Share

You May Now Kiss The Billionaire
You May Now Kiss The Billionaire
Author: Ziellanes

Chapter 1

APAT na buwang itinago ni Marigold Harrington sa pamilya niya na buntis siya. She had a one-night stand with a man she didn’t know. Tradisyon ng pamilyang Harrington na ibigay ang sarili sa araw lang mismo ng kasal. Ngayon, ang kapatid niyang si Vina lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis niya.

Kasama ni Mari sa kuwarto niya si Vina. Di siya mapakali at panay lakad niya dahil palaki nang palaki na ang tiyan niya. Baka mahalata ng mga magulang niyang buntis siya.

Huminto siya sa ginagawa niya at hinarap si Vina.

“Ipalaglag ko na lang kaya ‘to, Ate Vina?” nababahalang sabi ni Mari.

Nanlaki ang mata ni Vina. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.

“What are you thinking, Mari? Papatayin mo ang bata? Maawa ka naman sa anak mo. Di bale na, magagawan natin ‘yan ng paraan.”

“Paano?” kunot-noong tanong ni Mari. Hindi makasagot si Vina. Walang ni isang plano na pumasok sa isip niya.

“Basta, gagawa ako ng paraan, Mari.”

Huminga nang malalim si Mari. Takot sila pareho sa daddy nila. At mas nakakatakot kung ipagpapatuloy nila ito. Siguradong kamumuhian si Mari ng pamilya niya kapag malaman ang katotohanan. 

Biglang narinig ni Silvana—their step-mother ang pag-uusap ng dalawa. Nanlaki ang mata niya sa gulat pagpasok niya ng kuwarto. Nakabukas pala ang kuwarto, kaya narinig nito.

“Vina, is it true? Did I hear you both correctly?” Nanginginig na di makapaniwala ang boses ni Silvana habang papalapit sa kanila. Bakas sa mukha niya ang gulat.

Napatingin si Vina kay Mari. Nag-aalala siya sa kapatid niya pero wala siyang magawa kundi sabihin na ang totoo. Malungkot siyang tumango. “Yes, Mommy,” pag-amin niya. Biglang nguminig ang boses niya dahil sa sitwasyon ng kapatid. “Mari is pregnant.”

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Silvana—disbelief, disappointment pero higit sa lahat ay masaya siya. Sa una pa lang kasi ay hindi na sila magkasundo ni Mari. But this time, masaya siya sa nangyari dito. Mapapaalis na niya si Mari.  

“Buntis? Mari, how could you let this happen? You know our family’s traditions and values. You’ve brought disgrace to us!” 

Maya-maya pa, bumukas muli ang pinto, pumasok si Robert Harrington— their father. Namumula ang mukha nito sa galit dahil narinig niya ang usapan.

“What is going on here? Disgrace? Vina, ano ibig sabihin nito?”

Saglit na nag-alinlangan si Vina. Napatingin muli siya kay Mari, mukhang wala na siyang ibang choice kundi sabihin ito. She finally spoke with a heavy heart. “Dad, Mari had a one-night stand and became pregnant. Hindi naman niya ito sinasadya. So, please, let her stay in our mansion,” pakiusap niya.

Tila bang nagdalim ang mukha ni Robert. “Pregnant from a one-night stand? Dinungisan mo pangalan natin, Mari. You’ve gone against everything we stand for.”

Sumikip ang dibdib ni Mari. Nasaktan siya sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang niya. Biglang bumuhos ang luha niya. Nanginginig siya sa takot kasabay ng paglambot ng mga tuhod niya. Napaluhod siya sa harap ng daddy niya. Nagmamakaawang matatanggap pa siya nito.

“I’m sorry, Mom, Dad. I never wanted any of this. I’m willing to take responsibility for my actions.”

Napatingin si Silvana sa asawa. “Robert, we cannot let this stand. Our family’s honor is at stake.” Pilyong ngiti ang ginawa ni Silvana nang makitang tumango ang asawa. 

Mabigat man sa loob ni Robert, he made a decision, one that would shatter Mari’s world. Biglang hinawakan ni Mari ang kamay ni Robert. Umiiyak siya habang umiiling. 

“Dad, please. Let me stay.”

“I’m sorry, Mari. I can’t let you stay. Ano na lang sasabihin ng relatives natin? Bibigyan kita ng isang milyong piso to leave and start a new life away from here. You are no longer part of this family.”

Biglang gumuho ang mundo ni Mari. Natulala na lang siya. Hindi lang pamilya ang nawala sa kaniya kundi pati na rin ang masarap na buhay na kinasanayan niya.

