Share

Chapter 1

“Uuwi ka na ba talaga, Ice?” pag-e-emote ni Zaver sa kaibigan nitong si Ice. Her real name was Ice Miho Finn. Ang nag-iisang babae sa grupo nila. Ang prinsesa nilang apat. “Iiwan mo na talaga ako?” Napaaray siya nang batukan siya nito. “Aray naman, Ice. Masakit ‘yon, ah.” Napanguso na lang siya.

“Ang o.a mo talaga kahit kailan. Maka-iwan ka, may tayo ba?” masungit nitong tanong.

“Ang sakit mo na magsalita, ah,” nakanguso niyang sabi. “Ang aga pa naman, eh, aalis ka na agad?” Mag-aalas nuwebe pa lang at kapag ganitong weekend ay minsan madaling araw na silang umuuwi. Linggo naman bukas at walang pasok sa opisina kaya walang problema.

“I have too. You know my situation right now.” Napatingin ito sa relong pambisig. “You know I can't say no to Chief. Ipapamukha lang no'n sa akin na hindi ko siya mabibigyan ng apo.”

“Alam mo, lahat ata ng magulang 'yan na lang ang problema nila. They all wanted grandchildren. Akala mo naman ang bilis maibigay natin. Kung mabibili lang ‘yan sa mall ay baka bumili na ako ng isang dosena. Why can’t they just understand that we want to enjoy our life as a single?”

Tinapik ni Ice ang balikat niya. "I know, pero wala din naman tayong magagawa." Kinuha nito ang baso na may whiskey saka inisang lagok ito. "I really have to go now. See you soon."

Napanguso siya nang tuloyan na talagang umalis at iwan siya ni Ice. Ginawa kasi itong pansamantalng manager ng JFY (Just For You) band dahil nagbakasyon ang manager nito kaya hindi na makasama ng matagal sa kanila si Ice.

Kanina pa din umalis ang tatlong ugok at iniwan siya. Si Wyatt at Dylan na kasama ang mga babae nito while si Aiden naman, for sure ay umuwi na ‘yon. Hindi naman kasi ‘yon mahilig sa babae.

Nabansagan lang din ‘yong womanizer dahil sa kanilang tatlo. Samantalang siya, ito umiinom ng mag-isa. Wala pa kasi siyang nahahanap na dessert for tonight.

Napatingin-tingin siya sa paligid habang hawak ang basong may lamang alak. Naghahanap siya ng babaeng magpapaligaya sa malamig niyang gabi. Napainom siya ng alak ng wala siyang nagustohan sa mga nakikita niya.

Marami namang magagandang babae ang nandito sa club pero wala namang nagugustohan ang best friend niya. 'Yong tipong pagnakita niya ang isang babae ay mag-iinit kaagad ang katawan niya. 

Napatingin siya sa babaeng umupo sa tabi niya. Ang kaninang hinahanap niya ay bigla niyang naramdaman nang makita niya ang maganda nitong mukha.

Damn! Mukha pa lang nito ang nakikita niya pero nang-iinit na siya. Paano pa kaya ang… napatingin niya sa katawan nito. Hindi ito kagaya ng ibang babae na nandito sa club na naka-dress at kulang na lang ay makita na ang kaluluwa.

She was just wearing a plain pants and a plain black t-shirt. Naka-messy bun ang buhok nito. Sa nakikita niya sa mukha nito, she's not wearing any make up. Just her usual self.

Simple lang ang porma nito pero attract na attract na siya sa dalaga. In his simple clothes, he finds her hot, and sexy.

Damn! I want her tonight.

Pero bago pa siya makapagsalita ay may nauna na sa kanya. May isang lalaki na tumabi sa dalaga sa kabilang upuan nito.

"Hello, miss. Alone?" nakangiting tanong ng lalaki sa dalaga saka inilabas ang malalim nitong dimple sa pamamagitan nang pangiti nito.

Tsk! Dimple lang ang lamang nito sa kanya. Pero kahit wala siyang dimple ay gwapo pa din siya. Samantalang kapag nawala ang dimple ng kumag na ito ay sigurado siyang pangit ito.

"Fuck off," malamig nitong sabi dahilan para magulat ang lalaki saka umalis.

Bigla siyang nakaramdam ng lamig nang magsalita ito. Iyong tipo ng boses nito ay ‘yong tipong mapapaalis ka talaga kapag nagsalita ito. Napalunok siya habang nakatingin pa rin sa dalaga. He badly want to know her name pero kinakabahan siya, baka kasi magaya lang siya sa lalaki kanina.

