Share

Chapter 5

NATAPOS na ang ribbon cutting at saka naman pinakilala ni Manager Patricia ang mga staffs niya kay Clarence. Nakayuko lang si Mari at panay iwas ang tingin niya kay Clarence habang nagsasalita ito.

“So, I hope na maging consistent tayo sa mga gagawin natin. Kailangan galingan natin sa customer service, okay?” seryosong sabi ni Clarence.

“Opo, Sir Clarence,” ani ng staffs saka yumuko ang mga ito.

Umayos na ng pagtayo ang mga conceirge ngunit naiwang nakayuko si Mari. Kinalabit ng kasamahan nilang babae si Mari nang mapansin nila ito.

“Kanina ka pa nakayuko, uy? Tapos na.”

Nanlaki ang mata ni Mari saka agad siyang napatindig ng maayos. Tumikhim siya habang inaayos ang buhok niya, nakatingin pa rin siya sa malayo at pilit na iniiwasan si Clarence. Napatingin si Clarence sa direksyon ni Mari. Feeling niya familiar ang mukha ng babaeng ‘to, ang hindi niya alam ay ito ang kasama niya sa convenience store.

Lalapitan sana niya si Mari ngunit biglang lumapit sa kanya ang secretary niyang si Mike.

“Sir, may naghihintay ng tawag sa opisina niyo.”

“Ah, gano’n ba, Mike? Sino?”

“Daddy mo.”

“Alright.”

Nakahinga ng maluwag si Mari nang umalis na si Clarence sa harap nila. Pakiramdam niya ay malapit nang maghiwalay ang katawan at kaluluwa niya sa nangyari kanina.

“Grabe ‘no? Sobrang gwapo pala talaga ni Sir Clarence! Haaay. Ang swerte ng mapapangasawa niya,” wika ng kasamahan niyang concierge. Kilig na kilig ito habang pinagmamasdan si Clarence na naglalakad sa hallway.

“Ano ka ba? Syempre naman! Nasa dugo na talaga nila ‘yon. Hmm. I wonder kung may kuya siya? Or nakababatang kapatid? Kung hindi ko makuha si Sir Clarence, kahit sa kapatid niyang lalaki na lang.” Nag-daydream bigla ito habang iniisip kung ano itsura ng kapatid ni Clarence.

Maya-maya pa ay biglang sumingit ang manager nila. “Hoy, tama na ‘yang chismis niyo, magtrabaho na kayo. Marami tayong customer ngayon.”

Nakapag-overtime ng tatlong oras si Mari dahil sa dami ng customer. Hindi lang katawan ang napagod sa kanya, pati na rin ang paa niya. Long standing kasi ang trabaho niya at naka-heels pa.

“Ahhh ang sakit.” Naiiyak niyang tinanggal ang kaliwang sapatos niya ng makaupo siya sa sala.

Narinig ito ni Epiphania kaya nilapitan niya ang apo.

“Sa una lang ‘yan masakit, masasanay ka rin. Tanggalin mo na ang kabila,” aniya saka tinulungan niyang tanggalin ang sapatos.

Huminga nang malalim si Mari saka sumandal sa sofa nang matanggal ‘yon.

“Ang hirap pala maging concierge,” wika pa niya.

“Oo naman. Hindi talaga madali ang trabaho mo. Buong araw ka nakatayo at inaasikaso mo rin ang mga customer niyo.”

Ngumiti si Mari dahil gusto niya ang ginagawa niya, at para naman ito sa pamilya.

“Tama nga kayo, La.” Napalinga si Mari, hinahanap niya si Gianni. “Natutulog na kaya si Gianni?” tanong niya rito.

Tumindig si Epiphania. “Nakatulog na lang ang bata, kahihintay sa’yo.”

Kahit masakit ang paa ni Mari ay naglakad siya papuntang kwarto niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ang natutulog niyang anak. Hinaplos ng kaniyang kamay ang buhok nito.

“Pasensya ka na, anak kung palaging wala ang mommy. Si Lola Epiphania muna ang maghahatid sundo sa’yo sa school, ah? Kailangan ko kasing kumayod para makaipon pa ako.”

