Share

Chapter 5

“Doc, how's she?" Tanong ni ma'am Trixie sa doctor na kakalabas lang sa loob ng operating room.

“As I said ma'am, there is a 50% chances of her to survive. But sad to say that her legs must be cut off to avoid any of the possible infections." Sagot naman ng doctor.

Hindi na rin mapigilang umiyak ni ma'am Trixie, ang malditang ina ni Cayleigh matapos niyang marinig ang sinabi ng doctor sa kaniya. Kritikal daw kasi ang kalagayan ng kaniyang anak at mapuputulan pa ito ng dalawang paa. Kung magkagayon ay paano na lang kaya ang kaniyang mga negosyo. Sino na ang mag-aasikaso ng kaniyang Hotel de Montemayor, ang kaniyang mga guests at appointments, at ang kaniyang kasal? Siguradong malaking dagok itok para sa kaniyang negosyo.

“Do-doc… do-do everything you can para lang mabuhay ang anak ko!” Pautal-utal pa nitong pakiusap sa doctor.

“I-I’ll pay… I’ll pay…”

" Don't worry Mrs. Montemayor… ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya. Ang kailangan niyo lang pong gawin ay magtiwala.” Sagot ng doctor sa kaniya at tumingin ito sa kaniyang orasan.

" I guess that would be all, Mrs. Montemayor. I have to go…” Muling saad ng doctor at umalis na ito. Naiwang lumuluha ang ina ni Cayleigh habang nakatingin sa may salamin sa pintuan habang ang kaniyang anak ay inaasikaso ng isang nurse.

“Mrs. Montemayor…” Napalingon naman kaagad siya ng tawagin siya ni Doc Glen na ngayon ay paparating sa kaniyang kinaroroonan.

" Are you okay?” Tanong pa nito sa kaniya at nilapitan siya.

" How is she?”

" I- I hope she can win this battle of her, Doc Glen.”

“Of course she will." Lumingon-lingon si Doc Glen na tila may hinahanap.

“Can we have a sit?" At umupo sila sa isang bench sa gilid ng operating room.

“By the way Doc Glen, what made you up to here?"

“It was because of Mr. Forteros who called me. Inaasikaso ko na rin ang lahat nang sa gayon ay ako na ang personal na maggamot sa anak ninyo. Don't worry Mrs. Forteros, I already talked to Doc Lazaro and I know your daughter will be alright.”

" Thank you so much, Doc Glen. It would give me of so much ease knowing na kayo ang gagamot sa anak ko.”

“So, may I go? Marami pa akong aasikasohing mga papeles eh."

“Thank you so much , Doc Glen…" Muling saad ni Mrs. Montemayor at nakipagkamayan pa ito sa kaniya bago umalis.

“Kring… Kring… Kring… Kring…” Patuloy ang pagtunog ng cellphone ni Aki at nang mapansin ito ni Mr. Forteros ay agad niya itong pinatay. Hawak kasi niya ang lahat ng gamit ni Aki dahilan upang kontrolado niya ang lahat. Nagtaka naman si Gwen, ang secretary ni Aki sa kaniyang Magic Fashion Boutique, dahil ni minsan ay hindi naman siya pinapatayan nito.

“What really is up to this girl?" Tanong sa sarili ni Gwen nang hindi sinagot ni Aki ang kaniyang tawag.

“Siguro may importanting nilalakad lang. But anyways, hindi pa naman dumating rito si ma'am Cayleigh kaya it will be alright. Sana man lang mas mauna siyang dumating kaysa kay ma'am Cayleigh ‘no, nako kung magkataon na mauna si ma'am Cayleigh paniguradong tatanda ako bigla sa sobrang stress.”

" Where's Aki? Where's your boss who like to assume things without even thinking!?" Sumulpot naman bigla si Russell sa Magic Fashion Boutique kung saan ay nadoon si Gwen, ang kaniyang secretary, na hinihintay si ma'am Cayleigh.

“Si-sir Russell…”

" Where is Aki!?” Sigaw nito kay Gwen at hinahanap ang kaniyang boss Aki. Wala naman siyang masagot dito kasi hindi rin niya alam kung saan ito. Hindi rin sinasagot ni Aki ang kaniyang mga tawag which leaving her clueless.

“Hi-hindi ko po alam, sir Russell… hindi pa po siya dumating dito at hindi rin po niya sinasagot ang mga tawag ko.”

" F*ck!”

" Bakit ano bang nangyari,sir Russell?"

