NAGULAT si Shalanie nang datnan niya ang kanyang kaibigang si Clarice sa kusina ng unit niya. Isang tambak na pagkain ang iniluto nito at inihayin sa mesa.
"Good morning, friendship," bati nito sa kan'ya.
" Good morning. Bakit ang dami mong inihandang pagkain? Anong mayro'n? May okasyon ba?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan.
"Wala naman, friendship. Gusto ko lang magluto," sagot nito at ngumiti nang malapad.
"Hindi ba dapat nagbu-beauty rest ka dahil bukas na ang flight mo pauwi ng Pilipinas."
"Friendship, sa tono ng pananalita mo parang atat ka ng paalisin ako." Sumimangot ito at waring nagtampo sa kaibigan. Nakatakda na kasi itong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon.
Inakbayan niya ito. "Hindi naman sa gano'n, friendship. Inaalala lang kita. Syempre pag-uwi mo magkikita na kayo ulit ng boyfriend mo. Dapat ay maganda ka dahil baka ipagpalit ka n'ya sa iba." Nagtawanan sila.
Matagal na rin silang magkaibigan ni Clarice. Friendship ang napili nilang maging tawagan sa isa't isa. Nagkakilala sila noong unang araw pa lang ni Shalanie dito sa Canada.
Si Clarice ang unang nakatira sa unit niyang ito. Lilipat na sana noon si Clarice ng ibang unit kaya mababakante na ito at si Shalanie ang pumalit sa kanya. Ngunit nagkatoon ng problema sa unit na lilipatan naman ni Clarice kaya nagkasama sila dito ng ilang buwan bago tuluyang lumipat ng ibang unit si Clarice.
Sa iisang company lang din sila nagtatrabaho pero mas mataas ang posisyon niya. Chief Finance Officer siya at si Clarice naman ay Marketing Manager.
Ulila na si Shalanie sa mga magulang at tanging nag-iisang nakababatang kapatid na babae na lang ang pamilya niya. Nasa Pilipinas ito at nag-aaral ng kolehiyo.
Siya ang nagtataguyod sa pag-aaral nito at mga pangangaylangan. Iyon ang dahilan kaya maaga siyang nag-mature. Gamit ang talino at kakayahan ay nagpursige siya sa buhay.
Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya, ang MWSI o Mattson's Wine and Spirit Inc.. Nagsimula lang siya bilang isang executive assistant. Kinakitaan siya ng pambihirang galing at dedekasyon sa trabaho kaya na promote siya.
Nang magkaroon naman ng pagkakataon na madistino sa ibang bansa ay hindi naman niya ito pinalagpas.
"How's work, friendship?" tanong ni Clarice sa kanya nang magsimula na siyang kumain. Mukha kasi siyang stress.
"As usual, nakakangarag. But I get to enjoy every minute of it." pagmamalaki niya rito.
"Ikaw muna ang bahala sa kumpanya natin habang wala ako," nakangising sabi ni Clarice.
"Nangangarap ka na naman. Trabahador lang tayo at kahit anong gawin natin hindi magiging sa atin ang kumpanyang iyon." Nagkatawanan sila.
"By the way, tumawag si Mr. Ruiz last night. Two PM daw ang deliberation n'yo today. Tinatanong n'ya kung handa na ba daw lahat ng importanteng documents. I told him you've been working on it overnight."
"Bakit naman sa'yo siya tumawag?"
"Baka hindi ka niya ma-contact."
"It's all done and polished." Uminom siya ng juice pagkatapos nitong kumain. Nagpaalam na rin siya sa kaibigan dahil kailangan na niyang pumasok sa opisina.
Pagsakay niya ng kotse ay tinawagan niya ang temporary assistant niya. "Daisy, gusto kong bago matapos ang linggo na ito ay maroon na akong bagong assistant. Do you hear me? Halos tatlong linggo na akong napupuyat dahil solo ko ang lahat ng trabaho. Ano bang dahilan at hangang ngayon ay wala pa ring naha-hire na assistant ko?" May awtoridad at inis ang boses niya. Kilala siya sa MWSI hindi lang dahil sa kanyang husay sa trabaho kundi pati na rin sa pagiging istrikto.
"Ang taas po kasi ng standard n'yo, Ma'am. Wala raw pong pumapasa," sagot ni Daisy sa kabilang linya.
Minasahe niya ang kanyang sintido. Sumakit kasi ang ulo niya, dahil siguro sa ilang araw na pagpupuyat at dagdagan pa ng stress. Tangka na siyang magsasalita nang muling magsalita si Daisy sa kabilang linya.
