MAINGAY ang gabi at puro mga sasakyan ang nakikita ko sa labas ng van. May kasama ako pero bakit tila hindi ko marinig ang lahat na tila napakatahimik… pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Tumatakbo naman ang oras pero bakit tila nakahinto ang lahat.
“Sa bahay tayo,” ang utos ko sa driver. Gusto ko munang umuwi kay Mama ngayong gabi. Gusto ko siyang makita at makasama.
“Masiyado ng gabi para umuwi ka pa sa inyo. Maaga pa tayo bukas,” ang sabi ni Gab.
“Sunduin mo na lang ako bukas.”
“Ang layo-layo kaya—“ nahinto siya nang tignan ko… at mukhang naintindihan naman niya ang pinahihiwatig ko. “Bahala ka na nga, basta maaga kang gumising bukas para hindi mo na ako maabala pa ng husto.”
Tumango ako at pagkatapos ay pumikit. Hindi ko napansin na nakatulog ako sa biyahe kung hindi lang ako ginising ni Gab.
“’Yong usapan, ah,” ang paalala niya at pagkatapos ay sumakay sa van.
Hindi ko na hinintay pang makalayo ang sasakyan at pumasok na sa loob kung saan ay naabutan ko sa sala si Jimson. Agad uminit ang ulo ko.
“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong ko agad sa kanya at saka nagpalinga-linga sa paligid. “Sinong nagpapasok sa ‘yo?”
“Si Tita,” ang tipid niyang sagot at lumapit sa akin. “Kasi…” kumamot siya sa may leeg. “May gusto sana akong—“
“Magkano?” ang matigas na tanong. Alam kong ito lang naman ang pakay niya kaya naparito.
Napakurap siya at tila nasaktan sa inasta ko pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay umalis na siya agad rito. Kinuha ko ang wallet sa bulsa at bumunot ng limang libo.
“Aaron?”
Napalingon ako sa likod matapos marinig ang boses ni Mama. Agad kong napansin ang hawak niyang pera na agad niyang itinago sa likod.
“Dito ako matutulog ngayon ‘Ma,” ang sabi ko at muling hinarap si Jimson. “Sakto na ba ang limang libo?” sabay abot sa kanya ng pera.
“Sobra ito, Kuya—“
“Kunin mo na ‘yan at gusto ko nang matulog,” ang tugon ko at hinarap si Mama. “Aakyat na ako sa taas,” ang nasabi ko na lang kahit gusto kong magtanong kung bakit niya ito pinapasok.
“Aaron—“
Napapikit ako, nag-uumpisa ng sumakit ang ulo. “Bukas na tayo mag-usap ‘Ma, pagod ako.” At nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat sa hagdan.
Bahagya ko pang naririnig ang paghingi ng pasensiya ni Jimson kay Mama bago tuluyang makalayo.
Pagpasok sa kwarto ay inalis ko lang ang suot na pang-itaas at saka pabagsak na nahiga sa kama. Hindi ko na inabalang buksan ang ilaw… mas maganda kapag ganitong madilim.
May ilalala pa ba ang araw na ito sa susunod? Bakit sobrang malas ko naman ata ngayong araw at talagang nagkasunod-sunod pa.
Akala ko ay okay na ako kanina matapos mailabas ang nararamdaman.
Bigla ko lang naisip umuwi at makasama si Mama pero nandito pala ang isang iyon.
Tahimik at puro dilim lang ang nakikita... mas payapa kapag ganito. Tinakpan ko ang mga mata kahit hindi na kailangan. Gusto ko lang ng mas madilim pa.
Ilang sandali akong nasa ganoong posisiyon ng makarinig ng katok sa pinto. Inalis ko ang kamay at dumilat.
Dahang-dahang bumukas ang pinto at sumilip si Mama. “Aaron… tulog ka na anak?”
Hindi ako sumagot. Alam ko namang alam ni Mama na hindi pa ako natutulog.
“Pasensiya ka na at hindi ko pinaalam sa ‘yo na nandito ang kapatid mo.”
Napabuntong-hininga ako. “Ayos lang ‘Ma." Hindi ko dapat ibunton sa kanya ang inis.