“It's none of your business, Gwen. Pwede ba tawagan mo na lang ako kapag bumalik na siya rito…” Sabi pa at umalis na rin.

“None of your business daw… nako, kung hindi lang talaga siya anak ni mayor baka binungangaan ko na ‘yon. Ang kapal naman ng libag niyang utusan ako ‘no. Ano siya sing ganda ng ma'am Aki? Yocx pa rin sa kaniya! Che! Masagasaan ka sana!” Bulong naman niya sa sarili habang nakatingin sa papalabas na si Russell.

“Ms. Gwen…” Napalingon naman siya bigla ng tawagin siya ni Katty. Isa sa mga employees ni ma'am Aki.

“Yes… I know nagagandahan ka sa akin but please limitahan mo naman pagtawag sa akin, okay po, Ms. Katty?” At napataas naman ng kilay ang dalaga sa sinabi ni Gwen sa kaniya.

" Joke lang…" Pabawi naman niya.

“Ano kaba, para ka namang just now sakin eh. You know me, I know you, we know each other."

“Oo nga po eh." Sumagot naman si Ms. Katty sa kaniya.

“Oh? Bakit ka nga pala napatawag? What's up with you?"

“Ready na po kasi ‘yong bridal gown Ms. Gwen."

“Really? Okay I think it's all set. So, hintayin nalang natin kung kailan darating si ma'am Cayleigh. Let's just hope, Katty, na sana maunang pumunta rito si ma'am Aki." Napayukong saad ni Gwen dahilan upang maantig naman sa kaniya si Ms. Katty.

“Bakit? Hindi pa ba sumasagot sa mga tawag mo si ma'am Aki?"

Lumingon-lingon ito at sumagot, “Lawa…”

" That's quite strange… hindi naman ganiyan si ma'am Aki diba? Besides, alam naman niya kung gaano ka importanti ang araw na ‘to.”

" Sure she knows it, Katty. Let's just think na paparating na si Aki. Maghanda na lang tayo to make the best pabongga, right?”

" Hmmmm… " At napatango si Ms. Katty.

“I'll up ahead na, Ms. Gwen."

“Alright then… Katty…" At umalis na rin si Ms. Katty papunta sa kaniyang cubicle.

Siguro ganito lang talaga ka bibo ang Magic Fashion Boutique na pagmamay-ari ni Aki. Her employees are too good and energetic at mga positibo pa ang pananaw sa buhay. Alam mo ‘yon, ‘yong nagkakasundo at walang bangayan. They just really love what they are doing. On the other hand, hindi na rin matiis ni Aki ang gutom kaya kumain na rin siya. Tapos na siyang makapagbihis at nalapatan na rin siya ng gamot.

“Knock… Knock… Knock…”

Habang kumakain si Aki ay may kumatok sa pintuan kung saan siya ay nakakulong. Hindi na siya sumagot at hinintay na lang kung sino ang iluluwa ng pinto. Matapos itong magbukas ay lumabas si Mr. Forteros. Hindi na rin siya nagtaka dahil wala rin namang ibang dadalaw sa kaniyang room kundi ang nag-iisang si Knight Forteros.

“Mabuti naman at kumain kana…” Ani ni Mr. Forteros habang papalapit siya sa babae. Si Aki naman ay walang ibang magawa kundi kumain na lang dahil sa gutom na kaniyang nararamdaman.

" I thought of it a hundred times and I think I already know kung ano ang gagawin ko sayo…”

Napatigil naman sa pagkain si Aki matapos niyang marinig ang sinabi ni Mr. Forteros sa kaniya. What would it be? Ano kaya ang gagawin niyang hatol para kay Aki?

" I think it would be better kung magiging alalay ka nalang ni Cayleigh habang buhay.”

“A-alalay?" Hindi makapaniwalang sagot ni Aki sa offer sa kaniya ni Mr. Forteros. Perhaps, sino ba naman ang gustohing maging alalay diba? Iniisip kasi ni Aki kung ano na lang ang mangyayari sa kaniyang Magic Fashion Boutique kung magiging alalay siya habang buhay. Paano na lang ang kaniyang pangalan sa industriya ng fashion designing? Ano na lang ang sasabihin ng kaniyang mga magulang? Ng mga taong naniniwala sa kaniya?

“No, I can't be alalay lang, Mr. Forteros…”

" Oh, really? Who are you to demand me?”

" I mean… at least we can have a proper conversation about it." Sagot naman ni Aki at nginitian lang siya ni Mr. Forteros sa sagot niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status