TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Nagulat pa ako ng mukha agad ni Paul ang una kong nasilayan. Dali-dali akong bumangon, subalit muli rin akong napahiga ng bigla ay makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Halos isang linggo na rin na ganito palagi ang pakiramdam ko tuwing umaga.
Patuloy ko lang itong binabalewala dahil ayoko rin naman na magpatingin sa doctor at baka kung ano pang maging findings. Ayoko rin na mag-alala sa'kin ang aking mga magulang at kapatid if ever na may malalang sakit na pala ako. Kaya't mas mainam na sarilihin ko na lang ito."Hey! Good morning gorgeous!" Nakangiting bati saakin ni Paul. Nagulat pa ako ng mapansin kong may dala pala siyang tray na puno ng pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom ng malanghap ko ang mabangong aroma ng kape na naroon sa gilid ng tray habang pumapailanlang sa ere ang usok nito.
"Good morning din." Nakangiwing bati ko rin sa
TIIM bagang lang na tinitigan ako ni Paul matapos akong ihatid sa bahay ni Mr. Ledesma. Buong akala ko ay mag-aaway na naman sila subalit nagkamali ako. Labis ang aking pagtataka sa kanilang ikinikilos. Lalo pa ng tanguan ito ni Paul bago tuluyang umalis. Tila ang bilis naman yata nilang magkabati gayo'ng halos magbugbugan pa nga sila ng huli silang magkita.Nanatiling tahimik lang si Paul habang binabalot ako ng tuwalya.Medyo nakaramdam na rin ako ng panginginig. Halos isang oras din kasi akong nagtampisaw sa ulan. Mabuti na lang at dumating si Mr. Ledesma.Dumiretso na 'ko sa banyo para maligo samantalang ito naman ay nag tuloy-tuloy na sa aming silid.Nahagip ng tingin ko ang wall clock na nakasabit. Nagulat pa ako ng mapagtanto kong alas siyete na pala ng gabi. Marahil ay nagpapahinga na ang impaktang biye
MABILIS na lumipas ang mga araw. Dalawang linggo na rin simula ng bumalik ako sa kompanya ni dad. Dalawang linggo na rin ang walang sawang iringan at gantihan namin ng hilaw kong biyenan. Madalas ay napapailing na lang si Paul sa tuwing nalalaman nito ang ginawa namin ng kanyang ina.Hindi ko na rin inungkat kay Paul ang tungkol sa mga natanggap kong larawan. Inisip ko na baka pakana lang 'yon ni Daisy upang hiwalayan ko si Paul.Subalit isang umaga ay hindi ko na talaga kinaya pa ang panibagong balita na aking natanggap.Eksaktong pagkababa ko ng kotse ay mukha agad ni Daisy ang sumalubong saakin.Wala sana akong balak na pansinin siya subalit mukhang may balak itong patirin ako. Mabuti na lang at kasunod ko pala si Kuya Andrew. Kaagad itong lumapit saamin at pinigilan si Daisy sa maitim nitong balak.
HINDI pa man ako nakakalayo sa bahay ay nagdesisyon na akong tawagan si Nanay Meding upang ipaalam sa kanya ang biglaan kong pagdating.Hindi naman ako nabigo dahil kaagad niyang sinagot ang aking tawag at mabilis naman itong sumang-ayon saaking kagustuhan.Ilang oras din ang lumipas. Pinaghalong gutom, pagod at sama ng loob na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Gusto kong ihinto ang sasakyan upang pansamantalang mgpahinga at kumain subalit mas nanaig ang hangarin kong makarating agad sa aking paroroonan.Alas tres na ng madaling araw nang marating ko ang Sorsogon. Tahimik pa ang buong paligid. Marahil ay mahimbing pang natutulog ang mga tao. Tanging mga kuliglig at tilaok ng mga manok lamang ang bumabasag sa katahimikan ng buong paligid.Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin. Sa halip ay tinu
HAPON na ng magising ako. Nagulat pa ako ng wala na sa tabi ko si Paul, kaya naman dali-dali akong lumabas ng kuwarto.Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay si Nanay Meding ang una kong nabungaran. Bitbit niya ang tray na puno ng pagkain."Uhm, naku! Nag-abala pa ho kayo 'nay! Lalabas naman po ako eh." Nakangiti kong saad habang kinukuha dito ang tray."Nak!" Pagtawag niya sa'kin."Hmm?""Eh kasi 'nak-" Nagtaka ako kung bakit bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni 'Nay Meding. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng tila pagkabahala."Ma-may problema ho ba? Nasa'n nga pala si Paul?"Napakamot muna ito sa kanyang ulo bago muling sinagot ang mga katanungan ko."Uhm, umalis kasi 'nak si Paul eh.""Saan ho nagpunta ang asawa ko?" Usisa kong mu
