Share

CHAPTER 6

WYNTER was out of stock before the weekends so she went to the supermarket after her work at the café. Napasimangot na lang siya dahil hindi niya maabot ang gusto niyang kunin. Nasa pinakamataas ito na bahagi ng istante at sa height niya na hindi biniyayaan ng tangkad, hindi niya ito maabot.

“Which pasta?” May lalaking tanong mula sa likuran ni Wynter. “I’ll get it for you.”

“That one.” Itinuro ni Wynter ang gusto nitong pasta. “Thank you.”

Kinuha ng lalaki ang pasta na itinuro ni Wynter at inilagay ito sa push cart ng dalaga.

“Thank you again…“ natigilan si Wynter nang makita kung sino ang tumulong sa kaniya. Kumunot ang nuo ni Wynter. “It’s you.”

Cassiuz smiled. “Hi. We meet again.”

Wynter shrugged. “Coincidence. Thank you for helping me. Gotta go.” Itinulak niya ang push cart para magpatuloy sa pamimili.

Sinundan ni Cassiuz ng tingin si Wynter. Looks like my charm isn’t working. Interesting woman.

Sinundan ni Cassiuz si Wynter. “Wynter, wait.”

Wynter didn’t looked at Cassiuz. “What?” she asked while getting some beverages.

Kinuha ni Cassiuz ang push cart mula sa pagkakahawak ni Wynter.

Nagulat naman si Wynter. “What are you doing?”

Cassiuz smiled. “Helping you.”

Umiling si Wynter. “We’re not close.” Binalak niyang agawin ang push cart pero inilayo ito ni Cassiuz.

“Let me help you.”

Wynter rolled her eyes. “Wala akong pambayad sa ‘yo. Akin na ‘yang push cart.”

“Hindi naman ako nagpapabayad.” Sabi ni Cassiuz. “Just let me help you.”

Napabuga ng hangin si Wynter. “Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa sa ‘yo. I don’t know what’s your intention but I hope you don’t have malicious or ill intention.” Diniinan ni Wynter ang huling salitang binitawan.

Cassiuz chuckled. “I do have intention to you but it’s not malicious. Wala akong ganoong iniisip.”

“Mas mabuti na ang malinaw na usapan,” seryosong sabi ni Wynter, “lalo na at hindi naman tayo masyadong magkakilala. We just know each other’s name.”

“Then do you want to get to know me? Because I want to get to know you.”

Umiling si Wynter. “I’m not interested.” Kumuha siya ng gatas at inilagay sa push cart.

Kung sa mata ng iba at sa mga hindi nakakakilala kay Cassiuz at Wynter, iisipin ng mga ito na mag-asawa ang dalawa. But for Wynter, they are nothing but a total stranger.

Nang makuha na lahat ni Wynter ang mga kailangan niya, nagbayad siya sa cashier. She didn’t expect Cassiuz to help her again.

“Ihatid na kita sa bahay mo. Marami ang pinamili mo at papagabi na rin. Mahihirapan kang mag-abang ng sasakyan.” Sabi ni Cassiuz.

Tumingin si Wynter sa labas ng supermarket, madilim na nga sa labas at talagang mahihirapan siyang mag-abang ng sasakyan. She looked at Cassiuz. “Thanks.”

Ngumiti si Cassiuz. “My pleasure.” May sinenyasan si Cassiuz.

Nagtaka pa si Wynter kung sino ang sinenyasan nito.  Nasagot ang pagtataka niya nang lumapit sa kanila ang anim na kalalakihan na kanina pa niya napansin na nakatayo sa gilid niya. Akala nga niya kanina kung ano ang ginagawa ng mga ito. Kasama naman pala nila si Cassiuz.

“Your bodyguards?” Wynter asked, slightly in daze.

“Bodyguards slash assistants.” Cassiuz answered.

Napatango na lang si Wynter. The six guys slightly bowed their heads before they took the groceries and went out of the supermarket. Kukunin sana ni Wynter ang isang cellophane na naiwan nang maunahan siya ni Cassiuz. “Ako na.”

Lumabas si Wynter at Cassiuz ng supermarket habang nagtatanong si Wynter sa sarili. Close ba kami? Kung maka-asta siya, parang close kami, ah.

Napailing si Wynter.

“Dan, give me the car keys.”

