Sana po ay magustuhan ninyo ang nobelang ito. At kung sakali man pong naibigan ninyo, bigyan nyo po ako ng comments, mungkahi, feedback at gems. Paki-follow nyo na rin po ako. Malaking bagay po ang suportang ibinibigay ninyo para mas lalo pa namang pagbutihin ang aming mga gawa at mabigyan kayo ng dekalidad na mga kwento. Maraming salamat po sa inyong suporta. Mahal ko kayo!
HINDI na makaya pa ni Mariz na makita ang kasiyahan sa loob ng mansion, nagmamadali na siyang umalis. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilid ang kanyang mga luha habang papauwi. Siguro ay dahil nanghihinayang siya sa mga sandaling nawala nang dahil sa nangyari sa kanya nuon. Kung hindi kaya siya na-rape, nasaan na kaya siya ngayon? May pag-asa kayang siya ang nasa katayuan ngayon ni Andrea imbes na ito? Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya. Ang daming bakit. Ang daming question marks na nakikita niya sa utak niya. Bakit nga ba hinayaan niyang nakawin ng takot ang mga pangarap niya? Kung ipinagpatuloy sana niya ang pag-aaral niya. Kung hindi sana siya nagpatangay sa agos ng alon at napilitang magpakasal kay Jay-are, baka sakaling hindi ganito ang buhay niya ngayon. Baka sakaling kagaya ni Andrea ay matagumpay na rin siya ngayon. “Kumusta ang party? Aga mo yatang umuwi?” Tanong ni Jay-are sa kanya, nakaupo ito sa c
KANINA PA HINAHANAP NG mga mata ni Gerald si Mariz ngunit bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin. “May hinahanap ka ba?” Tanong ni Andrea nang mapansin ang malilikot niyang mga mata. Pilit ang mga ngiting pinakawalan niya, “Sino naman ang hahanapin ko eh nandito ka na sa tabi ko,” sagot niya rito. Hinapit niya ito sa bewang at iginiya sa dance floor. Napatitig siya sa mukha ni Andrea. Three years na sila ni Andrea. Ang totoo, ang Lolo niya ang pumili para rito. Since may ambisyon siyang pasukin ang politika ay alam niyang tama ang kanyang abuelo, makakatulong si Andrea, career wise. Malakas ang pwersa ng ama nito na ilang beses nang nanalo bilang congressman sa kanilang distrito. May isang beses pa ngang nakalaban nito ang kanyang Uncle Romulo, ang ama ni Dexter. Tinalo nito ang Uncle Dexter niya, landslide. Marami kasi itong magagandang proyekto at malakas rin ang kabig nito sa masa. Kaya nga nang sumunod na halalan ay tumakbo
“HUWAG MO ng uulitin iyon,” Yamot na sabi ni Gerald kay Mariz nang pumasok na siya sa opisina. “Ang alin, sir?” Takang tanong niya. “Iyong bigla ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam!” Singhal nito sa kanya, “At pwede ba, tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Sir kung tayo lang ang magkaharap!” Yamot na sabi pa nito sa kanya. Tiningnan niya ito, “Sinasanay ko lang ang sarili kong tawagin kang Sir. Baka kasi matawag kita sa pangalan mo kapag kaharap si Andrea, magwala pa sakin sa selos ang babaeng iyon,” nakangusong sabi niya rito, “Saka bakit kailangan ko pang magpaalam saiyo, halata naming enjoy na enjoy ka sa party kagabi.” “Nagseselos ka?” “Anong karapatan kong magselos,” aniyang lumapit ditto at iniabot ang mga papelis na kailangan nitong pirmahan. Akmang lalabas na siya sa kuwarto nito nang mabilis siya nitong hawakan sa isang braso. Nag-angat siya ng mukha para tingnan si Gerald. “Marami pa akong kailang
“HINDI KO PINATAY SI Jay-are!” Umiiyak na sigaw ni Mariz habang pinupusasan siya ng mga pulis. Duguan ang suot niyang bestida, marami siyang galos sa katawan, magulong-magulo ang kanyang buhok at mababakas ang kalituhan sa kanyang mukha, “Maniwala naman kayo sa akin, oh. Hindi ko pinatay ang asawa ko,”nagsusumamong sabi niya, nilingon niya ang mga magulang ni Jay-are, “’Nay, Tay, alam nyong hindi ko magagawang patayin ang anak ninyo. . .” Ngunit sino nga ba ang maniniwala sa kanya na wala talaga siyang kinalaman sa pagkamatay ni Jay-are gayong natagpuan siya sa kuwarto nilang mag-asawa na duguan ang kanyang kasuotan at punong-puno ng galos ang kanyang katawan habang nakahandusay si Jay-are sa sahig at tadtad ito ng saksak ang dibdib at dead on arrival na nang dalhin sa ospital. Kung paanong nangyaring punong-puno ng dugo ang kanyang kasuotan, at napakarami niyang galos sa katawan ay hindi rin niya alam. Ang sigurado lang niya, hindi niya pinatay ang asawa ni
