Share

Chapter 3 (Part 1)

Samantha

Heaving violently. My lips parted a bit to gasp for air. I stopped running. Nanghihina ako. Pagod na pagod. I felt even more weaker when I turned around and didn't see any trace of her. Butil-butil na pawis ang tumulo sa aking mukha.

I was literally listening to a strong thud of my heart. Nagpalinga-linga ako, pero wala. Sa'n pumunta yun? I slowly sat on the ground as I found my breath.

I shouted her name many times, but no one answering. Nilamon lang ng malawak na kakahuyan 'yong malakas na boses ko. Nanatili lang akong nakaupo sa lupang puno ng mga tuyong dahon habang inaantay siya.

Ang bagal namang tumakbo.

Ngunit ilang oras na ang lumipas, ni anino nito wala akong makita. Tanging huni ng mga ibon at pang-gabing kuligling lang ang bumabalot sa aking paligid. At malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat.

Bigla akong kinabahan.

Napabalikwas ako ng tayo. Pinagpag ko ang ibang dahon na dumikit sa aking pang-upo. Nagpalinga-linga ako ulit. Tumingin ako sa itaas. Di ko masyadong makita ang langit. Puro dahon. Bakit may kuliglig na? Hapon na ba? Ang bilis naman ng oras!

Naiinis na ako sa subrang pag-aalala kung na'san na 'yong Ate ko. Bakit ang tagal naman. Nasa'n na ba ang babaing yun?

Nagpabalik-balik ako ng lakad habang tinatanaw ang lugar na dinaanan ko sa pagtakbo. Wala pa rin ito. Saan na ba pumunta 'yon? Nagdadalawang isip ako kung babalikan ko ba s'ya or aantayin ko na lang s'ya sa labasan. Pinili ko ang huli.

Mabilis at malalaking hakbang na hinanap ko ang daan palabas ng kakahuyan. Makailang beses pa akong natisod sa pagmamadali. Sumabit pa yung damit ko sa maliit na putol na nakausling kahoy.

Nahirapan pa ako n'ong una kakahanap kung saan na ba 'yong daan palabas ng kakahuyan. Nagkandaligaw-ligaw pa ako. Hindi ko alam kung anong oras na. Sumasakit na ang ulo ko. Pati ang t'yan ko kumakalam na rin. Gutom na gutom na ako. 'Di pa pala ako kumakain. Tuyong-tuyo na rin ang lalamunan ko. Parang gusto kong uminom ng malamig na malamig na tubig.

Kaagad akong napasalampak at nahiga sa luntian na damong nasa bukana ng kakahuyan. Nakakapagod! Nagpagulong-gulong pa akong parang bata. Ang sarap ng simoy ng hangin. Subrang lamig. Ang bango-bango pa ng mga bulaklak. Subrang ganda ng lugar. Parang paraiso. Napakatihimik. Napatingin ako sa langit. Kaagad akong natigilan. Hapon na! Wala pa rin si Ate! Sa'n na ba 'yon pumunta!

Nag-aalalang tumanaw ako sa malayo habang nakadapa sa damuhan. Ang ganda ng sunset. Pansamantala akong nakalimot. I'm stunned with the view. The beautiful sunset takes my breath away. Hindi ko alam kung ilang minuto rin ang lumipas na nakatunganga lang ako doon, habang nakatitig sa pale tint of orange na kulay ng langit.

"Ay! Anak ka ng pating..!"

Napatili pa ako sa gulat at kaagad na napaupo ng may biglang tumakip sa aking mga mata. Ang higpit ng kapit. Pinagbabaklas ko isa-isa ang mga daliri ng kamay na nakatakip sa mga mata ko. Nang matanggal ko, nakangiting mukha ni Ate Lea ang sumalubong sa aking paningin.

Inirapan ko siya.

She chuckled. "Kanina pa kayo hinahanap ni 'Tay Philip nandito ka lang pala. Dumaan ako sa bahay n'yo wala naman kayo. Nasaan pala ang Ate mo?" Nagpalinga-linga pa ito.

Kaagad akong tumayo at hinarap ito.

"Hindi ko alam. Inaantay ko nga din e."

"Saan ba pumunta?"

Tinuro ko ang loob ng kakahuyan.

Nakakunot noo'ng tiningnan ako ng nagtatanong nitong mga mata. Akala siguro nagbibiro lang ako.

I sighed deeply. "Sinundan kasi namin kanina yung lalaking nakakabayo. 'Di namin namalayan napapalayo na pala kami. Tapos n'ong mahuli naman kami n'ong lalaki na sinusundan namin siya, kumaripas na ako ng takbo. Akala ko nakasunod lang si Ate sa akin. Hindi pala."

"Nakow! Kayo talagang dalawa! Umuwi ka na d'on at nag-aalala na ang mga magulang n'yo."

"Pa'no si Ate? Baka nalig-."

Hindi na nito pinatapos pa ang aking sinasabi at kaagad akong marahang tinulak sa likod paalis. "Umuwi ka na. Malamang kasama na 'yon ni Señorito Miguel pabalik."

"Pa'no mo na-."

"Nakita ko s'ya kaninang mabilis na nagpapatakbo ng kabayo. Bigla na lang nawala. Hindi ko alam na dito pala s'ya sa kakahuyan pumunta. Sige na. Pauwi na rin ako."

