Share

Chapter 3

Chapter 3: Friends

Third Person’s POV

Hindi makagalaw si Maggy sa kaniyang kinatatayuan. Tila naging yelo ang kaniyang mga paa. Pinipigilan niya ang kaniyang paghinga dahil natatakot itong baka bumaon sa kaniyang leeg ang nakatutok sa kaniyang stick na hawak ng babaeng nakita niya.

“Maggy!”

 “Marga!”

Nag-aalalang tawag sa kaniya ng dalawa nitong kaibigan nang makita ang ginawa ng babae sa kanilang kaibigan. Mas binilisan nila ang kanilang pagtakbo upang iligtas si Maggy.

“Ang ngalan ko’y Marliyah at nagmula ako sa ilalim ng dagat ng Primal,” sambit ng babae na walang iba kung ‘di si Marliyah, ang dating munting sirena na nangarap na mapunta sa mundo ng mga tao.

“Baliw ka ba?!” salubong na kilay na sambit ni Yummi at mabilis na hinila paalis ang gulat na si Maggy sa nakatutok na stick.

Nawalan ng reaksyon ang mukha ni Merliyah at itinapon ang stick na saktong tumusok sa buhangin. Hindi niya batid kung bakit may kumausap sa kaniyang tao.

“By the way, narinig kong sinabi mo kanina na nanggaling ka sa ilalim ng dagat ng Primal? What do you mean by that?” kunot-noong tanong ni Dave kaya napatingin si Merliyah sa kaniya.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang umamo ang mukha ng sirena. Mula sa pagiging tigre ay bigla itong naging pusa.

“Ako’y palaging lumangoy sa ilalim ng dagat na iyan,” k’wento nito sabay turo sa payapang dagat na nagiging kulay kahel na dahil sa papalubog na araw.

“Ibig sabihin diver ka rin?” tanong ni Maggy nang maka-recover ito, nasa tabi lang niya si Yummi upang umalalay sa kaniya.

“D-Diver?” walang alam na sagot ni Merliyah.

“’Yong mga tao na sumisisid sa ilalim ng dagat,” ani Yummi.

Napagisip-isip si Merliyah dahil sa sinabi ni Yummi. Iniisip niya ba kung ang sirena o ang diver ba na sinabi nila ay iisa lang. Tumango na lang si Merliyah upang makisabay sa kung ano mang tinutukoy nila.

“Sa tingin ko kailangan mo munang magbihis,” sambit ni Dave habang nakatingin sa sirena. Buti na lang at walang malisya para sa kaniya ang makakita ng hubo’t hubad na babae dahil wala rin naman siyang pakialam doon.

“Pumunta na kayong C.R. Mags, may extrang damit ka pa ba?” tanong ni Dave kay Maggy. Tumango naman ito bilang tugon.

“’Yon na lang muna ipapasuot natin sa kaniya,” tuloy na sambit ni Dave at hinubad ang kaniyang coat at saka ipinatong sa balikat ni Merliyah na siyang ikinainit nga pisngi nito.

Tinap ni Dave si Yummi sa balikat na siyang ikinatango ni Yummi. “Mamaya na tayo mag-chismisan sa sasakyan, pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito,” aniya.

Maggy’s POV

            “Ako’y humingi ng paumanhin dahil ika’y aking nasindak kanina,” sambit ni Merliyah at nag-bow pa kaya nataranta ako.

            Ngayon lang may nag-bow sa harapan ko!

            “Ano, okay lang ‘yon. Sorry rin kasi nagulat kita,” paghinggi ko rin ng tawad kaya napaupo na ito nang tuwid.

            Nandito kami ngayon sa sasakyan at napagdesisyunan ko na patuluyin muna siya nang pansamantala sa bahay. Mukha kasing naliligaw siya at ang ganda pa naman niya, baka mapagtripan lang siya ng mga loko rito.

            “Ilang taon ka na pa lang diver, Li?” tanong ni Yummi habang kumakain ng chichirya.

            “Magdadalawang deka―” Halos masubsob kami nang biglang hininto ni Dave ang sasakyan.

            “Anong problema?” kalmadong tanong ko.            

            “Okay ka lang ba, Merliyah?” pagtatanong ni Yummi sa bago naming kaibigan na siyang tinanguan naman nito bilang tugon. 

