Share

Chapter 4

Agad na pumunta si Madison sa club kung saan sinabi ni Zaver na nandoon sila. Deri-deritso lang siya sa pagpasok at hindi pinansin ang mga lalaking sinusubukan siyang kausapin. Wala pa naman siya sa mood at baka masigawan niya ang mga ito. Baka makakita pa siya ng away dito sa club.

Nang tuluyan na siyang makapasok ay mabilis niyang nahanap ang kinaroroonan nina Wyatt at ng mga kaibigan nito. Dahil kung nasaan maraming babae ay nandoon ang magkakaibigan. Galit siyang lumapit dito.

Habang papalapit siya ay mas lalo niyang nakikita ang nakakainis na mukha ni Wyatt na masayang nakikipag-usap sa mga babaeng nakapaligid dito. Mas lalong kumukulo tuloy ang dugo niya dahil sa mga babaeng malayang hinahawakan ang katawan ng binata. How dare they touch Wyatt's body with those filthy fingers of theirs.

"Aray! Ano ba?" reklamo ng babaeng hinawi niya para mapunta sa harap ni Wyatt. "Watch out, you b*tch!"

Biglang napantig ang tenga niya sa tinawag nito sa kanya at humarap nito. "Don't call me, b*tch because I'm not like you." Nanggagalaiti naman itong tumingin sa kanya at umalis.

Inirapan niya lang ito at muling bumaling kay Wyatt na nakikipaglandian sa dalawang babae na katabi nito. Gusto niyang matawa. Dalawa pa talaga, ah, magkabilaan.

Napatingin naman sa kanya si Zaver at kumaway. "Wyatt!" tawag ni Zaver sa kaibigan.

"What? Can't you see? I'm busy."

Napailing na lang ito at itinuro siya gamit ang nguso nito. Napabaling sa kanya si Wyatt kaya tumaas ang kilay niya habang naka-cross arm na nakatingin dito. Nagulat ito nang makita siya.

"Madison, what are you doing here?" nakangiti nitong tanong sa kanya para mas lalo siyang mainis.

"Anong ginagawa ko dito? Talaga, Wyatt? Tatanungin mo ako ng ganyan pagkatapos mo akong paghintayin sa harap ng flower shop ko ng ilang oras?" nanggagalaiti niyang tanong dito. "Para akong tanga na naghihintay sa 'yo tapos malalaman ko lang na nandito ka lang pala at nakikipaglandian sa mga babaeng ito?" Tinuro ko ang mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Napakamot naman sa batok si Wyatt. "May usapan ba tayo?"

"Arrgghhh! How dare you forget it?" sigaw niya dito. Naiinis na siya dito. Kung hindi niya lang ito mahal ay matagal na niya itong sinipa sa alaga nito para mabaog. "You know what? Just forget it. Bahala ka sa buhay mo. I am so done with you!"

Naiinis siyang tumalikod at naglakad papalayo. Ilang beses siya nitong tinawag pero hindi na siya lumingon. Gusto man niyang makasama ang binata ay mas nanaig sa kanya ang galit at inis ngayon. Dahil lang sa mga babaeng ito ay nakalimutan na kaagad siya.

Para siyang tanga na naghihintay sa binata. Inabutan na lang siya ng gabi tapos makikita niya lang na ang saya-saya nitong kasama ang ibang babae.

"Siya, Kuya." Natigilan siya sa paglalakad ng may humarang sa kanya na babae at tinuturo siya. "Siya 'yong sinasabi ko na humawi sa akin."

Napakunot noo siya habang nakatingin sa babae. "Who are you and what you are talking about?"

Natawa naman ang babae na hindi makapaniwala. "Sino ako?" Tinuro nito ang sarili. Tumango naman siya. "Ako 'yong babaeng hinawi mo kanina na nakapila kay Wyatt."

Napa-cross arm naman siya. Sa tinagal-tagal niyang nakatitig sa mukha nito ay naalala na din niya ito. "Yeah, I remember it now."

"See? Siya nga, Kuya."

Napatingin naman siya sa lalaking tinawag nitong kuya. Hindi ito pangit, hindi din naman kagwapohan. Tama-tama lang ang itsura nito pero hindi niya gusto dahil sa mga tattoos nito sa katawan. She don't like tattoo.

"Miss, hinawi mo daw itong kapatid ko sa pagkakapila niya kay Wyatt kanina?" Lumapit ito sa kanya pero hindi siya nagpatinag. "Pipila ka din ba kay Wyatt?" Hindi naman siya sumagot. "For sure, matatagalan pa bago ka mapansin ni Wyatt kaya bakit hindi ka na lang sa akin? Hindi man ako kasing gwapo ni Wyatt ay papatunayan ko sa 'yo na magaling naman ako sa kama."

