Share

Chapter 14 - "I'm all yours, Zack." - Maiden

Kinuha ni Maiden ang cell phone at sinubukan na tinawagan si Ryan pero nasaktan siya ng tiningnan lang nito ang cell phone at hindi sinagot ang tawag niya. Ibinalik lang bito ang cell phone sa bulsa ng suot nitong coat.

Gusto niyang maiyak sa nasaksihan pero huminga lang siya ng malalim. Hindi siya pwedeng umiyak lalo na't maraming tao sa paligid niya. Ayaw niya din ipakita sa ibang tao na mahina siya.

"Hey, you okay?" Napatingin siya kay Zack ng tapikin siya nito. Napatingin ito sa cell phone niya ng hindi siya nakasagot. "Why are you calling that jerk?" Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Himala ata at hindi mo pinagtanggol ang ugok mong boyfriend?"

Napaiwas na lang siya ng tingin at hindi na sumagot. Muli siyang napatingin kay Zack ng hawakan nito ang kamay niya.

"Hey, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito at nakikita niyang nag-aalala na ito sa inaasta niya ngayon.

Ngumiti siya ng maliit. "I'm okay." Tinitigan siya ng maigi ni Zack,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ay ,Hala !bumigay na SI Maiden
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
agoyy maiden di na mkatiis c fafa zack humanda ka tlaga ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status