Share

Chapter 2

Matapos marinig ni Aki ang mga sinabi ni Mr. Forteros sa kaniya ay hindi niya maitago ang kaniyang pagtataka. Ano ba ang ginawa niya kay Mr. Forteros na naging dahilan kung bakit ganito nalang ka bigat ang galit nito sa kaniya? Walang nakitang dahilan si Aki upang kagalitan ng ganito ka lalim dahil ang tanging alam lamang niya ay ang lumaban ng patas sa buhay. Wala naman din siyang ibang iniisip kundi ang palaguin lamang ang kaniyang Magic Fashion Boutique at makilala sa buong Pilipinas bilang isang fashion designer.

“S-stole, Mr. Forteros?” Tumayo siya sa kaniyang pagkadapa. "Alam mo bang pwede kitang kasohan dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon!?” Sabi niya at kinapa ang kaniyang mga bulsa. Hinanap niya ang kaniyang mga gamit: selpon at pitaka, ngunit wala na ito sa bulsa niya.

“Nasaan ang mga gamit ko!?" Pasigaw pa niyang tanong.

" I kept it, Ms. Aki… besides, hindi mo na kailangan pang malaman kung saan ko ‘yon itinago."

“Walang hiya ka!? Ano bang kasalanan ko sayo, Mr Forteros!?"

“Gusto mong malaman kung ano ang kasalanan mo sa akin, ha, Aki!?" Matalim ang bawat tingin ni Mr. Forteros sa kaniya at ang bawat salita niya ay malalim at may laman. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at siya naman ay patuloy sa pag-atras hanggang sa madikit na siya sa pader.

“Gusto mong malaman, ha, Aki!?" Muling ulit nito habang magkalapit na ang kanilang mukha. Si Aki naman ay hindi makagalaw at tanging takot lamang ang kaniyang nararamdaman.

“Nabangga mo lang naman ang fiance ko, Aki, at alam kong kilala mo siya." Umatras siya at tumalikod sa babae.

“Oo, nabangga mo lang naman si Cayleigh Montemayor!”

Natulala na lang si Aki sa kaniyang mga narinig. Tama, totoo pala ‘yong nabangga niya kanina at hindi panaginip lang. Pero bakit si Cayleigh pa? Sandali, nasaan na nga ba si Cayleigh ngayon?

“Si… a-ano kamo Mr. Forteros? Si Ms. Cayleigh ang nabangga ko?” Ulit niya sa sinabi ni Mr. Forteros sa kaniya habang nakatalikod ito. Nang tumingin muli ito sa kaniya ay batid niya ang hapding namumuo sa puso nito.

" Na-nasaan si Ms. Cayleigh?”

" Nasa hospital siya ngayon. Critical ang kaniyang kalagayan… at lahat ng ‘yon ay dahil sayo, Aki!”

Hindi makasagot si Aki sa kaniyang mga narinig. Iniisip niya kung ano nalang kaya ang gagawin niya kung sakaling totoo talaga ang sinabi sa kaniya ni Mr. Forteros. Ano kaya ang magiging resulta nito sa pangalan niya at sakaniyang kompanya? No, she thinks this is nothing but a mere of joke.

“Ilabas mo ako rito, Mr. Forteros, gusto ko siyang makita…”

" Hindi… ang kapal naman ng mukha mong isipin na pwede mo lang siyang bisitahin!”

" Hihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ko, Mr. Forteros…”

" After all you have done, Aki? Do you really think na sapat na ang paghingi mo lang ng kapatawaran?" Tumalikod muli si Mr. Forteros sa kaniya at nang palapit na siya sa pintuan ay muli itong nagsalita.

“You deserve everything you inflicted on me…” At lumabas ito. Kasabay ng pagkalabog ng pintuan at siya namang pag-akmang tayo niya ngunit nabigo lang siya dahil dala na rin sa hapdi ng kaniyang mga galos.

Sa loob ng kwarto ay hindi makapaniwala si Aki sa mga nangyayari sa kaniya. Iniisip niya kung totoo nga ba talaga ang sinabi ni Mr. Forteros o baka biro-biruan lang, ngunit ano naman ang mapapala ng isang CEO ng F Newspapers and Magazines Company kung magsisinungaling siya? Ang daming ligalig ang namumuo sa isipan ngayon ni Aki pati na kung paano siya makakalabas sa loob ng nakakandadong kwarto na ito. Ngunit ang mas nakakapagpaligalig sa kaniya ay ang katotohanang ang fiance raw ni Mr. Forteros na si Cayleigh ang kaniyang nabangga. Ang kaniyang pinakamalaking project bridal gown ni Cayleigh na gagamitin sana sa darating na kasal nila ng fiance niya ay malabo na itong matuloy dahil sa kaniyang ginawang pagbangga sa sinasakyan nito.

“Sir Knight, kumusta na po si ma'am Cayleigh?" Sinalubong naman ni aling Tirang ang paglabas ni Knight sa kwarto kung saan doon ay nakakulong si Aki.

