Share

Kabanata 10

Sa muling pag-ihip ng malamig na hangin, kasabay nun ang pagtanggap ni Fourth sa nakahain kong kamay. Inilagay niya iyon sa kaniyang dibdib at kinuha ang isa para maging kapares sa isa niyang kamay. Titig na titig lamang kami sa isa’t-isa habang nagsisimula kaming gumalaw. Ang buwan ang nagsilbing liwanag namin at ang hampas ng alon at ang tunog ng pag-ihip ng hangin ang nagsisilbing musika.

Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam sa dibdib kagaya ng dati sa tuwing kasama ko siya. Ang kaibahan nga lang, mas malalim ito ngayon.

“Mabuti at nakapunta ka,” panimula ko.

“Hindi puwedeng hindi,” mahina naman niyang sagot habang nasa akin pa rin ang tingin. Marahan niya akong iniikot at muling hinawakan sa bewang bago muling gumalaw sa pagsayaw.

“Narinig ko ang nangyari. Are you okay now?”

Tumango ako. “Na-trauma ako dahil sa nangyari pero ayos na naman. Uuwi ka ba ulit ng Maynila bukas?” Gusto kong makiusap na huwag muna pero magiging makasarili ako kapag ginawa ko ‘yun. Nasa Maynila siya nak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status