LUCKY STRIKE. Clip’s best friend as of the moment. Pikit ang mga matang kinapa niya ang sahig upang hanapin ang kahon ng sigarilyo. Nang may tamaan ang kamay ay hinanap niya ang butas ng kaha saka kumuha ng isang stick. Sa isang kamay ay hawak na niya ang lighter.
Clipper.
She remembered Monique would chainsmoke stealthily around the school premises. Ito pa ang nagagalit kapag wala siyang lighter na maiabot dito kapag nangati itong manigarilyo. She couldn’t deal with Monique’s irate attitude back then, so she started bringing extra Clipper for her.
She would sometimes join Moni
KASAMANG PUMASOK NI Clip ang mga kabarkada sa Desperados, ang go-to night spot ng San Jose del Monte, kung saan si SB na naman ang tumutugtog. Kilala si Sinatra Blue o SB dahil ito lang naman ang laging tumutugtog dito sa Despe ng hatinggabi. Kapag nakarinig na ng mala-Freddie Aguilar na tirada, awomatiko na kung sino ang nakasalang. Bubwelta pa ito ng Red Hot Chili Peppers kapag dumating na ang mga kaibigan n
SA PAGTATAPOS NG SET ni Joaquin o mas kilala sa pangalang Sinatra Blue ay sinaluhan niya ang mga kaibigang malalim na ang kwentuhan. In-order-an si Joaquin ng maiinom at pulutan. Tinanong pa kung gusto niya iyong samahan ng kanin. Tinanggihan niya iyon at nagkasya na lang muna siya sa tubig habang hinihintay ang pagkain at beer.
“SAAN KA NA NAMAN galing?” tanong ng Mommy ni Clip. Tahimik niyang isinara ang pinto ng bahay. “Tinatanong kita, hoy, Luna,” tawag nito.
“JOAQUIN, PLEASE,” tawag sa kanya ng babae, nagmamakaawang huwag niya itong iwan. Malungkot na tinitigan ni Joaquin ang babaeng nakaupo sa kama niya. Wala halos itong saplot maliban sa suot na pang-ibaba na natatakluban ng kumot. Nagbabadya na ang mga luha ng babaeng ilang beses niya pa lang nakasama. Binalaan na niya ito noon na hindi siya naghahanap ng pag-ibig. Binigay niya lahat ng rason dito u
NAKATULALA SA KAWALAN si Clip. Dalawang oras na siyang late sa unang klase niya. Nakabihis na siya’t lahat ngunit hindi niya magawang kumilos. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ipokus ang tingin sa paligid.
HINDI NA NAKAYANAN ni Clip ang kalungkutan. Nakituloy muna siya kina Monique. Hindi niya sinabi ang tunay na dahilan. Iniwan niya ito sa isiping pinayagan siyang mag-sleepover kahit na may klase kinabukasan. Hindi niya rin sinabi na nag-withdraw siya over-the-counter para hindi ito magyaya lumabas.
MONIQUE WAS FAST asleep in the car. It was just Clip and Romano. Nagpapatugtog na lang si Clip dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang small talk dito. Hindi naman talaga sila close. Si Monique ang lagi nitong kasama. At dahil alam naman niyang may gusto ito sa kanya, hindi niya ito binibigyan ng rason para lumalim ang nararamdaman nito sa kanya.
It WAS TWELVE THIRTY in the afternoon and their classmates were flooding them text messages asking where the hell they were. Ilang oras pa lang nakakatulog si Clip. Pagkatapos nilang mag-7-11 para kumain ng ice cream ay nag-check in sila sa isang motel at nag-share sa iisang kwarto na may tatlong kama.