“Alam kong napag-usapan na natin ‘to ilang beses na… pero wala namang kasalanan si Jimson. Hindi niya kasalanan anak.” Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Mama.
Parang gusto ko na lang saktan ang sarili dahil pinapasama ko ang loob niya.
At tama siya. Hindi kasalanan ni Jimson... wala siyang kasalanan.
Pero hindi ko maiwasang mainis at pagbuntunan ito ng galit.
Dahil ang Ina nito ang dahilan kaya tayo iniwan ni Papa.
Alam ko namang wala itong kinalaman sa kasalanan ng mga magulang. Ilang beses ko iyong sinabi sa sarili ko… pero bakit?
Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit?
Bakit mas mahal siya ni Papa kaysa sa akin? Bakit mas importante sila kaysa sa amin?
Kami naman ang unang pamilya.
Kami ang unang minahal… pero bakit sila ang mas mahalaga?
Bakit sila ang kasama ni Papa?
At bakit niya kami iniwan?
Lalo na sa panahong hindi pa namin kayang wala siya.
HINDI ko na nakausap ng maayos si Mama kagabi. Hindi malinaw ang usapan. Pero alam kong ako mismo ang nagkamali.
Maaga akong nagising at bumaba para hanapin siya. "Si Mama?" ang tanong ko sa katulong.
"Nasa kusina po, Sir."
"Sige, salamat." At pagkatapos ay nagpunta sa kusina.
Naabutang nakatalikod habang may suot na apron. Nagluluto siya kaya hindi ko na inistorbo at balak sanang bumalik sa itaas nang mapansin niya.
"Gising ka na pala. Halika, kumain ka muna ng almusal bago umalis."
Mariin kong itinikom ang bibig at saka lumapit sa kanya. Sa isang iglap ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry, 'Ma."
Ilang sandali lang ay niyakap niya rin ako habang tinatapik-tapik ang likod ko. "Wala 'yun, 'Nak. Naiintindihan ko. Masakit pa para sa 'yo ang lahat."
Isinubsob ko ang ulo sa balikat niya. "Sorry po talaga. Promise, susubukan ko pong hindi na magalit kay Jimson."
Ilang sandali kaming nasa ganoong posisiyon hanggang sa bigla siyang kumalas. "Ang niluluto ko, baka masunog!"
Hinayaan ko siyang tapusin ang ginagawa.
Napangiti nang maamoy ang niluluto. Isa sa mga paborito kong pagkain.
"Malapit na itong matapos," ang sabi niya pa.
Muli akong lumapit at niyakap siya mula sa likod.
"Ang lambing, ah," ang komento niya pa habang hinahalo ang niluluto.
"Siyempre, nagpasaway, eh. Inaway kayo," ang sagot ko na ikinatawa niya.
Nang pinatay na niya ang stove ay saka lang ako lumayo.
"Kumusta naman si Noreen? Hindi ko na siya nakikita lately."
"Busy lang sa trabaho."
"Ikaw rin, masiyado ng busy. Nagkikita pa ba kayo?"
"Kapag may time, pumupunta ako sa kanya."
"'Wag masiyadong pagurin ang sarili," ang paalala niya saka hinain sa harap ko ang pagkain.
"Yes, 'Ma. Lagi kong inaalagaan ang kalusugan ko kaya 'wag na po kayong masiyadong mag-alala."
"Hindi ko lang maiwasan 'Nak. Alam mo naman, ikaw lang ang meron ako."
Ngumiti ako sa sinabi niya. Si Mama talaga. Laging ako ang inuuna at iniisip.
"At kayo rin lang po ang meron ako."
"Hmp, sinungaling. May Noreen ka, kaya 'wag mo na akong bulahin."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Ay, naalala ko, dumaan dito si Thalia nu'ng isang araw. Binigyan ako ng regalo. Ang sweet talaga ng batang 'yun. Lagi akong naaalala."
Napangiti ako. "Sinabi niyo pa 'Ma."
"Kaya gustong-gusto ko ang batang 'yun. Sayang at hindi ako nagka-anak ng babae."