Pero syempre dahil siya si Zaver Balley—a certified womanizer—walang kinatatakutan at inuurungang babae—lalo na sa kama. No woman can take him down—well, except in bed—again. Malay niya ay ayaw talaga ng dalaga sa lalaking 'yon dahil pangit.

Syempre dahil gwapo siya ay hindi siya pagsasalitaan ng gano’n ng dalaga.

"Wanna drink?" A way of a man greeting a woman in this kind of place.

Tinaas niya ang basong hawak niya nang lumingon sa kanya ang dalaga. Damn! He can feel her cold stare at him. Don't tell him ire-reject din siya nito gaya nang ginawa nito kanina sa lalaki.

Please no, please no.

"Sure." Bahagya siyang nagulat sa naging sagot nito.

He never expected na tatanggapin nito ang alok niya. Akala niya kasi ay ire-reject din siya nito. Nang mabalik sa ulirat ay agad niyang tinawag ang bartender saka in-order ito ng drinks for woman, of course.

Sinasabi na nga ba niya, no woman on this earth can resist his charms. Ni-reject nito ang lalaking ‘yon kanina dahil hindi ito kasing gwapo niya. Well, bawi na lang ito sa next life nito.

"I'm Zaver Balley and you are?" Inilahad niya sa magandang dalaga ang kamay niya pero imbis na tanggapin niya ito ay itinuro nito ang nasa itaas.

Para naman siyang tanga na napatingin doon. "What can you see up there when you are outside of this club?"

"Sky, of course,” mabilis niyang sagot.

"Then, that's my name."

He was surprised for what she said. For the first time in his life, ito ang unang beses na may nagpakilala sa kanya ng gano'n. Cool.

Usually ang mga babae na nagpapakilala sa kanya ay nagpapa-cute o kaya naman ay may malanding tono para maakit siya. But this girl, she was different from others.

"Sky," pag-uulit niya sa pangalan nito. "What a beautiful name for a beautiful girl like you."

Ngumiti ito ng kaunti. "Is that what you said to all girls you've met?" Hindi siya nakapagsalita sa kaprangkahan nito. "Anyway, I don't mind."

She's really cool. Maliban kay Ice ay ngayon lang siya nakakilala ng babaeng ganito.

Buong gabi silang nagkwentohan ng mga bagay-bagay lang. He told her about his job, his hobbies—syempre hindi niya sinabi sa dalaga na mahilig siyang mang-hunting ng mga magagandang babae, like her—He also told her about his friends.

All the time that he was talking, she was just listening while looking at his eyes. He feels awkward for that and he doesn't know why. Ito ang unang beses na nailang siya sa titig ng isang babae. Parang hindi kasi ito naiilang na makipagtitigan sa isang lalaki.

DUMAAN ang oras at napagdesisyonan nila na umalis na ng club. Dinala ni Zaver si Sky sa isang fine dining restaurant, syempre nilibre niya ito at binusog dahil alam niya na magugutom niya ito pagkatapos ng gagawin nila mamaya.

Sa mga oras na magkasama sila ay siya lang palagi ang nagsasalita at nagkukwento habang ito ay nakikinig lang. Wala siyang ibang alam tungkol sa dalaga kung hindi ang pangalan lang nito, even her last name.

"Ikaw naman ang magkwento. Kanina pa ako nagkukwento, pero ikaw wala ka pang naikukwento sa akin. Tell me about yourself." Napahalumbaba siya saka tinitigan ang nakakaakit nitong mga mata.

Bahagya itong ngumiti. "I don't like to tell about myself to those who are strangers to me."

Napatawa siya sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang tiningnan ito. "What? You're still treating me as a stranger? Come on, Sky. I already told you about my name, my job and sort of about me and yet you still treat me as a stranger?"

"Why bother me, telling you about myself? We're just going to have a one night stand anyway."

To his surprise again, ito na mismo ang nagsabi na magkakaroon lang naman sila ng one night stand. So that means, he doesn't need to ask her because she's willing too.

"Don't tell me, all the women that you have a one night stand, you asked them about their selves? Oh come on, it's not like a womanizer thing."

Natameme siya dahil sa kaprangkahan nito. He never meets—except Ice—a girl like her, who is a straight forward.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nakahanap Ka ng katapat Zaver?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status