Share

Chapter 17

 “Oh? Anlaki ng ngiti mo ah?” tanong ni Austrid nang bumisita ito sa bahay ng maaga bago tumungo sa pinag i-instran nito.

Alam ko na kung anong ginagawa ng babaeng ‘to rito.

Lumabas si Mommy mula sa kusina bitbit ang mga ulam na niluto nito.

“Yes! Ahhh, ang bango!” napailing-iling na lang ako. Mas masarap iyong sine-serve sa kanila na ulam pero mas pinili niyang dito kumain.

“Omo! Tuyo! The best ka talaga Tita,” ani niya kay Mommy at kinindatan pa ito.

“Alam kong paborito mo ‘yan eh.” Sabi naman ni Mommy at natawa na lang kay Austrid dahil nilantakan agad nito ang mga niluto niya.

“San na naman ba pumunta ang Mommy at Daddy mo, Austrid?” si Papa nang pumasok galling sa sala.

“Ah, Tito good morning po. Pumunta po silang Sydney po.”

“Sydney? Ang layo niyon ah.” Ani ko.

“May business trip sila.” Sabi niya, kaya alam ko na kung bakit dito siya kumain dahil wala siyang kasamang kumain doon sa bahay nila.

“Pansin ko lang, bat parang ang blooming mo ngayon?” tanong ni Austrid nang nasa loob na kami ng sasakyan nila. Sa kanila na ako sumabay kasi kung sasabay ako kay Papa, ang aga-aga ko na naman. Wala pang tao sa school ngayon.

Ngumiti ako. Sobrang ganda ng umaga ko lalo na dahil pag gising na pagising ko, ang bosses agad ni Kerwin ang narinig ko. Tsaka, sabi niya mag d-date daw kami mamaya! Kinikilig ako kasi kung sakali man ay it’ll be our first date as mag jowa.

“Hala! Ganiyan ba ang ngiting inlove?” sinundot-sundot nito ang tigiliran ko.

“Pinagsasabi mo?” I said trying not to laugh. Hindi ko alam pero gusto ko munang itago na kami na ni Kerwin.

“Yiee, balita ko nag date kayo ni Raffael niyong nakaraang araw ah?” ani niya na nagpalingon agad sa akins a kaniya.

Nangunot ang noo ko. May nakakita kaya sa amin? “Sino may sabi?” napabuga ako ng hangin. Sinong hindi makakakita sa ami eh, ang laking lalaki ni Raffael? Halos pinagtitinginan pa nga ata siya ron kesa kay Zelo eh. Kinakabahan tuloy ako, baka umabot ito kay Kristal. Paniguradong hindi lang iyon magtatampo, baka magalit din iyon. Baka anong sabihin niya. Napakagat ako sa pang ibabang labi.

“So, totoo nga?” tanong niya

“Hindi ah!”

“Eh ano to?” pakita niya sa isang litrato ng dalawang taong nakatalikod pero pamilyar na pamilyar sa akin iyon dahil ako mismo iyong babaeng naroon at halata ring si Raffael iyong lalaki dahil naka side view kaunti ang mukha nito na nakatingin sa akin.

Napahilot ako sa sentido. “Hindi kami nag date, okay?”

“So, anong tawag mo riyan? Date ng mga magkaaway? Pwede ba iyon?” umayos siya ng upo.

“Pero infairness bagay kayo, Dan.” Sabi niya na nagpa-irap sa akin.

“Sinamahan niya lang ako niyan.”

“Tsarr! Close nap ala kayo?” sinamaan ko siya ng tingin.

“Iyan iyong ibinigay niya sa akin nong nasa inyo kami.”

“Ah, ito ba iyon?” tumango ako.

“Kala ko cash iyong binigay sayo. Nakasobre eh.”

“Hindi.”

Napabuga siya ng hangin na para bang na dismaya sa narinig niya mula sa akin. “Akala ko pa naman… hays. Ang hina talaga ng lalaking iyon.

“Hah?”

“Wala. Nandito nap ala tayo,”

Gusto niya pa sanang magtanong kaso nakarating na kami sa tapat ng state college kaya bumaba na agad ako at nagpaalam.

Napalunok ako ng laway as I enter our school. Hindi dapat ako kinakabahan kasi wala naman akong ginagawang mali. But hindi ko din naman masisisi si Kristal kung magagalit siya sa akin pero kasi, wala naman kasi kaming ginawa ni Raffael na masama. Sinamahan niya lang ako. I sighed. Dapat hindi ko na lang tinanggap iyong offer niya. Napakamot ako sa aking ulo.

Dapat inisip koi yon bago ko tinanggap iyong offer ni Raffael. Nasilaw kasi ako sa ticket na pa-offer niya eh! Parang gusto ko tuloy umiyak. Ayaw ko ng may kasamaan ako ng loob! Hindi ko alam kung anong gagawin ko!

Maybe I will just talk to Kristal later. Dapat pala nag disguise ako niyong book signing event! Ugh! Naiinis ako sa katangahan ko!

