Share

Chapter 02

"Four hundred lahat, Ma'am," sabi ng bartender slash cashier sa akin. Tatlong maliliit na bote ng beer four hundred pesos agad? Sana pala sa tindahan na lang ako bumili, konti na lang ang idadagdag ko makakatatlong mucho pa ako.

"Okay! Keep the change," pangiti-ngiti kong sabi sa lalaki. Bahagya itong ngumiti. Na-gets ang joke ko. Sakto lang kasi ang binayad ko. Walang sukli.

"Thank you, Ma'am! Ingat kayo," sabi pa niya sa akin.

Ni hindi man lang ako nalasing. Sa bagay, teenager pa lang ako, umiinom na talaga ako ng alak. Napabarkada kasi ako dati. Pero nakuha ko pa ring magtapos ng pag-aaral. Sa isang state university lang iyon kaya halos wala akong binayaran.

I checked my phone. Maaga pa ang alas-diyes. Ayaw ko pang lumabas sa lugar na 'yon dahil tila nagsisimula pa lang mag-enjoy ang mga tao. Maingay na music, inuman, sayawan, ito yata ang kailangan ko nang mga oras na ito. Makalimot at magliwaliw.

"Hi, Miss! Wanna dance?" tanong ng isang lalaki sa akin. May bitbit itong baso ng alak. Walang sabi-sabi ko iyong kinuha at ininom nang straight. "Woah! I like you," sabi pa nito na medyo nagulat sa ginawa ko.

"Let's dance," yaya ko rito at nagpatiuna pang magpunta sa dance floor na punung-puno ng tao. Ganito pala ang buhay sa isang disco bar. Sana noon ko pa nalaman.

Sana noon ko pa nae-enjoy ang buhay ko.

Hindi naman ako marunong mag-sayaw. Sinasabayan ko lang ang beat ng music. Lumapit sa akin 'yong lalaki kanina. Wala na itong dalang baso. He danced in front of me. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Cute naman kaso hindi ko type.

"What's your name?" tanong niya sa akin.

"Sandy," sabi ko.

"What?" Bahagya itong lumapit sa akin.

Sa lakas kasi ng tugtog ay ang hirap talaga magkarinigan.

"Christine!" ibinulyaw ko sa tainga niya. Nagbago ang isip ko. Ayaw kong ibigay ang tunay na pangalan ko.

"Nice to meet you, Christine. I'm Kevin."

"Nice to meet you, too!"

Inilibre niya pa ako ng drinks pagkatapos no'n. He even asked for my number pero mali ang ibinigay ko. Hindi ko talaga siya type. Para siyang manyakis. At tama ako. Kasi mayamaya after namin mag-shot, niyaya niya ako. Magpalipas daw kami ng gabi - sa motel.

Iniwan ko siya. Nakailang kulit pa siya sa akin at sinabing matutulog lang daw kami roon. Pero sino namang tanga ang maniniwala sa ganoon? Baka may sakit siya at mahawa pa ako. Tapos nagbe-vape pa. Vape o sigarilyo parehas lang 'yon at turned-off ako sa mga lalaking nagbibisyo ng gano'n.

Past ten na ng gabi. May fifty pesos pa namang natitira sa pitaka ko. Sakto 'yon pamasahe pauwi. Hindi na ako masyado nagpakalasing pa. Tutal wala na rin naman akong pang-order. At natakot na akong makipag-usap sa iba pang lalaking naroon. Kahit may nag-aaya pa sa akin magsayaw. Hirap na baka lasingin ako tapos kung saan ako pulutin kinabukasan.

Siguro sapat na 'to. At least kahit saglit nalimutan ko ang nangyari kanina. Nalimutan ko si Cedrick at ang ginawa niya. Pero kanina lang. Ngayon tanda ko na ulit. Malinaw na malinaw. Para na namang piniga ang puso ko.

Habang nag-aabang ng jip pauwi, hindi ko napigilang mapaiyak ulit. Imagine that four years? Kung totoo ang sinasabi ng babae eh 'di huwad pala ang naging relasyon namin ni Cedrick, gano'n? Pero paano mangyayari 'yon? Five years na raw sila, tapos kami four years? Paano niya naitago sa akin 'yon?

Hays! Paulit-ulit ka Sandy. Baka naman puwedeng mag-move on ka na lang!

Pati utak ko umiiyak.

Kaka-celebrate lang namin ng anniversary noong isang araw. Niregaluhan pa man din niya ako ng isang set ng bra at panty. Suot ko ngayon. Kasi nga balak ko sana, ibigay na ang sarili ko sa kaniya.