"Pero, Ma'am. Tumawag po ang CHRO Philippines kahapon, may nakuha na raw po sila at ipinadala na po nila rito. Baka po mag-report na siya ngayong araw din."
"Mabuti kung gano'n. Kapag dumating siya ngayong araw, papuntahin n'yo kaagad sa opisina ko. Kailangan ko pa rin siyang ma-interview."
"Yes, Ma'am." Ibinaba na niya ang telepono at nagmaneho patungong opisina.
Halos lahat ng empleyado ng MWSI base sa Canada ay mga pilipino. Iyon talaga ang gusto ng may-ari ng kompanya. Bukod sa opportunity iyon para sa mga pilipino ay mas madali ang magiging trabaho nila kung iisang lahi lang sila dahil mas madali silang magkakaintindihan. Mga ka-business lang nila ang mga banyaga.
PAGBukas pa lang ng elevator ay sinalubong na si Shalanie ng mga pagbati mula sa sakay niyon. Matipid na tango ang itinugon niya sa mga ito. Bihira siyang ngumiti kapag nasa trabaho. She like herself better when she was fierce and tough-looking.
Isang dekada na niyang mina-master ang pagkakaroon ng seryosong anyo. Aware naman siya sa kung ano-anong bansag sa kanya ng mga empleyado. Ipinagkikibit balikat niya lang iyon. Batid niyang walo sa sampung bulong-bulongan na nasagap niya ay siya ang pinatutungkulan.
"Good morning, Ma'am Shalanie." Si Arah ang bumati sa kanya. Ang tanging staff niya na hindi natatakot sa kanya. Hindi ito basta-basta nagpapaapekto sa kanya kahit pa gaano kapangit ang mood niya. Kaya naman kasundyo niya ito. Mabait at mapagbigay siya sa mga kasundo niya. Alam na alam iyon ni Arah.
Nginitian niya iyo nang makita ang suot nitong high heels. Siya ang nagbigay noon kay Arah, kamakailan lang. May kasama pa itong bag at wallet na lahat ay high brand.
Bigay sa kanya ni Clarice ang high heels, namali ito ng size kaya kaysa amagin sa cabenet niya ay ibigay na lang niya iyon kay Arah.
"Bagay sa iyo. New outfit as well," kumento niya habang may magandang ngiti.
"Thank you, Ma'am. Pero syempre wala pa ring tatalo sa pashion statement n'yo sa buong building na ito. Kahit na simple lang ang suot n'yo angat pa rin ang ganda n'yo," papuri naman ni Arah sa kanya na may malawak na pagkakangiti sa kanya.
Ngumiti lang ulit siya bagaman hindi sa pagmamayabang, may katotohanan naman ang mga sinabi ni Arah. Kagaya ngayon na simpleng white top at black skirt lang ang suot niya, tinernohan lang niya iyon ng white na high heels. Angat pa rin ang ganda niya. Lahat yata ng suotin niya ay bagay sa kanya.
"How do you wan't your coffee, Ma'am?" tanong ni Arah sa kanya ng tumalikod na siya.
"You know what I want, Arah. Bring it to my office." Pahabol niyang sagot habang naglalakad na papunta sa kanyang opisina.
Pagpasok niya ng kanyang opisina ay naabutan niya roon si Daisy na nag-aayos ng mga papeles sa ibabaw ng mesa niya. Hand-picked staff niya ito ngunit hindi kagaya ni Arah na nakakabiruan niya.
"Good morning, Ma'am. Nag-report na po ang magiging assisitant po ninyo. Nasa HR na po siya ngayon. Nariyan po sa table n'yo ang copy ng resume niya," kaagad nitong imporma sa kanya.
Pag-upo niya sa kanyang swivel chair ay dinampot niya ang folder na naglalaman ng resume at credentials ng magiging assistant niya. Bahagya niyang sinulyapan ang orasan na nakasabit sa opisina niya bago nagsalita.
"I want her to be here in my office at exactly ten twenty. I have some more questions for her."
"Yes, Ma'am. Anything else?"
"Check my schedule today."
"Yes, Ma'am," sabi ni Daisy bago ito tumalikod at lumabas na ng opisina.
Binuklat niya ang hawak na folder. Binasa niya ang mga nakasulat doon. Sunod ay pinakatitigan niya ang larawan na nakadikit sa resume.
Buong akala niya ay babae ang magiging bagong assistant niya. Hindi naman siya mapili sa kasarian pero kung may pagpipilian siya ay mas gusto niya ng babaeng assistant.
