Share

Kabanata 5

Maaga akong pumuntang school para sa event na gaganapin sa school. It's valentines today. Araw ng mga puso. Araw din ng mga may lovers. Bakit pa kasi yan cinecelebrate? Paano naman kaming mga walang partner diba? Unfair talaga ng mundo.

Sinabay na din ng school ang pagcelebrate ng valentines day sa foundation day which is madaming booths na nakapaligid sa buong school. Yung booth na napunta sa amin ay cafe booth. Dapat sa amin talaga yung jail booth kaya lang ang daming hindi sumang-ayon lalo na ang mga babae sa amin. Ang dahilan nila ay mapapagod daw sila kakatakbo kaya ibang booth na lang ang napunta sa amin.

Sa akin naman, wala akong pake kung anong booth ang mapunta sa section namin. Lahat naman nakakapagod gawin kaya hindi na lang ako nakialam nung mga oras na yun. Si Kia naman mas gusto ng jail booth dahil mas masaya daw.

Pinagmasdan ko ang mga booth na nadadaanan ko. Napansin ko na mas pinaghandaan nila yung taon na ito kaysa sa mga nakaraang taon. Ang alam ko kasi pwedeng magpapasok ng outsider and pwedeng pumunta ang mga college ngayon dito. Nagtaka lang ako kung bakit walang sariling event ang college ngayon.

Inalis ko na lang sa isipan iyon at dumiretso na sa sariling booth namin. Pagkadating ko doon ay unti pa lang kaming naririto. Mabibilang sa kamay ang naririto. Halos babae pa. Maaga pa naman kaya siguro maya maya ay dadating na ang mga iyon.

Imbes na tumunganga ay tumulong ako sa pag-aayos. Naayos na naman ito ina-arrange na lang ang mga upuan, lamesa at ang mga gagamitin.

"Rita. Anong maari kong gawin?" Si Rita ang aming president sa room.

"Ah ikaw pala Inov. You can wipe the dirt on the tables and chairs." Tinuro niya ang mga lamesa at upuan.

Kumuha ako ng basahan at marahang pinunasan ang tables at chairs gaya ng utos sa akin ni Rita.

Matatapos na ko ng dumating si Kia na humihikab pa. Tinignan ko lang siya saglit at pinagpatuloy na ang pagpupunas. Napansin ko na dumami na kaming nag-aasikaso dito kaya mas napabilis ang pag-aayos namin. Exactly at 9:00 mag-oopen lahat ng booth kaya medyo binilisan na namin dahil 8:30 na at malapit na magbukas ang booth.

May mga schedule kami kung anong oras kami magbabantay dito sa booth. Kaming dalawa ni Kia ay mamaya pang hapon kaya siguro maglilibot muna kami ni Kia.

Pagkatapos kong punasan ang tables and chairs, dumiretso na ko sa kinaroroonan ni Kia na nakatungo sa isang lamesa.

"Hoy." Hindi man lang gumalaw ang gaga.

Niyugyog ko siya hanggang sa tumingala siya at tinignan ako ng masama.

"Bakit ba? Kita mo ng natutulog yung tao diba?"

"Aba. Kienne Liandra Sandoval hindi porket parang prinsesa ka sa bahay niyo, prinsesa ka na din dito. Tsaka bakit ba parang puyat na puyat ka. Ano na namang pinagka-abalahan mo?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapameywang ang aking mga kamay sa aking bewang.

Napakamot siya at iritado akong tinignan. "Pwede ba Inov tigilan mo ako. Antok na antok ako ngayon. I just finished watching one kdrama. Wala pa kong tulog ngayon." Tumungo ulit siya.

Wala na akong nagawa kung hindi pabayaan siya. Bakit ba kasi tatapusin yung kdrama tapos magrereklamo kapag walang tulog?

Hinayaan ko na lang siya dahil gigisingin ko din naman siya mamaya. Nagtanong pa ko kay Rita kung ano pwedeng gawin kaya lang sinabi niya na okay na daw kaya bumalik na lang ako kung nasaan si Kia.

Pagkasapit ng alas otso y medya ay ginising ko na si Kia dahil malapit na magbukas yung booth namin. Sinabihan naman kami ni Rita na kung hindi pa namin schedule sa booth namin pwede kami maglibot.

