Share

CHAPTER 2

"Late ka na, hindi porket kitchen manager ka na may karapatan ka ng gawin lahat ng gusto mo," bungad saakin ni Hera, 'yong bagong bar manager ng K&G. I turned to her and saw her raise an eyebrow at me.

"Wala kang karapatang sumbatan ako, wala pang two mins akong late, Hera. if you have a problem with me sabihin mo." ani ko, ngumisi lang siya at tinalikuran ako. " Isa pa, you are not in my control, do not interfere with us. Pakialaman mo 'yong sa 'yo, iisa lang ang goal natin dito, ang isakatuparan ang pangarap ni Lucy." dagdag ko pa, nginitian ko lang siya at tumungo na ako sa kitchen para i-assist yung mga kasama ko.

"Good morning, ma'am. Okay ka lang po?" napangiti ako nang batiin ako ni Andrei, isa sa mga staff sa K&G. Inabot niya saakin yung list ng mga bagong deliver na ingredients para sa ngayong araw at tinanggap ko naman 'yon.

"Goodmorning din, Drei." tinapik ko siya sa balikat at nagsimula na akong maglibot sa loob ng kitchen.

Tahimik lang sila habang gumagawa, you can really see the seriousness in them when it comes to work. "Patikim," tumigil ako sa isang chef na nagluluto at tumikim sa niluluto nitong Goulash, isang soup na pinaparesan ng tinapay. "Kulang pa sa salt, dagdagan ng kaonte tapos mas painitin pa and then i-serve na yung 12 bowls of Goulash sa table 8.

"Copy, ma'am." nginitian ko siya at naglakad lakad na ulit. "Very good," sabi ko naman sa isang chef na nag-aayos ng plating. Tinapik ko siya sa balikat at ginawa ko na nang maayos ang trabaho ko hanggang sa matapos ang morning shift.

"Kunin ko lang 'yong sandals ko sa car, Becky. Sabay na tayong kumain." mabilis kong tinanggal ang apron ko at isinabit 'yon, break namin ngayon dahil lunchtime na. Palagi kong kasabay si Becky kumain kahit na noong Head Chef palang ako, ngayon siya na ang pumalit sa pwesto ko noon.

Lumabas ako ng kitchen at kakaonte nalang ang tao sa restaurant. Papalabas na sana ako ng pinto nang biglang bumukas ito. Bigla kong nakalimutan ang kukunin ko sa kotse dahil sa bumungad saakin.

Si Yuji Itadori.

"Good morning," masayang bati niya. Ngayon ko lang napansin na may malalim pala siyang dimple sa magkabilang pisngi niya. I don't know kung ngingiti ba ako. As far as I know, my reaction seems to be natatae. "Excuse me?" aniya.

"A-ah! Opo, sorry. Welcome to K&G, Sir!" ani ko, tumango lang siya at parang natatawa, napaawang nalang ang labi ko. He doesn't seem to know me. Well, mabuti nalang dahil safe na ang finger ko. Umiwas ako at binigyan siya ng daan, muntik na akong mapatalon nang makita ko yung reaction ng guard, natatawa siya na ewan.

"Hay nako, Ma'am Hani. Tinamaan ka na ng lintik." binatukan ko si Kuya Ramon, yung guard na kaibigan na naming lahat dahil sa pagiging mabait at kalog nito. "Pinagbantaan kaya ako, kaya ako natatakot!" pag-amin ko. Tinitigan ko ang daliri ko at napa-yes nalang ako sa tuwa nang hindi niya ako maalala.

Tinungo ko na ang car ko at nagpalit ng sandals, masakit pa rin ang paltos ko kung kaya't nagpalit ako ng sapin sa paa. Mabilis lang din ako at pumasok na sa restaurant.

"Tagal mo, Girl!" ani Becky.

"Luh!" reaskyon ko sa sinabi niya. "Tara na kain na tayo," aya ko sa kaniya. Tumungo kami sa isang room kung saan dun kami magpapalipas ng break, kumpleto ang lahat ng gamit doon. May glass window din na makikita mo ang kabuuang loob ng K&G, makikita mo ang mga customers na kumakain. Lalo na si Yuji Itadori na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kasama niya.

"Girl, kanina ka pa nakatitig kay Sir Rui, ah. Mamaya magselos si Marco niyan." nakaramdam ako ng kurot sa tagiliran dahil kay Becky.

"Bwesit ka, may naalala lang ako kapag nakikita ko siya." nakakunot kong sabi kay Becky, punong-puno pa ng pagkain yung bibig niya habang inaasar ako.

Lumunok siya at uminom ng tubig pagkatapos ay itinuro yung sinasabi niyang Rui raw. "Mas gwapo naman si Sir Rui kaysa kay Marco na boyfriend mo, Hani! Iniisip mo ba na yummy siya?" aniya.

Nanlaki ang mata ko at kinurot-kurot siya sa tagiliran, "hindi sa ganon!" depensa ko, inirapan ko nalang siya at ibinalik ko ang tingin kay Yuji Itadori. Napaatras pa ako nang mahuling tinitingnan niya rin ako.

I mean, tinititigan. Malagkit ang tingin niya saakin habang umiinom ng wine. Sa sobrang kaba ko ay agad akong tumayo at isinara ang bintana. "Bakit mo sinarahan, nakaka-akit kaya yung tingin niya, para akong mabubuntis na ewan." natatawang sabi ni Becky.

"Ah, basta! Ingatan mo ang daliri mo pagnakasalubong mo siya." seryosong sabi ko at kumain nalang ako nang kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status