“HEY! Stop!” natataranta kong sigaw habang nakatingin kay Luke at Drex na nagpapatayan na sa harap ko at parang walang balak na buhayin ang isa’t isa.“Gago ka! At talagang may lakas ng loob ka pang magpakita kay Elize matapos mo siyang pagtaksilan!” galit na sabi ni Drex na gumanti ng suntok kay Luke. “Kasalanan mo ‘tong lahat. Kundi dahil sa ’yo, kami pa sana ngayon ni Elize at baka kasal na kami. Pero sinira mo ang lahat! Walanghiya ka!” pabalik na sigaw ni Luke at gumanti rin ng suntok kay Drex. Pareho nang putok ang labi nilang dalawa.Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para tumigil silang dalawa. Kung bakit naman kasi wala man lang dumaan kahit isang tao dito sa parking lot. Wala tuloy akong mahingian ng tulong para awatin silang dalawa. “Ayoko lang naman na mapunta sa manluluko na tulad mo ang best friend ko! Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo siya maagaw sa akin!” sigaw ni Drex at muling pinalipad ang kamao kay Luke, pero agad namang nakailag si Luke.“Ipagpal
I SMILE bitterly while looking at my reflection in the mirror in front of me. I am wearing an expensive wedding gown. Today is my wedding day, and I'm not happy about it. I don't want to get married to someone I don't really love, but I don't have a choice."Elize? Are you done?" I heard my mom's voice while knocking at my door.“I'm done! I'm going outside, Mom! Just wait a minute!" I yelled back.Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago naglakad at binuksan ang pinto.“Buti naman at lumabas ka na, anak. Alam mo bang kanina pa si Drex sa simbahan? At sabi ni balae ay baka daw pupunta 'yon dito kapag hindi ka pa dumating! Sampong minuto na tayong late, Elize!” bungad ni Mommy pagkalabas ko ng kuwarto. Hindi ko ito pinansin at naglakad na ako palabas ng bahay habang hawak-hawak ang dulo ng gown ko.Agad akong sumakay sa bridal car na nakahinto sa labas ng gate.“Ngumiti ka nga, Elize. Tingnan mo 'yang mukha mo para kang namatayan!” sermon ni Mommy pagpasok ng sasakyan.“I don
“I’M SORRY… H-Hindi ko sinasadya na masugatan ka,” mahina kong sambit habang nakaupo sa kama at nilalagyan ng ointment ang maliit sa sugat ni Drex sa likod ng ulo.Hindi kumibo si Drex at nanatiling walang imik.Hindi ko alam kung galit ba siya o ano, ni hindi niya ako pinapansin mula kanina, pero pumayag naman siyang lagyan ko ng ointment ang kanyang sugat.“Drex, galit ka ba sa akin dahil sa pagbato ko sa ’yo?”Hindi siya sumagot.“Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya, Drex. I'm sorry.”Hindi pa rin siya kumikino hanggang kngayon kahit na pilit ko siyang kinakausap patungkol sa nangyari.Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pagbato ko sa kanya, kung hindi ko siya binato hindi sana siya masusugatan. This is all my fault.Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay agad siyang tumayo at walang sabi-sabing naglakad palabas ng kuwarto, kaya naiwan akong mag-isa sa loob. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago naglakad papasok ng banyo at hinubad ang wedding gown ko pa
NASA studio ako ngayon habang nakaupo sa isang sofa at nakatingin sa manager kong si Gorgen. Kanina pa ito pabalik-balik ng lakad sa harap ko at panay ang sermon sa akin dahil sa mga hickey sa leeg ko, na siyang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang photoshoot para sa isang magazine. Kailangan kasing naka-swimsuit, kaya lang puro hickey ang nasa katawan ko at hindi kayang takpan ng make up. Highblood tuloy ang manager ko sa akin. “Akala ko ba ayaw mo diyan sa asawa mo? Pero bakit puro hickey na ‘yang buong katawan mo? Nag-iisip ka ba talaga, Elize Mica!”Napanguso ako. “Sorry na, nadala lang kasi ako sa tukso, eh.”Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Gorgen. “Tukso?” bulalas nito. “Anong klaseng tukso naman ‘yan, Elize? Eh halos minarkahan na niya ang buo mong katawan! Paano na ang photoshoot niyan? My goodness! Mauubos ang dugo ko riyan sa asawa mo! Ghad!” Napapaypay ito sa sarili na para bang nababanas na talaga kahit hindi naman mainit.“Gorgen, puwede naman sa susunod na
