Share

Kabanata 11

Hindi napigilan ni Araceae na kiligin nang alalayan siya ni Temur papasok sa isang itim na sasakyan. Paglabas nila ng airport may nakaabang ng sasakyan sa kanila, at lulan nito ang dalawang bodyguards ng asawa niya.

"Saan tayo, boss?" tanong ni James kay Temur nang makapasok na rin ang asawa niya ng sasakyan. Si James pa rin ang nagsisilbing driver ng kanyang asawa. Si Rupert naman ay sa shotgun seat ng sasakyan umupo, habang sila ni Temur ay nasa backseat.

"Let's go straight home. Is my brother already in the Philippines?" Nilingon siya ni Temur at nginitian. Alam nitong kabado siya dahil haharapin niya ang kaisa-isang kadugo ng asawa. Masaya siyang haharap siya sa pamilya ng asawa niya ngunit hindi mapigilan ni Araceae na hindi kabahan lalo na’t ito ang unang pagkakataon na haharap siya sa bayaw niya.

"Don't be nervous. We're only going to deal with my older brother, not my father."

"Kahit na, Temur.” Nakasimangot niyang tugon sa asawa. “Hindi ko pa rin mapigilan, kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ng kapatid mo?" nag-aalala niyang tanong sa asawa. Hindi niya maipaliwanag pero grabe ang kaba sa d*bdib niya–as in.

"Whether he likes it or not, he can't do anything anymore because you're now my wife." Nag-igting ang bagang ni Temur. "Don't worry, I'll protect you no matter what my dear wife,” dagdag pa nitong hinalikan ang ibabaw ng ulo niya.

Hindi alam ni Araceae na ganito pala ang pakiramdam na haharap sa relatives ng taong minamahal niya. Kinabahan rin kaya si Temur nang harapin nito ang magulang niya? Alam niyang mag-asawa na sila ni Temur, pero hindi niya pa rin maiwasan na isipin kung matatanggap ba siya ng kapatid nito. Magagawa niya kayang pakisamahan ang nakatatandang kapatid ni Temur?

Sa isang subdivision pumasok ang itim na sasakyan, hindi pa rin napigilan ni Araceae ang mamangha sa paligid, ito ang unang beses na makakakita siya ng subdivision na pawang mayayaman ang nakatira, halata sa naglalakihan at nagagandahan na mga bahay na mayaman ang mga pamilyang nakatira sa lugar. Hindi ito ang unang beses niya sa Maynila, pero dahil walang maalala labis siyang namangha sa mga naglalakihang gusali na nadaanan nila kanila.

"Dito ba ako titira?" Namilog ang mata ni Araceae nang makita ang mansion sa harap niya, napakalaki ng bahay!

Inilahad ni Temur ang kamay sa asawa at agad naman iyong tinanggap ni Araceae, inalalayan siya nito na bumaba ng sasakyan.

"Magandang hapon, Mrs. Flegenheimer." Sabay-sabay na nagyuko ng ulo ang mga kasambahay at guardya kay Araceae. Pati sa mga taga silbi ng bahay ay hindi maiwasan ni Araceae na mamangha, hindi niya lubos na inakala na ganito karami ang maids sa mansion, parang nasa isang fairytale talaga siya, feeling Cindirella ang peg niya!

"Magandang hapon din sa inyo," bati rin niya sa mga tagasilbi. Isa-isa niyang tinuon ang tingin sa mga tauhan, at nangibabaw sa mga mata Araceae ang isang dalagang nakatayo sa dulo ng pila.

"Anong pangalan mo?" tanong niya dito na ikinagulat ng dalaga. Mukhang hindi nito inasahan na kakausapin niya.

"Y-yana po, Mrs. Flegenheimer..." Matagal na tinitigan ni Araceae ang dalaga. May kung ano dito na pamilyar sa kanya, ngunit ano? Ito ang unang pagkakataon na nakilala niya ang dalaga.

"Babe..." Naibaling ni Araceae ang atensyon kay Temur nang lumapit ito at hawakan siya sa baywang."Let's go. My brother is waiting for us."

"Mhmm!"

Malaki ang ngiti ni Araceae na naglakad sa gitna ng mga nakalinyang mga taga silbi ng masion. Nakakatuwa, para siyang prinsesa sa isang pelikula at si Temur ang kanyang prinsipe. Napaka swerte talaga niya sa kanyang asawa.

Hinatid sila ng Mayordoma sa dinning room ng bahay. Walang mapagsidlan ang tuwa niya dahil sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya bilang bagong miyembro ng pamilya. Ngunit ang tuwa at galak ni Araceae ay mabilis na nabura nang pumasok sila sa dinning room.

"Kuya, we're here..."

"Mhmm... Where is your wife—" Hindi natapos ng kapatid ni Temur ang sasabihin nang magtama ang paningin nila ng lalaki.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang pumintig ang puso ni Araceae ng napakabilis na para bang may mabangis na hayop ang humahabol sa kanya sa isang madilim at nakakatakot na gubat. Ang katawan niya ay nanginig, muntik pa siyang matumba nang mawalan ng lakas ang mga tuhod.

