ang bag ko.Pagkalabas namin ng kwarto, rinig na rinig na agad namin ang kwentuhan ng Danger Zone."Marami kang mabibingwit na isda do'n Lion. Lalandi kana naman do'n." iiling iling na sabi ni Tiger."Ewan ko ba. Wala akong gana
Read more
Chapter 44
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumapik sa braso ko. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Kyla."Gising na babaita. Nasa baba na silang lahat." nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa tabi ko, at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang pakiramdam ko dahil wala na doong si Ice."S-Sige." sumunod na ko kay Kyla. Nandito ako sa likod niya dahil ayokong makita niya ang pasimple kong pagpahid sa luha ko. Napakaiyakin ko talaga, simpleng bagay iniiyakan ko. Kaya siguro nawawalan na ng gana sakin si Ice.Nang makarating kami sa rest house nina Xyrille, malaki ang rest house nila.Tanaw na tanaw ang malinis at magandang dagat. Wala ring katao-tao kaya medyo nakampante ako, ayoko ng masyadong maraming tao."Bakit naman hindi mo ginising si Shenna, Prince?!" nakapamaywang na sabi ni Kyla.Napatingin ako kay Ice. Hindi niya sinagot a
Read more
Chapter 45
Patuloy pa din siya sa paghalik nang maihiga niya ko sa kama. Ramdam na ramdam ko ang paglubog ko sa kama dahil sa bigat niya. Pero wala na akong pakialam doon.Dinampian niya ng halik ang noo ko, sunod ang ilong ko, sunod ang dalawang pisngi ko at sa huli ay sa labi ko. Kakaiba ang paraan ng paghalik niya ngayon, parang ilang taon kaming hindi nagkita."Ice." napadaing ako nang marahas na nakagat niya ang labi ko. Pero patuloy lang siya sa paghalik sakin.Bumaba sa panga ko ang halik niya. Napasabunot ako sa buhok niya."Fvck Shenna. You're driving me crazy." paos na sabi nito at bumaba pa sa leeg ko ang halik niya.Napasinghap ako nang sipsipin niya ang balat ko doon. Nagsisimula ng maging malikot ang mga kamay niya. Ang kanang kamay niya ay nasa baywang ko at ang kaliwang kamay niya ay nasa hita ko at marahang humahaplos."I-Ice." kanina ko pa tinatawag ang pangalan niya. Mas
Read more
Chapter 46
"You're so sexy Shenna!"Nakapikit lang ako dahil ayokong makita ang sarili kong nakasuot ng--- n-ng ganito."Magpapalit na ko! Hindi talaga ako komportable!" nakapikit pa rin ako at yakap yakap ang sarili ko."Wag na! Ang sexy mo kaya! Tsaka dumilat ka na nga, para kang ewan."Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at bumungad sakin ang malaking salamin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili ko.Hindi ko alam na nay tinatago pala akong ka-sexy-han. Napatingin ako sa dibdib ko, hindi naman pala maliit. Medyo nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi naman ito gano'ng karevealing tulat ng kay Xyrille. Parang parehas lang kami ni Kyla."A-ako ba talaga 'to?" tanong ko habang nakatitig sa salamin."Sabi ko sayo eh! Halika na nga!" hinila ako ni Kyla at Xyrille palabas.Pagkalabas namin ng rest house, nandoon ang Danger Zone at nakaupo s
Read more
Chapter 47
“Ang tahimik mo yata ngayon.” napalingon ako kay Ice. Napansin niya pala na medyo tahimik ako ngayon.“Wala lang, ayaw mo kasing sumama mag-swimming kaya naiinis ako.” pagbibiro ko sa kanya.Hindi ko makalimutan ang pag-amin ni Dragon kanina. Nagwalk out agad ako pagkasabing pagkasabi niya no'n. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin, ayokong masaktan siya pero gusto kong mawala na lang ang nararamdaman niya sakin. Ayokong magkalamat pa ang pagkakaibigan nila ni Ice dahil lang sakin.Napapapitlag ako nang hawakan ni Ice ang kamay ko at hinila ako papunta sa dagat.“Akala ko na ayaw mong mag-swimming.” nagkibit balikat na lang si Ice sa sinabi ko.Kami pa lang dalawa dito. Nasa loob ng rest house ang lahat at nagbibihis ng pangswimming.Niyakap ako ni Ice sa baywang habang nasa ilalim kami ng dagat, niyakap ko naman siya sa leeg at sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niy
Read more
Chapter 48
"Ice!" napatili ako nang biglang sugurin ni Ice ng malakas na suntok si Dragon sa mukha."Damn you Dragon! Damn you!" galit na sigaw ni Ice habang sinusuntok si Dragon.Napahiga na sa buhanginan si Dragon. Agad namang pumatong si Ice kay Dragon sinuntok ito ng malakas sa mukha."Ice! Tama na!" hinawakan ko pa sa balikat si Ice at pilit na hinihila."Tulong! Tulungan niyo ko!" nakita kong nagsilabasan sina Kyla, Xyrille at ang Danger Zone."Anong nangyayari?! Anong ginagawa mo Prince?!" sigaw ni Kyla.Tinulak ako ni Ice kaya tumalsik ako at napaupo sa buhanginan. Agad namang inawat nina Lion si Prince. Hinawakan ni Lion at Gun si Prince at hinila palayo kay Dragon. Agad namang tinulungan nina Tiger at Shark na bumangon si Dragon."What the hell are you doing Prince?! Are you out of your mind?!" galit na sabi ni Bullet."I will fvcking kill you
Read more
Chapter 49
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.Agad akong napabangon nang maalala ko ang nangyari kagabi. Tiningnan ko ang sarili ko, nakadamit na ko. Ibig sabihin, binihisan ako ni Ice?Napabalikwas ako nang bangon at nadismaya ako nang makitang wala na si Ice sa tabi ko. Agad akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.Naabutan kong nakain sila ng almusal, pero wala do'n si Ice."Shenna, kain na." pag-aalok ni Lion."S-Si Ice, nasaan siya?" pabulong na tanong ko."Hindi pa nalabas si Prince simula ng magising kami. Diba do'n ka sa kwarto niya natulog?" nagtatakang tanong ni Kyla.Agad akong pumunta sa kwarto ni Ice. Binuksan ko ang cabinet na nandoon at nanlumo ako nang makitang wala na ang mga damit niya doon.Lumabas ulit ako ng kwarto."W-Wala na yung mga damit ni Ice sa kwarto." kinakabahang sabi ko sa kanila.
Read more
Chapter 50
"D-Dragon, kailangan mo pa ba talagang umalis?" naluluhang tanong ko. Ngumiti siya sakin at tinapik ang ulo ko."Babalik din naman ako eh. Gusto ko lang mawala na 'tong kahibangan ko." tuluyan na kong napaluha sa sinabi niya."Bakit kasi kailangan mo pang magkagusto sakin eh?!" naiinis na sabi ko at hinampas siya sa balikat.Nandito kami ngayon sa airport para ihatid si Dragon. Nandito sina Kyla, Xyrille at ang Danger Zone maliban kay Ice. Inaasahan na naman namin na hindi siya pupunta."Mamimiss kitang hayop ka." sabi ni Lion at tinapik sa balikat si Dragon."Pagbalik mo, siguraduhin mong burado na ang nararamdaman mo para kay Shenna." sabi pa ni Tiger."Oo nga. Para naman magbati na kayo ng yelong yo'n." sabi ni Kyla."Payakap nga sa inyo, mamimiss ko kayo." sabi ni Dragon at niyakap ako."Hoy hoy! Kami ang yakapin mo at wag si Shenna. Baka
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status