Mabigat sa damdamin ni Mari habang nagiimpake siya ng gamit sa kuwarto niya. Hindi niya makalimutan no’ng araw na nawasak ang puso niya dahil sa panloloko ng ex-boyfriend niya. Kung naging matino lang si Estefan, di sana siya naglasing no’ng gabing ‘yon.

Isang araw bago ang kasal nila ni Estefan ay naabutan niya sa kama kasama ang matalik niyang kaibigan na si Bella. Ang rason kung bakit nangaliwa ang boyfriend niya dahil hindi na ito makatiis. Estefan had needs at si Bella lang nakapag-satisfy dito. Buong puso sinunod ni Mari ang tradisyon ng pamilya niya. Sagrado kasi ‘yon dahil sumisimbolo ito ng kalinisan at swerte sa negosyo nila. Hindi niya alam na dumating ‘yong araw na itatakwil siya ng pamilya niya dahil sa isang pagkakamali. 

Dahil sa sakit na dinanas niya kay Estefan ay nagpunta siya sa bar. First time niya uminom no’n, kaya isang shot lang ng vodka, hilong-hilo na siya. Do’n niya napatunayan na totoo pala na makakalimutan ang sakit kapag umiinom. 

Isang gabi, habang lasing siya ay nakasalubong niya ang isang lalaki. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil sa kalasingan, at tanging mga labi lang ang nakikita niya. That guy has kissable lips. Hindi niya maiwasan ang mapangiti rito nang tumabi ito sa kaniya. 

“So, I don’t usually do this, but you seemed interesting. What’s your name?”

The guy's lips curled into a killer smile. 

“I don’t give my name to a stranger, but you can call me ‘baby’ instead.”

Marahang natawa si Mari. “Bakit naman? Ang weird mo.” 

Nakaramdam ng init si Mari dahil sa sunod-sunod niyang paglagok ng alak. Pinaypay niya ang sarili gamit ang kamay. “Ang init. Naka-aircon naman.” Palinga-linga siya sa paligid.

Nilapag ng lalaki ang baso sa bar table. Lumapit siya kay Mari at binulungan ito.  “Yeah, too hot, that you can’t handle, right?”

Napalingon si Mari, kaya naman nagtama ang mata nila. Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay hindi niya mamukhaan ito. Naghalo na rin ang hininga nila, at amoy niya ang alak na binubuga ng lalaki. Mari hated alcohol scent before, nasusuka siya kapag naamoy niya ‘yon. Pero ibang-iba ang naging epekto sa kaniya ngayon—nakakaakit at nakakaadik.

Ngumisi si Mari. “Well, hotness is in my eyes, I guess? Kaya mainit.” Tinitigan niya ito habang iniinom ang isa pang shot ng vodka. 

“Oh? Really?” Malagkit na tingin ang ginawa ng lalaki. “I get even hotter when I’m in bed. How about that?”

Nanlaki ang mata ni Mari. Parang gusto nito makipaglaro sa kanya. She’s not into a flirty conversation. Hindi niya ito ginagawa sa ex-boyfriend niyang si Estefan noon kasi alam niyang papunta ito sa maling direksyon. 

Iwinaksi ni Mari sa isip ang naging impresyon niya sa lalaki. Ayaw niyang mabalewala ang pagsunod niya sa tradisyon ng pamilya niya. Ibibigay niya lang ang sarili niya sa araw lang mismo ng kasal. But despite her best efforts to resist, she found herself drawn to his gaze. His eyes had a magnetic effect that made her heart race. Parang gusto niyang tikman ang mga labi ng lalaki.

‘Oh, God, please help me!’

Hindi niya alam pero nilapat niya ang bibig niya sa tenga nito. “Is that so? Well, maybe we should test that someday?” aniya saka humiwalay siya.

Napangiwi ang lalaki. “Bakit hindi na lang ngayon?” 

Pinasadahan niya ng tingin ito mula sa paa paakyat hanggang sa mukha nito. Mari is wearing a sexy backless red dress. Sinimulan niyang titigan ang malulusog na boobs nito. Nangibabaw ang kulay gatas na balat ni Mari dahil sa suot. She got a beautiful body.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
bakit laging nakakakilig ang one night stand... lumalandi na nmn ang lola.........
goodnovel comment avatar
Wendy
ang ganda poooo
goodnovel comment avatar
Ziellanes
sana mag-leave review po kayo ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status