“So gusto ng Dad mong papasukin ko ang negosyo niyo rito sa lugar namin?” pag-uulit ni papa sa sinabi ni Fourth o Jacques. Mas maganda ang Fourth kaya iyon na lamang ang itatawag ko sa kaniya.
Marahan siyang tumango bago sumubo ng pagkain.“I see, sabihin mong ayos lang naman sa ’kin pero dapat muna kaming mag-usap ng personal. Gusto ko rin siyang makilala,” dagdag pa ni papa.“Makakarating po,” sagot naman ni Fourth.Tiningnan ko si Dani kung nagtataka rin siya gaya ko ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa kinakain. Parang walang pakialam sa pinag-uusapan ngayon.“Ilang taon ka na nga ulit, iho?” tanong ni Tita Dette.“20 po”Nalaglag ang panga ko sa sagot niya. 20? Kaya pala mas mukha siyang nakatatanda sa ’kin. 17 pa lang ako at si Dani naman ay 19. Kung ganoon, nasa kolehiyo na siya? Saan kaya siya nag-aaral?“Anong kurso ang kinuha mo?” dagdag na tanong ni Tita. Hinintay ko ang sagot niya.“Business related din po”Tumango na lamang si Tita.“Sabagay, ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng negosyo ng mga magulang mo. Itong si Danica law ang kinuha. Si Ysa naman hindi pa niya alam kung anong kukunin”Nahihiya kong ibinaling ang atensyon sa pagkain. Tiyak akong nakatingin siya ngayon sa ’kin.“She’s still young. May oras pa siyang mamili ng kukuning kurso”Kinagat ko ang ibabang labi. Parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niyang bata pa ako kahit totoo naman.“Babalik ka ba agad ng Maynila, Jacques?” tanong ni papa kaya ako nakahinga nang maluwag. Nawala kasi ang sa tingin ko ay mga matang nakatingin sa ’kin kanina.“I’ll stay for a week. Isang Linggo rin naman kaming walang pasok. Inutusan ako ni papa na maglibot at humanap ng magandang puwesto rito so I’ll take that as a chance”Isang Linggo. Kung ganoon sa Maynila siya nakatira? Kaya pala hindi ko na siya muling nakita matapos ang una naming pagkikita. Baka umuwi na siya noon.“That’s great. Sasamahan ka ni Ysa. Alam niya ang pasikot-sikot dito sa lugar namin”Muntik na akong mabulunan nang mabanggit ang pangalan ko.“P-Po?” sabay tingin ko kay papa. Bakit ako?“Wala kayong klase bukas ng hapon tama ba? Samahan mo siya bukas na maglibot”Gusto kong sabihin na may lakad kami ni Josh bukas. Binalingan ko si Fourth para man lang sana makahingi ng tulong tutal narinig niya naman ang pinag-usapan namin ni Josh kanina ngunit nagpatuloy lamang siya sa pagkain. Napabuntong hininga ako at tumango.“Sige po”Kita ko ang pag-angat konti ng labi niya sa narinig pero agad din ‘yung nawala.Matapos ang hapunan, nag-usap pa sila ni papa sa hardin habang kami naman ni Dani ay umakyat na sa kanya-kanya naming silid. Pumunta akong balkonahe at dumungaw. Seryoso ang kanilang pag-uusap. Maya-maya pa ay nagtagpo ang mga tingin namin ni Fourth. Gulat akong napaatras at nagtago. Nang dumaan ang ilang minuto, muli akong dumungaw at nakita kong wala na sila roon. Dali-dali akong lumabas at tinakbo ang hagdanan pababa. Gulat akong napahawak sa dibdib nang makasalubong ko si papa na papaakyat na.“Pa, tapos na kayong mag-usap?”Kumunot ang noo niya pero tumango na rin bilang paunang sagot.“Gusto na niyang magpahinga at gumagabi na rin kaya pinauwi ko na. Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?”“Ah eh...,” inikot ko ng tingin ang buong sala para humanap ng dahilan.“Nauuhaw ako. Gusto kong uminom muna bago matulog. Sige po. Pupunta lang muna ako sa kusina. Good night”Sinabi ko kay Josh na hindi matutuloy ang plano namin mamayang hapon. Ayos lang naman sa kaniya dahil may susunod pa naman daw. Nang matapos ang klase namin, nakita kong naghihintay na si Fourth sa labas ng school namin. Kalmado siyang nakasandal sa kotse niya at walang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao. Kita ko ang paghanga sa mga mata ng mga babaeng nakakakita sa kaniya.“Hi,” pagbati ko dahilan para mapatingin siya sa ’kin. Umalis siya mula sa pagkakasandal at inilabas ang mga kamay mula sa bulsa ng pantalon.“Hey, you done?”Tahimik akong tumango bilang sagot.Saglit na nangunot ang noo niya at sumimangot.