Share

Chapter 2

Samantha

Bigla akong napatayo ng upuan sa sinabi ng Itay. Nagtatakang tinitigan ako ng mga ito. Hinatak pa ako ni Ate sa'king kamay para mapaupong muli sa'king upuan. Nakakunot noong niyuko ko siya. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata. Tinitigan ko siya. Kaagad din akong nahimasmasan ng bahagya pa nitong pisilin ang aking hita. Dahan-dahan akong umupong muli.

Nagtatanong na mga matang tinititigan ko pa rin si Itay na nakaupo sa harapan ko. Pilit kong binabasa ang kanyang isip. Naghahanap akong senyales kung nagbibiro lamang ba ito sa sinasabi. Pero wala akong makita. Seryoso pa rin ang mukha nito.

"Ano? Doon na po tayo titira? Bakit? Anong sasabihin sa atin ng anak ng mga Del Carpio? Pumayag po ba sila?"

Sunod-sunod na tanong ko kay Itay.

Tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Pati ang Inay ay tahimik lang din na nakaupo sa tabi nito. Ang kamay naman ng Ate ko ay naglulumikot sa ilalim ng mesa at panay ang kurot sa aking hita.

Nasasaktan ako sa pinong pakurot-kurot niya sa akin kaya pasimple ko ring pinapalo ang kamay niya.

Malakas na napabuntong-hininga ang Itay. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming tatlo.

"Hindi ko ginusto ang pasya ni Fernan. Makailang ulit din akong tumanggi. Nandun lahat ang mag-anak ng mapagpasyahan n'ya yun. Gusto n'yang ibigay sa akin ang Hacienda dahil wala ni isa sa mga anak niya ang gustong mamahala n'on. Pero tumanggi ako."

"Mabuti naman po at tumanggi kayo sa alok n'ya Itay. Baka kung ano pa ang sabihin sa atin ng bunsong anak n'on na matapobre."

Naramdaman ko muli ang pinong kurot ni Ate sa aking hita.

Nakairap ko siyang tiningnan.

Totoo naman kasi. Akala mo kung sino ang Miguel na 'yun. Napakayabang. Parang bagyong basta na lang lumitaw sa kung saang lupalop nanggaling at pinagtatanggal yung mga trabahador. Mabuti na lang at dumating yung panganay na kapatid nito. Kung nagkataon kawawa yung mga magsasaka at iba pang trabahador na pinagtatanggal nito kasama na ang Itay ko. Walang ibang mapapasukan. Ang tagal na ng mga itong nagtatrabaho doon tapos bigla na lang tatanggalin. Wala namang ginagawang masama sa kanya. Dalawang beses ko pa lang yun nakita simula ng maghatid ako ng tanghalian ni Itay sa tubuhan. Ang sama pa ng tingin sa akin. Ang sungit-sungit. Tapos sinisante pa yung beterinaryong nagtatrabaho sa loob ng Hacienda na nanliligaw kay Ate. Parang pasan ang problema ng mundo at sa'min binubunton.

"Pero hindi na pumayag na tanggihan ko pa ang alok niyang pangasiwaan ko ang tubuhan at tumira tayong mag-anak sa isang rest house nila doon sa loob. Hindi na rin tayo pinapabayad pa d'on sa malaking pagkakautang natin sa kanila dahil sa pagkakaaksidente nitong Inay n'yo."

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Itay at kaagad na nilingon si Ate na bahaya pang nakakanganga sa magandang balita ni Itay. Kahit ako hindi rin ako makapaniwala. Kahit nagagalit ako sa Miguel na yun hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na matuwa. Nabawasan ang problema namin ng Ate ko dahil d'on. Bahagya akong nabuhayan ng loob. Makakapag-ipon na kami para sa pag-aaral naming dalawa. Nakangiting binalingan ko agad si Itay at ginagap ang mga kamay nitong nakapatong sa mesa.

"Talaga po Itay? Totoo po ba 'yan? 'Di kayo nagbibiro?"