"Siya na lang kaya?" ang biro ko.aa
"Ay naku, malapit na," saka natawa. "Sana nga lang at nagkaroon pa ako ng isang anak na katulad niya."
***<[°o°]>***
(Past)SOBRANG saya ko pauwi. Tumambay kasi ako sa bahay ng classmate ko para makinuod ng anime movie na ibinida niya kanina sa school.“’Ma! Andito na ako… may kwento ako sa ‘yo,” ang sigaw ko pagpasok sa bahay. “Alam mo kanina nanuod ako nang—“ bigla akong nahinto nang may maapakan.Pinulot ang naapakan na damit ni Papa sa sahig. “’Ma?” ang tawag ko. “’Pa?” pero nahinto ako nang makita si Mama na umiiyak sa may sahig.Lumapit ako at tinanong siya kung anong nangyari pero tanging mga hikbi niya lang ang naisagot.Wala akong nagawa kundi ang umiyak rin kahit hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari. Umiiyak si Mama sa dahilang hindi ko alam… at umiiyak rin ako dahil nakakaiyak ang mga hagulgol niya.Matapos niyang umiyak ay tumayo siya at nagluto ng pagkain para sa akin. Pagkatap
(Past)HINDI nagtagal ay naging desperado ako sa buhay. Sa kagustuhan kong magkaroon ng pera para matulungan si Mama ay pumasok ako sa masamang gawain.Marahas akong hinila ng kasama ko. “Hoy, baguhan… alam kong first time mo ‘to pero bawal ang bahag ang buntot dito kaya ayusin mo,” ang bulong nito sa akin. Marahas ako nitong kinuwelyuhan sabay turo sa isang lalake. “Nakikita mo ‘yong lalakeng ‘yon?... ‘Yong mataba at nakasuot ng amerikano. Mukhang mayaman kaya gusto ko kunin mo ‘yong wallet niya,” ang utos nito sabay tulak sa akin paabante. “Ayusin mo, ha. Hihintayin kita sa kabila.”Lumingon ako sa kasama ko. Kahit na training na kami para rito ay hindi ko maiwasang kabahan.Tinapik niya lang ang balikat ko saka lumayo sa akin para hintayin ako sa kabilang kalsada.Huminga ako ng malalim para lakasan ang loob sa gagawin. Wala n
UMIINOM ako ng kape habang hinihintay ang producer na makapag-decide sa final set-up ng new show na pinaplano ng management.Mahigit isang oras ng nagdi-discuss pero hindi pa rin sila makahanap ng ipapalit sa isa sa mga judges na ni-reject ang offer dahil sa schedule conflict.Isa ako sa mga napili nila at agad ko namang tinanggap ang offer. Kahit dito man lang, connected pa rin ako sa propesiyon na hindi ko na mababalikan.Ilang sandali lang ay naayos na nila ang problema at may papalit ng judge. Binaba ko ang iniinom na malapit ng maubos at pinakinggan ang sinasabi ng isa sa mga staff."Ito ang mga list ng contestants na magpa-participate sa competition." Isa-isa nitong binigay ang list at saka kami pinapanuod ng mga audition videos.Tinignan ko ang list at saka nagtanong, "50 lahat?""Sila lahat ang mga male trainees natin. Pero pipili lang kayo ng 25 na papasok sa elim
BIGLA akong napabangon nang makaramdam ang sakit sa likod. Agad kong nilingon kung sino mang walangh*yang sumuntok sa akin."Tang—""Oo! Ina mo rin!""Anong problema mo?!" ang tanong ko sa kanya.Kinuha niya ang unan sa tabi at hinampas sa ulo ko. "Hindi ka nagtatanda!" hampas ulit. "May nakakita sa 'yo kagabi!" hampas ulit pero this time sinalag ko na.Nag-agawan pa kami ng subukan kong kunin sa kanya ang hawak."Ano ba! Ang sakit-sakit na!" ang reklamo ko at nagawang maagaw ang unan at mabilis na hinagis sa labas ng bintana. Wala sanang matamaang tao sa ibaba.Napatalikod si Gab sa akin at may kung ano-anong binubulong sa sarili. Tumitingala pa at parang nagdadasal.Bahagya akong lumapit para marinig siya pero agad ring napaatras nang marinig ang binubulong."Pumangit sana siya, umitim at bumaho, para iwan siya."