FLASHBACK “T-TALAGA, natanggap kang family driver ng mga Montero?” Excited na tanong ni Mariz sa asawang si Jay-are. Mag-aanim na buwan na rin kasi itong walang trabaho at talagang nahihirapan na siyang kumayod na mag-isa lalo pa at may seven years old na silang anak na kailangang buhayin. Magkano lang ba ang kinikita niya bilang sales lady ng isang shopping mall sa bayan nila? Hindi naman kasi ganito ang inaasahan niyang magiging buhay niya kay Jay-are. Mataas ang mga pangarap nito. Hindi nga ba at kung anu-anong mga ipinangako nito sa kanya nuong bago sila ikasal? Huwag nitong sabihin na utang loob niya ang pagpapakasal nito sa kanya dahil kahit na kalian ay hindi naman niya ito pinilit na panagutan ang batang dinadala niya. Boluntaryo itong nagprisinta na papakasalan siya kasabay ng pangakong bibigyan siya nito ng magandang buhay kagaya ng pinapangarap niya. Ngunit kagaya ng iba pa nitong mga pangako, hanggang salita lang ang lahat. Hind
“N-NASA PILIPINAS na si Gerald?” Napangisi si Jay-are, “Kung magsalita ka parang close kayo ah,” pabirong sabi nito sa kanya. Inirapan lamang niya ito. Ayaw niyang magpahalata na parang may mga kabayong nagsipulasan sa kanyang dibdib nang marinig ang pangalan ng lalaki. “K-kailan ka raw magsisimula sa trabaho mo?” Tanong ulit niya. “Sa Lunes. Susunduin ko raw sa airport iyong mapapangasawa ni Sir Gerald,” kwento nito sa kanya. “Mapapangasawa?” Kumunot ang nuo niya. “F-Foreigner siguro?” mapakla ang ngiting tanong niya. “Foreigner ka dyan. Hindi mo ba alam na tiga San Mateo ang girlfriend nun! At dating kaklase mo pa!” “K-Kaklase?” “Si Andrea, kaklase mo siya nung high school, di ba?” Napakurap siya. Bagsak ang kanyang mga balikat. Naalala niya si Andrea. Palagi niya itong nakakalaban sa Quiz Bee at mga beauty pageant na sinasalihan niya nuon dito sa San Mateo. Ito ang lihim niyang karibal dito sa bayan ng San Mateo. Naging konsehal sa San Mateo ang tat
NERBIYOS ANG naramdaman ni Mariz nang muli silang magkaharap ni Gerald. Sa loob ng pitong taon na hindi pagkikita, ganito pa rin ang epekto ng mga tingin nito sa kanya, waring nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang mga kalamnan. “Good afternoon, Ge. . .Sir Gerald,” bati niya dito habang nagdarasal na sana’y presentable siya sa paningin nito. Ilang beses kaya niyang sinipat ang sarili sa salamin bago niya niyakag si Jay-are na dalhin siya sa opisina nito para ipasok bilang sekretarya nito. “Sir, siya po iyong sinasabi kong asawa ko na gusto kong ipasok na sekretarya nyo. Since nagpapahanap kayo sakin ng secretary, di na ko naghanap ng iba pa, pihado namang papasa sa inyo ang asawa ko. . .” “Pwede bang iwanan mo muna kami para makilatis kong mabuti ang aplikante ko,” anitong bahagya lamang nilingon si Jay-are saka muling bumalik ang tingin sa kanya na na para bang unti-unti siya nitong hinuhubaran. “O. . .oho Sir,”
LIHIM na napangisi si Mariz, sinadya niyang papungayin ang kanyang mga mata, “Hindi naman magiging problema iyon kay Jay-are. Alam naman niyang trabaho lang ang lahat ng ito, hindi ba Sir Gerald?” Mapanukso ang tonong sabi niya, sinadya pa niyang magpakawala ng isang nakakapang-akit na ngiti sa mga labi. “Yeah, trabaho lang at pagdating sa trabaho, I am very dedicated,” sabi nitong mas lalong inilapit ang mukha sa tenga niya. Nagdulot iyon ng kakaibang tension sa kanya, nag-iinit ang kanyang buong katawan. Nalalanghap niya ang pangmayamang scent nito. Malayo sa amoy ni Jay-are na palaging babad sa araw. Napasinghap siya. Tumindig siya ng tuwid dahil parang nanghihina ang mga tuhod niya. Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya. Napangisi si Gerald nang mahalata ang tension sa mukha niya. “Huwag kang mag-uumpisa ng isang bagay na di mo kayang panindigan,” he teased. “W-Wala akong inumpisahan na hindi ko kinayang panindigan,” aniya ri