 I took a deep breath and continued to walk.

Humina lamang ang paglalakad ko nang dumaan ako sa building ng mga engineering students. Simula nang maging malapit ako sa mga kaibigan ni Austrid, ay hindi ko magawang hindi mapasulyap sa ikatlong palapag kung saan ko sila madalas na nakikita noon. 

I sighed as I saw no one in there. Sobrang tahimik at ni isang pamilyar na mukha ay wala akong nakita roon. Ang tahimik, malayo sa itsura niyong naroon ang mga seniors, napaka chaotic. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng institute namin. Aakyat na sana nang hagdanan nang may biglang humila sa kamay ko ng marahas.

“Aray!” impit ko sa sakit at kaba nang muntik pa akong matapilok at mahulog sa hagdanan dahil sa paghila ng kung sino man sa akin. Dahil sa biglang pag sigaw ko niyon ay napalingon sa gawi namin ang iilang estudyante sa class ng Science major.

I almost broke my ankle! “Hinay-hinay naman Kristal,” inis na sabi ko sa kaniya. I get that she’s mad, hurt or jealous pero wala namang sakitan. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan.

“Pwede mo naman akong kausapin ng maayos, Kris.” Ani ko.

Hindi siya nagsalita bagaman ay inirapan niya lamang ako. Ramdam ko iyong galit niya sa bawat salitang pinapakawalan niya.

“Alam ko nagtatampo ka-“

“Hindi ako nagtatampo Daniella. Galit ako. Akala ko ba ay kaibigan kita? Bakt parang tinatraydor mo ako?” She pasued and looked at me intently. “Kaya pala hindi mo sinabi kung kanino galing iyong ticket because it was from Raffael!” she smirked. “Sinuggest mo pa na lumapit ako sa kaniya ha? Hindi mon a lang sinabi na nanggaling iyon sa kaniya.” She said na ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang binitawan. I also heard the gasps of the people na nakakarinig sa amin.

“Kris, tama na. Sa classroom na tayo mag-usap.” I said at hinawakan siya sa siko pero inilayo niya iyon sa akin.

“No, hindi ako makikipag-usap sa mga traydor na tulad mo!” she said that made me stopped for a while dahil sa gulat. Paano siya nakakapagsalita ng ganiyan towards me? Hindi niya man lang ba pakikinggan iyon part ko?

 “Alam mong may gusto ako kay Raffael, Dani. Akala ko tunay kang kaibigan, hindi pala.” Sabi niya pagkatapos ay sinadya niyang banggain ako sa balikat bago umakyat nang hagdanan patungo sa second floor. Napakagat na lang ako sa labi dahil sa hiya. Ang daming nakatingin sa amin. Nagmumukha akong masama sa mga mata nila. Tuloy ay parang pinagsisihan kong naramdaman ko iyong sobrang saya dahil nakita ko iyong iniidolo ko.

Buong oras sa klase ay wala akong imik. Krital’s words keep on coming back again on my mind. Hindi ko nagustuhan iyong mga sinabi niya but still, gusto ko pa rin siyang makausap para sabihin sa kaniyang wala akong ginagawa.

Napabuga ako ng hangin and looked around. Some of my classmates are tooking a glimpse of me. I-pu-pusta ko lahat ng mga libro ko, ako ang pinag-uusapan nila.

Ilan sa kanila ay hindi na nga nakapagpigil pa at lumapit na sa akin. Katulad na lang ng presidente ng klase namin.

“Dan,” tawag niya sa akin.

“Uy, Jing.” Sagot ko’t umayos sa pagkakaupo. Kung minamalas ka nga naman. Wala akong dalang libro kaya wala akong magawa that will keep me busy.

“Totoo ba yung narinig naming?”

“Ang ano Jing?” tanong ko kahit may ideya naman na ako sa ibig niyang sabihin.

Lumapit din sa amin ang iilan pa naming mga kaklase para maki-usyoso. Sa subject na ito ay hindi namin kaklase si Kristal kaya hindi na nag atubili pang lumapit sa akin si Jingol. Kanina, mag kaklase kami ni Kristal at napaka-awkward para sa akin sobra, dahil halatang pinaparinggan niya ako kanina. Wala naman akong magawa dahil totoong ako naman talaga iyong nasa picture at magkasama talaga kami ni Raffael. At iyon ang mali ko. Hindi ko muna inisip that may isang Kristal na masasaktan.

Napabuga ako ng hangin. Nagtanong muli si Jingle at sa pagkakataong ito ay kompleto na iyong tanong niya. Tinatanong niya kung totoo bang nagsagutan kami kanina ni Kristal sa baba at kung totoong magkasama talaga kami ni Raffael.

Tumango ako. “Ang swerte mo naman,” ani niya na nagpakunot sa noo ko.

