"Laurene! Where are you?!" Minulat ko ang aking mata nang marinig ang boses ni Sheriah. Lumiwanag na ang paligid at nasa gitna pa ako ng dance floor. May mga tao rin naman ang nasa dance floor pero para akong tangang pumipikit roon.Luminga ako sa paligid at umaasang baka nandito pa siya pero ibang mga mukha na ang mga nakikita ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. "Nandito ka lang pala!" Agad na sabi ni Sheriah nang makita ako. Nangunot ang noo ko, nanaginip ba ako ng gising? Hinawakan ko ang labi ko at ramdam ko pa rin ang dampi ng labi niya. Alam kong siya iyon. "A-anong nangyayari?" Wala sa sarili kong sambit. "Buti natanong mo. May nagturn off ng breaker kanina! Hindi rin alam kung sino pero mukhang sinadya!" She explained with her voice taking on a slightly annoyed tone. "Sinadya? Pero bakit?" tanong ko. I was trying to focus, to bring myself back to the present, but my mind kept drifting back to that kiss. "Hindi ko alam pero buti na lang at naayos agad ng mga staff. Ang kas
"Nalalaman niya agad? Paano?" Tanong ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. He shrugged, "He has his ways, Miss. He's always been good at reading people, at sensing when something's off."Napaisip ako. Kung alam ni Zairon na mayroong drugs sa inumin niya, bakit niya ito ininom sa birthday party ni Justine?But a realization hit me. Sinadya niyang inumin iyon- to lure me in.I should have known in the first place. He told me that he stalked me, followed me and now he always plans something so I could talk to him again. Bakit ba hindi ko man lang iyon binabase sa mga ginagawa niya? It's hard to admit but he's obsessed with me. And now, I didn't even believe him. Kahit alam kong hindi healthy na magiging ganito siya sa akin pero naginhawaan ako. I have to apologize to him even though I don't like what he is always thinking pero kung hindi ko siya kakausapin, baka may gagawin na naman siyang hindi ko inaasahan. Suddenly, a question popped into my head. "Mordred, this is a bit personal b
Napakamot ako ng ulo dahil ring ng ring ang alarm clock. Kinapa ko ito para pahintuin ngunit nangunot lang ang noo ko dahil iba ang tunog. Hindi naman kasi ganito ang alarm clock ko, masyadong mahinhin iyon kaysa rito na parang gigibain ang utak ko. “La? Sino nagchange ng alarm clock ko?” Humikab ako at nag inat ng kamay habang napapikit pero pagbukas ko ng mata ay ibang kulay ng kurtina ang nadatnan ko. Lumalabo ang mata ko dahil hindi ko suot ang eyeglasses ko. Wait, ang contact lenses ko! Agad-agad akong tumakbo sa malapit na salamin at chineck ang mata ko. Anong– ba’t wala akong suot? Hala, hindi kaya bumaon?!Nearsighted naman ako at kaya ko pang makatingin sa malapit. Kaya ko namang maglakad ng walang suot na salamin pero nasanay lang talaga akong may suot. Dahil sa pagkataranta ko, may nasagi akong box na maliit at pagkakita no'n ay doon na rin ako naginhawaan. Ang contact lenses ko, natanggal pala pero sino naman ang nagtanggal nito sa mata ko? Sa pagkaka alam ko ay masyado
Pumasok na lamang ako pabalik sa condo niya at kaninang gutom ko ay nawala na lamang bigla. Nag o-overthink na ako. Anong ginagawa nila roon? Nag uusap lang ba sila? Naglalaro? Eh, ano namang nilalaro nila? Hindi na ako makatiis at lumabas na ng condo pero napatigil rin nang marealize na hindi ko pala alam kung saan ang condo ng Megan na iyon. Kung kapareho sila ng condo noon pa man, lagi silang magkasama?! Shit, mas lalo akong kinabahan! Pabalik balik lang ako sa labas ng pintuan at sinisilip kung saan siya tumungo kanina. Napatigil lang ako sa paglalakad nang may narinig na naman ako. “Meow.” Ang pusa kanina ay nandito na naman at nilapitan ako. Kiniskis niya pa ang ulo niya sa paanan ko. Sinamaan ko ito ng tingin at kinuha. “Hindi kita ibibigay sa owner mo kapag hindi siya mismo ang pumunta rito!” Naiinis kong sabi at dinala ang pusa sa loob. Nilagay ko lang siya sa sahig at komportable naman itong nagpagulong-gulong roon. Umupo ako at nilalaro ang pusa at hinihimas ang tiyan