NAKATULALA at iniisip si Noreen. Kanina ay nagkasalubong kami sa elevator pero hindi namin makuhang mag-usap dahil may ibang tao."May problema?" ang tanong ni Gab matapos tapikin ang balikat ko.Umiling ako bilang sagot."Oh, by the way, gusto ng management na gawan ka ng documentary project for your 10th year anniversary.""Documentary?""Yup, your life before and now.""I don't like it," mauungkat na naman ang buhay ko noon. "Pwedeng pass na lang? Pwede namang i-celebrate ang 10th year anniversary ko ng walang ganyan.""Pero nakarating na sa taas at pumayag si Mr. Ben."Of course, dahil sa tulong nito ay hindi ako magiging si Aaron ngayon."Yeah, gustong-gusto pa naman ni Mr. Ben na nakikita sa camera," ang komento ko at natawa."Laging nagri-replay sa utak ko ang boses niya kapag sinasabi niyang pinang
MALAMIG sa loob ng venue kung saan sinu-shoot ang first episode ng 'Fly, Aim High' para sa mga trainees na napili namin. Komportable rin ang pagkakaupo ko habang pinapanuod mag-perform ang bawat isa sa stage.Hindi ito ang unang beses na nag-judge ako sa mga shows pero hindi ko alam kung bakit parang kabado ako.First round pa lang ay nagpakitang gilas na ang mga trainees at talagang ang intense ng atmosphere.Masiyadong ginalingan na tipong kaming mga judge ay nahihirapan kung sino ang pipiliin at kung sino ang mai-eliminate."Maganda 'yung pinakita niyang performance pero nakulangan ako sa vocals. Medyo unstable ang boses niya," ang komento ko. Nag-uusap kaming limang judges kung sino-sino ang mga napili namin para mag-level up sa 2nd round."Kinapos na siya ng hininga dahil masiyadong maraming movements ang ginawa niya," ang komento naman ni Mr. Jake— mentor sa dance unit.
DALAWANG ORAS na akong nandito sa resort na aking pagmamay-ari. Dahil wala naman akong trabahong naka-schedule ngayon hanggang bukas ay naisipan kong pumunta rito at para na rin makasama si Noreen.Namimiss ko na siya.Kahapon ay tinawagan ko siya at sinabi ang plano na agad namang nitong nagustuhan. Mas nauna nga lang ako rito para ayusin ang resthouse. Walang ibang tao rito maliban sa caretaker na linggo-linggo kung pumunta at maglinis.Malinis naman ang kwarto pero pinalitan ko ang bedsheet para makasiguradong walang alikabok. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng ugong. May paparating na bangga.Dali-dali kong kinuha ang shades at saka lumabas para abangan si Noreen.Sigurado akong siya na ang dumating dahil wala namang magpupunta rito ng walang approval ko.Malayo pa lang ay tanaw ko na ang papahintong bangga. Dumaong ito at saka tinulungan ng bangkero na makababa si
BAHAGYA kong minulat ang mga mata matapos marinig ang ringtone ng cellphone. Dumaing nang maistorbo dahil sa tunog. Kahit inaantok pa ay kinuha ko ang cellphone para saguting kong sino mang tumatawag.Biglang nawala ang antok ko ng makita ang caller ID. Si Noreen.Nakangiti akong sinagot ang tawag, "Good morning.""A-aaron..."Nahalata ko agad ang kaba sa boses niya. "Bakit? Anong problema?"Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Gab. Halata ang inis sa mukha."Sinong kausap mo?" ang tanong niya at mabilis na kinuha ang cellphone ko. "Bawal kang sumagot ng kahit na anong tawag.""Ano bang problema? Kausap ko lang si Noreen." Tumayo ako at kinuha sa kanya ang cellphone pero na-end na niya ang call. Kainis!"May idea ka ba sa nangyayari ngayon?"Marahas akong napakamot sa ulo. "Kagigising ko lang okay? Nagising ng