Share

Chapter 5

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok. Habang nag bibihis ay nabigla nalang ako nang may sobrang lakas na kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nangunot ang noo't napangiwi akong tingnan ang direksyong ng pintuan ko. Hindi naman ganito kalakas kumatok ang Mama ko kaya nagtataka ang mukhang pinagbuksan ko ito.

"GOOD MORNING DANNI GIRL!" Salubong sa akin ni Austrid gamit ang malakas nito na bosses.

My face crumpled. Ano na naman kaya ang trip nitong babaeng to? I went back to my cabinet at naghanap ng panyo.

"Bat ka nandito?" Kung nandito siya para pagtripan na naman ako, ang aga niya naman masyado kung ganun.

"Dapat ba palaging may rason pag bibisitahin mo ang magandang pinsan mo?" Sabi niya. My brows furrowed.

"What do you want this Strid?" Seryosong tanong ko. I don't think that she's like that person na susulpot nalang bigla ng walang kailangan sayo. And I can't help myself not to think about kailan kaya mag ma-mature tong isang 'to? Ako sa sarili ko umaamin akong sa edad kong bente anyos ay may pagka isip bata pa talaga ako, immature ba. Hmm, late bloomer?

Bumaba ako sa kusina habang nakasunod naman siya sa akin. Kakaiba ang kilos at sobrang hinhin. I looked at her and she automatically gave me a wide smile. Nangunot muki ang noo ko, she's really up sto something.

Napapailing na naupo ako sa madalas kong inuupuan sa hapag. Umupo naman siya sa tap na upuan ko, which is actually for mama.

"Good morning Tita" she greeted mama sweetly pagkatapos ay bumalik na naman sa akin ang naasiwa niyang tingin. I grabbed for a hotdog and bite a little on it.

"I am atctually here to ask some help from you Dani girl." Awkward siya tumawa. I didn't bother to react dahil alam na alam ko na iyang mga estilo niya.

I looked at her now na parang bata na pinagdidikit ang dalawang hintuturo niya. "May photography project kasi kami, pwede ba kitang maging model? hehehe"

Natigilan ako sa pagnguya.

"No." I answered sternly. Model? Hindi nga ako mahilig mag selfie gawin pa akong model? Nasisiraan na talaga tong pinsan ko!

"Model? Ayoko nga!" Hindi nga ako marunong mag pose eh, baka gusto niyang puro peace sign lang yung kuha niya sa akin. Kung trip-trip niya lang din 'to baka ma-trip din pati grado niya.

"Sige na Dan, hindi kasi pwedeng kaklase yung model, sige na please" she said pleading na pinagdikit na both of her palms sa harapan ko.

"Sige na Dani, para magamit mo naman yung mga itinuro sayo ni Kim" segunda naman ni Mommy sa tabi.

"Oh pumayag na si Tita, sige na I know you're good in modelling wag mo kong inaano jan!" Austrid said, edi si Mommy gawin mong model.

Ayoko ng gawin yun no, well I have tried modelling pero feeling ko hindi talaga siya maganda para sa akin. Hindi ako bagay run!

"Bahala ka jan." I said finality and faced my food again.

"Pano na ako ngayon?" Malungkot niyang ani. "Paano kung hindi na ako makakagraduate? Paano nalang ang parents ko? Paano na ang asawa ko? Ang mga anak ko?" Ngumiwi ako. Ang arte ng isang 'to!

Natawa nalang si Mommy sa kabaliwan niya habang napapailing nalang ako sa kanya. Maya-maya ay bumaba na si Papa. Sinaluhan na kami sa pagkain kaya atomatikong napaupo ng maayos si Austrid. Gusto ko tuloyng matawa parang kanina lang hindi siya magkandaugagang nagpapapansin sa akin ngayon bigla nalang siyang tumahimik. Pinandilatan niya ako ng mga mata, kinagat ko ang pang-ibabang labi and tried so hard not to laugh.

She's afraid of Papa. Hindi ko alam sa kanya, okay naman si papa pero she always find him intimidating. Yes, strict si papa pero siya yung tipong strict na hindi nakakasakal . Minsan nga pumapayag nalang siyang gumala ako kahit saan pero ako lang talaga yung ayaw lumabas kaya ang naiisip tuloy ng iba ay super strict ng Papa ko kahit hindi naman talaga.

"Oh, nandito ka pala Austrid" my dad said with his usual na maawtoridad na bosses.

"Yes po Tito, nandito po ako." She answered. Humalakhak ako ng mahina.

Dad ask kung bakit ito napapunta dito at ito namang gaga kong pinsan ay nagmakaawa pa sa papa ko.