Nakatulog na naman ako dahil hapon na rin kasi nang kami ay nakarating. Nagising lang ako dahil may kumatok at binuksan ito ng matandang babae na may hawak na tray ng pagkain."Magandang gabi, madam. Pinadala po ito ni Doc para sa inyong hapunan." Agad kong tinanggap iyon at nagpasalamat."Nay, nasaan po si Doc ngayon?" tanong ko habang naglalakad papunta sa maliit na mesa para doon ilagay ang tray. Pang-isang tao lang ang pagkain na dinala niya, marahil ay kumain na siya sa labas. Hindi man lang niya ako pinuntahan dito."May meeting ho ata sila ng mayor, Madam. Uuwi rin ho siya mamaya," sagot niya. Nagpasalamat ulit ako at lumabas na siya. Kahit nawalan na naman ako ng gana, kumain na lang rin ako. Hihintayin ko na lang siyang umuwi rito at humingi ng sorry sa kanya kahit paulit-ulit. Kasalanan ko ito at dapat ako ang mag-adjust.Pero paano kung may nangyari nga sa kanila ni Megan? Inis kong sinubo ang pagkain ko. Nakakainis, bakit ba hindi ko maalis sa isip ko na magkasama talaga s
"Laurenerestine! Why don't you have a seat? Breakfast is served," sabi ng isa sa mga kasama ni Zairon na isang babaeng naka puting bestida at kasama namin kahapon pagpunta rito. Sumunod ako sa kaniya papunta sa isang vacant seat. Habang naglalakad, napansin ko ang mga bata na kasama ni Zairon. They were playing happily, and Zairon was watching them with a smile on his face. Parang ibang Zairon ang nakikita ko ngayon - masayahin at malayo sa nakikita kong mukha sa tuwing naiisip ko ang nangyari. Napabuntung-hininga nalang ako ulit, he's avoiding me now. Nahihirapan na nga ako kahapon tapos papahirapan na naman niya ako ngayon. Pagkaupo ko palang, tumingin ulit siya sa akin pero blanko ang mukha niya. Magkatabi lang kami dahil sinadya kong umupo malapit sa kaniya upang makausap rin siya."Zairon, can we talk? Yung tayong dalawa lang?" He raised an eyebrow but he looked away again. "We can talk later. Let's just enjoy breakfast for now."Hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang usapan
Bumukas ang pintuan at pumasok si Zairon. He's still wearing his coat. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan ko siyang hubarin ang suot niyang coat. Hinayaan niya lang ako na nagpasaya sa akin. Ngunit agad rin siyang lumihis at lumapit sa higaan. Kinuha niya ang tuwalya sa maliit na cabinet at mukhang mag sho-shower rin siya. "K-kumain ka na ba? Nagpaluto ako kay Nanay ng specialty nila rito." Hindi siya sumagot at hindi niya man lang akong pinansin. Ngumuso ako dahil namumuo na naman ulit ang luha sa mata ko. Hindi ako sanay na ganito siya, nasasanay kasi akong siya mismo ang pumapansin sa akin. Pumasok lang siya sa banyo at iniwan akong nakatayo. Bumuntong hininga nalang ako at tumalikod. "Kasalanan mo 'yan, Laurene. Huwag kang iyakin. Masyado mo siyang nasaktan. Buang ka kasi!" Naiinis kong bulong sa sarili ko. Bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Nanay Mercide. Siya ang kausap ko kaninang umaga. Tahimik na lumapit siya sa mesa kung saan ako nakatayo lang. may hawak siyang isa
Parang nanigas siya, kaya ako na mismo ang kumalas at tiningnan siya sa mukha. Hindi man lang siya kumurap na parang nawala sa sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya?Tinapik ko ng marahan ang pisngi niya. "Anong nangyayari sayo? Para kang semento diyan." Doon na siya nagising sa ulirat at tiningnan ako. “Sino ‘yon?” Nagtaka ako. “Anong sino ‘yon?” “The voice.. the one who spoke earlier? I think I'm going deaf,” he chuckled weakly. “I'm going so crazy that I'm starting to hear things.”Pinigilan ko ang aking pagngiti at pinisil ko ang pisngi niya upang magkaharap kami. Kitang-kita ko kung paano naging malamlam ang kanyang mga mata. “Mahal kita, Zairon.. matagal na..” Lumunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. “I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi. I'm sorry kung–” Umiling siya ng umiling at hinawakan ang dalawang palad ko at hinalikan niya ang kaliwang kamay ko ng matagal. Lumabo ang mata ko dahil sa luha. Kung paano tumulo agad ang luha niya at nabasa ang palad ko. Hin