Excited pang wika ko rito habang panay sulyap ko sa 'di pa ring makapaniwalang si Ate Shienna na nasa tabi ko.

Nakangiting tumango ito sa akin.

Kaagad kong binitawan ang kamay ni Itay at si Ate naman ang binalingan ko. Bahagya ko pang niyugyog ang mga balikat nito.

"Narinig mo ba yun Ate!? Makakapag-ipon na tayo para sa pang-tuition mo!"

Tuwang-tuwa kong sabi sa kanya. Halos maluha-luha ako sa subrang galak. May luha rin na tumakas sa mga mata nito na kaagad din pinalis at nakangiting tiningnan ako.

Hindi na ako mapakali pa sa kinauupuan ko ng biglang malakas na tumikhim ang Itay. Kaagad akong muling napabaling ng tingin rito. Malapad ang ngiti nitong nakatingin sa aming dalawa ni Ate.

"Wag n'yo na ring problemahin ang pag-aaral n'yo, sinasagot na lahat nang 'yun ng mga Del Carpio. Hanggang sa makapagtapos kayong dalawa ng kolehiyo. Kaya magtino kayong dalawa, ah. Hindi lang kayo, pati ang iba pang mga anak ng lahat ng nagtatrabaho sa loob ng Hacienda. At para naman sa Inay n'yo." Nakangiting baling naman nito kay Inay na nasa tabi nito't maluha-luha ring nakatingin dito. "May libreng pagamutan ang mga Del Carpio na ibibigay para sa ating lahat na nasasakupan nila. Kaya palagay ko malapit ka ng mamamaalam d'yan sa mahiwaga mong tungkod." Wika nito na ikinatawa naming lahat. Kinurot naman ito ng Inay sa tagiliran.

Hindi pa nga ako makamove-on sa unang balita ni Itay sa amin, nang dagdagan pa nito ng mas magandang balita. Nagtitiling kaagad kaming napatayo ni Ate at sinugod ang dalawa ng yakap. Nagkaiyakan pa kami sa subrang tuwa. Nakalimutan ko na ang inis sa bunsong anak ng mga Del Carpio. Kahit papa'no mabait naman pala ang mga magulang nito. Di na masama.

Dala ang labis na tuwa sa aming mga puso, nagkanya-kanya na kaming pasok ng k'warto at namahinga na pagkatapos ng mahabang pasabog ng Itay.

Magkasama kami ni Ate Shienna sa isang k'warto at ang mga ito naman sa kabila.

"Totoo kaya lahat ng 'yun na sinabi ni Itay, Ate? Hindi kaya joke-joke lang 'yun?"

"Kailan ba nagsinungaling si Itay? Tsaka matulog ka na. Anong oras na. Hang-over lang yan. Bukas mahihimasmasan ka na n'yan." Nakangiting wika nito sabay talikod ng higa sa akin.

"Pa'no kung panaginip lang ang lahat ng 'to, Ate."

"Di 'wag ka ng gumising pa."

"Seryoso ako sa sinasabi ko ate. Pa'no kung bukas hindi naman pala totoo ang lahat?"

Hindi na ito sumagot pa sa sinabi ko.

Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pabaling-baling ako sa higaan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay may ganitong mangyayari sa pamilya namin. Parang isang panaginip na ayaw ko ng magising pa. Baka kinabukasan ay malaman kong nananaginip lang pala ako.

***

Naalimpungatan ako sa malakas na yugyog sa akin ni Ate.

Tiningnan ko s'ya ng masama ng pagmulat ko ng mata ay nakangiting mukha nito ang mabungaran ko. Kaagad ko siyang tinalikuran at nagtalukbong ng kumot.

Ngunit ang kulit nito at paulit-ulit pa rin akong niyuyogyog at hinahatak palayo sa katawan ko ang kumot. Nagmatigas ako at nakipaghilahan dito. Pinulupot ko na sa buong katawan ko. Pinalo naman nito ng malakas ang pang-upo ko.

Kaagad akong napabalikwas.

"Ano ba Ate! Bakit ka ba nanggigising! Inaantok pa nga ako, e!"