"Kasi Tito may project kami and kailangan ko po ng model. Payag po ba kayo na maging model ko si Dani? Kaso po kasi ayaw niya eh"

"Well, that depends on Dani Austrid" she pouted and shoulders' down. Maybe she's thinking now na wala na talaga siyang pag-asa.

Matapos ang kainan ay nagpaalam na kaming umalis. Sinulyapan ko ang pinsang nakabusangot, ang aga niyang pumunta rito. Malayo ang bahay nila sa amin kaya paniguradong pinaghandaan niya talagang magising ng maaga. But that doesnt changed my mind, ayokong maging model niya.

Hindi pa man kami nakakalabas ng gate ay pansin ko na ang isang lalaki mula sa labas. Nakaupo sa motor niya at halatang may hinihintay.

"Magkasama kayo?" Tanong ko kay Austrid. Nangunot ang noo niya nang makita si Kerwin sa labas. Oh! Di sila magkasama?

"What is that scumbag doing here?" I heard Austrid murmur.

I opened the gate and his sweet smile greeted me.

"Good morning" bati niya sa akin sunod naman kay Austrid nang makita niya ito sa likuran ko.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" Nanliliit ang mga matang tanong sa kanya ni Austrid.

"Ahm, ano kasi" nahihiya itong tumingin sa akin. Ah! Baka kukunin niya yung jacket? Goodthing! Na dala ko na ito ngayon actually its in my backpack. Nag paplano pa naman ako kanina sa mga sasabihin ko kung sakaling kakailanganin kong pumunta sa classroom nila. Nakakahiya naman kung ipapabigay ko lang kay Austrid eh ako yung gumamit.

"Nangliligaw kana ba dito sa pinsan ko?" Namilog ang mata ko. Nahihiya sa kung anong pinagsasabi ng pinsan ko.

"Huy! Hindi! Ano ba Austrid nakakahiya ka!" Humalakhak si Kerwin.

"Ahm hindi." He paused for a bittumingin sa akin. "Actually, gusto sana kitang tanungin kung pwede ba kita maging model? But I think model kana ni Austrid." He said and look at Austrid pagkatapos ay sa akin ulit.

"Ahm Si-sige." Sagot ko.

"Huh?" Si Kerwin.

"What?!" Si Austrid.

"Wala nang bawian yan ah! Kita nalang tayo sa school! Sige Strid!" Umalis na siya gamit ang motor niya.

"Strid!" tawag ko sa kanya. Papasok na kami sa gate ng school at nauuna na siyang maglakad.

"Wag mo 'kong kausapin."

"Pwede naman sigurong model ako ni Kerwin ta's model mo rin ako?"

Humarap siya sa akin. Nakabusangot ang mukha, naguilty tuloy ako.

"Hindi pwede! Maghahanap nalang ako ng ibang ma mo-model" sabi nito at lumiko na patungo sa department nila.

I looked at Austrid's back papasok sa engineering building kung nasaan rin ang mga archi students. Halata sa mabibigat niyang hakbang ang pagtatampo. I sighed. I know her, magtatampo lang yan ngayon pero bukas okay na yan. Marami naman siyang kakilala kaya I am sure na makakahanap din siya ng ma-i-mo-model niya.

Siguro ibibili ko nalang siya ng paborito niyang seafood na mabibili kina aling Martha yung ginataang alimango. Pampalubag loob huh?

Dumeretso na rin ako sa department namin na nasa unahan pa katabi ng library building. Pagdating ko sa classroom namin ay wala pa si Ma'am yung first subject teacher namin that day kaya binuksan ko muna yung bag ko para kunin ang earphone ko pagbukas ko ay bumungad yung supot na nilagyan ko sa jacket ni Kerwin.

Damn! Nalimutan kong ibigay 'to sa kanya 'to kanina. Pero magkikita naman siguro kami mamaya? Nagkibit balikat nalang ako't kinuha na ang earphone ko. Paano ko ba 'to isusuli sa kanya? Hindi ko alam kung friends ba kami sa f******k or sa any social accounts ko. Hindi naman ako mahilig sa mga yun at minsan lang ginagamit kaya I'm sure hindi pa kami friends nun.

I remember aboutbthe model thing. Napasapo ako sa noo. Bat nga ba ako pumayag dun? I think I was hypnotized on his smile or maybe sa earring niyang kumikinang na mas nagpagwapo sa kanya!

I sighed in disbelief. Hindi ako pumayag sa pinsan ko pero sa kanya di man lang ako nag-isip at pumayag agad. Kailangan ko nga talaga yatang bumili ng ginataang alimango mamaya.

Natapos ang unang klase ko't sa library naman na ako tumambay. Kasama ko si Kristal, isa sa mga nerd kong kaibigan.