Pero hindi na yata mangyayari 'yon. Magkakapamilya na siya eh. Goodbye na siguro talaga sa aming dalawa. Makakahanap pa naman ako siguro ng iba. At kapag nangyari 'yon, ibibigay ko na talaga ang sarili ko. Para hindi na ako iwanan. O ipagpalit. Ganoon na raw ngayon eh. Uso na ang premarital sex.

Pero siyempre, sisiguraduhin kong mahal niya ako talaga. At dapat mahal ko rin siya siyempre. Tapos magpapakasal din kami sa bandang huli.

Antagal ng jip. Sa bagay anong oras na rin kasi. Pero sure ako na may dadaan pa. Hindi puwedeng wala kasi hindi ako makakauwi.

Napatingin ako sa dalawang lalaking malapit sa akin. Mga dalawang dipa ang layo nila. Kanina ko pa kasi napapansin na parang patingin-tingin sila sa akin. Tapos nagbubulungan. Bigla tuloy akong kinabahan. What if kidnapper ang mga ito? Kuhanin ako. Tapos gahasain ako. Itatapon sa kung saan ang bangkay ko.

Grrr! Nanginig ako sa isiping 'yon. Bata pa ako at marami pang mangyayari sa buhay ko. Gusto ko pang mag-asawa at magkaanak.

Kaya nang makita kong may bagong labas galing sa bar ay lumapit ako sa mga ito. Para kung sakaling may gagawin man silang masama ay may magiging witness. Makakamit ko rin ang hustisya.

Hays! Ano ba 'tong naiisip ko? Para akong tanga. Tumingin akong muli sa gawi ng dalawang lalaki. Hindi naman pala sila mga pangit. Desente namang tingnan.

Dumaan pa ang mga minuto, wala pa ring jeep. Ito ang mahirap nitong nag-pandemic. Sinamahan pa ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin, nabawasan ang mga bumibiyahe ng twenty-four hours. Kung may dadaan man, puno na. Mga dalawang sakay pa ako bago makarating sa amin. Tiyak na mga nag-aadik at nag-iinuman na naman ang mga makakasalubong ko nito.

"Aray!" May bumangga sa aking lalaki. Malaking tao, naka-mask at sumbrero. Hindi ko masyadong aninag ang kaniyang mukha dahil against the light ang puwesto nito. Hindi ko na sana palalakihin pa ang isyu at lalayo na lang ako nang may maramdaman akong malamig sa may tagiliran ko.

"H'wag kang maingay. Maglakad ka papunta ro'n," pasimple at mahinang sabi niya sa akin. Halos manindig lahat ng mga buhok ko sa katawan.

Gusto ko sanang sumigaw at humingi ng tulong o kaya itulak ito at tumakbo pero inunahan ako ng takot. Isa pa, mukhang seryoso siya. Sa boses niya pa lang, alam kong bihasa na siya. Saka ayaw ko pang mamatay. Alam kong patalim ang nakatutok sa tagiliran ko ngayon.

Pagdating namin sa dilim, agad niyang hinablot ang bag ko. Natulala na lang ako. Ang bilis niya. Sisigaw pa kaya ako para humingi ng tulong? Hindi eh. Wala na siya. Nawala na siya sa dilim.

Agad-agad.

Paano na ako ngayon? Singkuwenta pesos na nga lang ang laman ng pitaka ko, hinoldap pa. At 'yong cellphone ko! Hulugan ko pa 'yon, wala pa ako sa kalahati ng paghuhulog n'on, sa isang iglap, wala na agad. Kailangan ko pa naman 'yon 'pag may meeting sa school.

Para akong baliw na naglakad pabalik sa tapat ng bar. Tulala. Gusto ko pa bali sumigaw, kaso huwag na lang. Nakakahiya. Wala na rin namang hahabulin kung sakali.

Ganito pala rito? Uso holdapan? O na-tiyempuhan ko lang. Doble-dobleng kamalasan ko ngayong araw ah. Valentine's Day ngayon, natuklasan ko ang pangloloko ng boyfriend ko. Tapos ngayong sandaling nagliwaliw ako, nanakawan naman ako.

Double kill!

Ayokong umiyak. Kilala akong fierce sa amin. Bold pa nga dahil matabil daw ang bunganga ko. Tapos iiyak ako? Fifty pesos lang naman ang nakuha sa 'kin tsaka cellphone. Isang libo kada buwan lang naman ang hulog ko ro'n. Okay lang 'yon. Mas maraming tao ang mas higit ang problema sa 'kin. Pero siyempre joke lang 'yon. Hindi mababaw itong nangyari sa akin.