Nagmamaktol sa sabi ko sa kanya sabay takip ng unan sa mukha.

Ngunit hinablot naman nito ang unan na pinantakip ko sa aking mukha at tinapon sa bandang paanan.

I looked at her murderously.

She chuckled. "Bumangon ka na d'yan. Tanghali na. Maiiwan ka ditong mag-isa. Sige ka."

Nakasimangot na tiningnan ko siya. Problema nito? Walang magawa sa buhay,nanggigising.

Ang sakit ng ulo ko. Ang mga mata ko naman ang hapdi-hapdi. Pati ang buong katawan ko masakit. Parang ang bigat. Lalagnatin pa ata ako. Tinatamad akong bumangon. Ang sarap pang matulog. Kaso binubulabog ako ng isang 'to.

"Bakit ba? Saan ba kayo pupunta?"

Naiinis kong sabi sa kanya habang marahang ginugusot-gusot pa ang aking mahahapding mga mata. Naupo ako sa gilid ng kama.

"Nalimutan mo na ba? Lilipat na tayo ng Rest House."

Rest house?

Napahinto ako sa aking ginagawa at matagal na tinitigan siya. Biglang nag-freeze ang lahat ng nasa paligid ko dahil sa aking narinig. 'Di yata't totoo ang lahat? Hindi ako nananaginip lang? Matagal kong tinitigan ang Ate ko. Nang makabawi bahagya ko pang kinurot ang pisngi ko. Aw! D***g ko ng masaktan pa ako sa sarili kong kurot.

Pinagtawanan niya naman ako sa ginawa ko. Iiling-iling pang kaagad na ako nitong hinatak patayo. Muntik pa akong masubsob sa gulat.

"Tumayo ka na d'yan. Ang dami mong drama. Maglinis ka na dun ng mukha mo at ililigpit ko lang 'tong hinigaan mo. Aalis na yung truck. Nauna na sina Itay do'n. Kanina pa. Ihahabol ko lang 'to. Ang tagal kasi gumising alas onse na."

Mahabang sabi niya sa akin habang iniisa-isa ng ligpitin ang pinaghigaan ko.

Tumabi ako sa gilid malapit sa bukana ng pintuan ng kwarto namin. Wala sa sariling pinanood ko siya. Isang malaking kumot. Apat na unan na malalaki at isang queen size bed na lang naman ang natira sa loob ng kwarto ng pasadahan ko ito ng tingin. Paglingon ko sa kabilang kwarto, wala na din lahat ng gamit. Lumabas ako. Pati sa sala. Dumeritso ako ng kusina. Wala na din. Isang malaking lumang drum na lang ang nandun na puno ng tubig.

Kaagad akong naghilamos.

"Bilisan mo na d'yan Sam!"

Maya-maya narinig ko pang sigaw ni Ate sa'kin habang nagmamadali itong lumabas bitbit ang dalawang malaking unan.

Kaagad akong sumunod dito.

"Yan na po lahat kuya! Salamat! Susunod na lang po kami!"

Nagulat pa ako na isang malaking truck ang naabutan ko sa labas na puno ng aming gamit. Ganun ba karami yung gamit namin? Nakakapagtaka naman napuno yung truck.

Maya-maya umandar na ito.

Wala pa rin sa sariling hinatid ko pa ito ng tanaw habang papalayo sa'ming bahay. Lumiko na ito at nawala na sa paningin ko pero nakatanaw pa rin ako sa dinaanan nito.

Lumipat ang paningin ko kay Ate na nakatayo sa tarangkahan. Nakangiti naman akong nilingon nito ng makalayo na ang truck. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tumayo sa tabi ko.

Napatili pa ako sa gulat at muntik pang masubsub ng biglang banggain naman ako ng balakang nito. Hindi ko inaasahan ang ginawa nitong pagbunggo.

"Ayy..! Ano ba Ate..!"

"Kanina ka pa kasi d'yang parang tulog na naglalakad. Ginigising lang kita."