"Anong binabasa mo ngayon?" Tanong niya sa akin nang makaupo na kami sa isa sa mga madalas naming inuupuan sa library, sa may dulong parte.

"Kakatapos ko lang sa Something Spectacular ni ate April." Sagot ko, yun yung bago kong biniling libro. Tapos ko na siyang basahin at wala na akong bagong librong pwedeng basahin.

"Nabasa ko na rin yan. Maganda! Ang sad lang ng ending." Bulong niya.

Kinuha ko na ang notes ko sa bag para makapag simula nang mag-aral. Papalapit na ang mid term namin and I have to study, I want remain my seat on the deans listers list. Its my goal na hindi mawala as deans lister hanggang sa makapag-graduate ako. Mahirap pero kakayanin!

I was in the middle of reading my notes when someone just sit with us nang walang pasabi. Nangunot ang noo ko nang makitang si Raffael iyon. I look at Kristal and saw her amused reaction, nanlalaki ang mga mata.

Inis ko siyang tiningnan. "Oh?"

"Model kana ba ni Austrid?" Mas nangunot ang noo ko sa tanong niyang ito.

"Hindi... ni Kerwin oo." Sagot ko. Is he going to ask me to be his model? Bat ba ako nilalapitan ng mga 'to? But in his case I'm sure marami siyang kakilalang maganda or maybe he has a friend na model. Sa yaman niyang yan at sa pagkamalapitin niya sa mga babae? Imposible talaga!

"Okay." Tipid niyang sagot bago tumayo at umalis.

"Okay din." Sagot ko kahit hindi niya na ito maririnig. Nagtatakang tiningnan ko ang likud niya palabas ng library.

Problema nun?

Tiningnan ko si Kris na nagpipigil tumili. Siya naman ngayon ang pinangunutan ko ng noo.

"Anyare sayo?"

"Close pala kayo ng Monreal na yun?" Kinikilig niyang tanong.

"Hindi." Sagot ko. Hindi naman talaga. Naiinis nga ako palagi run eh.

"Ows. Bat ka nilapitan? Tapos kinausap ka pa niya. Omg! Nakita mo ba? Nginitian niya ako!" Kinikilig talaga niyang sabi. Napailing nalang ako't napairap sa kawalan.

Matagal bago naka move-on si Kris kay Raffael.

"Did you know na kahit sobrang yaman nun sobrang lowkey nun? Dream ko talagang maging close sa barkada niya. Diba isa dun yung pinsan mo? Close ba kayo nun? Baka pwede tayong makipagkaibigan dun. Sama mo ako. Crush na crush ko talaga yung si Janus Raffael." Kinikilig niyang sabi kanina. Napapangiwi na nga lang ako sa everytime na pinupuri niya yung Raffael na yun.

Hindi ko alam kung tuluyan naba talagang nasira yung mata niya. Sa sobrang kapal ng eyeglass niya masasabi kong sirang sira na nga yun kaya nakikitang gwapo yung Raffael na yun eh mas gwapo pa nga si Kerwin dun eh.

Papasok ako the next day nang may tumawag sa akin. Lumingon ako sa Engineering department dahil doon ko naririnig yung tumawag sa akin.

Pagtingala ko sa second floor ay kumakaway sa akin si Tadashi. Kumaway na din sa akin ang iba nang makita nila ako, ngumiti sa akin si Austrid at kumaway na rin.

Ngumisi ako. Hindi marunong magalit ang pinsan kong iyan, may kung ano din yata sa ginataang alimango ni Aling Martha para pagbatiin kami agad. Nakita kong lumabas si Kerwin sa classroom niya nang makita ako he gestured na hinatayin siyakasi bababa siya.

Tiningnan ko ang wrist watch ko. I have 15 minutes pa naman kaya hinintay ko na siyang makababa.

"Hi." I greeted him.

"Hey. Ahm pwede ko bang makuha yung number mo? So that I can contact younkapag mag s-shoot na tayo?" Napakamot siya sa batok halatang nahihiya.

Kinuha ko ang phone niya at tinipa ang number ko sa phone niya. He dialed it kaya nag ring ang phone ko, inend niya naman agad yun para ma save ko.

"Kinuha mo nalang sana kay Austrid yung number ko."

"Mas maganda kasi yung sayo ko personal na kunin kasi ako naman yung may kailangan sayo." Ngumiti siya.

I checked my wrist watch at five minutes nalang ay mag s-start na ang klase namin kaya nagpaalam na muna akong aalis na.

Kumaway ako sa kanya at sa mga kaibigan niyang nasa second floor ng building nila. Nakita ko si Raffael na sobrang seroso ang tingin sa akin.

My brow furrowed on him at hindi nalang siya pinansin. Weird human being.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status