“Ano ka ba,” pinalo niya ako ng mahina sa braso. “Hindi mo kailangang umarte na parang hindi ka nag enjoy na nakasama mo ang isang Monreal. Ano ka ba? Ang dami kayang may gustong mapalapit lang ron. Kahit nga ang makatabi lang iyon ng kahit ilang segundo lang parang ang laking bagay na. Tapos ikaw? Ikaw na sinamahan at tinabihan i-de-deny lang iyon? Kung ako ikaw? Ikakalat ko talaga iyon sa buong skwelahan.” Sabi niya.

“Kamusta naman siyang humalik bah? Totoo bang magaling?” sunod na tanong ng isa naming kaklase na hindi ko kilala dahil hindi ko naman ito nakakausap.

“Hah?” tanong ko? Bakit may halikan na ang tanong nila?

“Nakuh! I-de-deny mo rin ba yun? Alam kaya ng lahat na hindi pinapakawalan ng isang Raffael Monreal ang nakakasama niyang mga babae without kissing them,” sabi nito na parang ini-imagine pa sa isipan si Raffael na may kahalikang babae. Gross.

“We didn’t kiss. Tsaka, hindi ako isa sa mga babae niya. Okay? Magkaibigan lang kami.” Sabi ko.

“Talaga ba?” hindi naniniwalang tanong ni Jingol sa harapan ko.

“Hindi ako naniniwala. Iba talaga iyong tinginan niya sayo eh, parang may something.”

“Anong may something?” tanong ko dahil isa lang naman iyong nakita kong picture naming dalawa na kumalat.

“Iyong tinginan niya sayo, apakalagkit girl!” sabi nito.

Napangiwi ako. “Magkaibigan lang kami ni Raffael. Tsaka sinamahan niya lang ako sa book signing na iyon kasi may utang siya sa akin.”

“Paano naman nagkautang sayo si Raffael?” sarkastika ang tonong sali ni Kristal sa usapan namin.

Pasimpleng napatabon sa kaniyang bibig si Jingol at tumayo ng hinay-hinay na tumayo mula sa kinauupuan niya.

“He called me the last night. He was drunk. Wala siyang kasama. He can’t reach everyone, si Austrid, mga kaibigan niya at kahit ikaw. Hindi niya kayo matawagan. That’s when he called me.” Tumaas ang isang kilay niya. Hindi ko alam na ganito pala siya kung magselos. I have seen her mad before at alam kong grabe siya kamaldita kung magalit but I never imagined na isa ako sa mga makakadanas niyon.

Tahimik lamang ang mga kaklase namin na nakikinig sa pinag-uusapan naming ni Kristal. I felt bothered and awkward kasi ayaw kong makuha namin ang atensiyon nila pero wala akong magagawa dahil nasa amin na halos lahat ng atensiyon ng mga kaklase naming.

“I did not receive any call from him.” Kunot noong ani niya.

I shrugged. Basta iyon ang totoo. “That’s why he bought me a ticket na hindi ko alam kung saan niya binili.” I looked straightly at Kristal. Hindi ko sinabi sa iyo that the ticket was from Raffael kasi alam kong magtatampo ka.

“Alam mo naman pala, bakit mo tinanggap?”

“Kasi mas lumamang iyong pagiging fan ko kaya I am sorry if kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko, pero that was really nothing. Wala nang ibang meaning iyon. Sinamahan lang ako ni Raffael kasi he was thankful dahil tinulungan ko siya.”

“At bakit ko naman paniniwalaan yan?” sabi niya na hindi ako agad nakapagsalita pabalik.

Binasa ko ang pang ibabang labi ko ng laway. “Be-because I am your friend.”          Hindi ko na pinansin pa ang mga tinginan ng ibang tao sa paligid naming. “Atsaka, you really don’t have to be jealous sa aming dalawa ni Raffael cause I already have a boyfriend.” Sabi ko na unti-unting nagpalaki sa mga mata niya.

“Talaga?!” Mahina akong tumango.

“Hindi nga?” tanong niya muli, kapag ganoon alam kong gumagaan na ang loob niya.

“Oo nga,” sabi ko at ako na mismo ang lumapit sa kaniya natatawa, inakbayan ko siya ng hindi siya pumapalag kaya napangiwi ang mga kasama naming sa silid na iyon.

“Iyon na ‘yon?” tanong ni Jingol na nakangiwi pa rin ang mukha.

Tumango ako.

“Ano ba 'yan, hindi man lang ka entertaining-entertaining.” Sabi nito at bumalik na sa kinauupuan nila.

Tinawanan naming dalawa ni Kristal iyon at humingi ng tawad sa isa’t isa. Para kaming mga tanga dalawa dun. Pinagsabihan ko siya na kung magagalit siya sa akin wag niya akong hihilahin lalo na kapag kapag nasa hagdanan kami at okay lang kung nasa ground o hallway kami. Ang sinagot ng gaga?

“Noted but dezerv.” Gusto kong maiyak. Parang may plano pa siyang hilahin ako with matching sama ng loob.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status