Share

Kabanata 4

Mga nag-gagandahang baro ang nasa aking paningin. Kay gandang pagmasdan ang kanilang pagkinang sa tuwing nasisikatan ng kahit kaunting liwanag. Napakalambot nito sa balat sa tuwing ito'y dumadapo ngunit may makati din na hindi mo kayang tiisin na hubarin kapag ito'y sinuot.

I'm here in the boutique shop of my Mom's friend which is a fashion designer. Si Mom ang nakikipag-usap sa kaniya habang ako ay nililibot ko ang aking mga mata sa mga gown na nandito. Dapat si Mom lang pupunta ngunit dahil wala akong ginagawa ay sumama ako tutal ako naman ang may birthday siguro ka-kailanganin din ako. Kahit may sukat na si Mom sa akin, mas mabuti pa ding sumama ako.

The reason why I came along with my Mom? I just want to spend time with her and have the best birthday ever. It's not just because it's my debut but because I will celebrate it with my parents. I just want it to be flawless, like my childhood dream of having a birthday that was always happy and perfect. I think every kids always imagine that.

"Inov."

Napalingon ako nang tinawag ako ni Mom

"Bakit po Mom?" tanong ko sa kaniya at lumapit sa kanila.

"Hindi pa kasi kita pormal na pinapakilala sa kaniya," at inilahad ng kamay niya yung friend niyang fashion designer.

"Inov, she's your Tito Oliver," nagulat ako ng tinapik ni Tito Oliver yung kamay ni Mom.

"Gaga, anong Oliver? I'm Olivia okay? You should call me Tita Olivia or Tita Oli na lang," emphasizing her girl name.

"Huwag kang makinig diyan sa Mom mo. Don't ever call me Tito or Oliver okay? You understand?" seryosong sabi niya sa boses babae.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Nice to mee you po Tita Oli," and I kissed her cheeks.

Natuwa naman siya sa binanggit ko na pangalan niya. Biglang tumawa si Mom at sinamaan nang tingin ni Tita Oli siya kaya lalong napatawa si Mom.

Nagulat ako sa pagtawa ni Mom. I can rarely see her laugh like she doesn't care about the surroundings. She's always compose to her act towards other people. Ngayon ko na lang ulit siya nakita na tumawa dahil ang laging itsura niya ay seryoso o kaya ngingiti lang nang maliit. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ito ngayon.

Biglang tumingin sa akin si Tita Oli.

"Halika na nga Inov. Hayaan mo yung nanay mong baliw dyan. Naiistress ang beauty ko sa kaniya," sabay flip ng imaginary hair niya.

"Wow ha. Ang haba naman ng hair mo," may pang-aasar na ngiti na sumilay sa labi niya.

"Che! Diyan ka nga at aasikasuhin ko tong junakis mo," habang hinihila ako sa isang kwarto.

Lumingon ako kay Mom at nakitang nakangiti ito sa akin, kaya ngumiti ako ng malaki sa kaniya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

I cannot believe I can see her like that, she laughed and teased Tita Oli. She's acting like she don't really have a strict and intimidating attitude. That's the first time I see her like that and hopefully it will not be last.

Pagkapasok namin, madami akong nakitang mas magagandang gown. Kumpara na nasa labas, mahahalata mo na mas mahal ito dahil sa mga materyales na ginamit dito.

Nagulat ako sa nilabas na gown ni Tita Oli.

It's a ball gown at ang kulay nito ay blue at silver na may glitters. The color blue part is in the top and the silver one ay ang baba. It's a off shoulder sweet heart gown. And the first think that come to me is a galaxy. The gown is inspired in the galaxy.

It's perfect for my debut because its the theme that I chose. I really love stars. It's my favorite scenery.

"So what do you think?" may ngiti sa kaniyang labi.

"It's fabulous," may pagkamangha sa boses ko.

"It is," may pagma-mayabang sa boses niya.

"Actually meron pang isang gown which is yun yung second gown mo."

"Second gown? Meron pa po akong second gown?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Of course. Mahihirapan ka kasi kung yan lang gagamitin mong gown sa buong event mo. So nag request yung Mom na gawan ka pa ng isa. Just wait here kukunin ko siya," at tumalikod na sa akin upang kunin ang tinutukoy niya.

I didn't expect na magpapagawa pa ng isang gown si Mom kasi ang naging usapan namin magde-dress na lang ako, para mas comfortable ako after event, because there will be after party na sinuggest ko kay Mom. Its just my friends because wala naman akong cousins. Solong anak kasi sila Mom and Dad, so that's why.

Lumabas si Tita dala-dala ang purple gown.

"Check it," habang inilalahad yung gown sa akin.

Lumapit ako at nakita na ito ay long sleeve transparent at halatang fit sa akin. Inikot ko ito at nakita na backless ito. Pagkaharap ko ulit dito napansin ko na may slit ito na hindi naman ganoong ka-daring tingnan. I also notice that the neckline is low which I think will see my cleavage. I anticipate that it will hug my body.

"So..." biglang sabi ni Tita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi po ba masyadong daring? The neckline is too low for me, it is backless and there also a slit." Nag-aalinlangan kong sabi sa kaniya.

"Certainly not, Inov. I'm guessing you just like a gown that covers your entire body, am I right?" tumango naman ako sa kaniya.

"Inov, you have a beautiful body. Sayang naman kung itatago mo lang diba? Tsaka you should be confident of your body because the curves that I can see on your body, papasa ka bilang model," pagpapalakas niya ng loob sa akin.

"You want to try it?" napatango na lang ako sa kaniya.

Una kong tinry yung ball gown. Pagkalabas ko ng fitting room ay nadatnan ko na nandoon din si Mom. Napatingin silang dalawa sa akin. Nakita ko na napathumbs up si Tita Oli sa akin habang si Mom ay tumango tango lang na may konting ngiti sa labi.

"It's perfect for you Inov. Mira what do you think?" baling niya kay Mom.

"Yeah maganda bagay sayo." Napangiti ako sa sinabi ni Mom.

"Come on. You should try your second gown." Pagtataboy sa akin ni Tita Oli.

Pumunta naman akong fitting room para sukatin yung second gown. May nag-aassist sa akin kaya mas napapadali yung pagsu suot ko ng gown. Bago lumabas pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Tama nga ako kanina. It's perfectly hugging my body. Labas din ang konti kong cleavage and kitang kita ang curves ko. Pagkatapos non ay lumabas na ako.

Biglang napapalakpak si Tita Oli pagkakita sa akin. Si Mom naman nagulat nung una ngunit ngumiti siya ng mas malaki kumpara kanina.

"Oh my gosh! Bagay na bagay sayo. Pwedeng pwede ka ng magmodel." Sinamahan pa niya ng irit kaya natuwa ako.

Bumaling naman ako kay Mom at tumango tango lang siya kaya mas napangiti ako.

Pagkatapos namin magsukat ay umuwi na din kami ni Mom. Nakatanaw ako sa bintanga at kitang kita ang bituin na kumikinang sa kalangitan.

"Nagustuhan mo ba yung mga gown mo?" Biglang tanong ni Mom.

Napatingin naman ako sa kaniya at tumango.

"Yes Mom. Ang galing pong gumawa ni Tita Oli."

Ngumiti lang siya sa akin at bumaling na sa kaniyang cellphone. Binalik ko naman ang aking pansin sa mga bituin na nasa labas.

Naisip ko na din maging isa sa kanila. Napangiti na lang ako sa sarili habang inaala yon.

Ano kayang pakiramdam maging isa sa kanila?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status