“Oh, Leila, why are you here? May kailangan ka ba?” tanong ni Drex sa babae habang nakayapos parin ang mga braso sa baywang ko. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni Leila at itinaas ang hawak na lunch box.“May dala akong pagkain para sa ’yo. Alam ko namang hindi ka pa nagla-lunch,” nakangiting sagot ni Leila at napatingin sa akin. “Is she your wife?”“Yeah, she is,” Drex replied. Napa-oh ang bibig ni Leila. She looked at me from my head down to my heels with a judgement in her eyes. “She's kinda badoy!” I heard her whisper. Parang kumulo ang dugo ko sa narinig. Is she trying to insult me? What a damn bitch! She didn't know that I'm a model. Palibhasa naka-faded jeans lang ako kaya ang dali niyang bigkasin ang salitang badoy sa harap ko.Ang sarap niyang sabunutan!Pumasok si Leila sa loob ng opisina at inilagay ang lunch box sa table ni Drex.“My gosh, Drex, bakit ang kalat naman dito sa loob ng opisina mo? May bata bang nakapasok dito?” maarte na tanong ni Liela nang makit
"TITA, salamat po talaga sa mga tinuro niyo. Ang galing niyo talagang magluto, the best kayo!" nakangiti kong sabi at nag-thumbs-up pa. Tita Mesha laughed. "Ikaw talaga, pinuri mo pa ako. Sabi ko naman sa 'yo na “mommy” na ang itawag mo sa akin. You are my daughter now. Kasal na kayo ng anak ko, kaya mommy na lang ang itawag mo sa akin, okay?"I nodded. "Okay po, Mommy. Thank you again. Goodnight na, aalis na po ako." Bumeso muna ako bago pumasok ng kotse. Kumaway sa akin si tita habang may ngiti sa labi. "Sige, babye na. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Mag-iingat ka, my daughter!"Nakangiti akong tumango at pumasok na sa aking kotse. "Sige po, tita. Bye!" Kumaway pa ako bago pinaadar ang sasakyan paalis ng Defredo's Mansion. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan ang mapakanta-kanta habang nakangiti. Sa wakas ay marunong na rin akong magluto sa tulong ni Tita Mesha. Ramdam ko ang pananakit ng baywang ko pero binaliwala ko, basta ang mahalaga ay alam ko na kung paano lutuin ang
"VERY GOOD, Elize Mica!" sigaw ni Gorgen na agad na pumalakpak at lumapit sa akin. Pinakatitigan nito ang katawan ko at kumunot ang noo. "Parang tumaba ka ng kainti, Elize. Nagpapataba ka ba?"I rolled my eyes on him. "Baka lumalabo na 'yang mga mata mo kaya mo nasasabi 'yan."Napasimangot lang si Gorgen sa sinabi ko. Inabot ko ang white robe at sinuot dahil naka swimsuit lang ako at pansin ko na parang kanina pa pinagmamasdan ng bagong photographer ang katawan ko. Parang hinuhubaran niya na ako sa klase ng kanyang tingin.Tsk. Guwapo sana kaso parang may pagka-pervert. Naupo ako sa couch at inabot ang isang bottle ng mineral water bago ininom. "Bukas ay may photoshoot ulit tayo sa isang beach resort, mga bandang alas kuwatro ng hapon para kuha ang sunset. Kaya binabalaan kita na huwag mo munang palagyan ng hickey ang katawan mo diyan sa asawa mo. Ayokong pumalpak na naman ang photoshoot dahil lang sa lintik na hickey na 'yan!" Maarte na sabi ni Gorgen at agad na inagaw sa kamay ko
NAKASANDAL lang ako ng upo sa loob ng kotse habang nakatitig sa binili kong pregnancy test.Gusto kong ma-confirm kung talaga bang buntis ako dahil parang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang tanong ni Drex noong nakaraang araw kung totoo ba ‘yong sinasabi niua. Hindi ako mapakali—na baka totoong buntis nga ako, kaya ngayon ay naisipan kong bumili ng pregnancy test para malaman kung ano nga ba talaga ang dahilan ng palagi kong pagsusuka tuwing pagkagising sa umaga. Minsan ay nakakaramdam din ako ng pagkahilo at parang gusto ko palaging maasim ang kinakain ko. Lahat ng senyales ng isang buntis ay naranasan ko. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan.Mabilis kong pinatakbo ang kotse pauwi sa suite ni Drex. Pagkauwi ko ay agad akong pumasok ng banyo dala ang PT. Kailangan ko nang malaman ngayon habang nasa trabaho pa si Drexton.Halos hindi na ako huminga sa kaba habang hawak ang PT paglabas ng banyo. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ko tiningnan kung ano ang resulta.Napakurap-kurap ak