Walang magawa si Kia kung hindi umalis kahit na halata sa kaniyang mukha ang pagtutol.

Dumiretso kami ng field at nakita namin na madami din palang nakatayong booth doon. Mayroong marriage booth sa kanan at sa kaliwa naman ang jail booth tapos ang iba ay nakapalibot na sa kanila.

"Tama yan. Pagkatapos ikasal, ipakulong. Para man lang hindi lang kami masaya ngayon." Natawa ako sa sinabi ni Kia.

"Ay wait." Napatingin ako sa kaniya tapos nakita ko na mariin siyang nag-iisip.

"Bakit?"

"Kung magpakakasal sila tapos makukulong, tamang tama. Hanggang kulungan walang iwanan. For better or for worse ang peg non." Napahagalpak kami ng tawa dahil sa sinabi niya.

"Alam mo Kia, hindi ka naman pinagbabawalan ni Tita and Tito na mag boyfriend. At okay lang naman sa akin." Tinapik ko yung balikat niya.

Inirapan niya ko. "Paano ako magjo-jowa hindi naman ako magustuhan nung crush ko."

Hindi ko na yun pinansin at inaya ko na lang siya sa mga food booth na andito. Hindi naman kasi ako nag breakfast dahil wala ako sa mood kanina.

Pagkadating namin doon ay pinili namin ay bumili kami agad dahil kagaya ko ay hindi din pala nag breakfast itong gagang to.

Naghanap kami ng upuan pagkatapos umorder. Napalingon ako sa mga busy na tao habang kumakain. Merong mga bukas na ang booth katulad nitong food booth at merong hindi pa.

Ang jail booth at marriage booth ay hindi pa. Malaki ang sakop ng dalawang booth na ito. Tuwing foundation day naman ay lagi naman itong bida.

Dalawang araw lang yung foundation day namin. Today is full of booths then tomorrow is a event of the student council prepared. Merong live band unlike last year na normal na program lang. Siguro kaya mas pinaghandaan yung taon na ito dahil pwedeng pumasok ang outsiders and college students of our university.

While watching the busy people, I saw a group of boys that walking confidently na akala mo pagmamay-ari nila yung school. They're not familiar to me, so, I gues its either they are outsiders or college.

Mukhang napapansin ni Kia na may tinitignan ako kaya nilingon niya din ito.

"Oh my gosh!" Bigla niya kong hinampas.

"Aray! Makahampas ah."

"Inov. Yung crush ko." Then she pointed her finger to the group of boys that I was thinking about.

"I thought your crush is Leo?"

"Siyempre hindi lang si Leo crush ko no. I have ultimate crush which is Lander." Humagikgik siya sa kaniyang sinabi.

"Sino ba yang Lander na yan?" Ngayon ko lang nalaman na meron pa siyang ibang crush bukod kay Leo.

Hindi naman bago sa akin na marami siyang crush. Normal na sa kaniya iyon.

"The boy with a brown hair tapos chinito and yung naka black shirt. College na siya tapos dito din siya pumapasok kaya lang hindi ko lagi nakikita kaya naging crush ko si Leo." Tinignan ko yung tinutukoy niya.

I can't deny na he's handsome but nung napadako yung tingin ko sa katabi niya ay hindi ko mapigilang kabahan.

Why am I feeling like this?

Ang makakapal na kilay na laging nakakunot na akala mo may kaaway, ang matatapang na mata, matangos na ilong ang at ang labi na mapula na masarap halik-

What the hell Inov? Halikan talaga?

Napailing na lang ako sa iniisip ko. Napahawak ako sa aking kaliwag dibdib kung nasaan ang aking puso. Mabilis pa din ang tibok nito. Ngayon ko lang ito naranasan kaya naninibago ako.

Nagulat ako ng biglang napadako yung tingin niya sa direksyon ko at tumingin siya sa akin.

Magkasalubong pa din ang kaniyang mga kilay at mariin ang titig na sa akin na pati kaluluwa ko ay nakita niya na.

Nag iwas ako ng tingin dahil mas kinabahan ako sa mga titig niya. Hindi ko to kayang pantayan kahit na gustuhin ko mang titigan ang kaniyang mukha.

Why am I feeling like this when I always see him? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status