Share

[SIMON] Part7.14: Chapter14

NAPATINGIN si Simon sa labas nang wala pa rin tigil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Muli niyang binalingan ang Laboratory kung saan lumalaki na ang apoy sa loob. Walang pakialam na naglakad siya paakyat sa ikatlong palapag kung saan doon niya itinuro kina Raymond at Bashie na magpunta. Ilan saglit pa nakasalubong niya ang dalawa na balak bumaba ng mga ito. Halata sa mga itsura nito ang pagpapanic.

"Simon..." Gulat na banggit ni Bashie sa pangalan niya. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa kung kaya't 'di niya maiwasan magtaka.

"Delikado tayo dito. Kailangan na natin umalis!" Natatarantang sambit ni Raymond.

"A-Anong nangyari?" Kuryos niyang tanong.

Malalim na humugot ng hininga si Raymond. "Tumawag ng pulis si Cathy, at tayo ang pinagbibintangan!" Pahayag nito.

"Nasa music room sila mabuti na lang hindi nila kami nakita ni Raymond!" Tukoy ni Bashie kina Gray at Cathy.

Sa mga sandaling iyon ay natigilan siya, naningkit pa ang kanyang mga mata habang nag-iisip siya ng ideya kung
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status