Moreno ang lalaking nasa larawan. Ang nakaagaw ng pansin niya ay ang mga mata nito. Bahagya siyang napangiti ng maisip niya na kahawig ito ng isang sikat na holliwood actor.
Ang lakas ng loob nitong maging executive assistant gayong Chemistry ang tinapos nito. Nagtataka siya kung bakit ito natanggap na executive assistant.
Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Magkasunod na pumasok ang HR officer at ang magiging assistant niya. Ipinakilala ito ng HR officer sa kanya.
"Have a seat, Mr. Samuel Bernales," sabi niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha. Talagang master na niya ang mukhang iyan.
"Thank you, Ma'am," sagot naman nito at kaagad na naupo sa nakapwestong upuan sa harap ng mesa niya. Ang HR officer naman ay lumabas na ng opisina.
Pinasadahan muli ni Shalanie ng tingin ang resume nito, pagkatapos ay ito naman ang pinasadahan niya ng tingin. She thought the man looked confident. Hindi nya rin akalain na matangkad ito at mas guwapo pa sa personal. Bagay dito ang business suit na suot nito.
"You are Chemistry Graduate. What do you know about your position? Do you think you are qualified?" tanong niya rito.
Tumikhim ito bago nagsalita. "I'm already hired by the HR from the Philippines, Ma'am. So, maybe I'm qualified for the position. I took several units in Business Management, Ma'am, and a short course in finance. I'm pretty sure those could help me be considered for the position." Confident nitong sagot kay Shalanie.
Ang totoo ay wala naman na talaga siyang pagpipilian. Kailangan na niya ng assistant. Totoo namang kahit hindi n'ya ito magustuhan ay wala siyang magagawa dahil hired na ito ng HR. Kung hindi naman magiging maganda ang trabaho nito ay pwede naman niyang tanggalin kagaya ng mga nauna niyang mga naging assistant.
"But you don't have a experience. I want that assistant na ako ang ia-assist at hindi siya ang aalalayan ko sa trabaho niya." Tumaas ang isang kilay ni Shalanie habang mariing nakatitig sa mga mata nito. Hindi naman niya matagalan ang tumitig dito dahil may kakaiba sa mga mata nito, na hindi mo maiiwasang titigan na kung magtatagal pa ay mahi-hipnotize ka na.
"That's why I'm here, para magkaroon na ako ng experience," sagot nito. Sarkastika naman siyang natawa sa mga sagot nito sa kanya. This man is so imposible.
"All right. Impress me then. Show me something that will flaunt your business skills. You can start now."
EIGHT MONTHS LATER"Hindi ka man lang ba kakain ng almusal, bro?" tanong ni Ethan kay Samuel habang pinagmamasdan nito ang mga kilos niya. Si Ethan ay kaibigan ni Samuel at may-ari ng bahay na tinutuluyan niya."Sa office na siguro. Bawal ma-late kundi yari ako kay Boss," sagot ni Samuel sa kaibigan habang inaayos niya ang bagong biling necktie. Pagkatapos ay nagsuot na rin siya ng sapatos at ipinasok sa loob ng briefcase ang pinagpuyatang paper works. Nang ayos na ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa sarili. Napakaguwapo talaga niya. "Alis na 'ko, bro," paalam na niya sa kaibigang si Ethan. Napakamot na lang sa ulo ang kaibigan at halata sa mukha na hindi makapaniwala sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.Matagal na silang magkaibigang dalawa dahil magkaklase sila noon sa College at palagi silang magkasama. Nagkaroon ito ng maganda opportunity sa Canada kaya doon na rin ito tumira. At noong ngang napunta si Samuel ng Canada para sa trabaho ay ito kaagad ang hin
Nakarating sa planta sina Shalanie at Samuel na hindi man lang na kumibo si Shalanie kay Samuel. Napakatahimik niya buong byahe nila. Nanatili lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at tila ba kinakabisado ang dinaraanan. Nawala na kasi siya sa mood para magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin. Kinausap lang niya si Samuel noong nasa planta na sila sa Niagara Peninsula.The Niagara Peninsula is the largest wine producing region in Canada. Naririto din ang malaking planta ng MWSI. Isang oras at dalawampung minuto ang byahe mula sa opisina nila sa Toronto.Nang makababa sila ng sasakyan ay naroroon na ang COO na si Tyron. Prenteng nakatayo ito malapit sa entrace at mukhang naghihintay na sa kanila. Nakasuksok sa magkabila nitong bulsa ang magkabila niyong kamay. Napakabilis naman ata nitong mag-drive dahil una itong dumating sa kanila kahit halos magkasabay lang naman silang umalis ng opisina nila sa Toronto.Kaagad na rin silang lumapit sa kinaroroonan ni Tyron. Ngumi