"Iwan ko sa'yo! Bahala ka nga d'yan sa buhay mo!"

Sinimangutan ko siya at kaagad na iniwan. Nagpapad'yak akong mabilis na naglakad palayo sa kanya.

Nakatawa naman siyang mabilis akong hinabol at kaagad na inakbayan.

Naiinis na kaagad ko naman binabaklas ang braso niya sa mga balikat ko pero binabalik rin naman niyang muli. Kinikiliti niya pa ako sa aking tagiliran na ikinatawa ko naman. Sa kalaunan ay tumigil na din ako at hinayaan na lang siyang akbayan ako.

Magkasama kaming masayang naglakad papunta ng Hacienda. Dumaan kami ng shortcut. Sa likod iyon. Maraming naglalakihang mga puno. Kung hindi mo kabisado ang lugar t'yak maliligaw ka.

Madalas kaming lahat na mga kaibigan ko dito sa San Vicente ay dumadaan dito. Lalo na do'n sa burol. Malapit lang dito sa Hacienda. Pinatayuan pa namin yun ng isang malaking tambayan na kubo. Tuwing hapon pagkatapos ng klase namin sumasaglit kami doon para tumambay. Subrang ganda ng lugar. Napakatahimik. Mula sa burol tanaw ang buong Hacienda. Minsan natutukso pa kaming magkakaibigan na sundan ang malaking ilog na dumadaloy sa ibaba ng burol kung saan ito nagmumula. Kaso kaagad kaming pinagbawalan ni Ate dahil kabilin-bilinan daw ng may-ari ng Hacienda na 'wag magtangkang pumasok sino man doon at delikado. Baka mapahamak lang at maligaw, di na makalabas ng kakahuyan.

"Alam mo Ate, hindi ko inaasahan na may ganitong kalaking swerte ang biglang darating sa buhay natin."

Nakangiting sabi ko sa kanya habang inaalala ang hirap ng buhay na pinagdaanan namin. Pero kahit mahirap ang buhay namin masaya kami noon. Hindi ko sinasabing hindi na ngayon pero may malaking nag-iba ngayon kaysa noon.

Nagsimula ang lahat nang maaksidente si Inay. Dahil do'n naghirap ng husto ang pamilya ko. Simula n'on nalubog na kami sa utang. Na halos hindi ko maisip kung makakaahon pa ba kami. Ginawa na ni Itay at Ate'ng araw ang gabi pero kulang pa rin. Yung masayang pamilya namin sa isang iglap biglang nawala. Biglang nag-iba. Naging matamlay. Naging malungkot. Naging tahimik yung dating maingay naming tahanan. Minsan ko na lang makitang tumatawa ang aking mga magulang. Hindi ko man maringgan ng reklamo ang Itay at Ate habang ako naman ang nagbabantay kay Inay pero nararamdaman kong hirap na hirap na sila. Tapos dumagdag pa ako ngayon sa problema ni Ate. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Kung anong tulong ang dapat kong gawin para sa kanila. Kung pa'no ko maiibsan ang hirap na nararamdaman nila. Ngunit wala akong magawa. Pilitin ko man pero wala pa talaga.

Tapos ngayon, kung kailan akala ko katapusan na ng lahat saka naman gumawa ng paraan si God. Totoo nga yung kasabihan na, God has perfect timing; never early, never late. It takes a little patience and it takes a lot of faith but it's worth the wait. Wala akong gano'ng faith at mas lalong wala akong inaantay na darating. Pero ngayon napatunayan ko ang kasabihan na 'yon. Walang katapusang pagpupuri at pasasalamat at galak ang aking puso. Habambuhay ko itong tatanawing isang napakalaking biyaya galing sa Dios.

Hanggang ngayon napapatanong pa rin ako sa sarili ko na, sapat na ba ang tumulong sa kapwa para magkaroon ng ganitong kalaking gantimpala? Parang napaka imposible naman. Pero masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. May kapalit man ito o wala. Kapag bukal sa iyong puso ang ginagawa mong pagtulong sa ibang nangangailangan, subra-subrang saya naman ang gantimpalang babalik sayo. Iba yung pakiramdam. Ang sayang hindi mababayaran nino man ng kahit anong halaga.