Napangiwi siya nang maamoy niya ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo mula sa bibig nito.

"Hindi ako pumipila kay Wyatt kasi hindi ko na 'yon kailangang gawin." Pwede na nga niya itong puntahan sa bahay nito, eh. Pipila pa ba siya? "At hindi ako interesado sa 'yo. Kaya pwede? Lumayo-layo ka."

Bahagya niya itong tinulak at naglakad na. Hindi pa man siya nakakalayo ay hinawakan nito ang kamay niya. Naiinis siyang bumaling dito.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Sinubukan niyang hilain ang kamay mula dito pero masyadong malakas ang lalaki.

Kinakabahan na siya pero hindi niya lang pinapakita dahil para sa kanya kapag nagpakita ka ng takot ay mas lalo ka lang nilang tatakutin. Kaya nga wala siyang pakialam kung tawagin siyang masungit kaysa naman makita ng mga ito na madali lang siyang matakot.

"Hindi mo ba ako bibitawan?"

Ngumisi ito at hinaplos ang pisngi niya. Agad naman niyang inilayo ang mukha sa kamay nito. "Masungit ka pero wala akong pakialam kasi maganda ka naman kaya papalampasin ko ang pagsusungit mo sa akin."

"Kapag hindi mo ako binitawan ay sisigaw ako."

"Go on," panghahamon nito. "Sa tingin mo ba ay may pakialam ang mga tao dito? This is a club, Miss. Where people can do whatever they want. Sasabihin ko lang sa kanila na girlfriend kita at nag-away tayo kaya ka nagkakaganyan."

"How dare you!" Naiinis na siya dito. "Bitawan mo nga ako!"

"Huwag na kasing pakipot, Miss."

Nagulat siya nang hawakan nito ang magkabilang balikat niya dahilan para hindi siya makatakas dito. Nanlaki ang mga mata niya ng unti-unti nitong ilapit ang mukha nito sa kanya para halikan siya.

Kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi ito nakikinig sa kanya. Napapikit na lang siya. Hindi na talaga siya papasok sa mga club. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay kasalanan nito ni Wyatt. Ang bwesit na Wyatt na 'yon na walang ginawa kung hindi ang balewalain siya.

Bago pa lumanding ang labi ng lalaki sa labi niya ay tumilapon na ito sa sahig. Napadilat siya at nagulat nang makitang nakahawak na ito sa mukha.

"What the f*ck!" sigaw ng lalaki.

Nagulat siya ng may humawak sa kamay niya at nilagay siya sa likod nito. "Sinabi na kasi sa 'yong ayaw niya." Hindi siya makapaniwala na si Wyatt ang nagtanggol sa kanya. Ang akala niya ay busy ito sa mga babae nito. "Kung totoong gwapo ka ay hindi mo na kailangan na mamilit ng babae para sumama sa 'yo." Ngumisi ito. "Ang kaso ay hindi mo ako kasing gwapo."

Napatayo ang lalaki at pinunasan ang dugo sa labi nito. Pumutok kasi ang labi nito dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ni Wyatt dito.

Ngumisi ito kay Wyatt. "Bakit ba kasi hindi mo na lang siya ibigay sa akin? Pinagsawaan mo na, 'di ba? Huwag kang mag-alala. Akong bahala sa kanya. Paligayahin ko siya sa kama," sabi nito at dinilaan pa ang labi.

Nanginig siya dahil sa disgusto dito. Para itong isang manyak na handa ng manggahasa.

"Isa lang naman siya sa mga pinagsawaan mong babae, 'di ba? Kaya walang kaso kung mapupunta siya sa akin."

Nakita niya kung paano mapakuyom ng kamao si Wyatt. "Walang kahit na sino ang pwedeng mambastos kay Madison!"

Nagulat na lang siya nang sugurin ito ni Wyatt at nakipagsuntukan. Dahil sa magaling sa martial arts si Wyatt ay hindi nakaganti ang binata. Naiiwasan nito ang mga suntok ng lalaki. Napahiga ito kaya naman mabilis itong dinaganan ni Wyatt at pinagsusuntok sa mukha.

"Kuya!" sigaw naman ng babae. "Awatin niyo sila!" sigaw nito pero wala ni isa ang umawat sa kanila.

Napatingin siya kina Zaver, Aiden, at Dylan na nanonood lang sa ginagawa ni Wyatt.

"Ano? Hindi niyo ba aawatin ang kaibigan niyo?" Nagkatinginan naman ang tatlo. "Ano?"

Napakibit balikat si Zaver. "Ikaw na lang ang umawat. Mas nakikinig naman 'yan sa 'yo kaysa sa amin."