"Hey, are you alright?" nag-aalala na tanong ni Temur matapos siyang alalayan.

"I—ahmm..." Bumalik ang tingin ni Araceae sa nakatatandang kapatid ng asawa. Nahuli niya ang gulat na nakapaskil sa gwapo nitong mukha. "S-sorry, bigla na lang sumama ang pakiramdam ko," bulong niya kay Temur matapos mag-iwas ng tingin sa kapatid nito.

"Is that so?" Hinarap ni Temur ang kapatid. "Kuya, I'm sorry. We're afraid we won't be able to join you for dinner. My wife was exhausted from the flight, or it could be a sign that she is already pregnant."

"Temur! Masyado pang maaga para sabihin 'yan." Namula ang pisngi na saway ni Araceae. Binalingan niyang muli ang kapatid ng asawa, naroon pa rin ang kaba at takot na hindi niya kayang ipaliwanag, ginawa ni Araceae ang lahat upang kumalma ang sarili.

"Pasensya na kuya," paumanhin niya sa kapatid ng asawa. Nabura ang gulat sa mukha nito at patay malisya na tumango. Saka siya inalalayan ni Temur na lumabas ng dinning area at hinatid sa silid nilang mag-asawa.

***

"Nakasisiguro akong babagay sa inyo ito, Madam." Nilingon ni Araceae si Yana at napangiti siya nang makita ang green floral dress na hawak nito.

"Mukhang maganda nga 'yan."

Isang linggo na siyang nakatira sa mansion ng magkapatid na Flegenheimer, at si Yana ang personal niyang maid. Ni-request niya kay Temur ang dalaga, at nakakatuwa na pumayag naman ang asawa niya. Kahit madalas siyang maiwan na mag-isa sa mansion hindi siya nalulungkot dahil kasama niya si Yana.

Sa isang buong linggo na paninirahan niya sa mansion, hindi na ulit niya nakita ang nakatatandang kapatid ni Temur. Mula noong una nilang pagkikita ng bayaw ay lagi niyang naririnig sa mga katulong na maaga itong umaalis para sa trabaho at masyado ng gabi kung umuwi galing sa trabaho. Nakakalungkot man, hindi na siya nakabawi pa sa utang niyang dinner sa nakatatandang kapatid ni Temur. Tama ang asawa niya, masyado nga itong busy at halos sa kompanya na tumira. Wala pa silang official meet-up ng kapatid ni Temur, hindi naman niya ito masisisi. Alam niyang malaki ang responsibilidad nito sa kompanya.

"Tama ako, Madam. Bagay nga sa inyo!" tuwang-tuwa na pahayag ni Yana na pumalakpak pa matapos niyang magpalit ng damit na pinili nito para sa kanya.

"Salamat, Yana. Pero pwede bang 'wag mo na akong tawagin na Madam?"

"Ho? Naku! Hindi po pwede baka pagalitan ako ng asawa niyo," tanggi agad ng dalaga na parehong kinumpas ang mga kamay. Ayaw niyang mapahamak sa mga boss niya para lang sa simpleng bagay.

"Mhmm... Sige na nga! Hindi pa rin kasi ako sanay sa lahat ng karangyaan na ito, pero pwede mo akong tawagin sa pangalan ko kapag tayo lang dalawa."

"Napakaswerte niyo Madam Aries, maraming babae ang nagkakandarapa para mapansin lang ni Sir Temur pero heto kayo, asawa na ng isang Flegenheimer," tila inggit na inggit na pahayag ni Yana.

"Hindi rin..." Naupo si Araceae sa harap ng mamahalin niyang tukador. "Alam mo kasi may nangyari sa akin bago ko pa nakilala si Temur. Isang masamang karanasan na hindi ko na magawang maalala."

"Hindi ba swerte pa rin iyong maituturing? Kung tunay na isa iyong masamang karanasan para sayo, hindi ba't mas nakabuting hindi niyo naalala ang tungkol doon?"

"Fair point. Ngunit para sa isang tao na hindii natatandaan ang nakaraan, nakakairita iyon." Mapait siyang ngumiti kay Yana.

"Parang isang pinunit na libro ang buhay ko. Isang libro na nawawalan ng napaka importanteng pahina. Hindi ba't nakakairita kapag ganun? Iyong gusto mong malaman ang buong estorya ngunit hindi mo magawa dahil punit na ang pahina?"

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Madam. Ngunit kung ako ang tatanungin niyo, hindi nabale kung may punit ang libro o kung nawawala man ang ilang pahina nito." May lungkot na tinitigan ni Yana ang kanyang mga mata. "Ang mahalaga po ay hawak na ninyo ang libro, may nawawala man na pahina, hindi 'yon problema dahil pwede niyo naman i-revise at punan ang nawawalang parte. Ikaw Madam ang author ng libro, at kayo lang ang may kakayanan na i-revise ito ng naayun sa gusto niyo."