"Kahit ako man. Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala. Tsaka alam mo ba, sabi n'ong mag-asawang Del Carpio pwede akong lumipat mag-aral ng kolehiyo sa Manila kung gusto ko."

"Sinabi nila yun? Kailan? E-grab mo na Ate. Chance mo na 'yon. Nakita mo na ba sila ng personal?" Gulat na gulat na nilingon ko siya sa huling sinabi nito. 'Di yata't nahuli na naman ako ng balita?

"Oo kanina lang. Nandun sila sa rest house. Pati nga si Señorito JM tsaka si Mig- Señorito Miguel nando'n rin."

"E, bakit di mo man lang ako ginising?"

Nagmamaktol na reklamo ko sa kanya. Inalis ko ang kamay nitong nakaakbay sa aking mga balikat. Mabilis akong naglakad at iniwan ito.

Hindi ko man lang nakilala ang mag-asawang Del Carpio para makapagpasalamat din.

Malayo-layo na ang nilakad ko ng abutan niya ako. Kaagad itong umabresyete sa kaliwang braso ko. Hinilig pa ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Ala-sais pa lang ginising na po kita. Tulog mantika ka kasi. Humihilik ka pa nga e. Nakatatlong balik na ako humihilik ka pa rin."

"E, napuyat nga ako kagabi kakaisip d'on sa binalita ni Itay. Iniisip ko nga nananaginip lang ako kaya ayaw kong matulog. Kinakausap pa nga kita n'on pero tinulugan mo naman ako."

"So kasalanan ko pa ngayon kung bakit napuyat ka?"

"Hin-."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng makarinig ako ng halinghing ng kabayo palapit sa kinaroroonan namin.

Gulat na nagkatinginan pa kami ni Ate.

Kaagad kaming nagpalinga-linga sa paligid pero wala naman kaming makitang tao.

Mabilis ko siyang hinatak para magtago sa malaking katawan ng punong kahoy na nasa daan. Ilang minuto pa ang pinalipas namin at nakiramdam. Pero hindi na naulit pa ang ingay. Baka nagkamali lang ako ng dinig.

"May kilala ka bang marunong mangabayo sa Hacienda?" Tanong ko kay Ate.

"Wala, maliban do'n sa mga regular costumer na pumupunta dito para libutin ang Hacienda."

"Pero walang nagagawi dito sa kakahuyan diba?"

"Hindi kaya-."

"Shhhhhhh..."

Sansala ko sa sasabihin sana niya ng pagsilip ko ng bahagya sa katawan ng puno ng kahoy ay may nakita akong lalaking nakasakay ng kabayo. Ibang deriksyon naman ang tinatahak nito, hindi papunta sa kinaroroonan namin. Papasok sa masukal na kakahuyan.

Sumilip din ito sa kabila.

Kinalabit ko si Ate.

Gulat na nilingon ako nito.

Nagsenyas ako sa kanya para sundan kung saan papunta ang nakita naming lalaking nakakabayo.

Dahan-dahan kaming naglakad at tahimik na sinusundan ito. Palipat-lipat kami ng punong-kahoy na pinagtataguan. Hindi namin namalayan na napapalayo na pala kami sa labasan ng gubat. Daan patungo ng rest house. Parang nakapasok na kami sa gitnang parte ng kakahuyan. Nagpalinga-linga ako. Bigla akong kinabahan. Nilingon ko si Ate. Nakatingin pa rin ito sa lalaki. Hindi hinihiwalayan ng mata. Kung tutuloy pa kami hindi ko na kabisado pa ang daan pabalik.

Binaling ko ang mga mata sa unahan. Deri-deritso lang ang lalaki. Animo'y kabisadong-kabisado nito ang lugar at walang pakialam sa paligid.

Sino ang lalaking ito at ano ang ginagawa niya rito sa kakahuyan? Saan ito pupunta?

