Share

Diez y seis

Domino's Point Of View

Lumaki ang gatla sa noo ko dahil sa eksenang nasa harap ko.

"Bakit andito ka pa rin? Talagang paborito mo kong pikunin, eh 'no?" sabi ko habang masama ang tingin na ipinupukol sa kan'ya.

Nakakainis lang, handa na sana akong iwasan s'ya ngayong araw pero 'eto s'ya ngayon at nasa harap ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan—ang bilis kasi ng tibok ng puso ko, at isa pa ay bigla-bigla nalang nag-fflashback sa utak ko ang ginawa namin kagabi!

Rinig ko ang mahina n'yang pagtawa bago s'ya lumapit sa lagayan ng pinggan.

"You only have eggs in your refrigerator, kaya omelet lang ang nailuto ko—mas marami pa ang chuckie na nasa loob–pfft." sabi n'ya habang naglalagay ng mga plato sa lamesa.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako o maiinis lalo na't tinatawanan n'ya ako!

I groaned. "Ang aga-aga namb-bwisit ka, sir—kanina ka pa ha!" iritado sabi ko atsaka pumasok sa banyo dahil may bigla akong naalala.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa salamin.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status