Paano ako uuwi? Saan ako pupulutin? Nakasalalay rito ang aking buhay, 'di ba?

Napalunok ako. Kailangan ko sigurong diskartehan 'to.

Gusto ko sanang dumelehensya sa mga taong nasa paligid ko. Kaso naisip ko, baka pagtawanan lang ako. Sa hitsura kong ito, mamalimos ako? Nakakahiya. Kaya naglakad na lang ako. Doon sa dereksyong pauwi sa bahay. Wala pa akong naiisip na plano pero derederetso lang ako. Malay mo naman.. bigla na lang mag-miracle si Lord, may mapulot ako kahit bente pesos. O kaya may magmagandang loob sa akin. Wala namang imposible, 'di ba?

Walang masyadong kabahayan doon sa nilalakaran ko. Highway na kasi iyon. May mga bahay man, malayo sa kalsada. Buti at may mga poste ng ilaw. May liwanag kahit papaano sa madilim kong mundo.

Nasa kasagsagan ako ng paglalakad at pagmumuni-muni nang may sasakyang tumigil sa tabi ko. Pajero iyon. Kulay itim. Imbes na matakot ay may tuwang lumukob sa puso ko. Ito na ba 'yong 'miracle' na hinihintay ko? Ito na ba 'yong pinadala ni Lord para saklolohan ako?

"Iha, gabing-gabi na ah. Bakit mag-isa kang naglalakad?" tanong ng matandang sakay niyon. Mukhang mabait ang hitsura nito. Pati ang boses. Parang pang-good samaritan talaga.

Pinahid ko ang luhang muntik nang mangilid sa mga mata ko. Hallelujah!

"W-Wala po kasi akong pamasahe pauwi," nag-aalinlangan man pero lakas-loob ko na ring sabi. Ano naman kung maging kaawa-awa ako sa paningin nito? Iyon nga ang purpose para tulungan niya ako.

"Ganoon ba? Bakit? Ano'ng nangyari? Saan ka ba umuuwi? Tara, nang maisabay na kita."

Pumalakpak ang mga tainga ko. Eksaktong-eksakto sa expectation ko. Hindi pa ako nakakasagot pero nakaakyat na ako sa may passenger seat nang pagbuksan ako ni lolo ng pinto. Hindi, mukha ngang daddy. Matanda na siya mga nasa sixty pataas na siguro pero malakas at matikas pa rin ang katawan. Bigla ko tuloy na-imagine kung sakaling may mga anak itong binata. Tiyak na guwapo ang mga iyon. At sana, may mabingwit ako.

Luh! Akala ko ba brokenhearted ako eh bakit kalandian ang nasa isip ko ngayon?

Pagsara ko ng pinto ay hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Itinuro muna niya sa akin ang seatbelt. Pinakakabit niya sa akin.

"Saan ka nga ulit umuuwi, iha?" muli niyang tanong nang paandarin na niya ang sasakyan.

"Doon po sa may Paseo. Paseo de Carmona," mabilis kong tugon.

"Aba'y malayo-layo pa nga rito. Tapos naglalakad ka lang? Ano ba'ng nangyari at naglalakad ka?"

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Maigi nang maging honest ako para maniwala siya.

"N-Naholdap po kasi ako. T-Tinangay ang bag ko."

Tumingin siya sa akin. Iyong tinging naaawa. Sa isip-isip ko, naalala ko ang aking ama. Nami-miss ko na siya. Ganito kasi siya kung tumingin sa akin dati kapag may problema ako. Concerned at maalalahaanin. Hindi tulad ng ipinalit ni mama na bago. Batugan na, lasenggero pa at adik pa. Yes, alam kong tumitira ng shabu iyon pero hindi na lang ako nagsasalita. Hindi pa naman ako masyadong nasasagad. Tsaka na 'pag talagang nabuwisit na ako nang tuluyan sa kaniya.

"Naku! Buti na lang at hindi ka sinaktan, iha? Kadalasan pa naman sa panahon ngayon, pinapatay na rin ng mga holdaper ang biktima. Kahit hindi nanlalaban."

"O-Oo nga po eh. Iyong perang natitira sa ipon ko, k-kinuha pa sa akin. P-Pati 'yong cellphone ko. L-Luma na nga iyon at malapit pang masira, ninakaw pa. H-Hindi ko nga po alam kung paano na ako sa mga susunod na araw. W-Wala na akong pera." Lumuha ako. As in luha. Pero kunwari lang. Dinagdagan ko na rin ang kuwento ko para mas maawa siya sa akin. Pasensya na kayo tatang at gipit na gipit din talaga ako ngayon. Bukod sa pagmamagandang-loob ninyo sa akin, kailangan ko rin ng limos ninyo. Okay na sa akin kahit isang libo. Tiyak kong barya lang iyon sa inyo. Sana amutan niya naman ako.