“B-Bakit?” kinakabahan kong tanong. May nagawa ba akong mali?“Disappointed ka ba dahil hindi natuloy ang date niyo ng batang ‘yun?” malamig niyang tanong at bahagya akong inirapan.“Ha?” hindi makapaniwala kong bulalas.“H-Hindi ah! G-Gutom lang ako,” dahilan ko at tumingin sa street foods sa tabi-tabi.“Saglit lang, bibili lang ako” paalam ko at tumakbo patungo kay Manong Dante bago pa siya makaalma.“Hi, Manong. Dalawang kwek-kwek nga po. Tatlo nito, at fishball na rin”“Uy, Ysa! Tapos na ang klase niyo?” tanong ni Manong habang niluluto ang order ko.“Ah opo, half day lang po ngayon”“Ay ganoon ba? Sayang naman. Mukhang aalis agad ako rito maya-maya. Wala pala kayong klase,” malungkot niyang saad.Para namang dinurog ang puso ko sa sinabi niya. Sabagay, mas malaki nga ang kinikita nila kapag mga estudyante ang bumibili.“May night market naman po mamaya. Hindi po ba kayo magtitinda roon?”“Tiyak na maraming magtitinda mamaya, iha. Pero oo, magtitinda pa rin ako kahit na iilan lang ang bibili”“Naku, masarap naman po ang tinda niyo, e. Sigurado po akong maraming bibili sa inyo. Sa inyo nga po ako bumibili lagi ‘diba?”“Ikaw talaga. Salamat sa pagpapagaan ng loob ko, Ysa. Oh, ito na. Ikaw lang ba ang kakain nito?” sabay bigay niya sa order ko.“Ay hindi po—”“Magandang hapon, Sir. Bibili po kayo? Pili lang po”Napalingon ako sa kausap niya. Si Fourth, seryosong nakatingin sa hawak ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Kumakain ka nito? Bumili ako nang marami. ‘Lika, samahan mo akong kumain”Nagkibit-balikat siya at kinuha ang isang serve ng kwek-kwek saka nagsimulang kumain. Mas lalo pa akong napangiti.“Masarap?” tanong ko. Kita ko naman na naghihintay din si Manong sa magiging sagot niya. Tipid siyang tumango at kumain ulit.Ngiting-ngiti akong bumaling kay Manong.“See, Manong? Sabi ko sa ‘yo, e!”Tumawa kaming dalawa. Busog na busog kaming umalis doon. Ni hindi ko na nga kayang mag lunch pa. Sinabi ko naman na kakain na lang ulit kami mamaya pagkatapos maglibot.“Dito maganda rin. Maraming tao at kadalasan dito rin nagpupunta ang mga turista,” saad ko. “Ano bang klaseng negosyo ang meron kayo?”“Mall ang gustong ipatayo ni Dad dito sa lugar niyo,” aniya at lumingon-lingon.Napakagat labi ako dahil sa tingin ko hindi naman yata iyon ang sagot sa tanong ko. Pero ayos na rin. At least ngayon alam ko na kung anong pakay nila sa lugar namin.“Ah, okay. May mga mall na rito pero hindi naman ganoon kalaki. Gusto mo pang maglibot?”Tumango siya ka muli kaming pumasok sa kotse at nagmaneho paalis. Nakailang libot pa kami at kung saan-saan na kami napupunta. Wala naman siyang sinasabi sa bawat lugar na napupuntahan namin at ako lang ‘yung salita nang salita.“Gumagabi na,” sabay dungaw ko sa bintana ng sasakyan. Ilang oras na rin pala kaming naglilibot.“Gusto mo nang umuwi?” tanong niya.“May gusto pa sana akong puntahan”“Saan? I told your father na ihahatid kita pauwi”Kagat labi akong tumingin sa kaniya.“Sa night market sana”Huminga siya nang malalik at tumango.“Okay, tell me where”Nakakamangha ang mga kulay na bumabalot sa buong paligid. Kabi-kabila ang mga nagtitinda at ang mga bumibili. Ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko ba si Manong dito ngayon. Sa gitna ay may nagpe-perform na banda na pinapaligiran din ng mga manunuod. Ngayon lamang ako nakapunta rito dahil palagi kaming pinagbabawalan ni papa. Delikado raw kasi. “Doon tayo!” turo ko sa nagtitinda ng pares. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta roon. Siguro naman kumakain din siya nito. Kumain naman siya kanina, e. “Dalawang pares nga po,” saad ko.“Sige, iha. Maupo muna kayo roon,” turo niya sa mesang nakahanda. Tumango ako at hinila si Fourth papunta roon. Nauna akong umupo at tinapik ang katabi kong upuan. “Dito ka”Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Manghang-mangha kong pinapanuod ang mga tindero’t tindera sa tabi. May mga batang naglalaro, nagtatabukhan, at nagtatawanan habang nasa malapit lang ang mga nagbabantay sa kanila. “Ito na po ang order niyo” sabay lapag ng ba