Lumapit ang dalaga sa likod niya at sinimulan nitong suklayin ang buhok niya. Napangiti si Araceae. Ito ang unang beses na may nakausap siya tungkol sa nakaraan niya maliban kay Temur. Mukhang magkakasundo nga talaga sila ni Yana. May point naman ang dalaga, ngunit iba pa rin talaga iyong kilala mo ang sarili mo mula sa nakaraan.

"Bastard!!" Napalingon sila ni Yana sa isa't-isa nang makarinig ng sigaw.

"Ano 'yon?" tanong ni Araceae at tumayo para sumilip sa bintana.

"Si Sir Temur!" bulalas ni Yana na sumilip rin sa bintana.

Ang asawa nga niya, nasa ibaba ito kasama ni James at Rupert, kasama ng isa pang tauhan na hindi pamilyar kay Araceae. Mukhang pinagagalitan ng asawa niya ang tauhan.

"Oh my gosh!" Sabay nilang singhap ni Yana nang malakas na sinuntok ni Temur ang lalaking kaharap dahilan para mapahiga ito sa damuhan.

"Ano ba ang nangyayari? Yana, hali ka. Bumaba tayo!" Hindi na hinintay ni Araceae ang tugon ng dalaga. Patakbo siyang lumabas ng silid nila ng asawa at bumaba ng hagdan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nagalit si Temur.

"F*cking bastard!!" Naabutan ni Araceae ang asawa na pinagsisipa ang kawawang lalaki. Nakahandusay ito at hindi lumalaban ngunit panay pa rin ang pananakit ng asawa niya sa lalaki, galit talaga si Temur.

Tumakbo siya palapit sa asawa ngunit hinarang siya ni Rupert, nagtataka siyang nag-angat ng tingin sa lalaki, umiling ito.

"Pero kailangan ko siyang pigilan! Baka mapatay niya iyong lalaki!" anya at buong lakas na tinulak ang kamay ni Rupert.

"Temur! Tama na, tigilan mo na 'yan!" awat ni Araceae sa asawa at niyakap ang kanan nitong braso. Ngunit sa halip na tumigil ay bigla na lang siya nitong itinulak dahilan para mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at may katawan na sumalo sa kanya upang hindi siya tuluyang tumilapon sa lupa.

"Salamat—" natigilan siya at namilog ang mga mata nang makita ang nakatatandang kapatid ng asawa. Mabilis na umayos siya ng tayo at wala sa loob na pinagpag ang damit. Kahit gusto ni Araceae na maging casual sa bayaw, hindi pa rin niya napigilan ang sarili nang kumabog ng mabilis ang d*bdib niya at manginig ang mga kamay sa takot. Takot na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

"What are you doing?" Salubong ang mga kilay na tanong ng lalaki sa kanyang asawa. Humakbang palayo si Araceae. Hindi talaga niya mapigilan ang katawan sa panginginig! Kapatid lang ito ng asawa niya, ngunit bakit ganun? Takot na takot siya rito.

"Don't meddle, kuya..."

"Don't dare to speak to me like that in front of your wife, Temur. You even dared to hurt your wife? If I hadn't caught her—"

"Kung hindi mo nasalo ano!?" Nanlisik ang mata nitong sigaw. Nilingon siya ng asawa. Napaatras si Araceae sa takot, ito ang unang pagkakataon na tinignan siya ng ganito ni Temur.

Bumuka ang bibig nito ngunit wala namang salita ang namutawi.

"F*ck!" pagmumura nito sabay sipa ng malakas sa lalaking nakahandusay. "Fix this mess!" utos ng asawa niya kina James at Rupert, at tinalikuran sila.

"Temur! Saan ka pupunta?" Habol ni Araceae sa asawa ngunit hindi naman ito tumugon sa kanya, deretso lang u***g naglakad palayo sa lugar.

"Temur!—" Natigilan si Araceae. Nilingon niya ang nakatatandang kapatid ng asawa at sa kamay nitong nakahawak sa kaliwang braso niya agad tumuon ang kanyang tingin.

"Hayaan mo muna siyang mapag-isa."

"Pero..." Nag-aalala niyang tinanaw ang asawa na hindi na naabot ng kanyang tingin. Narinig na lang ni Araceae ang ingay ng sasakyan na humarurot palabas ng gate.

"Mainit ang ulo ni Temur, hayaan mo muna siyang magpalamig. In the meantime, why don't you join me for a cup of coffee?"

Muli niyang hinarap ang bayaw. Naroon parin ang takot ni Araceae, ngunit gumaan na kahit paano ang takot na iyon nang matamis siyang ngitian ni Kaya.

“Ah. right! Nakalimutan kong itanong kung nagkakapi ka. Nagkakapi ka ba?” Mahina siyang tawa dahil sa sinabi nito. Tumango siya bilang tugon sa bayaw.

“Nice! Tamang-tama may dala akong masarap na cookies galing Germany. Nakatikim ka na ba ng spice cookies?”

“Hindi pa. Iyong cookies lang sa bakery ni Aling Brenda ang natitikman ko,” sagot ni Araceae na nakasunod lang sa lalaki papasok ng kusina.

“Hindi ka magsisisi kapag natikman mo ang cookies. It was delicious!!”

“Hindi na ‘ko makapaghintay…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status