Napangiti siyang pinagmamasdan ang anak. Gagawin niya ang lahat para sa kinabukasan ni Gianni. Kahit nakakapagod ang trabaho, at least makita niyang lumalaki ng maayos ito.

Nakaramdam ng kalungkutan si Mari kalaunan. Bigla tuloy niya naalala ang nangyari sa PSA. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na pala siya, at sa lalaking hindi niya pa kilala. Napahugot siya nang malalim na hininga. Gusto na niyang malaman kung sino ang lalaking ‘yon.

“Humanda talaga siya sa akin kapag makita ko ang lalaking ‘yon. Dudurugin ko siya ng buhay dahil sa ginawa niya.”

Para kay Mari ay ninakaw ng lalaki ang marriage status niya. Ayos lang naman sa kanya na maging single mom. Pero ang hindi niya alam na ikinakasal na pala siya, ay hindi niya tanggap ‘yon. Haharap sila sa korte para kasuhan niya ang manlolokong ‘yon!

***

Napasarap ng tulog si Mari, kaya naman late na siya gumising.

“Omg! Late na akooo!” sigaw niya nang makita ang oras sa sa cell phone.

Bumalikwas sa higaan si Mari. “Shit!” natataranta niyang sabi, hindi niya alam kung anong unang gagawin niya.

“Mommy? Ano po ‘yung shit? Poop ba ‘yon?”

Nanlaki ang mata niya nang ma-realized niyang kasama niya pala sa kwarto si Gianni.

“No. No. Mali. Bad ‘yon. Huwag kang gumaya kay mommy.” Sinampal ni Mari ang bibig niya. “Bad ‘yon,” dagdag pa niya.

Nang bumalik na siya sa huwisyo ay diretso na siya sa cr para maligo. Hindi na siya kumain pagkatapos niyang maligo at mag-ayos. Umalis na kaagad siya ng bahay dahil fifteen minutes na lang bago ang time in schedule niya.

“Oh my ghad! Late na talaga ako nitooo!” nababahalang sabi niya.

Tatlong taxi na ang dumaan pero nilagpasan lang siya ng mga ito, rush hour din kasi. Palinga-linga na lang si Mari sa daan, nagbabakasakali na may mahanap siyang available taxi. Napahinto na lang siya nang makita niya ang secretary ni Clarence sa gas station, bumaba kasi ito ng kotse.

Di na siya nagdalawang isip na lapitan niya ito. Pero habang naglalakad siya ay inuusal na niya na sana wala sa loob si Clarence.

“E-Excuse me, Sir Mike?” nahihiyang bigkas ni Mari dito.

Napalingon si Mike at nanlaki ang mata na makita si Mari. Suot na ni Mari ang red uniform niya, ngunit napansin ni Mike na basa ang mga balikat nito dahil sa buhok.

“Late ka na ba? Gusto mo bang sumabay na lang sa akin?”

Napangiti si Mari dito. Mabuti na lang ay napansin ni Mike na nagmamadali si Mari. Pero teka, hindi ba’t ang sabi nito ay sumabay na lang sa kanya? So, meaning. . . hindi kasama ni Mike si Clarence?

“Oo, Sir Mike, kung pwede?” ngiting pakiusap niya rito.

Pinagbuksan siya ni Mike sa back seat at nang maupo siya ay biglang napasigaw ang isang lalaki dahil sa gulat. Napadilat ng mata si Mari dahil pamilyar ang boses na ‘yon. Shit! Ayaw niyang lumingon dito. Nagkamali siya ng inakala. Pero wala siyang choice kundi ang makisabay na lang.

Nagsalubong ang kilay ni Clarence. “Who are you?” tanong niya kaso di sumagot si Mari.

Kunot ang noo ni Clarence nang tingnan niya sa rearview ng kotse si Mike. He looked at him, confused.

“Pinapasok ko na, Sir, kawawa naman. Ma-la-late na kasi siya.”

Napalunok na lang si Mari habang nakatingin sa bintana.

Bakit ba kasi palaging na ti-tyempo na si Clarence ang nahihingan niya ng tulong? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, pwede naman sa taong mabait at friendly. Hindi sa masungit at antipatiko na kagaya nito!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang ganda na... fast pacing ang story
goodnovel comment avatar
Nida Barlaan Duque
Nice chapter miss Author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status