One year later.......... "HAPPY first birthday baby Zoe!" Nakangiti at sabay-sabay na pagbati ng mga kabataang dumalo sa celebrasyon ng pinakaunang kaarawan ng aking munting anghel.Gaya ng dati, si Yaya Meding lang din ang kapamilya ko na naroon. Sina mommy at daddy, maging ang Ate Czyrah at Kuya Andrew na nangakong dadalo ay hindi naman sumipot.Si Paul naman ay hanggang ngayon sa messenger ko pa rin nakakausap. Sa loob ng isang taon ay hindi man lang ito nagpakita o tumawag man lang saakin. Panay chat lang ang aming naging sistema ng komunikasyon. Oo nga't tuloy-tuloy ang kanyang pagbibigay ng sustento, subalit hindi pa rin iyon sapat na batayan upang mapatunayan ang lintik na pagmamahal niya para saakin.Ang daming katanungan na nabuo sa aking isip
SIMULA pa kahapon ay hindi na ako lumabas ng kuwarto. Ilang beses na rin sinubukan ni Nay Meding na katukin ako. Subalit hindi ko ito pinapansin. Maging si ate ay sumubok rin na maghatid sa'kin ng pagkain kagabi ngunit hindi ko rin ito pinagbuksan ng pinto. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang kahit na sino sa kanila. Wala pa akong sapat na lakas ng loob para kausapin sila. Pakiramdam ko ay napaka sama' kong tao para ganituhin nila ako. Wala na akong kakampi! Dahil ang kaisa-isang 'Nay Meding na pinagkatiwalaan ko ay kinasabwat rin nila.Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na nagkaisa silang lahat para lang itago saakin ang tungkol kina Daisy at Paul. Thanks to Andrei. Dahil sa kadaldalan niya ay nalaman ko ang totoo.Mugtong-mugto na ang mga mata ko dahil sa maghapon at magdamag kong pag-iyak. Ngunit, kahit paano ay naibsan naman ang bigat ng aking kalooban.Gusto kong matawa sa saril
HININTAY ko lang na makaalis sina ate. At pagkatapos ay nag-impake na rin ako ng gamit namin ni Zoe.Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang sumulpot sa kuwarto si 'Nay Meding. Hindi agad ako nakakibo lalo pa't nakapamaywang ito habang nakasandal sa hamba ng pintuan at mariing nakamasid sa ginagawa ko."Anong ibig sabihin nito Czarina?" Wika niya na halata ang pagkadisgusto sa kanyang tinig."We're leaving 'nay!" Mapakla kong tugon."Ilang beses mong pinag-isipan ang plano mong ito?" Dagdag pa ni nanay."Maraming beses 'nay!""Tsk! Kawawa naman ang anak mo kung madadamay lang sa mga padalus-dalos mong desisyon.""Ako ho ang ina niya. Kaya sa tingin ko ay ako ang nararapat na magdesisyon para sa kanya." Sa totoo lang ay kahapon pa talaga akong napipikon sa mga salita ni nanay. Hindi ko alam kung may malasakit pa ba siya saakin o tuluyan na nga siyang
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Matapos ang masinsinang pag-uusap namin ni mommy ay napagdesisyunan kong bumalik na sa kompanya. Kailangan ko ng magsimula ulit ng panibagong pagkakaabalahan upang matuon sa ibang bagay ang aking isip nang sa gayo'n ay hindi ako ma-stress ng walang kuwentang dahilan.Mommy told me na siya na lang ang mag-aalaga kay baby Zoe. Thanks to my beautiful daughter dahil kahit paano ay mapapadalas na ang pagkikita ng kanyang lolo't lola. Pumayag kasi si mom na bumalik sa mansiyon upang maalagaan niya ng maayos ang kanyang apo. Maging si dad ay napansin kong natuwa rin sa desisyon ni mommy. Kaya naman muling umusbong ang pag-asa kong magkabalikan pa sila ni daddy.Sinubukan kong magluto ng almusal. These past few months kasi ay nagpursigi na akong matuto kung paano ba magluto. Kaya naman si 'Nay Meding ay hindi magkanda