Share

Kabanata 15

SAFE

Matagal bago bumalik ang ulirat ni Rosell. Halos hindi niya maimulat ang mga mata sa sobrang sakit ng kaniyang ulo. Pinakaramdaman niya ang sarili at doon kinapa ang likod ng kaniyang ulo na sumasakit. Naramdaman niya na nabasa ang kaniyang kamay at nang tignan iyon pulang-pula ito sa kaniyang dugo.

Dahan-dahan siyang napabangon at sandaling umikot ang kaniyang paningin. Hindi pa siya nakakabawi at napatingin siya sa malaking salamin sa kaniyang harapan. Ang sariwang dugo ay dumaloy pababa sa kaniyang mukha.

Agad niya itong pinahid— inalala ang huling nangyari sa kaniya bago siya nawalan ng malay. Napahawak siya sa kaniyang ulo hanggang sa may napagtanto.

Si Maya! Kailangan niyang tulungan si Maya!

Kahit nahihirapan ay sinubukan niyang abutin ang pintuan at buksan ito. Ilang

desantrix

Yey! I read your reviews and so happy to see that you're enjoying! Thank you so much😉

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status