Share

Chapter 4

NAIINIS si Zaver ngayon dahil nakikita niya na naman ang babaeng kinaiinisan niya. The only woman who dared to forget his name. Nandito sila ng mga kaibigan niya sa isang resto ni Aiden, kumakain.

Nakikita na naman niya ang nakakainis na babaeng 'yon dito sa loob ng resto. Kapag pinagtitripan talaga siya ng tadhana, talagang pinagkita pa sila nito.

Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa dalaga habang kasama ang lalaking noong isang araw ay halos lunurin na ang sarili sa alak dahil brokenhearted ito pero ngayon ay ang laki na nang ngiti.

Bilis maka-move on ah. Napa-tsk siya nang ngumiti ang babaeng 'yon. Ngingiti-ngiti, akala mo naman maganda. Lihim na umikot ang mga mata niya. Masyado silang masakit sa mga mata niya.

“Hoy! Parang badtrip ka diyan, ah.” Napatingin siya kay Dylan. Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang mga kaibigan niya.

“Ano bang problema mo? Simula nang pumasok tayo dito, bigla na lang sumama ‘yang mukha mo,” tanong ni Wyatt.

Okay naman kasi sila kanina, tumatawa pa nga sila habang papasok pero nang makapasok sila dito ay agad niyang nakita ang dalaga na kasama ang lalaking 'yon kaya bigla na lang siyang nainis.

“Problema ba sa bahay?” tanong naman ni Aiden.

“Pini-pressure ka na naman ba ng mga magulang mo na bigyan mo sila ng apo?” tanong naman ni Dylan.

Iniwas na niya ang tingin doon sa babaeng 'yon saka sila tiningnan. Baka kasi makahalata pa ang mga kaibigan niya na nakatingin siya dito, ano pang isipin nila. Madumi pa naman ang mga utak nito.

“As usual. Tuwing uuwi na lang ako ng bahay ay ‘yan lagi bumubungad sa akin.”

“Bakit kasi hindi mo na lang sila bigyan ng apo?”

Binatukan niya si Wyatt. “Gago ka, ah! Eh, di goodbye freedom at chicks ako?”

Natawa ito. “Sabagay.”

“Teka nga, Dre. May balita ka na ba sa babaeng ikaw ang nauna?” tanong naman ni Dylan.

“Tsk! Wala,” pagde-deny niya. “At wala akong pakialam sa kanya,” singhal niya sa kanilang tatlo.

“Hala siya! Para nagtatanong lang, eh. Galit agad?” Nagtawanan silang tatlo na hindi niya naman pinansin dahil doon lang sa babaeng ‘yon naaagaw ang atensyon niya.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang mina-magnet ang mga mata niya papunta sa dalaga. Tss! Mangkukulam ata ang babaeng ito at kinukulam na nga siya kaya siya nagkakaganito.

“MOM, naman,” pagmamaktol ni Zaver habang kausap ang mommy niya sa kabilang linya.

“Wala ka ng magagawa kasi nandiyan ka na. Don’t disappoint me, son. Bye.”

“Wait, Mom—aish!” Nainis siya nang bigla na lang pinutol nito ang tawag.

Napatingin siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon saka pilit na ngumiti. Tinawagan siya ng mommy niya kanina para papuntahin sa isang Italian resto dahil kakain daw sila doon. If only he know na iba-blind date lang pala siya nito ay hindi na sana siya pumunta pa.

Ayaw niya talaga sa lahat ng mga babaeng nirereto sa kanya ng mommy niya. Magaganda naman sila pero mukhang runner, maghahabol. Okay lang sana ‘yong mga babae na nasa mga club kasi alam nila kung hanggang saan lang sila. No string attachment.

“Ahm, ganito kasi ‘yon, Madeline—”

“It’s Melanie,” putol nito sa sinasabi niya.

Napakamot siya sa batok dahil nakalimutan niya ang pangalan nito. “Ah, oo nga, Maxine pala.”

“I said, it’s Melanie. Kasasabi ko lang sa ‘yo ng pangalan ko kung kahit kanino ng mga pangalan ang binabanggit mo.” Galit itong tumayo. “You're such a jerk!” sabi nito sabay sampal sa kanya.

Inaasahan na niya ang sampal na 'yon dahil ito ang nangyayari kadalasan sa mga dates niya. Hindi naman masakit dahil talagang sinadya niya 'yon para mawalan na ng gana ang mga ito sa kanya.

Napatingin siya sa harapan niyang upuan nang may umupo doon at laking gulat na lang niya na ang babaeng kinaiinisan niya na ang nakaupo doon. Biglang nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa dalaga.

Napapailing ito. "Masakit ba masampal?" nakangisi nitong tanong.

Hindi niya maiwasan na paikotan ito ng mga mata. “Tsk! Try mo kaya ng malaman mo,” inis niyang sabi sa dalaga. 

“Wow!” Itinaas nito ang dalawang kamay nito na tila sumusuko. “Bakit parang sa akin ka nagagalit? Ako ba nanampal sa 'yo?” Mas lalo siyan naiinis sa ngisi nito.

Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito dahil sa nangyari kanina. Kapag minamalas nga naman siya, oh. Bakit sa dinami-dami ng tao na pwedeng makita ang pangyayaring ‘yon ay ito pang babaeng ito?

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Nagugutom ako, eh. Waiter," tawag nito sa waiter saka um-order. "Hoy!"

Bigla siyang napakurap-kurap dahil sa mahina nitong sigaw kasabay nang pagpalakpak nito sa harap ng mukha niya. "Ha?"

"Tulala ka na naman diyan."

Napaiwas siya nang tingin dito. Hindi niya napansin na nakatulala na pala siyang nakatingin sa dalaga. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Anong order mo?"

