Share

Art of Destiny XXXII

AWANG-awa at nanlulumong hindi matingnan ni Rose Mary ang larawan ng asawa na ipinasa sa kaniya ni Drax. Kitang-kita niya at malinaw pa sa mala-kristal na tubig ang mga sugat at pasa sa katawan ni Jino. Hindi niya akalaing makikipagkita ito kay Drax nang hindi niya nalalaman. Walang-wala sa isipan niya na ang pupuntahan nito ay walang iba kundi ang dating nobyo niyang si Drax Steve.

Ang tanging malinaw lang sa kaniya ay nagsinungaling ito at hindi ipinagtapat kung ano ang talagang sadya nito nang magpaalam ito sa kaniya kanina. nanginginig na hinagkan niya ang kaawang-awang asawa na nakataas pa ang dalawang kamay na sigurado siyang nakagapos ito sa kabilaang kamay.

"So ano na ang plano mo ngayon, Rose Mary? Huwag mong sabihing titingnan mo na lang ang litrato ng asawa mo at hindi na gagawa ng kilos o desisyon kung ano ang gagawin?" Untag ni Drax na nakalimutan niyang nasa kabilang linya pa pala.

Para naman siyang nahimasmasan at kaagad na hinamig ang sarili. Pilit na pinakalma ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status