Nagising ako dahil sa init na humahaplos sa balat ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na nakatulog ako sa kotse ni Fourth. Pero nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid, wala na ako sa kotse kundi nasa kuwarto na. Kuwarto ko. Ang init na naramdaman ko ay dahil sa araw na sumisilip mula sa bintana. Hinatid ako ni Fourth panigurado iyon. Siguro binuhat ako ni papa patungo rito at si Tita naman ang nagbihis sa ’kin. O ‘di kaya’y si Dani. Tumayo na ako para iligpit ang higaan at mag-ayos. Sabado ngayon. Tutulungan ko ang mga katulong sa paglilinis. Kailangan ko rin asikasuhin ang hardin sa harap at likod ng bahay. Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas ako para puntahan si Dani. Yayayain ko siyang tumulong din ngayon kung wala siyang gagawin. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro habang nakahiga sa kama niya. “Anong binabasa mo?” tanong ko at umupo sa tabi niya. “Hindi mo maiintindihan,” aniya at ngumisi.Napanguso ako dahil nabasa ko ang cover ng libro. Tungkol na naman sa
“Anong ginagawa mo rito?” pag-iwas ko ng tingin. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Simula nang makilala ko siya, ganito na lagi ang nararamdaman ko. Palagi akong kabado sa tuwing nasa malapit lang siya, sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin, at sa tuwing may lumalabas na salita sa bibig niya. Nakakamanghang pakiramdam pero may parte sa ’kin na natatakot na sa nararamdaman sa kaniya. “Binisita ko si Mang Kanor and he told me to check on you,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Ramdam ko ang tingin niya sa ginawa kong paglayo. “Ayos lang ako. Hindi na ulit ako mahuhulog huwag kang mag-alala”“That’s good. You should try to learn how to swim”Mahina akong umiling. “Gusto ko rin matuto pero masyadong maraming ginagawa si papa. Ganoon din naman si Dani. Paminsan-minsan nga lang iyon pumupuntang dagat para maligo,” paliwanag ko. Tanging si mama lang noon ang nakakasundo ko kapag dagat na pinag-uusapan. Siguro nga
Hindi na ako nagpahatid sa kaniya pauwi. Tinawagan ko na lamang si Manong para sunduin ako. Ayoko kasing baka may masabi na naman si Dani tungkol sa kaniya o ang mas malala, kapag si papa na ang nagtanong kung bakit kami magkasama. Payapa akong nagpahinga sa silid ko matapos ang hapunan. Hindi ko matanggal sa labi ko ang ngiti habang inaalala ang nangyari kanina hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, sumama ako kina Manang sa simbahan. Namalengke na rin siya habang ako naman ay pumunta sa isang grocery store dahil may gusto akong bilhin. Gusto kong kumain ng chocolates. “Ysa?” Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Hindi ako magaling sa pagtanda ng mga pangalan pero kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yung kasama ni Fourth noong iniligtas niya ako mula sa pagkakalunod. “Cavin?” nag a-alangan kong saad.Ngumiti siya at marahang hinawakan ang ulo ko. “Naalala mo,” sambit niya bago binawi ang kamay. Sumulyap siya sa hawak-hawak kong mga tsokolate at mas lalo pang ng
Lahat ay abala sa paparating kong kaarawan. Ilang araw na lang kasi ang natitira. Ginagawa na rin ang gown na gusto kong isuot. Nakapili na rin si Dani at tita Dette ng gusto nila. Matapos ang klase namin, hindi muna pinalabas ng guro namin ang lahat dahil may ia-anunsyo pa ako. Kinakabahan akong naglakad papuntang gitna at ngumiti sa kanila.“Uhm...,” lumunok ako nang malaki. Kita kong itinaas pa ni Josh ang hinlalaki niya para mapagaan ang loob ko. “Iniimbitahan ko pala kayong lahat sa birthday ko. Uh, ito...” sabay bigay ko sa mga invitation cards. Pinasa-pasa naman nila iyon sa iba. “Nariyan ang tema, lugar, at oras kung kailan magsisimula ang party”“Kaming lahat? Sigurado ka?” tanong ni Arianne. “Hindi ba magagalit si Mayor?”“Huwag kayong mag-alala, si papa mismo ang nagsabi na imbitahan ko kayong lahat”Nagsimula ang bulong-bulongan sa buong silid. “Himala ‘yun ah?”“Excited na ako. Tiyak magarbo ‘yun”“Sasabihan ko agad si mama”“Sayang, wala akong pera para bumili ng gown.
