Share

[FACKLY] Part9.17: Chapter17: Dormitory

MAGHAPON hindi nakita ni Yrannie ang kaibigan na si Wilma. Hindi niya maiwasan magtaka kung bakit absent ito sa klase. Pati na rin ang mga kasamahan nito sa domitoryo ay 'di niya rin nakita. Kilala niya ang mga kasamahan ng Wilma sa dormitoryo nang minsan na siyang ipinakilala ni Wilma. Malalim siyang bumuntonghininga nang matapos ang huling klase, agad niyang niligpit ang kanyang mga gamit saka siya nagtungo sa kanilang club room.

Pagdating niya roon ay bigo siya nang walang anino ni Wilma nang madatnan niya. Sinubukan niyang tawagan ngunit 'di nito sinasagot kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba sa tuwing naghihinala siya na baka may masamang nangyaring sa mga kaibigan niya. Biglang bumukas ang pinto, iniluwal niyon sina Mark at Aries.

"Hindi niyo ba nakita si Wilma?" Bungad na turan niya sa dalawa. Tanging pag-iling ang natanggap niya sa dalawa. "Kanina ko pa siya tinatawagan 'di niya sinasagot." Nag-aalala niyang dugtong.

"Baka naman nagkasakit siya o baka may ibang
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status