"Ikaw na ang bahala,” walang gana niyang sabi dahil wala naman siyang balak na kumain dahil nawalan na siya ng ganang kumain nang makita niya ito.

"Bahala ka, ikaw din naman magbabayad." Bigla siyang napatingin dito dahil sa sinabi nito. "Yan lang, please. Thank you."

Umalis na ang waiter pagkatapos nitong um-order. Masama ang mga tingin na ipinukol niya dito.

"Bakit ako magbabayad ng mga in-order mo?" Tinaasan niya ito ng isang kilay.

Hindi sila gano’n ka-close para siya ang magbayad ng mga in-order nitong pagkain at saka wala siyang balak na ilibre ito lalo na’t naiinis siya sa pang-aasar nito sa kanya.

“Ahm…” humawak naman ito sa baba, tila nag-iisip. “kasi ikaw ang lalaki?" Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. "Umalis na din naman ang ka-date mo kaya sasamahan na kita, baka magmukha kang kawawa.” Napanganga siya sa sinabi nito. “Total wala din naman akong kasama kaya you have my time." Naiiling siyang nakatingin sa dalaga. This woman is unbelievable. "I'm sorry if I didn't remember you last time."

"So, naaalala mo na ako?"

"Sort of."

Nagkasalubong ang mga kilay niya. Umayos na siya nang upo dahil mukhang maayos na itong kausap ngayon. "Anong sort of?"

"Hmm…" nag-isip ulit ito. "Zayn?" Napanganga siya. "Saber? No. I think it started with letter Z. Zack?"

Napabuga siya ng hangin dahil kung kani-kaninong mga pangalan ang pinagsasabi nito sa mismong mukha niya. Binabawi na niya ang sinabi niya kanina na mukha na itong matinong kausap. Mukha lang pala pero hindi.

"Stop." Mas lalo siyang nainis dito dahil kung kani-kaninong pangalan ng lalaki ang lumalabas sa bibig nito. "It's Zaver. Zaver Balley,” may diin niyang sabi para matandaan talaga nito at pumasok sa kukute nito ang maganda niyang pangalan.

"Oh, now, I remember." Sinamaan niya ito nang tingin. "Sorry, I'm not good at memorizing the peoples name."

"Tsk! You should remember my name. It's Zaver Balley. Ako ang nauna sa 'yo at nagpaligaya tapos kakalimutan mo lang ako." May kinuha siyang calling card saka binigay dito. "Oh, baka makalimutan mo na naman pangalan ko."

Kinuha nito ang card. "Nice name." Sinamaan niya na naman ito nang tingin. Nice name pero kinakalimutan. "CEO ka pala?"

"Yeah, bakit?"

"Hindi kasi halata." Tumawa ito na ikinasama nang tingin niya dito.

Kung nakakahubad lang ang tingin niya ay baka n*******d na ang babaeng ito at pinaparusahan na niya sa kama nang tumahimik at mawala ang mapang-asar nitong salita.

Pakiramdam niya ay iniinsulto talaga siya ako. Damn this woman! Ang lakas naman ng loob nito para pagtawanan siya. "Nandito ka ba para insultuhin ako?"

Umiling ito habang nagkibit-balikat. "Nah, nandito ako para damayan ka kasi iniwan ka ng ka-date mo."

"Like I care." Pinaikotan niya ito ng mga mata.

Ito ang unang beses na nagsungit siya sa isang babae. Hindi niya kasi maiwasan dahil sa tuwing kinakausap siya nito ay may halong pang-iinis sabayan pa nito nang nakangisi nitong mga labi.

"SKY," tawag ni Zaver sa dalaga.

"Oh, you actually remember my name?"

Nagulat siya sa sinabi nito. He actually did? Napailing siya. Naalala niya kasi ang pangalan nito nang mapatingin siya sa langit. Nandito sila ngayon ni Sky sa park, naglalakad. 

Pagkatapos nilang kumain kanina ay dumiretso sila dito, malapit lang naman ito sa resto kung saan sila kumain.

"Sa mga nasagap kong balita, hindi mo daw naaalala ang mga nakaka-one night stand mo."

Tumaas ang isang kilay niya. "So, you're my stalker now?" Nagkibit-balikat ito. "May tanong ako sa 'yo."

"Oy, nagiging interested na siya sa akin," panunukso na naman nito sa kanya

Sinamaan niya ito nang tingin. "Asa ka!"

Natawa ito. "Biro lang.” Umikot ang mga mata niya. Para sa kanya ay hindi iyon isang magandang biro. “Ano ba 'yon?"

"Bakit parang hindi ka naiilang na kasama ako? Like, may nangyari sa atin ng isang gabi. Kung ang ibang virgin pa diyan ay baka namumula na ang mukha nila o kaya nahihiya na kapag kaharap ang taong alam mo na, ‘yong taong unang nakakuha sa kanila.”

"Gano'n ba dapat ‘yon? Damn! Hindi ko alam na gano'n dapat,” sabi nito saka  tumawa ito.

"Ang saya mo talaga kausap,” sarkastiko niyang sabi. Ang ayos-ayos ng tanong niya tapos tatawanan lang siya nito.

"Hindi naman lahat ng babae gano'n. Hindi din lahat ng babae ay maghahabol sa lalaking nauna sa kanila at mas lalong hindi lahat ng babae ay lolokohin ka, at sasaktan. Lagi mong tatandaan na magkakaiba ang mga tao. Hindi tayo ipinanganak sa iisang magulang kaya magkakaiba ang mga ugali natin."

Napahinto siya sa paglalakad ng bigla itong ngumiti ng matamis sa kanya. He know at that time…

I'm in trouble.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
,kakaiba Ka Sky
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status