"Kawawa ka naman pala, iha. Paano na lang kung hindi kita nakita? Baka hindi lang holdap ang mangyari sa 'yo ngayong gabi. Baka ma-rape ka pa sa lagay mong 'yan. M-Maganda ka pa naman."

Na-flattered naman ako kahit papaano sa sinabi niya. Pero iba ang nais kong marinig. Iyong tulong ba. Iyong cash. I need cash!

"O-Opo nga po eh. K-Kaya malaking pasasalamat ko dahil tinulungan ninyo ako." Kaso sagarin n'yo na ang tulong. Bigyan mo ako ng cash!

"Kailangan mo pa ng tulong pinansyal, iha?"

Napalunok ako. Naalarma agad. Ito na! Ito na ang pinakahihintay ko.

"H-Hindi naman po sa pinangangalandakan ko... Pero magiging totoo lang po ako sa inyo. Opo eh. Kasi kinuha nila lahat ng mayroon na lang ako. P-Pambayad ko pa po iyon ng renta." Kunwari pa akong naluha ulit. Hindi ko akalaing magiging instant actress pala ako ngayong gabi.

"Tutulungan kita, iha," sabi ng matanda. Iyong boses niya, malumanay. Parang ama na kumakausap sa anak. Hays! Sana ikaw na lang ang napangasawang bago ng mama ko. Tiyak na magiging masagana ang buhay namin.

"P-Po?" maang ko. "N-Naku, n-nakakahiya naman po..."

"Basta't susundin mo lang ang ipagagawa ko, iha. Bibigyan kita ng pera."

Natigilan ako.

Itinigil niya ang sasakyan. Doon sa parteng madilim sa gilid ng kalsada. Pinatay niya rin ang makina. Pagkuwa'y nakita kong may dinudukot siya sa bulsa. Ang wallet niya. Naglabas siya ng mga libo at limangdaan.

Napalunok ako. Bakit parang bigla akong binundol ng kaba? Kakaiba na rin ang mga tingin niya. Hindi na pang-good samaritan, pang-manyakis na.

"Mapapasa iyo lahat ng ito kung susundin mo ang ipagagawa ko. Huwag kang mag-alala, madali lang ito. Alam kong kayang-kaya mo."

Inilapag niya sa dashboard ang pera. Doon sa tapat niya. Sa hindi ko abot maliban kung puwersahang aabutin ko talaga. Pagkuwa'y kinalikot niya ang suot niyang pantalon. Iyong butones binubuksan niya.

Saglit akong natulala. Parang natulos sa kinauupuan. Alam ko na ang ibig niyang mangyari. Sinasabi ko na!

"Unang kita ko pa lang sa 'yo, nag-init agad ako sa 'yo, iha. Pasensya na. Babayaran naman kita."

Napatili ako. Napapikit nang mariin. Buong buhay ko hindi pa ako nakakakita ng manoy. Sa matanda pa. Kinapa ko ang lock ng pinto. Bababa ako. 'Di bale nang wala akong pera at maglakad ako, basta hindi ganito. Jusko! Kay Cedrick nga hindi ako bumigay kahit anong pakiusap niya, sa matandang ito pa kaya? Buti ba kung milyon ang bayad niya. Libo lang naman!

Nakababa ako. Sobrang dilim sa parteng iyon. Walang kabahayan. Puro puno. Malapit pa sa tulay. Kung tatakbo ako at hihingi ng tulong kanino ako makakahingi? E-Eh paano kung mas worse pa rito ang maranasan ko? Paano kung magahasa talaga ako? Tapos walang bayad...

Hah! Ano ba naman itong nasa isip ko? Nasa panganib na ako pera pa rin ang hanap ko. Nagtatakbo ako. Bahala na. Bahala na si Batman. Bahala na si Lord.

Lumingon ako sa aking likuran. Nakita ko na napaandar na niyang muli ang sasakyan. Palapit sa akin. Kaso may nauna sa kaniya. May isa pa ulit kotseng parating. Lumampas sa kaniya. Tapos sa akin. Sinundan ko pa iyon ng tingin. Tumigil iyon sa gitna ng tulay.

Lord, sino na naman ito?

Kung sino ka man, bahala na. Kung manyak ka ulit, sige na! Bibigay na ako! Basta hindi matanda! Basta may bayad!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ay naku sa halio na maawa ako haha napapatawa ako ei hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status