Bumaba si Shalanie ng kotse pagkatapos buksan ng driver ang pinto nito. Kasalukuyan siyang nasa parking lot. Sinipat niya ang suot na relo. Alas-tres y medya na ng hapon. Kagagaling lang niya sa isang investors meeting sa isang italian restaurant. Marami silang pinag-usapan tungkol sa kompanya at negosyo habang kumakain sila. Naging topic din siya doon. Ang tungkol sa love life niya na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan.Naging tampulan sila ng tukso ng Chief Operating Officer na si Tyron. Bagay daw sila ika ng ilang mga tsismosong investors at sumang-ayon din naman ang iba. Gustong-gusto naman iyon ni Tyron. Nakangisi ito at tuwang-tuwa ito sa usapang iyon habang siya ay naasiwa.Kahit na ayaw niya ang pinag-uusapan ay hindi naman siya maaaring magmaldita sa harap ng mga investors kahit pa gustong-gusto na niya itong gawin, pero pilit na lamang niyang nginitian ang mga ito at nanatiling tahimik tungkol sa bagay na iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos ang meeting.Naiirita
“Cleared na ang sales report na ito.”Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho ng nga ito at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime.Dahil wala na silang time pa na magluto at hindi naman din siya mahilig magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan nila. Nang dumating ang ipina-deliver ay agad din itong inihanda ni Shalanie sa kitchen at tinawag ang dalawa para kumain. Sandali lang din silang kumain at muli ng bumalik sa trabaho.Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Dahil marami naman daw epleyado na maaring mag-OT.Nagkukunwari siyang
Sanay na si Samuel sa walang puknat na interogasyon ng kanyang ina at mga auntie niya sa tuwing nakakausap niya ang mga ito. Patunay roon ang pag-e-enjoy niya sa pagkukwento sa mga ito habang salo-salo silang kumakain ng pananghalian. Ang ina niya at mga tiyahin ang nagluto ng mga pagkain kaya ganadong kumain si Samuel. “Kaidad mo lang kamo ang boss mo?”ani ng Auntie Fely niya habang sumasandok ng ulam na minudo. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina.“Opo, Auntie. Ilang araw lang din ang pagitan ng kaarawan naming dalawa. Binilhan ko nga siya ng cake noong birth day niya bilang regalo. Nagpasalamat siya pero hindi man lang ngumiti. Hindi ko tuloy alam kung natuwa ba siya o hindi,” k’wento pa ni Samuel sa mga ito. “Naku, baka hindi masarap ang cake na ibinigay mo. Baka hindi niya gusto ang flavor. Dapat ay tinanong mo kung ano ang paborito niyang flavor. Teka, ang boss mo binilhan mo ng cake pero ang mama mo hindi?” ani pa ng Auntie Fely niya. “Naku, imposibleng makalimutan ko ang
“Sir Julio, good afternoon. Narito po pala kayo,” bati ni Samuel kay Mr. Enrique nang makasalubong niya ito malapit sa elevator ng 9th floor kung saan naroon ang opisina ni Shalanie.Ngumiti ito ng makita siya.“Bakit hanggang ngayon ay Sir Julio pa rin ang tawag mo sa akin? Bakit hindi na lang Tito?” tanong nito kay Samuel. “Superior ko po kayo, parang nakakailang kung hindi ko kayo tatawaging Sir,” nahihiyang sagot niya rito.“Naku ‘tong batang ‘to. We both know that’s not the case.” Tumawa ito at mahinang tinapik siya sa braso. Ngumiti naman siya.Bigla ay naalala niya ang pagdalaw nito sa bahay na tinutuluyan niya noong nakaraan lang pagkatapos ng kaarawan ng kanyang ina. “Gusto ko po pa lang magpasalamat sa pagdalaw n’yo sa bahay noong nakaraang araw,” magiliw niyang wika.“Wala iyon. Kamusta, nakauwi na ba ng Pilipinas ang Mama mo at mga Auntie mo?”“Opo, kahapon ng umaga. Safe naman po ang naging flight nila.”“Mabuti kung ganoon.”Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Hindi k
Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraang buwan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon.Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?""Mabuti naman, hija."Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon.“Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kaila
Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Iniwan na lang ni Samuel sa parking lot ng company building ang sasakyan niya. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya.Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Kaagad silang binati nito. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito.Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi naman na niya pinagtuunan pa ng pansin iyon. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager at binalingan na siyang muli ni Shalanie.“Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna nang maglakad at umakyat sa