“Here, Boss.” Ibinato ni Dan ang susi ng kotse kay Cassiuz na mabilis namang nasalo ng huli.

Kumunot ang nuo ni Wynter. Cassiuz’s bodyguards put her groceries in the van and then they all entered the van. Wynter looked at Cassiuz and then the gorgeous car in front of her. Napabuntonghininga na lang si Wynter nang ma-realize ang nangyayari.

“Wynter, get in.” Binuksan ni Cassiuz ang pinto ng passenger seat.

“Thanks.” Wynter said. “But don’t open the door for me next time. I could do it for myself. Pero wala naman na palang next time.” Pumasok siya sa kotse.

Ngumiti lang si Cassiuz sa sinabi ni Wynter. Let’s see.

Isinara si Cassiuz ang pinto ng passenger seat saka umikot patungo sa driver seat. After putting his seatbelt, he started the car’s engine and drove it. Nakasunod naman sa likuran nila ang van kung saan naroon ang mga bodyguard ni Cassiuz.

Wynter is not a fool. Having bodyguards, she knew that Cassiuz came from a wealthy family. Boss? I knew it but I don’t care. It’s his life anyway.

Walang umiimik kay Cassiuz at Wynter habang nasa biyahe sila.

Wala namang alam na sasabihin si Wynter kaya hindi siya nagsasalita. They’re not friends. They’re not even close.

Habang si Cassiuz naman ay nag-iisip kung ano ba ang pwede niyang sabihin kay Wynter. Damn! I’m smart but why I couldn’t find any words to say in front of Wynter?

Tumikhim si Cassiuz. “Are we in the right direction?” he asked.

“Yes.” Tumango si Wynter.

Wala na ulit nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa condominium ni Wynter.

“Pakibaba na lang rito.” Sabi ni Wynter. “Ako na ang mag-aakyat niyan.”

“Pero ang dami mong pinamili. Tulungan na kita.” Pagprisinta ni Cassiuz.

Umiling si Wynter. “I’m not comfortable if someone will enter my condo. I’m sorry.”

“Hindi mo ba ako aayain na mag-dinner?” Nakangiting tanong ni Cassiuz…nagbabakasakali.

Wynter rolled her eyes. “Close ba tayo? I didn’t force you to help me. Nagkusa ka.”

Napangiwi si Cassiuz. Man, her mouth was sharp. So lethal.

Tinignan ni Wynter ang mga bodyguard ni Cassiuz. “Thank you for your help.”

Tumango ang mga ito at ngumiti.

“Wait for me.” Sabi ni Wynter saka binitbit ang isang cellophane.

Mabilis siyang naglakad patungo sa elevator. Mabilis lang siyang nakarating sa condo unit niya dahil nasa ikalawang palapag lang naman ito.

Dumeretso siya sa kusina at inilapag ang hawak na cellophane. Binuksan niya ang ref saka kinuha doon ang mga pastries na kagagawa niya lang kaninang umaga at ang cupcakes. Inilagay niya ang mga ito sa karton.

Nang may nag-doorbell, kumunot ang nuo ni Wynter dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Kinuha niya ang mga karton na kinalalagyan ng mga cupcakes at pastries saka tinungo ang pinto. Binuksan niya ito at nagulat siya nang makita ang mga bodyguard ni Cassiuz na dala ang pinamili niya.

“Ma’am, hindi na sumama si Boss dahil ayaw niyang maging hindi ka komportable pero ayaw niyang mahirapan ka kaya inutusan na lang niya kami na iakyat ang mga pinamili mo rito. Don’t worry, Ma’am, hindi kami papasok sa unit niyo.” Ani ng isa sa mga ito.

Tumango si Wynter. “Salamat sa inyo. Anyway, here. Kunin niyo ‘to.” Ibinigay niya ng dalawang karton sa isang bodyguard saka niya tinignan ang isang karton na hawak pa niya. She sighed and give it also to the bodyguard. “Give it to Cassiuz. Thank you for helping me.”

“Walang anuman, Ma’am.” Tugon ng mga ito at nagpaalam na.

Tinignan ni Wynter ang mga pinamili. Nagkibit siya ng balikat at ipinasok na ang mga ito sa loob ng unit niya.

Wala pang limang minuto nang makatanggap si Wynter ng isang text message.

‘Thank you for the cupcake. – Cassiuz.’

How the heck did he get my number? Wynter asked herself.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status