Naging usap-usapan ang gulo na iyon nang ilang araw. Inireklamo nina papa at tita Dette ang tatlo sa presinto na agad ding nahuli. Pareho nasa legal na kaya agad na kinasuhan. Wala sa sarili akong nakaupo sa higaan ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Bukas na ang kaarawan ko. Nararamdaman ko pa rin naman ang magkahalong kaba at excitement sa dibdib ko ngunit hindi lang talaga maalis sa isipan ko ang nangyari. May parte sa ’kin ang naiintindihan na ang nararamdaman ni papa. Ayaw niya sa mga hindi ka-estado dahil ang iba ay gahaman sa pera at oportunidad. Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari. Nagising na lamang ako sa Hospital noong araw ring ‘yon. May mga pasa ako sa katawan lalo na bandang leeg, braso at likuran kung saan nila ako hinawakan nang mariin para maidiin sa sahig. Ang sabi ng doctor ayos lang naman raw ako. Kailangan ko lang magpahinga. Nag-alala ako kay Josh dahil baka sinisi rin siya ni papa. Pero nabalitaan ko kay Dani na pinasalamatan pa siya ni papa sa pagdalo s
Sa muling pag-ihip ng malamig na hangin, kasabay nun ang pagtanggap ni Fourth sa nakahain kong kamay. Inilagay niya iyon sa kaniyang dibdib at kinuha ang isa para maging kapares sa isa niyang kamay. Titig na titig lamang kami sa isa’t-isa habang nagsisimula kaming gumalaw. Ang buwan ang nagsilbing liwanag namin at ang hampas ng alon at ang tunog ng pag-ihip ng hangin ang nagsisilbing musika. Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam sa dibdib kagaya ng dati sa tuwing kasama ko siya. Ang kaibahan nga lang, mas malalim ito ngayon. “Mabuti at nakapunta ka,” panimula ko.“Hindi puwedeng hindi,” mahina naman niyang sagot habang nasa akin pa rin ang tingin. Marahan niya akong iniikot at muling hinawakan sa bewang bago muling gumalaw sa pagsayaw. “Narinig ko ang nangyari. Are you okay now?” Tumango ako. “Na-trauma ako dahil sa nangyari pero ayos na naman. Uuwi ka ba ulit ng Maynila bukas?” Gusto kong makiusap na huwag muna pero magiging makasarili ako kapag ginawa ko ‘yun. Nasa Maynila siya nak
“Pagod na ako,” reklamo ni Josh matapos magawa ang plates niya at sumandal sa upuan. Mahina akong tumawa at sumulyap sa gawa niya. Maayos naman. Sa totoo nga niyan, sa tingin ko mas maayos ang pagkakagawa ng kaniya kung ikukumpara sa gawa ko. Mas malinis tingnan. Sabagay, mas magaling siya sa mga ganito. Siya nga ang nagturo sa ’kin noong nagsisimula pa lang ako. Mas madali ka siyang matuto kung ikukumpara sa ’kin. “Sana lahat tapos na,” sabay tawa ko ulit at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ngumuso naman siya at tumingin sa ’kin. “Gusto mong tulungan kita?” tanong niya na agad ko ring tinanggihan. “Kaya ko naman,” sagot ko. Sa tingin ko kasi, kung patuloy akong aasa sa kaniya, mas lalo lang akong mahihirapan. Mabait si Josh kaya lang, ayokong gamitin ang kabaitan niya sa pansariling interes.“Sabihan mo ako kapag 6 na. Kailangan ko pang maghanda para sa shooting ko mamaya” dagdag ko pa. Noong kasisimula ko pa lang sa kolehiyo, sinubukan ko ang modeling nang may mag-offer nun sa ’kin. No