Napasapo na lang siya sa noo. Bumaling ang tingin niya kina Wyatt. Naliligo na sa sariling dugo ang lalaki. Hindi niya na kayang makitang may sinasaktan si Wyatt ng dahil sa kanya.

Lumapit siya dito at niyakap si Wyatt mula sa likod nito dahilan para matigilan ito. "Tama na, Wyatt. Please." Naiiyak na siya dahil baka mapahamak si Wyatt ng dahil sa kanya. "Umuwi na tayo. Please. Tama na."

Hinila niya ito at nagpapasalamat naman siya dahil nakinig ito. Tumayo na ito kaya hinila na niya ito papalabas ng bar. Hindi na din naman siya nahirapan dahil nagpahila din naman sa kanya ang binata.

"Nasaan ang susi ng kotse mo?" tanong niya dito. Walang imik na kinuha nito ang susi at binigay sa kanya. Kinuha naman niya ang susi saka binigay kay Zaver. "Ikaw na muna ang maghatid ng kotse ko sa bahay."

Napataas ito ng kilay. "Wow! Ginawa pa akong driver."

Sinamaan niya ito nang tingin. "May sinasabi ka, Zaver?"

Tumawa naman ito. "Wala. Ang sabi ko, ingat kayo sa pag-uwi."

Napailing na lang siya. Siya na ang nag-drive ng kotse ni Wyatt papauwi sa bahay nito. Wala ang mga magulang nito ngayon dahil pumunta ito sa probinsya ng lola nito.

Kinuha niya na ang first aid kit sa kusina nila at bumalik sa sala kung nasaan si Wyatt nakaupo. Kinuha niya ang kamay nito na may dugo at iilang sugat dahil sa pagsuntok doon sa lalaki.

"Hindi mo na sana pinatulan." Nilinis na niya ang kamay nito. "Nagkasugat tuloy ang maganda mong kamay dahil sa magaspang niyang mukha," biro niya pero hindi man lang nadala si Wyatt sa biro niya dahil seryoso pa din ang mukha nito.

"Papaanong hindi ko papatulan? Eh, binabastos ka na ng lalaking 'yon," galit nitong sabi. Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil ayaw nitong binabastos siya ng kahit na sinong lalaki. Isn't that sweet? "Sa susunod kasi huwag ka ng pumunta sa mga club. Alam mo naman na madaming mga bastos at manyak doon tapos nagpupunta ka pa."

Napanganga siya sa sinabi nito at dahil sa inis niya ay diniin niya ang bulak sa sugat nito dahilan para mapasigaw ito at bawiin ang kamay mula sa kanya.

"Aray naman, Madison. Ginagamot mo ba ang kamay ko o dinadgadagan mo?" Hinihipan nito ang sugat sa kamay dahil nahahapdian ito.

Marahas niyang nilagay sa mesa ang bulak at naiinis na tumingin dito. "Hindi naman sana kasi ako pupunta sa club na 'yon kung hindi dahil sa 'yo!" Dinuro niya ito dahilan para magulat ito. "Naghintay ako sa 'yo, ah. Kasi ang sabi mo ilalabas mo ako, magdi-dinner tayo ng sabay tapos malalaman ko lang na nasa club ka lang pala at nakikipaglandian na naman sa mga babaeng 'yon?" Tumayo siya. "Diyan ka na nga. Wala ka namang isang salita, eh."

Aalis na sana siya nang hawakan nito ang kamay niya. "Sorry na," mahina nitong sabi pero narinig naman niya. "Nakalimutan ko lang talaga na may usapan pala tayo kasi medyo naging busy ako sa opisina kanina. Pagod ako kaya nag-unwind muna ako."

Naiinis siyang umupo ulit. "Unwind? Sa dinami-daming pwedeng gawin para mag-unwind, babae pa talaga ang ginawa mo?"

Napanguso ito. "Alam mo naman na babae lang ang stress reliever ko, eh."

Napasapo siya sa noo. "Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa 'yong kumag ka. Kailan ka ba titigil sa pagiging womanizer mo? Kailan ka ba magbabago?"

Napasandal ito sa sofa at napatingin sa kisame. "Hindi na ata ako magbabago and no one can change me. Kung may babae talagang magmamahal sa akin, tatanggapin niya ako bilang ako at hindi na niya ako kailangan baguhin pa because this is already me."

Napatitig siya dito dahil seryoso ang mukha nito.

'Kahit na womanizer ka at palagi kang napapaligiran ng mga babae ay mahal pa rin kita. Kailan mo ba makikita na nandito lang ako at minamahal ka kahit sino ka man?' tanong ni Madison sa isip niya. Hanggang kailan siya maghihintay sa binata?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status