Share

Kabanata 7

Hindi na ako nagpahatid sa kaniya pauwi. Tinawagan ko na lamang si Manong para sunduin ako. Ayoko kasing baka may masabi na naman si Dani tungkol sa kaniya o ang mas malala, kapag si papa na ang nagtanong kung bakit kami magkasama.

Payapa akong nagpahinga sa silid ko matapos ang hapunan. Hindi ko matanggal sa labi ko ang ngiti habang inaalala ang nangyari kanina hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, sumama ako kina Manang sa simbahan. Namalengke na rin siya habang ako naman ay pumunta sa isang grocery store dahil may gusto akong bilhin. Gusto kong kumain ng chocolates.

“Ysa?”

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa ’kin. Hindi ako magaling sa pagtanda ng mga pangalan pero kung hindi ako nagkakamali, siya ‘yung kasama ni Fourth noong iniligtas niya ako mula sa pagkakalunod.

“Cavin?” nag a-alangan kong saad.

Ngumiti siya at marahang hinawakan ang ulo ko. “Naalala mo,” sambit niya bago binawi ang kamay. Sumulyap siya sa hawak-hawak kong mga tsokolate at mas lalo pang ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status