            “Wala, wala. Akala ko may dumaan na aso,” sagot ni Dave at muling pinaandar ang sasakyan.

            Ang weird niya.

            Mag-aalas syete nan ang makarating kami sa apartment na tinutuluyan ko at nakatulog si Yummi sa buong b’yahe habang si Merliyah ay abala sa pagtitingin-tingin sa paligid.

            “Salamat sa paghatid, Dave,” paalam ko at isinara na nag pinto ng backseat. Hinampas ko nang dalawang beses ang bubong ng kaniyang sasakyan, senyales na p’wede na siyang umalis.

            “Pasensya kung medyo makalat ‘yong bahay, ah,” sambit ko pagkabukas ng pinto at sinimulang buksan ang mga ilaw.

            “Ayos lang,” sagot niya habang nagtitingin-tingin pa rin hanggang ngayon.

            “Kung gusto mo maligo, papakuluan muna kita ng tubig,” ani ko itinali nang pusod ang aking buhok at nilabas ang mga kagamitang panluto.

            “Huwag na, sanay naman ako sa malamig na tubig,” aniya. Oo nga pala, diver rin siya.

            “Sige, upo ka muna magluluto lang ako,” paalam ko at nag-umpisa nang magluto.

            Tumingin ako sa refrigerator ng p’wedeng lutuin, mabuti na lang at may natira pang isda kaya ‘yon na lang ang pinirito ko. Nang tapos na rin ako magsaing ay pumunta akong sala upang tawagin na si Merliyah upang kumain ngunit nagtaka ako nang hindi siya makita. Saan nagpunta iyon?

            Napatingin ako sa banyo nang marinig ang mga patak ng tubig kaya nakahinga ako nang maluwag. Baka naliligo na siya. Lumapit ako ro’n at kinatok ang pinto, narinig ko rin ang pagsara ng gripo.

            “Anong klaseng damit ang gusto mo?” tanong ko para makuhanan na rin siya ng damit.

            “Kahit anong saplot, hindi naman ako mapili,” aniya at muling binuksan ang gripo.

Grabe, parang sinabi ko na rin na mapili siya.

            Kinuha ko ang mga lumang damit ko sa cabinet at muling bumaba saka kinatok ulit ang pintuan ng banyo.

            “Ito na ‘yong mga damit mo. Kapag tapos ka maligo, diretso ka na lang sa kusina at kakain na,” sambit ko at ilang minuto pa ay bumukas ang pinto. Lumabas mula roon ang kamay ni Merliyah kaya inabot ko sa kaniya ang dala ko, nang makuha, sinara niya kaagad ang pinto.

            “Salamat,” tanging sambit niya.

            Bumuntonghininga na lamang ako at nagtungo sa k’warto ni Tatay upang sabihin na kakain na. Madilim na silid ang bumungad sa ‘kin pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng kaniyang k’warto. Kinapa ko ang switch sa dingding at bumungad sa ‘kin si Tatay na naka-wheelchair kaya nanlaki ang mga mata ko.

            “Paano po kayo nakaupo r’yan?!” nag-aalalang tanong ko ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin.

            “Tay!” nag-aalalang tawag ko sa kaniya.

            “H-Hindi m-mo s-sinabi na a-aalis k-ka,” nahihirapang sambit niya kaya napabuga na lang ako ng hangin at lumuhod sa harapan niya upang magkapantay kami.

            Na-diagnose si Tatay na may Embolic Stroke magmula no’ng naputukan siya ng baril sa hita at sa kasamaang palad, malaki ang epekto noon sa utak niya kaya nahihirapan siyang maglakad at magsalita. Samantalang, bata pa lang ay iniwan na ‘ko ni Mama rito at pumuntang Chicago.

            “Hindi niyo po ba nakita ‘yong iniwan kong letter?” tanong ko sa kaniya at niligpit ang nagkalat niyang mga unan at kumot.

            “N-Nakita, pero ‘di k-ko binasa,” sagot nito kaya napabuntonghininga na lang ako.

            Tinulak ko ang wheelchair palabas at saktong nakasalubong naming ang bagong ligo na si Merliyah. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata nang makita kami― or should I say si Tatay.

            “Maari ko bang mabatid kung anong nangyari sa kaniya at sino siya?” kunot-noong tanong bago kong kaibigan habang sinusundan ng tingin ang wheelchair ni Tatay na tinutulak ko papunta sa harap ng hapag.