“Sana naman po okay lang siya…” Dagdag pa nito habang si Knight naman ay naglakad lang ng deritso na tila Wala siyang nakikitang tao sa paligid.

"Pakainin mo ‘yang babaeng nasa loob ng kwarto, aling Tirang, at siguradohin mong hindi makakalabas ‘yan dito sa mansyon, kundi mananagot ka talaga sa akin.”

" O-opo sir Knight.” Sagot naman ni aling Tirang sa utos ng kaniyang sir Knight.

Nang makalabas ng mansyon si Knight ay agad namang nilapitan ni mang Epyong si aling Tirang habang naghahanda ito ng pagkain para kay Aki na ngayon ay nakakulong parin sa loob ng nakakandadong kwarto.

"Hello, my lady…" Pabati pa nito kay aling Tirang habang naghahanda ito ng pagkain.

“Lady ka d’yan! Hoy Epyong tigilan mo na ako sa kalandian mo ha! Malapit na nga tayong malagasan ng buhok may pa lady lady ka pa riyang nalalaman…”

" Bakit? Eh single ka naman, single na din ako. Ano bang masama ro’n?”

" Eh kung niligawan mo sana ako no’ng nga bata pa tayo… nako, Epyong wala na akong panahon sa pag-ibig na ‘yan ha. Tigilan mo ako.”

" Oo na, ito naman high blood agad. Baka ako pa maging dahilan ng pagkalagas ng mga puti mong buhok eh.”

" Makapagsabi parang walang puting buhok ah? Sa bagay panot nga naman na eh.” Sagot naman ni aling Tirang kay mang Epyong. Matagal ng widowed ang dalawang ‘to kaya ibinuhos na lang nila ang kanilang panahon bilang mga katulong sa mansyon ng pamilyang Forteros, ngunit minsan, kahit mapuputi na ang kanilang mga buhok ay hindi pa rin talaga nila maiwasang tuksohin ang kanilang mga puso. Well, after all only body will get old and not the heart, right?

“Oo nga pala, ano ba ‘yang ginagawa mo? Tapos na ang tanghalian ah bakit gumagawa ka pa niyan? ‘Wag mong sabihing ipinaghahanda mo na naman ako ng pagkain? Naku ikaw talaga Tirang ko halata ka masyado.”

“Hoy Epyong panot tigilan mo nga ako sa kalandian mo ‘no!" Inirapan lang siya ni aling Tirang at patuloy sa paghahanda ng pagkain. “Hindi ‘to para sayo ‘no!"

“Eh kung hindi ‘yan para sa akin, para kanino ‘yan?"

“Para do’n sa babae sa loob ng kwarto. Sabi ni sir Knight na pakainin ko raw at ‘wag kung palabasin kundi mananagot ako sa kaniya. Tsaka ngayon ko lang din nakita si sir Knight na ganoon na lamang ang galit. Nako overload ang moodness.”

" Ba-babae? May babaeng dinala si sir Knight dito? Nako, alam naba ‘yan ni ma'am Cayleigh? Panigurado kapag nalaman niya ‘yan ay eskandalo na naman. Alam mo naman si ma'am Cayleigh may pagkamaldita rin ‘yon.”

Napakunot naman ng noo si aling Tirang ng marinig niya ang sinabi ni mang Epyong sa kaniya. Mabuti na lamang at natapos na rin siya sa kaniyang ginagawa.

“Alam mo Epyong kahit bumalik man tayo sa pagkabata wala ka talagang pag-asa sa akin. Ang badoy mo eh tsaka late ka masyado sa chismis." Ani niya kay mang Epyong. Napataas naman ng kilay ang lalaki habang nakasandal sa lamesa.

“Nasa ospital ngayon si ma'am Cayleigh dahil nabangga siya ng isang kotse. Kritikal nga daw ang kaniyang kalagayan eh."

“Hala! Nasaan ‘yong nakabangga sa kaniya?"

“‘Yan nga rin ang nais kong malaman eh pero malakas ang kutob ko na ‘yong babaeng nasa loob ng kwarto ay ang bumangga kay ma'am Cayleigh."

“Ang ibig mong sabihin ay si sir Knight mismo ang humuli sa nakabangga kay ma'am Cayleigh?"

“Oo, at siguro kaya masyadong busy si sir Knight ay inaasikaso niya ang aksidente. Baka nais lang niyang itago sa publiko at sa mga pulis ang nangyari nang sa gayon ay siya na mismo ang maghatol sa nagkasala sa kaniya. Nako, Epyong, may pagkademonyo pa naman ‘yang si Knight minsan.”

" Kung gano'n…" Sabi ni mang Epyong at naglakad paakyat ng hagdan.

“Saan ka naman papunta, ha, Epyong?"

“Halika na rito at sasamahan kita doon sa babaeng nasa loob ng kwarto. Gusto ko lang siguradohing hindi siya makakalabas rito sa mansyon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status