Nag-aalangang tiningnan ko pa ito at nilingon ang kakahuyan. Nagdadalawang isip akong umalis. Ayaw kong basta na lang umuwi ng di kasama si Ate. Hindi nito ka-close si Miguel. Baka kung napa'no na 'yon. Baka naligaw kaya 'di nakasunod sa aking pagtakbo.

"Bilisan mo na d'yan. Hapon na. Umuwi ka na d'on at nagagalit ang Itay mo."

Wika nito at kaagad ng naglakad pauwi salungat ng daan na aking uuwian. Isang beses pa ako nitong nilingon at pinanlakihan ng mga mata ng hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Isa! Samantha!"

Bilang pa nito sa akin.

Nagpalinga-linga pa ako sa paligid ng kakahuyan, nagbabakasakaling makita ko si Ate. Ngunit wala. Nasaan na ba kasi 'yon! Napapadyak pa ako sa subrang frustrations na nararamdaman.

Bagsak ang mga balikat, nagsimula na akong humakbang palayo sa kakahuyan.

Nakailang beses pa akong lumingon. Ngunit sa tuwing mapapadako ang aking paningin kay Ate Lea na hanggang ngayon nakatayo pa rin doon ay pinanlalakihan ako nito ng mga mata. Sabay senyas na umuwi na.

Mabigat ang dibdib na nilisan ko na ang kakahuyan. Pa'no kung hindi kasama ni Miguel si Ate? Baka kung napa'no na 'yun. Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Makailang ulit din akong huminto ng paglalakad. Gusto kong bumalik. Kaso nando'n pa rin si Ate Lea. Ang layo ko na, hindi pa rin umaalis? Wala bang balak umalis ang babaing 'yon doon?

Hindi ako mapakali habang pahinto-hinto akong naglalakad papunta ng Rest House. Ang bagong bahay namin.

Malayo pa lang ako natatanaw ko na si Itay na nakatayo sa labas ng bahay. Biglang nagliwanag ang mukha nito pagkakita sa akin.

"Bakit ngayon ka lang Samantha?" Nakakunot noo'ng kaagad na tanong nito pagkalapit ko sabay tingin sa aking likuran. "Nasaan ang Ate mo?"

Hindi ako makasagot. Tahimik lang ako. Kaagad akong yumuko.

"Kinakausap kita Samantha. Nasaan ang Ate mo?" Ulit nitong tanong sa akin.

Pero hindi pa rin ako sumasagot. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ng sunod sunod na pumatak ang aking mga luha. Natatarantang kaagad naman ako nitong dinaluhan.

"Susmaryosep kang bata ka, ba't ka umiiyak!? Cora!"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulhol. Nagmamadali naman si Nanay lumabas ng bahay ng pasigaw itong tawagin ni Itay ng maglupasay na ako ng iyak. Hindi nila ako mapatahan. Natataranta naman ang mga ito kakatanong kung napa'no na ba daw ako. Hindi nila ako makausap ng matino. Hindi ako makapagsalita. Dinaan ko sa iyak 'yong subrang takot na nararamdaman ko. Natatakot ako na baka kung napa'no na ang kapatid ko. Hapon na. Malapit ng dumilim. Kung ano-anong negative thoughts na ang pumapasok sa utak ko. Ayaw kong isipin pero 'di ko mapigilan. Delikado sa loob ng kakahuyan. Mabuti kong kasama nga ito ng lalaking 'yon. Pero pa'no kung hindi? Pa'no kong tumakbo din ito at nagkahiwalay lang kami? Pa'no kung naligaw ito? Mas kabisado ko pa ang kakahuyan kaysa sa kanya.

Kasalanan ko ang lahat ng ito! Sisi ko pa sa sarili ko.

Wala na ata akong mabuting nagawa pa sa buhay kundi puro problema ang hatid ko sa pamilya ko. Lumakas pa lalo ang hagulhol ko sa aking naisip.

Hinahatak ako ng mga magulang ko papasok ng bahay pero ayaw kong pumasok. Hindi ko alam kung ilang minuto din akong umiyak.

Nakasalampak lang ako sa bermuda grass sa gilid ng rest house habang mataman ang mga itong nakatingin sa akin. Binigyan ako ni Inay ng isang basong tubig pero di ko pinansin. Nakalimutan ko na yung subrang gutom at uhaw na naramdaman ko kanina sa bilis kong pagtakbo makalayo lang kay Miguel. Hindi ko sila kinikibo kahit panay ang tanong sa akin. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanila. Inunahan ko na sila ng iyak imbes na pagalitan muna ako. Ang dami kong nagawang kasalanan ngayon. Sunod-sunod.

Habang tumatagal lalo akong kinakabahan. Subra-subra akong nag-aalala. Sa tuwing naririnig ko ang mga huni ng mga kuliglig na bumabalot sa'ming paligid mas lalong rumaragasa ang takot sa'king dibdib. Nasaan na ba kasi si Ate!

Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ako ng halinghing ng kabayo. Kaagad akong napatayo at tiningnan ang pinanggalingan nito. Bigla akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag ng makita ko si Ate'ng nakasakay sa unahan ng kabayo kasama ni Miguel.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status