Share

Quince

Domino's Point Of View

Hindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko nang magising ako dahil sa malalakas na tunog na nanggagaling sa pinto ng apartment ko. Hindi soundproof ang kwarto, kaya naman rinig ko ang mga nangyayari sa labas.

For pete's sake, alas dos na ng madaling araw!

Agad akong tumayo, naging alerto habang dahan-dahan na binuksan ang pinto ng kwarto. Maingat at walang tunog ay paglakad na ginawa ko palapit sa salas at pinto ng apartment. Inilibot ko pa ang paningin ko para maghanap ng mga bagay na pwede kong gamitin kung sakali man na kalaban ang nasa labas ng pinto.

Pero sigurado akong walang magandang maidudulot ang nasa labas ng pinto na ito. Wala naman kasing ibang pwedeng mangbulabog sa 'kin ng ganitong oras.

Malalakas ang mga katok sa pinto, pero wala naman akong marinig na boses o iba pang ingay na nagmumula sa taong nasa likod nito. I sighed when I realized something.

Base sa patuloy na pagkatok na ginagawa nito, mukhang walang plano ang taong nasa likod ng pinto
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status