Hindi ko mamukhaan ang lalaking nakakabayo dahil nakatalikod ito sa kinaroroonan namin. Nagtaka ako bakit parang kabisado nito ang kakahuyan. Hindi kaya isa siya sa anak ng mag-asawang Del Carpio? Hindi rin ako sigurado sa naisip. Mukhang matangkad yung lalaki. Maganda ang malapad na likod nito. Mahahabang mga hita. Yung muscle sa braso mukhang puputok na sa t'wing hinahatak ang renda ng kabayo. Ano kaya ang itsura kapag nakaharap? Mukhang ang gwapo! Napahagikhik ako sa naisip. Kaagad naman akong kinurot ni Ate sa tagiliran.

"Aw!" D***g ko sabay himas sa nasaktang tagiliran sa pinong kurot nito.

Kaagad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Shhh! Ang ingay mo!" Bulong nito sa'kin habang pinanlalakihan pa ako ng mga mata. Pati butas ng ilong nito lumalaki na.

Natawa ako sa itsura ni Ate.

Bahagya kong kinagat ang kamay nitong nakatakip sa aking bibig.

Mabilis pa sa alas k'watrong kaagad nitong tinanggal.

"Aw! Samantha!"

Mahinang d***g nito habang hinihipan ang kamay na kinagat ko. Hindi ko alam kung umaarte lang siya sa sakit or sadyang nalakasan ko yung kagat. Kaagad ako nitong binatukan ng pagtawanan ko pa siya. Napahalakhak ako na kaagad ko naman tinakpan ang aking bibig ng mga kamay ko ng maalalang may sinusundan pala kami.

Sabay pa kaming sumilip para tingnan kung nando'n pa ang lalaki. Ngunit wala na ito.

Pagbaling namin ay apat na mga paa ng kabayo ang nakatayo sa harapan naming dalawa.

"Are you two following me?"

Gulat na nagkatinginan pa kami ni Ate ng marinig namin ang baretonong boses ng lalaking nakasakay sa kabayo. Bakit 'di namin naramdaman ang paglapit nito? Kinabahan ako bigla. Shit, nahuli kami! Kasalanan ko na naman! Halos makailang ulit kong kinaltukan ang sarili ko sa isip.

Sabay pa kaming dahan-dahan na tiningala ang lalaki. Narinig kong malakas ding napasinghap si Ate ng makilala ang lalaking nakasakay ng kabayo na si Miguel.

Nakakalukong nginisian pa kami nito. Pero ang mga mata'y nakatutok sa ate ko.

Parang itinulos naman kaming dalawa ni Ate sa kinauupuan. Matamang nakamaan lang kami dito habang nakatingala.

"What are you doing here? Why you two following me?"

Bigla akong natauhan ng muling magsalita ito. Napalunok ako. Kaagad kong hinatak ang kamay ni Ate. Sabay kaming napatayo. Ngunit nakaalpas ito sa hawak ko. Hinayaan ko na ng tumakbo na ito. Mabilis na kumaripas na rin ako ng takbo.

Hindi ko alam kung saan na akong banda. Napapalibutan pa rin ako ng kakahuyan kaya siguradong malayo pa ako sa labasan. Walang lingong likod akong tumakbo para lang makalayo kay Miguel. Hindi ako takot sa kanya. Kaso naunahan ako ng nerbyos kanina ng mahuli niya kaming sinusundan namin siya. Hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin namin.

"Bilisan mo Ate!" Sigaw ko pa sa kasama ko habang walang tigil na tumakbo.

Kaagad akong huminto at hingal na hingal na nilingon si Ate ng hindi ito sumasagot. Nanghina ako ng makita kong hindi ito nakasunod sa likuran ko. Napahawak ako sa aking mga tuhod at sunod-sunod na huminga. Nasa'n na 'yun? 'Wag niyang sabihin na nagkahiwalay kami ng takbo?

Naku naman talaga! Malilintikan ako nito 'pag pumunta ako ng Rest House na 'di siya kasama!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status