            “Tatay ko, na-stroke siya nine years ago,” sambit ko kaya napatango-tango siya.

            “Magdasal muna tayo bago kumain,” ani ko at tinanguan naman nila. Sabay-sabay kaming pumikit at nagdasal ng sari-sarili naming panalangin.

            “Dear Papa God, alam kong hindi ako isang anghel at marami rin akong nagagawang kasalanan. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng iyon. Nawa’y pagalingin niyo na si Tatay para makasama ko na ulit siya mag-dive. Gagawin ko ang lahat, kaya kong isuko lahat para sa kaniya. Nawa’y panatilihin mo kaming malusog at maraming salamat sa lahat ng mga biyayang binibigay mo sa araw-araw. Amen.”

            Nag-sign of the cross ako saka nagmulat ng mga mata. Nakita kong nakatingin sa ‘kin si Merliyah kaya ningitian ko siya.

            “P’wede nang kumain,” sambit ko at sinandukan sila ng kanin. Una kong nilagyan ang plato ni Tatay, sumunod naman ang kay Merliyah. Nilagyan ko rin sila ng sarili nilang ulam.

            Habang sa kalagitnaan kami ng pagkain, napansin kong hindi nag-uulam si Merliyah at puro kanin lang ang kinakain niya. Nahuhuli ko pa siyang nagbibigay ng nagsisimpatyang tingin sa piniritong isda.

            “Ayaw mo ba ng ulam, Li?” tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa ‘kin.

            “Hindi naman sa hindi ko gusto, sadyang hindi ko maatim kainin ang kaur―” natigil siya sa pagsasalita nang bigla itong mabilaukan kaya kaagad ko siyang nilahadan ng tubig na kaagad naman niyang ininom.

            Napatingin ako kay Tatay nang bigla niyang paandarin ang wheelchair niya at tila nawalan ng ekspresyon ang kaniyang mukha.

            “Tay?” tawag ko sa kaniya ngunit hindi niya ako nilingon at dire-diretso lang sa pagpapaandar ng kaniyang wheelchair papasok sa kaniyang silid.

            “Teka, Tay!” tawag ko at napatayo sa kinauupunan. Napatingin ako kay Merliyah at nakitang binibigyan niya ako ng nakakaawang tingin.

            Tinanguan niya ako. “Sige na, puntahan mo muna ang iyong ama,” aniya at ningitian ako nang tipid.

            “Sigurado ka?” nag-aalinlangang tanong ko. Dalawang beses lang itong tumango kaya nagtungo na ako sa silid ng aking ama at ilang beses ko itong kinatok hanggang sa buksan niya ito.

            Pumasok ako at nakita siyang nakahiga sa kaniyang kama habang nakatalikod sa deriksyon ko.

            “A-Anong kailangan m-mo?” utal na tanong nito, nasa boses ang hinanakit.

            “Tay, bakit ka naman po umalis?! Hindi mo pa nga nauubos ‘yong pagkain mo,” may bahid ng inis na ani ko.

            “Mag-ingat k-ka sa m-mga kinakaibigan mo,” biglang sambit niya kaya napakunot ang noo ko.

            “Anong ibig niyo pong sabihin? Mababait naman ang mga kaibigan ko,” pagtanggol ko sa kanila. Mabibilang na nga lang sa kamay ‘yong mga kaibigan ko.

            Hindi siya sumagot bagkus itinuro na lamang ang litrato nila noon na magkakaibigan na nakadikit sa dingding dahil tinarak ito ng kutsilyo. Ang kutsilyo na iyon ay nakatarak sa isang specific na tao. Sa pagkakaalam ko, ito raw ‘yong matalik na kaibigan ni Tatay na bumaril sa kaniya kaya siya nagkaganiyan ngayon pero hindi ko pa alam kung anong buong k’wento. Nakakapanggigil sa t’wing maaalala ko iyon.

            Ngunit hindi ‘yon ang nakaagaw ng pansin ko. Kung hindi ang katabi ni Tatay na nakaakbay sa kaniya habang may malapad na ngiti sa kaniyang mga labi.

            Wala sa sariling napalabas ako ng silid ni Tatay at napatingin kay Merliyah na inaayos ang mga pinggan sa lababo, pabalik sa litrato na iyon sa dingding.

            Shite! Magkamukha sila!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status